Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

I'm sitting here in the front seat of Gab's car while he's busy putting our bags, containing clothes and other things, in the trunk.

Pinagmasdan ko siya habang papasok siya sa driver's seat at nang makaupo na siya ay nilingon niya ako. "Wala ka na bang naiwan?"

Umiling na lang ako bilang tugon.

"Ok, let's go then." He turned on the engine and started driving.

"Are you excited?" sabi niya.

I beamed and nodded several times. "Yes! This is my first time!"

"Really? I'll make sure that this camping trip would be great for you."

"Thanks, Gab. But I want you to have fun too. You don't have to think of me that much."

Lumingon naman siya sa'kin saglit. "Don't worry, I'll have fun with you." He gave me a wink that made me chuckle.

After 15 minutes we arrived at the gate of our school. There are three buses waiting and some of the students are already inside.

Iniwan na namin ni Gab ang sasakyan sa loob ng school at iginaya na kami ng ilang guro papasok sa isang bus.

We waited for the other students to come, then the two hours travel to Mt. Carolina started.

Nang makarating na kami sa paanan ng bundok ay isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan dala ang mga gamit namin.

Isang malaking bag lang naman ang dala ko kaya hindi naman ako nahihirapan.

"Students, lahat tayo ay maglalakad paakyat sa bundok na yan. The camping area will be a 40-minute walk from here, so just stay close to other students and be alert." 

We all nodded to our teacher as a response.

Nagsimula na kaming maglakad at sa bukana pa lang ng bundok ay medyo magubat na.

Nasa kaliwa ko lang naman si Gab kaya hindi naman ako mapapahamak. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa malapit sina Jane at Drake na parehong tahimik na naglalakad.

"Jane!" 

Napalingon siya sa banda ko at nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita kami. Hinila niya palapit sa'min si Drake. 

"Hi," masiglang bati ni Drake nang makalapit. Pumwesto siya sa kanan ko kaya napagitnaan ako ng dalawang lalaki habang si Jane naman ay nasa tabi pa rin ni Drake.

"Hello," I replied with a smile then we walked in silence altogether. Wala ako sa mood makipagdaldalan dahil mas gusto kong pagmasdan at pakiramdaman ang paligid. Mukhang ganun din naman ang tatlong kasama ko. 

Habang naglalakad ay napapansin ko ang pagsulyap ni Drake paminsan-minsan pero isinasawalang bahala ko na lamang ito. He has been courting me for two weeks now. Hindi naman siya katulad ng ibang manliligaw na kung makaasta ay parang boyfriend na rin. He knows his limits. Parang normal lang naman ang lahat minus the fact na lagi niya akong inihahatid-sundo at madalas niya din akong bigyan ng flowers and chocolates. Sinasabayan niya din ako 'pag nag-aaral ako. Buti na lang hindi na nangingialam si Gab.

"Nakita niyo ba si Jake tapos 'yung dalawa pa?" Hindi ko pa kasi sila napapansin mula kanina.

"Hindi nga eh. Baka hindi sumama?" sabi ni Jane.

"Sumama 'yong tatlong yun. Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi," sabi naman ni Drake.

Nagdere-deretso na lang kami sa paglalakad habang umiiwas sa mga puno at iba pang halaman.

Bukod sa ingay ng mga estudyante ay marami ring tunog ng hayop ang maririnig. Lumilikha din ng ingay ang mga tuyong dahon at maliliit na kahoy o sanga-sanga na naaapakan namin.

Habang nagtatagal ay medyo napapagod na ako at nananakit na rin ang mga paa ko pero nagpatuloy pa rin ako.

Approximately 10 minutes after, my pace slowed down. Pumapatak na rin ang ilang butil ng pawis mula sa aking ulo pababa.

I felt someone touch my left arm and when I looked, I saw Gab looking worriedly. "Kaya pa ba?" 

"Yup, medyo napapagod lang saka nauuhaw na rin ako."

Tumigil muna ako sa paglalakad at ganun din ang tatlo na ramdam ko ang tingin sa akin.

Binuksan ko ang aking bag  upang hanapin ang tumbler ko.

"Here's some water/ Tubig oh."

Napatingin ako sa dalawang bottled water na nakalahad sa akin.

Nagkatinginan pa si Drake at Gab kaya kinuha ko na lang ang tubig ko sa bag at ipinakita sa kanilang dalawa.

"Thanks, but I have my own." I smiled even if it's a bit awkward just to ease the tension.

Nagkasamaan pa silang dalawa ng tingin habang si Jane naman ay pangiti-ngiti lang.

Hindi ko na sila inintindi at uminom na lang ako ng tubig. Pagkatapos ay naglakad na ulit kami at humabol sa mga nauuna sa amin. Sa tantiya ko ay malayo-layo na rin ang nalakad namin.

"Alex/Dri."

I looked at Drake and Gab alternately with raised eyebrows.

"You want a piggyback ride?/ Let me carry your bag." Imbes na sa akin ay sa isa't isa sila nakatingin na waring nagtatagisan.

Masakit na talaga ang mga paa ko pero ayaw ko namang magpabuhat kay Gab at magpadala ng bag kay Drake.

"Hindi naman na kailangan tutal malapit na tayo," tanggi ko sa dalawa na sabay nilang ikinatingin sa akin.

Bigla namang sumingit si Jane sa pagitan namin ni Drake at hinaplos ang buhok ko. "Ang haba talaga ng buhok mo girl."

Napailing na lang ako sa sinabi niya at dumeretso ng tingin.

Pagkalipas ng ilan pang minuto ay isang malawak na espasyo ang tinigilan namin at nagipon-ipon kaming lahat as instructed by the teachers.

Dalawa lang naman silang kasama namin ngayon. Mr. Guzman, our adviser and Mrs. Hidalgo, our MAPEH teacher.

"We will stay in this area during our three days camping. We expect all of you to participate, be responsible, and have fun," sabi ni Ma'am.

"For now, let's assemble the tents para may mapaglagyan tayo ng mga kaniya-kaniya nating gamit. And you can also eat your lunch if you haven't eaten yet." dugtong ni Sir.

Ipinamigay sa amin nina Sir ang mga tent na pagmamay-ari ng school. Ipinabitbit ang mga iyon kanina sa ilang mga students na lalaki.

Share kami ni Jane sa isang tent dahil dalawa daw ang gagamit kada isa, kaso parehas kaming hindi marunong kaya nakatunganga lang kami habang ang iba ay nagsisimula na sa paga-assemble.

"Ayos lang ba kayo?" Tiningnan kami ni Sir Guzman kaya bumati naman kami ni Jane.

"Yes, Sir. Hindi lang po kasi kami marunong magtayo ng tent."

"Do you need my help?"

Umiling naman si Jane kay Sir.

"Huwag na po Sir. Kaya na po naming gumawa ng paraan," sabi ni Jane.

"Are you sure?"

Sabay pa kaming tumango ni Jane para hindi na maabala pa si Sir.

"Sir, ako na pong tutulong sa kanila." Biglang sulpot ni Drake sa tabi ko.

"I'll help too," saad ni Gab na kalalapit lang rin.

"Very well then. Hurry up so we can all rest for a while." Umalis na si Sir sa harap namin at tiningnan din ang ginagawa ng ibang students.

Binalingan ko naman ang dalawang lalaki. "Tapos na kayo sa pagkain at paggawa ng tent niyo?"

"Yup/Yes," sabay nilang tugon.

"Akin na to." Hinawakan ni Drake ang malaking bag na naglalaman ng parts ng tent na nasa lapag.

Nakasabay niya din sa pagdampot si Gab kaya maya-maya ay pinag-agawan nila ang bag.

"Let me," asik ni Gab.

"No. Ako na," sabi naman ni Drake.

"Alam niyo, magtulong na lang kaya kayong dalawa para may matapos tayo noh?" singit ni Jane sa usapan.

"Tsk." Padarag na hinablot ni Gab kay Drake ang bag.

Pasimple pa rin silang nagtatalo pero nagtulungan naman sila sa paggawa. Tumulong din naman kami ni Jane kahit kaunti at habang gumagawa ay pinag-aralan din namin kung paano siya itayo.

Nagpasalamat kami sa dalawa pagkatapos. Ipinasok namin ni Jane ang mga bag namin sa loob at naglatag na kami ng pwedeng higaan para hindi na mag-ayos pa mamaya. Kumain na rin kami dahil kanina pa kami gutom.

Nang maging maayos na lahat, pinayagan kaming magliwaliw muna sa paligid para daw maging familiar kami sa lugar. Binilinan lang kami na huwag masyadong lumayo.

Habang naglalakad ako at tumitingintingin sa paligid ay nakabuntot na naman sina Drake at Gab.

Ewan ko ba diyan sa dalawa. Laging magkagalit pero gusto naman parehas na nakasunod sa'kin. Si Jane naman kasi hindi sumama dahil hahanapin niya raw sina Chris.

Kahit naman medyo naiinis na ako sa dalawang 'to ay pinagtiyatiyagaan ko na lang tutal kaibigan ko naman sila pareho.

Tahimik lang naman sila sa likod pero minsan nahuhuli kong nagtititigan ng masama. Kung nakamamatay lang talaga ang masamang tingin ay matagal na silang pinaglamayan.

Nag-focus na lang ako sa iba't ibang uri ng mga halaman. Buti na lang hindi kalbo ang bundok na ito. Hindi katulad ng ibang bundok na wala na halos mga puno.

Nang magsawa na ay tumingala naman ako sa langit. Tinakpan ko ng kaliwang kamay ang itaas ng aking mukha dahil nakakasilaw ang sikat ng araw. Mukhang walang namamaril ng mga ibon dito dahil ang dami kong nakikita. Hindi ko nga lang alam kung ano-anong tawag.

Ang mga iyon pa lang naman ang nakikita kong hayop dito. Buti na lang wala pang aha-------- "Ahhhhhhhhhh!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro