Chapter 13
"A--anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong ko kay Drake na bumungad sa akin paglabas ko sa pintuan ng bahay.
He smiled sweetly at nagulat ako nang inilahad niya sa'kin ang hawak niyang isang rose and a box of chocolates. "For you."
Hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya at tiningnan ko siya ng seryoso. "I'm asking you Drake. Why are you here?"
His lips formed into a thin line at ibinaba niya na ang mga kamay niya nang mapansin niyang hindi ko kukunin ang mga hawak niya. "Well, I went here to fetch you."
"Bakit?" Wala naman akong naaalala na dahilan para sunduin niya ako.
"Because I want to prove that I am worthy to be your suitor," he said seriously kaya bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari noong isang araw.
Nung tinanong niya kasi ako kung pwede niya akong ligawan ay biglang dumating si Jane kaya hindi ako nakasagot sa tanong niya at everytime na tatanungin niya ulit ako ay pinuputol ko ang sinasabi niya para makaiwas ako.
"P--pero hindi mo naman ako kailangang sunduin diba?" Naglakad ako palampas sa kaniya pero sinundan niya naman ako.
Sumabay siya sa paglalakad ko hanggang makalabas kami ng gate.
"Hindi nga, pero gusto ko eh. Please," he said softly.
Humarap ako sa kaniya. "Ano kasi eh ma----"
Natigil ang sinasabi ko dahil may bumusina. Napatingin kami sa kotseng pumarada sa harap naming dalawa ni Drake.
Lumabas dito si Gab at lumapit siya sa amin pagkatapos ay hinarap niya kaming dalawa pero nakatingin siya kay Drake. "What are you doing here early in the morning bro?"
"Sinu----"
Bago matapos ang sinasabi ni Drake ay nag-isip na agad ako ng sasabihin.
"Ah wala, may ibinigay lang siya sa'kin. Pero paalis na din naman siya eh, di ba Drake?"
Siniko ko si Drake then I showed him my fake smile.
"Pero s-----"
Hinawakan ko na si Drake sa balikat at pinihit siya patagilid paharap sa kotse niyang nakaparada sa unahan ng kotse ni Gab.
"Aalis ka na diba?" Medyo tinulak ko siya para maglakad na siya palapit sa kotse niya and surprisingly hindi siya umangal.
"Wait lang bro!"
Napalingon kami pareho ni Drake kay Gab na nakatingin sa hawak ni Drake.
"Para kanino yang mga hawak mo?" Tukoy ni Gab sa flower at chocolates.
"Kay A---I mean wala. Huwag mo ng alamin bro."
Buti na lang at nadaan si Drake sa pandidilat ko ng mata sa kaniya.
"Ok," maikling sabi ni Gab.
Tinapik ko si Drake sa balikat. "Sige na, nagmamadali ka ng umalis di ba? Ingat ka."
Wala ng nagawa si Drake kundi tumango at lumapit ng tuluyan sa kotse niya.
"Bye." I slightly waved at him and he looked at me with disappointment visible in his eyes bago siya makapasok sa kotse niya at pinaandar na niya ito.
I sighed at humarap na ulit ako kay Gab na nakakunot na naman ang noo.
"Tara na." Lumapit na ako sa kaniya at nauna na akong pumasok sa kotse. Pumasok na din naman si Gab sa driver's seat at tiningnan niya ako ng may pagtataka bago niya pinaandar ang kotse.
"Tell me honestly Dri, bakit sinusundo ka ng lalaking yun?" Seryosong nakatingin sa'kin si Gab.
"Di ba nga sabi ko may kinuha este may ibinigay lang siya sa'kin."
Nangamba ako dahil baka mahalata pa niya na nagsisinungaling ako.
"Really? Tsk." Napailing-iling siya at mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Pero nag-focus na lang siya sa pagmamaneho niya.
Nagpapasalamat naman ako at hindi na ako ginulo ni Drake pagdating namin sa school.
-----------------
"Hindi ka pa pala tapos manood niyan," sabi ko kay Jane habang nanonood niya ng Meteor Garden sa cellphone niya.
"Yup, nasa episode 20 pa lang nga ako eh," sabi niya habang tutok na tutok sa panonood.
Kinuha ko na lang rin ang phone ko at binuksan ang reading app. Tatapusin ko pa 'yung binabasa ko about vampires. Paborito ko ang mga story na ganun including stories about wolves.
Nakaupo kami ni Jane sa damuhan sa isa sa mga garden dito sa school. Nagpapalipas lang kami ng oras dahil ayaw pa naming umuwi.
"Hey girls!" sabi ni Jake habang papalapit silang mga lalaki sa amin ni Jane.
Itinago ko ang phone ko habang si Jane naman ay ibinalik lang ulit ang atensyon sa panonood.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
"Wala lang. Hinanap namin kayong dalawa kung saan-saan, nandito lang pala kayo," sabi ni Drake at umupo din sila sa damuhan.
Naging pabilog ang puwesto namin. Magkatabi pa rin kami ni Jane at sa kabila ko ay si Drake sunod ay si Chris at Kent at katabi naman ni Jane si Jake.
"Psst Jane, ba't di ka namamansin?" sabi ni Jake kay Jane na wala pa ring pakialam.
Nagkaniya-kaniya na kami ng ginagawa. Si Chris, may binabasang libro. Si Kent, naglalaro ata ng games sa cellphone niya. Si Drake, may isinusulat. Si Jane at Jake naman, mukhang mag-uumpisa na naman sa paborito nilang gawin.
"Huy!" Sinundot ni Jake ang pisngi ni Jane pero hinawi lang ni Jane ang kamay ni Jake nang hindi pa rin tinatagkal ang paningin sa cellphone niya.
Bigla na lang hinablot ni Jake ang cellphone ni Jane that's why Jane glared at Jake.
"Ano ba? Nakita nang may pinapanood ako eh," inis na sabi ni Jane.
"Mas importante pa ba yang pinapanood mo kesa sa'kin?" madramang sabi ni Jake.
"Bro anong hirit yan?" sabi ni Kent sabay tawa. Nakitawa na rin naman kami dahil parang nagpapa-cute din si Jake kay Jane.
"Oo naman!" tugon ni Jane at sinubukan niyang kunin ang cp niya kay Jake.
"Ouch naman. Mas gwapo pa nga ako kesa sa mga lalaki sa movie na pinapanood mo," sabi ni Jake habang todo ang iwas.
" Ewww...madiri ka nga, ikaw gwapo? In your face!" Tinulak ni Jane si Jake kaya napahiga ito sa damuhan.
"FYI, maraming naghahabol sakin na mga babae," pagyayabang ni Jake habang umuupo ulit ng ayos.
"Eh kasi malandi ka," banat ni Jane.
"Aba't hoy ika----"
"Tama na nga yan baka magkatuluyan na kayo nyan," putol ko sa sasabihin ni Jake. Nakakarindi na rin kasi ang makinig sa mga away nila.
"Yuck. Hindi na ako magbo-boyfriend kung siya din naman makakatuluyan ko," singhal ni Jane.
"Kung maka yuck ka naman, kahit ikaw na lang ang kaisa-isang babae sa mundo, hinding-hindi kita liligawan." Dinuro pa ni Jake si Jane habang nagsasalita.
"Ah ganon!" Hahampasin sana ni Jane si Jake pero sinambot lang ni Jake ang kamay ni Jane.
"Talagang ganun, sa itsura mong yan---- pero wait, alam mo may itsura ka naman pala eh..." Nagtaka kami nang hawakan ni Jake ang pisngi ni Jane at mukhang maging si Jane ay natigilan.
"Pangit nga lang." Tinapik pa ng mahina ni Jake ang pisngi ni Jane sabay tayo at hagalpak ng tawa.
"So share mo lang huh?!" Dumampot si Jane ng maliit na bato at tumayo siya sabay binato niya si Jake na nakailag naman.
Inilagay ni Jake ang kamay niya sa may tenga niya na parang kunwari ay hindi niya narinig. "Ha?"
"Bwisit k-----"
"Hakdog," singit ni Jake sa sinasabi ni Jane.
"Grrrrr." Nagdadabog na naglakad si Jane paalis at sinagi niya pa si Jake.
Tumayo na din si Kent at inakbayan si Jake na natatawa pa rin. "Alam mo bro, imbes na inaasar-asar mo si Jane, bakit hindi mo na lang ligawan? Di ba Drake?"
Tumango lang si Drake habang ako naman ay tumayo na rin.
Tinagkal ni Jake ang pagkakaakbay ni Kent sa kaniya. "Ewan ko sa inyo."
Umalis na rin si Jake at habang isinasakbit ko ang bag ko ay naramdaman kong may lumapit sa akin.
"Ako ba Alex, kailan mo ako papayagang manligaw sa'yo?"
Boses pa lang alam ko nang si Drake 'to kaya humarap ako sa kaniya at ngumiti ng alanganin.
"Hehe, ahm...bye," sabi ko at nagtatakbo na ako paalis.
------------------------------------------------------------------------------
Don't forget to vote, comment and share. Thank you for reading^_^
Please follow me^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro