Chapter 11
Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Dri! Gising na!" As usual si Gab na naman.
Sa nakalipas na tatlong araw, lagi niya akong sinusundo tuwing umaga at siya lagi ang nambubulabog ng tulog ko.
"Mamaya na Gab. Ang aga pa naman eh!" sigaw ko pabalik at nagtalukbong pa ako ng kumot.
"Sa bagal mong kumilos Dri, kahit anong aga tatanghaliin tayo kaya bumangon ka na diyan!" Panay pa rin ang kalampog niya ng pinto.
Sigurado naman akong wala pang ala-sais ng umaga. Saka hindi naman ako sobrang bagal kumilos ah.
"Iwanan mo na lang kasi ako!" Bakit naman kasi kailangan pa akong ihatid-sundo. Hindi ko na tuloy nagagamit ang kotse ko.
Hindi na ulit nagsalita si Gab. Pero hindi pa ulit ako nakakatulog, narinig ko naman ang pagtunog ng doorknob at kasunod nito ang pagbukas ng pinto.
Siguro hiningi niya ang susi ng kwarto ko sa katulong. Tsk.
Mas hinigpitan ko ang pagkapit ko sa kumot ng marinig ko ang mga yabag niya palapit dahil alam ko na ang sunod niyang gagawin.
Hindi ako nagkamali dahil hinihila na niya ngayon ang kumot ko. "Dri! Bangon na! Kaya hindi mo naaabutan si Tita tuwing umaga dahil late ka na lagi gumigising eh."
Ano bang magagawa ko kung hindi ko naaabutan si Mommy sa umaga? Maaga lang naman talaga siyang umaalis.
"Ano ba?! Antok pa ako!" Pilit ko namang hinihigit pabalik ang kumot na nasa may bewang ko na, pero nakapikit pa rin ako.
Ayaw ko pang magmulat dahil feeling ko ang bigat-bigat pa rin ng talukap ng mata ko.
"Isa!" Pagbibilang niya.
Hindi ako nakaangal ng magtagumpay siya sa pagtagkal ng kumot sa katawan ko dahil nga mas malakas siya sakin.
Ginawa ko namang pantakip sa mukha ko ang aking unan.
"Dalawa!" sigaw niya ulit.
Ah basta! Ayaw ko pa bumangon. Nakakatamad lang eh.
Tumagilid ako ng higa patalikod sa kaniya.
"Tatlo! Hindi ka talaga babangon?!" Parang nagtitimping sabi niya.
Nagbingi-bingihan lang ako at hindi ko siya pinansin.
Nai-imagine ko tuloy na nakapamewang na siya ngayon habang kunot na kunot ang noo.
"Ah, ganon ha! Humanda ka sa'kin!" Bigla siyang lumundag sa kama at walang pasabing kiniliti ako sa bewang kaya napamulat ako at nagising ang buong sistema ko.
"Hahaha a--no b-ba hahaha," Para na akong kiti-kiti na galaw ng galaw habang pilit ko siyang inaawat.
"Ano babangon ka na ba?" Mas binilisan niya pa ang pagkiliti kaya wala na akong magagawa kundi sumuko.
"T---tam--ma n--na hahahaha." Itinutulak ko siya palayo para matigil na siya pero hindi naman siya natitinag.
"Ano? Bangon na nga kasi! Gusto mo bang buhatin pa kita?" sabi niya habang kinikiliti pa rin ako.
"O--oo n--na hahaha, ba--bang--ngon na hahaha," sabi ko, and as if on cue, itinigil na niya ang pagkiliti sakin.
Umalis na din siya sa kama ko at inayos ang damit niya na medyo nagusot.
"Good. Now, go to the bathroom and take a shower. Ang baho mo na!"
Binigyan ko siya ng masamang tingin. Umupo ako at hinablot ang unan sa tabi ko, pagkatapos ay ibinato ko ito sa kaniya gamit ang buong lakas ko.
Iniwasan niya lang ito at tatawa-tawang lumabas ng kwarto ko.
Ang sakit tuloy ng tiyan ko kakatawa. Ang kulit naman kasi ng taong 'yun!
Tuluyan na akong tumayo at nag-ayos ng sarili ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay nadatnan ko si Gab na prenteng nakaupo sa sofa habang nagce-cellphone.
Nilapitan ko siya dahil mukhang sobrang busy niya. "Kain na muna tayo."
Napaangat naman siya sa'kin ng tingin. "Nakakain na ako kanina pa. Ang tagal mo kasi eh. Akala ko aabutin ka na ng isang araw sa kwarto mo."
"Bahala ka nga diyan!" Iniwan ko na lang siya at pumunta na ako sa dining.
"Good morning Ma'am, kain na po kayo," sabi ng isang maid.
Nginitian ko na lang siya at tiningnan ko ang pagkain sa lamesa. Bacon, egg, rice and bread ang nakahain.
Miss ko na tuloy ang luto ni Nanay Rosing, hindi pa din siya nakakabalik eh.
Umupo na ako at nagmadali ng kumain dahil nakakahiya naman kasi kay Gab na bulabog.
Pagbalik ko sa kinaroroonan ni Gab ay agad siyang tumayo nang makita niya ako.
"Tara na, bilis!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan niya na nakaparada sa harap ng gate namin, pagkatapos ay pumasok na kami dito pareho.
-----------------
"Malapit na ang exam natin noh?" tanong ni Jane habang gumagawa kami ng assignment.
Vacant namin ngayon sa isang subject at yung assignment na ginagawa namin ay para sa sunod na subject.
Nakakatamad kasi gumawa ng assignment sa bahay, pero minsan sinisipag din naman ako.
"Yup, next week na ata," tugon ni Drake na nakadungaw sa mga notebook namin habang nakatayo sa likudan namin ni Jane.
Alam na, nangongopya na naman siya sa'min. Lagi namang ganiyan yan kaya sanayan na lang.
"Hala! Edi next week na rin pala ang performance natin sa music." sabi ni Jane.
"Kaya nga magprapraktis ulit kami ni Drake bukas." Napag-usapan na kasi namin ni Drake na bukas na ang last practice naming dalawa.
"Ready na ba kayo para dun?" tanong ni Jane.
"Oo naman, nakailang practice na rin kami eh," tugon ni Drake.
Tuwing Sabado lang naman kami nagprapraktis.
"Good luck na lang sa'tin," sabi ni Jane at nag-focus na ulit kami sa ginagawa naming assignment.
Pagkatapos ng klase namin ay sabay-sabay na kaming buong barkada na pumunta sa parking lot.
Nagsiuwian na sila isa-isa at hinihintay ko naman si Gab. Siguro may klase pa sila.
"Di ka pa ba uuwi?" tanong ni Drake sa'kin.
Kaming dalawa na lang ang naiwan dito.
"Hinihintay ko pa si Gab eh. Ikaw, ba't di ka pa umuuwi?" Wala naman na kasi siyang gagawin dito.
"Samahan lang muna kita. Kesa naman mag-isa ka lang dito diba?" He said while wiggling his eyebrows.
Umiwas na lang ako ng tingin dahil naramdaman kong medyo bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagpapakiramdaman lang kami ni Drake habang naghihintay ako kay Gab.
Sumandal muna ako sa haligi nitong parking at nakigaya naman si Drake.
Maya-maya ay natanaw ko na si Gab at agad ko siyang kinawayan nang madako ang tingin niya sa'kin.
"Hi Dri." Inakbayan niya ako pagkalapit niya at tumingin kay Drake.
"Oh Drake. Bakit nandito ka pa? May hinihintay ka rin ba?" tanong ni Gab kay Drake.
"Wala, sinamahan ko lang si Alex saglit." Tumingin naman sakin si Drake. "Oo nga pala Alex, wag mo kakalimutan bukas ah."
"Of course, pupunta ako." I smiled at him.
"Anong meron bukas?" Nagtatakang tanong ni Gab.
"Practice lang ng performance dude," sagot ni Drake.
Inalis ni Gab ang pagkakaakbay sa akin at salitan na itinuro kami ni Drake. "Kayong dalawa lang?"
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon.
"Saan?" tanong ni Gab.
"Anong saan?" Naguluhan ako sa tanong niya eh.
"I mean saan kayo magpra-practice?" paglilinaw niya.
"Sa bahay nila." Inginuso ko pa si Drake.
"What? No!" Napakunot naman ang noo ko sa reaction ni Gab.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kay Gab.
"Hindi ako papayag. Dun dapat kayo mag-practice sa bahay mo Dri," saad ni Gab.
"Wag ka mag-alala bro, hindi ko naman ipapahamak si Alex."
Sumang-ayon naman ako kay Drake.
"Wala namang instrument sa bahay namin eh," pagrereklamo ko kay Gab.
Binigyan ako ni Gab ng seryosong titig. "No buts Dri, dun kayo magpraktis sa bahay mo."
Binalingan ko si Drake para malaman ko ang reaksiyon niya.
Pinagsiklop ni Drake ang mga kamay niya. "Okay, wala namang problema sa'kin."
Pumayag na din ako at pinag-usapan na lang namin na dalhin na lang ni Drake ang instrument sa bahay dahil gitara lang naman yun. Then umuwi na rin kami.
Wala naman akong magagawa sa desisyon ni Gab dahil seryoso na siya.
Mas maganda nga rin siguro na sa bahay na lang kami magpraktis. Pero sana mali ang iniisip kong mangyayari bukas habang nagpra-practice kami ni Drake.
-------------------------------------------------------------------------------
Sorry kung masama ang update hehe. By the way, thank you for reading and don't forget to vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro