Chapter 10
Tumayo ako at tumakbo palapit sa kaniya na ilang sentimetro na lang ang layo sa'kin.
He immediately opened his arms, welcoming me for a hug.
"Gab," I whispered, then hugged him tightly, not minding all the people around us.
"Hey Dri. Na-miss kita," he said between our hugs.
"Na-miss din kita ng sobra Gab," I said softly.
Dahan-dahan niyang tinagkal ang pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Why are you crying?" He wiped the tears on my cheeks using his thumbs.
Hindi ko man lang namalayan na lumuluha na pala ako. Nabasa ko din ang balikat niya kaya siguro napansin niyang umiiyak ako.
"I'm just happy. Finally you came back after so many years." Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko pa rin.
"Of course, I'll come back. Hindi ko naman ata matitiis na hindi makita ang napakaespesyal na babae na nasa harapan ko." He pinched both of my cheeks kaya napangiwi ako.
Hinampas ko siya sa dibdib kaya itinigil na niya ang pagkurot sa mga pisngi ko. Then he chuckled after that.
"Nakakainis ka. Hindi mo sinabi na nakauwi ka na pala dito," sabi ko na may himig ng pagtatampo.
"Nung isang araw lang naman kami nakarating at isa pa I wanted to surprise you. Saka tumawag naman ako sayo kagabi ah."
Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Bwisit ka! Sabi na't ikaw yun eh!" Hinampas ko ulit siya sa dibdib at hinuli naman niya ang mga kamay ko sabay tawa ulit.
"Ehem."
Napatingin ako sa tumikhim sa may gilid namin.
Naka-krus ang mga braso ni Jane sa may dibdib niya habang nakataas ang kilay at nakatingin sa aming dalawa.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa amin kasama yung tatlo.
Mahina kong itinulak si Gab palayo at hinarap ko sila na pare-parehong makikitaan ng pagtataka sa mga mukha.
"Ahm guys this is Nathan Gabriel Delaquesta." Itinuro ko si Gab pero hindi pa rin nagbabago ang mga ekspresyon nila na nadagdagan pa ng pagkunot ng noo.
"Mind telling us who exactly he is in your life? May itinatago ka ba sa'min Alex?" Sabi ni Jane sa mapanuring tono.
"He's my childhood friend. Gab, meet my friends. Jane, Jake, Kent, Chris, and Drake." Itinuro ko sila isa-isa kay Gab.
"Hello guys, you can call me Gab." He offered a handshake to my friends and they gladly accepted it.
"So, Gab, do you want to eat with us?" Jane said with a big smile on her face.
Is it just me o nagpapacute siya kay Gab?
"Sure, I'm a bit hungry already." Hinimas pa ni Gab ang tiyan niya that made me and Jane laugh habang yung boys naman ay seryosong pinagmamasdan lang si Gab.
We headed back to our table then Gab bought his food. We are eating silently at ramdam ko ang awkward atmosphere sa pagitan naming lahat.
"Uh Gab, di ba senior high school student ka?" Pagbasag ni Jane sa katahimikan.
"Yeah, specifically, a grade 11 student," tugon ni Gab.
"So, ilang taon ka na?" tanong ulit ni Jane.
"I'm 18 years old," Gab said and drank his water.
"Ah...Pano kayo nagkakilala ni Alex?" Tumingin pa sa'kin saglit si Jane.
"To make the long story short, our parents are business partners and they are good friends." Gab looked at his watch. "Anyway I have to go, baka ma-late ako."
"Ay, ambilis naman," reklamo ni Jane.
"Sorry, I really have to go." Gab stood up and looked at my friends.
"It's nice to meet all of you. See you around."
Tinanguan lang siya nung boys.
"Same to you Gab." Parang kinikilig na sabi ni Jane na sinuklian lang ni Gab ng ngiti.
Then he faced me and held my left cheek. "I'll catch up with you later, okay?"
I nodded then he smiled before walking out of the cafeteria.
"Grabe Alex, ang gwapo niya!" tili ni Jane sabay pabirong hampas sa braso ko.
"Mas gwapo naman ako dun," pasimpleng bulong ni Jake sabay kagat sa hawak niyang tinapay.
"Tumahimik ka nga diyan. Hindi kita kinakausap," pagtataray ni Jane kaya napa-ismid na lang si Jake.
"Bakit hindi mo sinabi na may ganon ka kagwapong childhood friend?" Jane exclaimed.
Gwapo naman talaga si Gab. He has a fair complexion, pointed nose, pinkish kissable lips, chinito eyes, dimples on both of his cheeks that show whenever he smiles and talks, messy brown hair, and of course a well-built body for his age.
"Well, nalulungkot lang kasi ako kapag nababanggit ko siya noon. Saka hindi naman kayo nagtanong kung may iba pa akong kaibigan bukod sa inyo," I said as a matter of fact.
"Mukhang may dadagdag na naman sa barkada ah. Ayos yun! The more, the merrier," masiglang sabi ni Kent.
"Yup, but I think we're also getting late," sabi ni Drake.
Napatingin naman kaming lahat sa orasan dito sa caf. at dali-dali kaming napatayo dahil late na talaga kami ng five minutes para sa next subject. Wala kasing bell kapag tapos na ang breaktime.
We fixed our things and headed back to our rooms.
------------------
"Jane, Drake, mauna na ako sa inyo. Pakisabihan na lang yung iba na may gagawin pa ako, bye."
"Hoy s-----"
Nagtatakbo na ako palabas ng room bago pa man matapos ni Jane ang sasabihin niya.
I went to the parking lot then I saw Gab leaning on a car with his hands inside the pockets of his pants.
"Let's go?" He stood straight and opened the door of his car for me.
Pumasok naman ako at agad naman siyang umikot papunta sa kabila at umupo sa driver's seat.
He texted me earlier na hihintayin niya daw ako dito sa parking lot kaya nagmadali agad ako papunta dito pagkatapos ng last subject namin. Baka kasi maghintay siya ng matagal.
Ipapakuha ko na lang sa driver ni Mom ang kotse ko mamaya pag-uwi ko.
"Where are we going?"
Tumingin naman siya sa'kin saglit at ibinalik ulit ang tingin sa daan. "Sa bahay namin. My parents wanted to see you."
Na-excite naman ako agad dahil matagal ko na silang hindi nakikita.
He drove for almost 20 minutes until we reached their house.
Pagpasok namin sa loob ay sinalubong agad kami ni Tita Emily, Gab's mother.
"Good afternoon po Tita."
She smiled and hugged me.
"Naku iha, mas lalo kang gumanda ah," sabi niya pagkatapos niya akong yakapin.
"Hindi naman po," medyo nahihiyang sabi ko.
"Hey Ma." Gab kissed his mother on her cheek. "Where's Papa?"
"Nasa garden siya. Tara doon at siguradong matutuwa si Charles pag nakita ka Alex," sabi ni Tita at pinangunahan na niya ang paglalakad.
Nakakailang hakbang pa lang ako pasunod kay tita nang biglang hinawakan ni Gab ang kamay ko na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad. I looked at him na nakatayo lang at hindi umaalis sa pwesto niya.
"Why?" I asked.
He's looking at my dress. "Ngayon ko lang napansin na suot mo ang iniregalo ko sa'yo last birthday mo."
Yup, this dress is from him. Ipinadala niya sa'kin 'to kasama ng iba't ibang gamit na naka-package.
I smiled at him. "Naisipan ko lang suotin kanina. Anyway sumunod na tayo kay Tita."
"Okay," he said before I looked away from him.
I felt his arms around my waist pero hinayaan ko na lang dahil kahit nung mga bata pa kami ay ganiyan na yan sakin.
"The dress looks good on you," bulong niya sa'kin bago kami maglakad.
Alam kong namula ang pisngi ko kaya hindi ko nagawang lumingon at tumugon sa kaniya.
Naabutan namin si Tita na hinihintay kami. Binuksan niya ang isang sliding door na siyang nagderekta papunta sa garden.
Nadatnan namin na nakaupo si Tito Charles, Gab's father.
Nang makita kami ni Tito ay tumayo siya at ngumiti sa amin. "Alex, dalagang-dalaga ka na ah."
Tinagkal na ni Gab ang kamay niya sa bewang ko kaya mas lumapit ako kay Tito at nagmano sa kaniya.
"Wala pa rin po talagang kupas ang kagwapuhan mo Tito."
Natawa naman si Tito sa sinabi ko. Hinawakan niya pa ako sa ulo at medyo ginulo ang buhok ko.
"Palabiro ka talagang bata ka. Maupo na nga tayo," sabi ni Tito.
Nagsiupo na kami sa mga upuan na nakapalibot sa isang center table.
Katabi ko si Gab at magkatabi naman si Tito at Tita.
"Manang, kuhaan mo naman kami ng juice at sandwiches sa loob," utos ni Tita sa isang katulong na nasa malapit lang.
"Opo Ma'am." Agad namang tumalima ang katulong.
"So iha, kamusta naman ang Mommy mo?" tanong sa'kin ni Tita habang nakangiti.
"Ahm, she's fine. Pinapakamusta nga din po niya kayo sa'kin."
"Well pakisabi sa kaniya na maayos naman kami at gustong-gusto na rin namin siyang makita. It's been 5 years since the last time we saw each other," mahabang litanya ni Tita at inayos ang mga pagkain na inilapag ng katulong.
Five years ago kasi pumunta sila ng Canada para doon na manirahan. Doon kasi nakatira ang lolo't lola ni Gab. I was just 11 back then while Gab is 13 years old.
"Sure po ako na matutuwa si Mom pag nagkita-kita po ulit kayo. Masyado lang po kasi siyang busy sa pagtratrabaho."
Habang nag-uusap kami ay nagsimula na din kaming kumain.
"Kami na lang siguro ang dadalaw sa inyo ng Mommy mo. Mabuti na lang at matatagalan pa bago ulit kami bumalik sa Canada. Papatapusin muna namin si Gab ng senior high bago kami bumalik doon," sabi ni Tita.
Medyo nalungkot naman ako knowing na babalik ulit sila sa Canada. Akala ko naman they're staying here for good.
"How about you iha, kamusta ka naman? May boyfriend ka na ba?"
Napabaling naman ako kay Tito nang magtanong siya.
"Wala pa po," I answered shyly.
"That's good to hear. Huwag mo munang intindihin ang pagbo-boyfriend," sabi ni Tito.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Huwag ka mag-alala Pa. Akong bahala dito kay Dri. Para saan pa't umuwi tayo kung hindi ko naman siya mababantayan." Inakbayan pa ako ni Gab habang nakangisi sa akin.
My protective knight in shining armor is finally back.
------------------------------------------------------------------
Hi guys. Don't hesitate to comment kung may napansin kayong wrong grammars, wrong spelling, etc. and kindly give me a feedback about my story. Don't forget to vote. Love you readers, thanks for reading.^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro