Chapter 14
"Alex, can I borrow your science book?" tanong ni Drake habang naglalakad kaming tatlo ni Jane papunta sa Cafeteria.
"Mamaya na lang," sabi ko at medyo binilisan ko ang paglalakad.
"Ngayon na please," pangungulit pa rin ni Drake.
"Mamaya na nga!" inis na sabi ko.
"Yung sa'kin na lang ang hiramin mo Drake," rinig kong sabi ni Jane.
"Huwag na!" Nilagpasan niya kaming dalawa ni Jane at nauna na siyang maglakad nang hindi man lang kami iniintay.
"Bakit mo naman sinungitan yung tao bes? Ayan nagalit tuloy," sabi ni Jane sa'kin.
Pano ba naman kasing hindi ako maiinis kung palagi na lang siyang nangungulit kahihiram at kahihingi ng kung ano-ano sa'kin this morning.
"Alex, pwede pahiram ng ballpen?"
Ibinigay ko agad kay Drake ang extra ballpen ko at itinuloy ang paggawa ng activity na ang hirap sagutan.
Kinulbit ako ni Drake kaya nilingon ko ulit siya.
"Pahiram ng notes mo."
Iniabot ko sa kaniya ang notebook ko.
Hindi pa ako nakakasulat ng kinulbit ulit ako ni Drake.
Inis na tiningnan ko siya at naghintay ng sasabihin niya. "What?"
"May gunting ka?" sabi niya.
"Wala," sabi ko at nagsulat na ulit.
"Alex."
Hindi ko na pinansin si Drake dahil medyo umiinit na talaga ang ulo ko sa kaniya.
"Psst." Binato niya ako ng binilot na papel sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba?!" pagalit na sabi ko pero medyo mahina kasi baka marinig kami ni Ma'am.
Mukhang nahalata naman niya na naiinis na ako kaya medyo nag-alangan siya sa pagsasalita.
"Ah...H--headset, meron ka?"
"Pati ba naman headset hinihiram mo. Kailangan mo ba talaga o nangungulit ka lang?!" Hindi ko na napigilan ang inis ko dahil maya't maya na siya nanggulo.
"Sorry," mahinang sabi niya at tumahimik na lang sa upuan niya.
Bumalik na lang ako sa pagsagot ng activity na hindi ko matapos-tapos nang dahil kay Drake.
Nang makarating kami sa Caf. ay tinawag agad kami ni Kent at pinapunta sa pwesto nilang mga lalaki. Kasama na nila si Drake.
"Nag-order na kayo?" tanong ko sa kanila.
Tumingin silang lahat sa'kin except kay Drake.
"Hindi pa," sagot ni Jake.
"Let's go. My treat!" sabi ni Drake na ikinataka namin.
"Bakit ka naman manlilibre bro?" tanong ni Kent.
"It's my birthday." Nakangiting sabi niya.
"What?!/Birthday mo?!" sabay-sabay na sabi namin kaya napatingin sa'min ang ibang estudyante.
"Yup," simpleng tugon niya.
"Sorry, hindi namin alam. Bawi na lang kami next time," sabi ni Jane kay Drake.
"Don't worry, hindi ko naman kasi sinabi sa inyo noon kung kailan ang birthday ko," sabi ni Drake.
"Drake."
Lumingon naman agad siya sa'kin.
"Sorry nga pala sa inasta ko kanina, birthday mo pa naman ngayon tapos nasigawan pa kita," paghingi ko ng paumanhin.
"It's ok, kasalanan ko din naman dahil sobrang kulit ko," he said then he smiled at me. "Anyway tara na guys at baka matapos na ang break time ng hindi pa tayo nakakakain."
Nakipila na kami sa mga estudyanteng bumibili at sinulit namin ang panlilibre ni Drake kaya pagkatapos naming kumain ay busog na busog kami.
"So guys, one more thing. Punta kayo sa bahay mamaya. May pinahanda akong pagkain doon para sa atin," sabi ni Drake habang palabas kami ng Caf.
"Huwag na Drake. Tama na ang pinakain mo sa'min dito."
Sinang-ayunan naman namin ang sinabi ni Jane.
"Come on guys. Masasayang naman ang mga pinaluto ko kung hindi kayo pupunta," pamimilit sa'min ni Drake.
"Oo nga naman guys. Sayang ang pagkain!"
Binatukan ni Jake si Kent.
"Hindi ka man lang marunong mahiya Kent!" sabi ni Jake.
"Please. Pumunta na kayo."
Napatingin kami kay Drake at lahat ata kami ay nagdadalawang isip kung papayag o hindi.
"Okay, fine. I'm in," sabi ni Jane.
"Ako din. Game," segunda ni Jake.
"G," I said.
"Chris?"
Tumango si Chris as a sign na sasama siya.
"Ok, it's settled then. Kita-kita na lang tayo sa parking lot," masayang sabi ni Drake.
"Mahihiya pero papayag din naman pala," sabi ni Kent na halatang pinariringgan kami.
"At least hindi kami nagmukhang atat na atat sa pagkain," sagot ni Jane at parang baklang napairap si Kent kaya napatawa kami.
Humiwalay na kami nina Jane at Drake sa kanila at pumasok na kami sa room namin.
Nang matapos ang klase ay dumiretso kami sa bahay ni Drake gamit ang sarili naming mga sasakyan.
"Everyone, welcome to my house. Kung gusto niyo maglibot dito, okay lang naman. Pero tara na muna sa dining area dahil time na din naman para mananghalian," sabi ni Drake sa amin pagpasok namin sa bahay niya.
Kahit hindi pa naman kami masyadong gutom ay sumunod na kami kay Drake.
Habang papunta kami sa dining area ay inililibot nila Jane ang mata nila sa buong bahay dahil ngayon pa lang sila nakapunta dito.
"Please have a seat," sabi ni Drake kaya nagsiupuan na kami sa harap ng hapagkainan.
Inasikaso kami ng mga maids at naghain na sila ng mga pagkain sa mesa.
Hindi naman masyadong marami ang ipinaluto ni Drake. Yung mga natural na handa lang kapag birthday like pansit, spaghetti, fried chicken, sandwiches, cake, etc.
"Ang ganda pala ng bahay mo bro. Mukhang masarap tumambay dito," sabi ni Jake.
"Really? Dapat dalas-dalasan niyo ang pagpunta rito kapag weekends para naman may kasama ako dito bukod sa maids," sabi ni Drake.
"Sige ba, basta sagot mo lagi ang mga pagkain."
Napailing-iling kami dahil sa sinabi ni Kent.
"Let's eat," sabi ni Drake sa'min.
"Bago tayo kumain dapat blow the candles muna," sabi ko at nanghingi ako ng panindi ng kandila sa isa sa mga maids.
Nang masindihan na ang kandila ng cake ni Drake ay kinantahan namin siya ng 'Happy birthday'.
"Make a wish na dali," sabi ni Jane.
Pumikit si Drake at hinipan na niya ang candle. Pagkatapos sinimulan na namin ang pagkain at nagkwentuhan ulit kami.
"Di ba na-move yung date ng exam? Sa Lunes na lang daw eh. Bakit hindi na lang tayo dito mag-review sa Sabado?" suhestyon ni Jane.
Dapat kasi ay ngayong Huwebes at bukas ang exam kaso marami pang ginagawa ang mga teachers kaya sa Monday na lang daw.
"That's good. Ayos lang ba sa inyo guys?" sabi ni Drake.
"Oo naman. Mas maganda nga ang group study para masaya," sabi ni Jake kaya we all agreed na dito na lang mag-review.
Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami sa entertainment room and we're now watching a movie in the big flat screen tv while sitting on the floor. Para na nga kaming nasa sinehan.
Tinawagan ko na si Mommy at sinabi ko na medyo male-late ako ng pag-uwi. Pumayag naman siya kaya wala akong problema kahit magtagal kami rito.
"Bro, pasensya na wala kaming regalo. Next time paghahandaan namin ang birthday mo," sabi ni Jake.
"Bibigyan na lang kitang dalawang regalo next year para makabawi," biro ni Jane.
"Ano ba kayo? It's okay. Sapat na sa'kin na naging kaibigan ko kayo since my first day in the University," seryosong sabi ni Drake na nakapagpangiti sa'ming lahat.
"But there's only one thing that can make me happier today," sabi ni Drake na nakakuha ng atensyon naming lahat.
"Ano?" excited na tanong ni Jane.
Nagtaka ako nang tumingin sa'kin si Drake habang nakangiti.
"Alex, can you please allow me to court you?"
Nawalan ata ako ng boses dahil sa tanong ni Drake.
"Yun oh!" sigaw ni Jake.
"Ayieeee.." Hinawakan ni Jane ang braso ko at niyugyog niya ako kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.
Wala sa sariling napatango ako at agad na lumawak ang ngiti ni Drake at itinigil na rin ni Jane ang pagyugyog sa akin na sinabayan niya pa ng pag-irit.
"Yes!" sigaw ni Drake na parang nanalo sa lotto at napasuntok pa siya sa hangin.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "I promise, you won't regret your decision."
"Oops, kung makayakap ka naman. Hindi pa kita sinasagot niyan ah," usal ko ng makapag-adjust na ang utak ko sa mga pangyayari.
Napabitaw naman siya sa'kin. "Sorry, I'm just really happy na pumayag ka na."
Kitang-kita ko ang saya sa ngiti niya at sa mga mata niya.
Wala naman sigurong mawawala kung pumayag akong magpaligaw.
-------------------------------------------------------------------------
Here's an update after a very long time. Super busy lang po sa school works. Anyway, thanks for reading and don't forget to vote, comment and share. Lovelots^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro