Realize (Michael's POV) Part 2
Realize (Michael's POV) Part 2
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Michael's POV
Typing: Baby, happy birthday! I love you!
Birthday ngayon ni Mandy at dadalaw ako sa kanila mamaya. Nagpagawa pa nga ako ng cake. Napapangiti tuloy ako dito. Alam nyo yung feeling ng inlove? Hays, Mandy. Iba talaga pag first love. Ibang-iba pa din ang epekto mo sa kin.
Humiga ako sa sofa namin habang naka-earphones at hinihintay ang reply ni Mandy. Naalala ko tuloy nung isang linggo. Nung dumalaw ako kina Mandy kasama si Justine. Hinalikan ko pa nga sa pisngi si Tita Mae e. Legal na legal na talaga kami ni Mandy. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.
Nang biglang,
♪ Don't try to make me stay
Or ask if I'm okay
Ang paboritong kanta ni Anne. Dati-rati sabay pa namin itong pinapakinggan.
♪I don't have the answer
Don't make me stay the night
Lagi nyang hawak phone ko at eto palagi ang pinapakinggan nya. Bakit ganon, Anne? Hindi ka ba nanghihinayang? 2 weeks pa lang tayo. Ni-hindi man lang tayo nag-tagal.
♪Or ask if I'm alright
I don't have the answer.
I'm not okay, Anne. I'm faking it. I'm faking my laugh, smile, and you didn't even noticed. Akala mo okay lang sa kin ang lahat. Nasaktan din ako, Anne.
♪Heartache doesn't last forever
I'll say I'm fine
Midnight ain't no time for laughing
When you say goodbye.
Narinig ko pa nga sinabi mo, "Hindi naman nasaktan yun eh." Ayan ang sabi mo sa barkada ko na kaibigan mo rin. Ako? Hindi nasaktan? Anne, tao ako. Nasaktan din ako. Ikaw na yung pinili ko hindi ba? I choose you. Pero nong naguluhan ako, you didn't even bothered to stay.
♪ It makes your lips so kissable
And your kiss unmissable
Your fingertips so touchable
And your eyes irresistible.
And you know what? I'm missing you and at the same time, hating you... for leaving me like this.
♪I've tried to ask myself
Should I see someone else?
I wish I knew the answer.
Bumalik ako sa kanya. Yun naman gusto mo di ba? Masaya ka ba sa naging desisyon ko? Kasi ako, sigurado na ko. Na si Mandy, hindi ako iiwan. Hindi ako sasaktan. She'll stay no matter what.
♪But I know, if I go now, if I leave
Then I'm on my own tonight
I'll never know the answer.
Why did you leave? Why did you left me hanging? Ganti ba 'to, Anne? Sa ginawa ko sa'yo dati? Sinabi ko naman na sa'yo. Naguguluhan ako noon. Eto ba ang parusa mo sa 'kin? Ang iwan nalang.
♪Midnight doesn't last forever
Dark turns to light
Heartache flips my world around
I'm falling down, down, down,
That's why.
And thinking of you, makes me hate you. Hearing your name, makes me hate you more. I can't even look at you. I hate you. Pride ko 'to. Ang sakit kasi first time kong maiwanan ng ganito. Pero tingin mo papaepekto ako? Hell no. Ipapakita ko sa'yo kung anong ni-let go mo. Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kasaya sa piling ni Mandy.
♪I find your lips so kissable
And your kiss unmissable
Your fingertips so touchable
And your eyes irresistible
I won't think of you anymore. I won't miss you anymore.
♪It's in your lips and in your kiss
It's in your touch and your fingertips
And it's in all the things and other things
That make you who you are and your eyes irresistible.
I said 'I love you.' I looked straight in your eyes that time. You never said anything but you hugged me. Humiwalay ka at tinitigan ang dalawang mata ko. Sobrang lawak pa ng ngiti mong'yon. At ngayon, napapa-isip ako, ang second chance ba natin puro kasinungalingan lang?
♪It makes your lips so kissable
And your kiss unmissable
Your fingertips so touchable
And your eyes, your eyes, your eyes,
Your eyes, your eyes, your eyes
Irresistible.
So, please, Anne. Don't ever look at me anymore. I'll be moving on. I'll be happy with Mandy's side. Masaya ka na din naman dahil may manliligaw ka. Kasabay mo pa pagpasok. Masaya ka na hindi ba? Magsasaya na din ako. I hope you like your choice. Sana hindi ka bumalik kung kailan masaya na ko ulit kay Mandy.
**
Graduation Day
"Michael!" Halos mabingi ako sa sigaw sa kin ni Hans. "Graduate na tayo! Sa wakas!" Masayang saad nito. Hawak-hawak ko ang diploma ko.
"Hi UP Los Baños na!" Dagdag pa ni Matt.
Hindi ko sila pinansin at nilibot lang ang mata ko. "Sinong hinahanap mo? Si Mandy?" Pagtatanong ni Kiko. Hindi ko din sya pinansin at ... finally, nakita ko sya.
"Hinahanap mo si Anne?!" Nagtinginan lahat sa kin ang barkada ko.
"Ano daw? Si Anne?"
Napakamot ako sa batok ko, "Gusto ko lang magpa-picture." Nahihiya ko pang sabi.
"Picture daw! Ayie!" Kapit nila sa kamay ko.
"De joke lang. Ayoko." Tss!
"Picture lang! Ang KJ!"
"Ayoko!" Baka magselos nito si Mandy!
"Michael ang KJ mo!"
"Baka daw makita ni Mandy!" Kainis naman tong mga barkada ko e!
I was stunned when I saw herlooking at ourdirection, "Problema nyo? Hahaha." She laughed, damn I miss that laughed.
SIniko ako ni Mico, "Pa-picture daw si Michael -"
"Anne!"
Napalingon sya sa gawing kanan at nakita si, "Ian?" He's Ian Zotomayor. Ofcourse I know him. Hindi sya special science pero sikat na sikat sya dahil nakadating na syang Thailand, Malaysia at Singapore sa larangan ng sports na Taekwondo. Pasadong-pasado sya sa standards ni Anne na lalaking may sports. Naririnig ko rin kina Elliah na sobrang close ang pamilya ng mga ito. Ang unfair ano? Ni-hindi ko man lang nakilala ang magulang ni Anne tas samantalang yang Ian na yan close na close sa pamilya nya.
"Anne, tawag ka ni Papa. Papa-picture daw si Mama sa ting dalawa." Ani nito. They're family are really close. Kita nyo. Magpipicture pa silang dalawa kasama ang pamilya nilang dalawa.
"Sure sure." Nakangiting sabi ni Anne dito. The smile that exists to me before.
Tumingin sya sa min at nagpaalam, "Una na ko." Then she turned back and walked away.
I watch her back as she walks away. Is this the end, Anne?
"Goodbye, Anne." I whispered, turned my back and walked away.
-
1st year college
Typing: Baby, may last subject pa kami. Wait mo ko sa may KFC. I love you!
I sent that text to Mandy. Oo, kami pa. Ang tagal na namin ano? Wala e. Mahal ko talaga si Mandy. Mahal na mahal. Kaya nga nawala na din yung feelings ko kay Anne. The last time I saw her was that graduation day. Pagkatapos non ay wala na. Ni-hindi na rin kami nagtetext o kung ano man. Pero minsan naman ay binibisita ko ang profile nya sa twitter at posts nya sa instagram. Ang dami nga nyang pictures. Pero ni-isang picture ay wala akong nakitang kasamang lalaki nya. I must say na single pa din sya ngayon. Pero teka, si Anne nga pala yung tipo ng babae na hindi mahilig mag-post ng picture kasama ang ka-relasyon nya. Parang kami lang dati. Ni-hindi kami nagkaroon ng chance na magpicture kasama ang isa't isa. Hindi sya mahilig kumuha ng litrato kasama ang mahal nya. But rather she build memories with it.
Madalas ko talagang naiisip na baka nga meron ng iba si Anne. Gustuhin ko mang kamustahin sya sa mga kaibigan nya pero nahihiya ako. Sino nga ba ako? Wala akong karapatan di ba? Ni-hindi man lang kami nagkaron ng closure bago kami gumaraduate. Sana naging mag-kaibigan man lang kami. Pero hindi e. Ex can never be friends nga ba?
"Michael, kita-kita daw bukas ng buong <insert section> sa ---" Pinause ko ang music para marinig ang sinasabi ni Kiko.
"Sinong kasama?" Tanong ko.
"Malamang lahat." Pilosopong sagot nito.
"Sese." Walang gana kong sagot. Binalik ko ang atensyon ko sa pagpapatugtog. Pumunta ako sa contacts ko. Andito pa din ang number ni Anne. Nagbago na kaya sya ng number? Naka-plan sya sa pagkakaalam ko. Hindi pa siguro sya nagpapalit ng number ano? Maitext kaya?
Typing: Anne! Hahahaha.
But instead of clicking the send button, I chose to delete the text. Wala din namang mangyayari e. Mamaya nagpalit na pala sya ng number.
"Ano yan ha?" Iniwas ko ang phone ko sa barkada ko, "Ano yong tinititigan mo? Porn ba yan?" Natawa ang lahat.
Ngumuso ako, "Igagaya nyo pa 'ko sa inyo, mga gago." Natatawa kong sabi.
"Pero hindi nga? Ano 'yon?" Muli ko itong iniwas. Pero nagulat ako ng makuha ito sa akin ni Jun.
"T-Tinititigan mo number ni A-Anne?" Laking gulat nito. Kaagad kong kinuha ito, "N-Namali lang ako ng c-click ano ba." Palusot ko. Maniwala kaya 'tong mga mokong na 'to?
"May boyfriend na si Anne." Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Kiko, "Kausap ko si Anne kagabi. Tinanong ko kung may boyfriend na ba sya. Sagot nya... oo."
"E-EH?!" Sabay-sabay pang tanong ng barkada namin, "Sus. Boyfriend daw e. Hindi naman nagboboyfriend si Anne e. Alam ko hanggang MU o landian lang. Tas boyfriend? Impossible." Kung makapagsalita si Jun ay parang kilalang-kilala nya si Anne. Napaisip tuloy ako. Oo, si Anne yung tipo ng babae na hindi nagboboyfriend. Hanggang MU lang.
"Eh mahal daw nya e. Saka, para may karapatan daw sya. Natatawa nga ako e. Medyo nabalikan namin yung nakaraan nyo kagabi. Ang sabi nya, hindi na daw nya uulitin yung pagkakamali nya. Ipaglalaban daw nya yung mahal nya ngayon hindi tulad dati na naduwag sya sa inyong dalawa dahil naguguluhan ka daw." Kwento ni Kiko. I was stunned. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Kung hindi ko pa tinext at tinanong si Anne kung iyon pa din ba ang number nya hindi ko sya makakausap e. Pero, parang may nagbago e."
Napaisip kaming lahat, "Panong nagbago?" Sabay sabay pa naming sabi. Dahil siguro sa kuryosidad.
"Ewan ko. Napansin ko lang ng magkatext kami kagabi. Tumawag pa nga ako dahil gusto kong marinig yung boses ni Anne. Alam mo 'yong dati sobrang close namin tas bigla nalang parang nawala yung friendship nung gumaraduate kasi nag-Manila sya. Yung boses nya. Basta, may iba. May nagbago kay Anne." At tila ba naguluhan at napaisip ako sa sinabi ni Kiko. Nagbago? Ano 'yon? Hindi naman nagbago siguro ang itsura ni Anne. Kasi nakikita ko pa din ang mga posts nya sa instag na simple at walang arte sa katawan. Pero, anong pagbabago ang sinasabi ni Kiko?
-
Ngayon ang araw ng pagkikita namin buong <insert section>. Nag-aayos na nga ako ng sarili ko. Polo shirt ang suot ko dahil sabi ni Mandy, ang gwapo ko daw pag naka-polo shirt. Nagpabango at nag-ayos rin ako ng buhok.
"Baby." Nagulat ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ng condo ko. Nakita ko si Mandy na naka-dress, medyo mataas ang suot na heels at medyo kulot ang ilalim ng buhok. Ang perfect nya lang sa paningin ko.
Lumapit sya sa kin at hinalikan ako saglit sa labi. Niyakap ko sya, "What are you doing here?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap sa kanya.
"Can I come with you? Wala aksi akong kasama sa condo e. Please?"
-
After 5 hours,
"Michael!" Sinalubong ako ng mga ka-classmate naming mga lalaki. Nagkaroon tuloy ng malakas na hiyawan at tawanan. Nag-apir pa kaming lahat.
"Susunod si Mandy dito, ayos lang ba? Wala kasi syang kasama sa condo nya." Tanong ko sa lahat. Then I saw her... looking at my direction. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang buwan din kaming hindi nagkita.
Then my girlfriend came, "Hello!"
Ang lahat ay masayang nagkukwentuhan, nagpipicturan, at nagtatawanan. Si Mandy ang kausap ko dito at palagi lang kaming nagpipicture dalawa. Memories lang kumbaga. Hindi maiwasan ng mata ko ang mapatingin sa direksyon nila Yvonne na masayang nagkukwentuhan. Kitang-kita ko si Anne na masaya at may magandang ngiti. Naka-move on na nga talaga sya.
Ilang oras din kaming nagtagal. NI-hindi kami naghihiwalay ni Mandy. Nakita ko pa si Anne at Mico na nag-uusap. Nagtaka nga ako kung bakit nilapit ni Mico ang mukha nya sa mukha ni Anne. Isang beses ko pa nga lang nagawa kay Anne 'yon at noong may something pa sa amin 'yon.
"Aalis na ko guys! May curfew e!" Paalam ng isa sa ka-classmate namin.
Nagsitayuan na kaming lahat. Ang iba din ay nagsisimula ng magpaalam dahil may gagawin pa din sila. Worth it din talaga ang byahe dahil nag-enjoy kaming lahat.
Nagpipicturan kami ng mahagip ng mata ko ang natakbong papalabas na si Anne. Nagmamadali at para bang excited ng makalabas. Ni-hindi man lang kami nakapag-usap o kwentuhan man lang. Matagal na rin akong walang balita sa kanya.
Lumabas na din kami kasama ang barkada ko at si Mandy. Nagtatawanan kaming barkada ng mawala ang ngiti ko ng makita ang magkayakap na dalawang tao sa may labas ng pintuan,
"Eheeeem." Nag-bitiw sa pagyayakapan ang dalawa at lumingon sa direksyon naming lahat. Kitang-kita ko ang pagkapit kamay nilang dalawa.
"So, kayo pala." Nakangiting sabi dito ni Joan.
"Yes, Anne's property here." Nakangiting tungon ng lalaking 'to kay Joan.
Napatitig ako sa lalaking 'yon. Kilala ko sya. Sya si Ian Zotomayor. Ka-batch namin sya. Isa sya sa pinagseselosan ko noon. Crush sya ni Anne noon at may picture silang dalawa na nakalagay pa sa ID ni Anne noon kahit may something kami. Ayoko namang ipatanggal sa kanya 'yon dahil wala naman akong karapatan. Ang galing. Sila din pala ang magkakatuluyan.
Nagtama ang mata naming dalawa ni Anne.
"Anne, matagal na ba talagang tapos ang lahat ng sa 'tin?"
-**
Wenesday morning. Nagpapadala ng gamit sa kin si Kuya Dem sa condo nya. Sa UST naman sya nag-aaral. Wala naman akong klase pag Wednesday kaya pwedeng-pwede akong pumuntang Manila para madala ko sa Kuya ko ang mga gamit nya dahil hindi daw sya makakauwi para kumuha ng mga gamit.
Tumigil muna ako sa SM don at pumuntang funtea. Naalala ko tuloy gustong-gusto ni Anne ang milktea dito.
"Caramel milk tea at 4 cupcakes. Yung red velvet." Sabi ko dun sa cashier at nilapag ang 500php ko.
Nilibot ng mata ko ang buong shop. Wala ng vacant table. Bakit puro estudyante ang andito at dito pa din sila nag-aaral? Nahagip ng mata ko ang isang babaeng pamilyar ang mukha. Hindi ako pwedeng magkamali sa babaeng nakita ko.
"Si Anne..." Sambit ko.
Naglakad ako papunta sa may table kung saan sya nakaupo at nainom ng milktea nya. Isusunod nalang daw sa table ko yung order ko.
"Anne?"
Nanlaki ang mata nya, "M-Michael?" Tila ba wala sya sa sarili kanina.
Di na ako nagpadalos-dalos at kaagad ng umupo sa may bakanteng upuan ng lamesa nya. Gusto ko syang maka-kwentuhan, "Uy Anne. Kamusta?"
"Pa-share ng table huh?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang, nakakakaba kasi ang tagal na rin naming hindi nakapag-usap.
"Andyan ka na eh. Alangang paalisin pa kita?" Natatawang sabi nya. Aaminin ko, nakakamiss rin ang mga ngiti at tawang 'yon.
Napanguso naman ako, "Pwede. Kung may galit ka pa sa kin. Hahaha." Pagbibiro ko. Sa tagal na din ng nangyari at sa tagal ding hindi pagkikita, siguro naman ay matagal na syang nakalimot. Si Anne yan, kilalang-kilala ko yan. Mabilis yang makalimot.
Dumating na ang order ko na caramel milktea din at cupcakes naman, "So, ano ng balita sa'yo?" Tanong ko sa kanya habang nakain ako ng cupcakes ko. Hindi nya nasagot ang tanong ko dahil bigla yatang may nagtext sa kanya.
Nakatitig lang ako sa kanya habang abala sya sa pagtatype. Ang daming nagbago sa kanya. Nagkaron na ng kulay ang buhok nya. Ang dating black ay naging brown na. Iba na din yata ang naging style nya ng pananamit. Hindi na tulad dati na palaging vans ang suot nya. Yung purple vans. Favorite nya kasi ang purple. Ngayon ay naka-doll shoes na sya. Ang suot nyang damit ay long sweater na purple at naka-jeans.
"Hey." Kaagad nyang binaba ang phone nya, "Busy ka ba?"
Umiling sya, "No. May nag-text lang." Ani nya.
Sumandal ako sa upuan and even crossed his arms, "So, musta lovelife?" Seryoso kong tanong sa kanya, "May boyfriend ka na daw sabi nina Elliah? Totoo?" Tanong ko sa kanya. Nabanggit lang sa kin nina Elliah nong party 'yon. Medyo naging masama nga din ang timpla ni Mandy noong nagkukwento si Elliah. Pero, nabago ko naman din kaagad ang mood nya. Si Mandy yan, mabilis ko syang mapaamo.
Tinanong ko lang sa kanya 'yon dahil gusto kong makasigurado kung sila nga. Kilala ko si Anne. Hindi sya nagboboyfriend. Hanggang MU lang 'yan. Ayaw nya din kasi ng commitment dahil madalas naman talaga ay nakakasakal.
I was staring at her. Ang ganda nya lang tignan habang napapakamot sya sa batok nya ng biglang may yumakap patalikod sa kanya at hinalikan rin sya sa kanyang pisngi, "Baby."
Napatayo naman si Anne sa kinauupuan nya, "I-Ian, andito ka na pala." Seryoso lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pinagmamasdan ko silang dalawa. I admit, bagay sila.
"Michael, si Ian nga pala. B-Boyfriend ko." Pagpapakilala sa akin ni Anne dun sa Ian. Boom. Totoo nga. Boyfriend na nga nya talaga.
Kitang-kita ko ang paghawak ni Ian sa kamay ni Anne, "Nice to finally meet you, Michael." Nakangiting bati sa akin nito. Tangina. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ba't awkward para sa aming tatlo 'to?
"Yeah. So, you're Ian." Malamig na tugon ng boses ko.
"We need to go, Michael. Bye." Dali-daling inayos ni Anne ang mga gamit nya. Tinulungan pa sya ni Ian. Kita ko ang titig sa kanya ni Ian. Alam mong seryoso at hindi gagaguhin si Anne.
Nakatitig lang ako sa likod nilang dalawa habang naglalakad papalayo sa akin. Kitang-kita ko ang ngiti at mga tawa ni Anne. Parang dati lang kaming dalawa 'yon.
"Anne, ang bango mo."
Bigla syang lumayo sa kin, "Ano ba. Wag mo nga akong amuyin. Ang baho ko kaya. Pawis-pawisan ako dahil sa layo ng nilakad natin kanina."
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, "Hindi ka naman mabaho e. Wag kang mag-alala. Kahit mabaho ka pa, mahal pa din kita." Kindat ko sa kanya.
Pinisil nya ang ilong ko, "Bolero." Natatawa nyang sabi. Ganyan si Anne. Hindi sya tulad ng ibang babae na sasabihan ka rin ng mahal din kita sa ganyang sitwasyon. Kaya nga sobrang espesyal para sa kin pag na sabihan ako ni Anne ng I love you too.
Napapikit ako. Unti-unting bumabalik ang lahat ng alaala. Lahat ng masasayang alaala at lahat ng masasakit na nakaraan.
"Tigil na natin to."
Yung araw na umayaw na sya. Yung araw na sinabi nyang itigil na.
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko. Masaya na ko. Ayos na ko e. Masaya na kami ni Mandy. Hindi naman kami ginugulo ni Anne pero tangina. Bakit nabalik lahat ng alaala?
"Wag kang late uuwi, okay? Magtext ka kaagad pagkatapos mong maglaro. Wag ka ding papalipas, alam mo namang ayokong nagugutom ka." Nakatitig lang ako kay Anne habang pinagsasabihan nya ako. Isasakay ko na kasi sya sa tricycle dahil uuwi na sya. It's already 6pm at kanina pang 3pm ang uwian namin. Baka nag-aalala na din ang Mama ni Anne.
"Yes po." Natatawa ko nalang sagot. Parang syang Nanay ko kung umasta. Nakakatuwa lang.
Nagulat ako ng dahan-dahan syang lumapit sa akin at niyakap ako, "I love you." Sambit ko. Ramdam ko ang pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan. Ngayon lang kami nagkayakap ng ganito.
Hinalikan nya ako sa pinsgi at sinabi ang matagal ko ng inaantay, "I love you too." And that was the first time she said those words to me personally.
Napatingin ako sa labas at nakita ko sila na magkahawak kamay habang natawid.
Kung hindi kaya ako naguluhan noon, kami pa din kaya ni Anne?
If I didn't text Mandy back that night, kami pa din kaya?
If I didn't let her go that time, kami pa din kaya?
If I fight for her back then, kami pa din kaya?
If I'm not that bastard, kami pa din kaya?
Do I still love her? Or memories haunts me now?
I closed my eyes,
"Maybe there's a reason why we don't end up being together, Anne. You're a princess and you don't deserve a bastard like me. You deserve a prince, that's Ian I guess. You're an angel and you don't deserve a devil like me. I'm an asshole and all I can give you is pain. Thank you for giving up on me, Anne. Hindi ko kaya na masaktan ka na naman at ako na naman ang dahilan. Now I realize you're worth and why you came to my life. You came to make me realize what thing should be cherish and to forget. The thing that should be cherish is the memories and to forget is the feelings that felt before."
I'll never forget you, Anne.
- - - - - - - - - - - - -
[A/N: Thank you po sa mga nagbasa. Uulitin ko po, ang side/POV ni Michael ay fiction na lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung anong side ng gagong 'yon. Dejk. Hahaha. Anyway, thank you po ulit. Sana suportahan nyo din ang mga soon to be published na short story ko. Mwahugs. :* xoxo]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro