Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Realize (Michael's POV) Part 1

Realize (Michael’s POV)

 

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Michael’s POV

 

Typing: Text nalang kita mamaya. I love you baby.

 

With kiss mark pa and smiling face ko pa iyong sinend kay Mandy. Oo, kami na ulit. Nung may something pa lang sa min ni Anne, nagkakatext na kami ni Mandy. Masaya naman ako kay Anne eh. Masayang-masaya. Gusto ko naman talaga sya. Gustong-gusto pa nga. Alam nyo yung feeling na gustong-gusto mong pumasok para lang makita sya? Tas yung pag andyan na sya, nahihiya ka. Ako kasi si Michael, pogi ako, madaming nagkakagusto sa king babae at oo, pa-fall ako. Hindi ko nga alam kung pano nila nasabi sa kin yun. Masyado kasi akong sweet sa mga babae. Madami din akong kaibigang babae. Lagi akong sweet sa kanila. Minsan din, ganun ako sa mga ka-classmate kong babae. Normal lang naman sa kin ang pagiging sweet. Wag sana nilang bigyan ng meaning ang lahat ng ginagawa ko.

Habang naglalaro ako ng dota 2, hindi ko maiwasan ang hindi maisip si Anne. Alam nyo yung binalikan ko si Mandy dahil mahal ko sya tas iniwan nalang si Anne? Masakit din naman sa kin yun. Nang-iwan ako ng tao sa ere.

“Michael, ba’t wala si Anne dito?” Tanong ni Aaron. Oo nga pala, hindi pa pala nila alam na nagkabalikan na kami ni Mandy. Hindi ko nalang sinagot ito at binalik ang atensyon ko sa paglalaro.

Pero unti-unti akong nakaramdam ng pagkalungkot. Dati-rati, may nakasandal sa balikat ko tuwing naglalaro ako, may hihimas sa buhok ko, may aakbay sa kin at may yayakap sa kin. Napabuntong-hininga ako. Mali to. Mahal ko si Mandy. Binalikan ko nga sya di ba? Pero bakit ganon? Ugh. Makapaglaro na nga lang.

--

Sabado ng umaga. November 22. Nakahiga ako at nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Isang buwan at magi-ilang linggo na kami ni Mandy nung nagkabalikan kami. Kahapon ay andito sya sa bahay namin. Buti nga at wala ang parents ko. Ang dami pa naming litrato. Ang saya lang. Halos magkapit bahay lang naman kami kaya baka mamaya, pumunta ulit sya dito.

Kinuha ko ang phone ko para mag-twitter. Hindi ko alam kung bakit pero sinearch ko ang username ni Anne. Yes, I’m stalking her. Hindi na kami nagkakasama, nagkakatext o nagkakapansinan man lang sa room. Ni-hindi nga sya natingin man lang sa direksyon ko. Samantalang ako, palaging nakatingin sa kanya. Alam nyo yung feeling na gusto mo palagi mo syang makikita? Ayaw mong mawawala sya sa paningin mo. Tas ayaw mong may mangyari sa kanya. Yung ganon ba.

Pogi talaga ni Shawn Mendes.

Hi Adamson or FEU. 

Na-wrong send pa. Kainis. HAHAHA

At Ted’s.

Boom panes! HAHAHA

Ayan ang mga nakita kong tweets ni Anne. Halos araw-araw kong tinitingnan ang mga tweets nya. Pero ni-minsan, hindi sya nag-tweet ng kung ano tungkol sa nangyari sa min. Actually, ine-expect ko na magtu-tweet sya ng,

 “Ang sakit lang.”

“Bakit ganon? Iniwan ako.”

“Nagkulang ba ko?”

“Bakit kailangan mo syang balikan?”

Ganyan kasi si Mandy nung nawala kami. Yung tipong ang drama-drama. Kaya nga inunfollow ko yun sa twitter. Halos lahat kasi ng tweets nya puro panama sa kin.

Pero iba talaga si Anne. Ayaw nyang pinapakita sa iba na nasasaktan nya. Palagi nga syang nangiti at natawa nalang minsan ng walang dahilan. Yung kahit ang corny ng joke mo, tatawa pa din sya. Kaya halos lahat ng mag-joke, bentang-benta sa kanya.

And I don’t know how she managed to smile. Yung nakangiti pa din sya kahit makasalubong kami ni Mandy. Ngini-ngitian nya si Mandy pero ako, never nyang tiningnan. Move on ka na ba Anne? Bakit ganto? Bakit may parte sa puso ko na nagsasabing sana hindi ka pa move-on.

Naalala ko tuloy nung nakatungo ako sa may upuan ko at naka-earphone. May tugtog pa yon, ang kantang Stars by Callalily. Naaalala kita pag pinapatugtog ko to. Ewan ko ba pero ikaw kaagad ang naiisip ko. Mahina lang ang tugtog kaya naman rinig na rinig ko pa din ang ingay sa loob ng classroom. Kanina pa nga din vibrate ng vibrate ang phone ko. Text kasi ng text si Mandy. Mamaya na ko mag-rereply. Sasabihin ko nakatulog ako. Sa gitna ng pakikinig ko ng kanta. Narinig ko ang hiyawan at natatarantang boses ni Anne.

“Paalisin nyo na sya. Please lang. Ang creepy na nya.”

 

Napaangat ang ulo ko at tinanggal ang earphones ko sa taenga ko, “Anong nangyayari?” Kuhit ko sa kaibigan kong si Mico.

“Manliligaw yata ni Anne. Yung Brandon yata yon.” ANO?!

Kaagad akong tumayo at lumabas ng classroom namin. Lumapit ako sa iba kong kaibigan sa labas ng classroom namin na nakiki-tsismis din. Napatingin ako sa kubo kung saan andun ang isang lalaki. Kasama nya din dun sina Brenda, Yvonne, Hannah, at iba pang barkada ni Anne.

“Joan, paalisin nyo na sya. Ayoko talaga. Binusted ko na sya! Ang creepy creepy nya!”

Napansin ko ang panginginig ng tuhod ni Anne at ang pawis-pawisan nyang noo. Yakap-yakap nya ang sarili nya at tila ba talagang problemado.

Lumapit ako kay Joan. Umakbay pa nga ako dito. Barkada ko naman sya since third year kaya sanay na kaming gantong dalawa. Para ko na din naman syang kapatid. “Ayaw ba daw umalis?” Saad ko.

Napatingin sa kin si Anne. As usual, walang ekspresyon ang mukha nya. Kumapit naman si Joan sa bewang ko. Ganto kami ka-close. Parang magkapatid lang. “Oo e. Sabihin mo nga kayo ulit ni Anne para tumigil na. Ang creepy nga nya! Sya yung nakita kong nakasunod sayo nung umaga pagpasok mo ano?” Tumango lang si Anne bilang sagot.

Ngumiti ako, “Then, let’s pretend. Let’s do this one more time.” Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata nya. Tila ba napako rin ako sa titig nya. Yung titig na hindi ko maipaliwanag kung anong gustong iparating.

Hindi nya sumagot at bigla-bigla nalang tumayo. Lumabas sya ng classroom at nagulat kaming lahat ng nagpunta na sya dun sa kubo at kinausap na yung Brandon. Dahil naman gusto kong malaman ang nangyari, lumabas na din ako. Tutal naman ay medyo malapit ang kubong yon sa room namin, rinig na rinig ko ang mga salitang binitawan ni Anne.

“Brandon, tumigil ka na. Hindi kita gusto.”

 

Nagulat ako sa salitang binitawan ni Anne. Ang tapang nya. Hindi ko akalain na kaya pala nyang gawin yun. Mahiyain kasi si Anne. Tahimik at bibihira lang magsalita. Pag nasa mood, saka yan dadaldal at magku-kwento ng kung ano-ano. Pero ngayon, isang matapang na Anne ang nakikita ko,

“Ayokong umasa ka.”

 

“Kaya kong maghintay.” Nagsimula ng magbulung-bulungan ang mga ka-classmate namin. Naiyak na din kasi ang lalaki sa may kubo. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking naiyak dahil sa nabusted ng nililigawan nya. Iba ka talaga, Anne.

At tila ba tumigil ang tibok ng puso ko ng marinig ang sumunod na sinabi ni Anne,

“Gusto ko pa si Michael. Gusto ko pa sya. Kaya please, tumigil ka na. Pinapahiya mo lang sarili mo.”

Pagkatapos ay kaagad ng umalis si Anne sa may kubo. Napatingin sya sa kin pero dinaanan nya lang ako. Hinabol ko sya ng tingin papasok ng classroom. G-Gusto pa ako ni A-Anne?

At yun rin ang araw na nagsimula na kong maguluhan dito sa lintik kung nararamdaman.

That night, halos hindi ako makatulog kakaisip sa sinabi ni Anne. Akala ko move on na sya. Never kasi nyang pinakita sa lahat na mahina o apektado man lang sya. Yung para bang wala syang pakielam.

-

Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko. Bukas na ang birthday ni Anne. Babatiin ko ba? Nahihiya ako. Pagdating kay Anne, para bang natatameme ako. Hinihigop nya yata ang lahat ng confidence ko.

Typing: Hey hey. Hahaha.

 

Sinend ko ang text na yon. Pero ilang minuto akong nag-antay, wala akong natanggap na reply sa kanya. Sayang, nag-expect pa naman ako. Dati-rati kasi ang bilis mag-reply ni Anne.

Nakatulog ako kakahintay ng reply ni Anne. Pagkagising ko, nakatanggap ako ng texts mula sa mga kaibigan ko na may tournament daw kami ngayon. Yes!

Halos buong araw kaming naglaro. Hindi naman nasayang ang pera ko dahil sulit na sulit talaga. Nanalo kami sa pusta! Easy 250php pa!

Pagkadating ko naman sa bahay ay kaagad akong nag-charge dahil nalowbat ako. Kaagad ko ding tinext si Mandy at nag-sorry dahil napalaro na naman ako at nalowbat kaya hindi ako nakapag-reply sa kanya. Habang nagcha-charge ako, nakatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan ko. Gm yon at special mention si – “Birthday nga pala ni Anne!”

Nakahiga lang ako sa may sofa at nakatulala. Babatiin ko ba sya o hindi? Magagalit kaya si Mandy? Hindi naman siguro ano? Wala namang masama kung babatiin ko si Anne hindi ba?

Mahigit dalawang oras kung itetext ko ba talaga sya para batiin. Ewan ko ba pero itatype ko palang message ko sa kanya nahihiya na ko. Alam ko kasing masakit yung ginawa ko sa kanya. Kaya normal lang sa kin ang mahiya sa kanya ng ganito.

Aysh! Bahala na!

To: Anne

Happy Birthday Anne! Sorry medyo na-late ng bati. Sana naging masaya ka ngayong araw na to. More birthdays to come. Kakain ka palagi ha? Ayokong nagpapalipas at nagugutom ka. Aral rin ng mabuti. Thank you sa lahat-lahat. Happy Birthday ulet, Anne!

Madaming emoticons akong nilagay. Alam kong natutuwa si Anne pag ganon. Alam kong ang corny ng message ko sa kanya. Pero alam nyo yung feeling na nakaka-speechless at wala ka na talagang masabi dahil kahit sa text lang, hiyang-hiya ka sa kanya dahil sa nagawa mo sa kanya noon?

Kanina ko pa tinitingnan ang phone ko nagbabaka-sakaling magre-reply sya. Pero, after 1 hour, wala pa din akong natatanggap na text galing sa kanya. Tiningnan ko ang orasan. 9:45pm palang. Ang aga naman nyang nakatulog ngayon. Baka pagod lang sya. Tama, napagod lang yun siguro ngayong araw.

**

Hanggang sa natapos ang November, hindi na ako nagtext sa kanya dahil wala din naman akong matatanggap na text galing sa kanya. Dumating ang December at nalalapit na ang Christmas vacation. May swimming party kami sa Kenjoe resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Joan.

Nitong nakaraang mga linggo, aaminin ko na palagi na kong nakatingin kay Anne. Ewan ko ba pero gandang-ganda talaga ako sa kanya. Para tuloy naguguluhan ako ngayon. Gusto ko pa yata sya…

-swimming party (kenjoe resort) –

“Ang tataba nyo naman!” Sigaw sa min ni Yuna, ang aming president.

“Aba! Sabi nyo bawal ang may shirt ah!” Sagot dito ni James, “At least kami hindi KJ! Si Kiko ang KJ! Ayaw magtanggal ng shirt!” Nagtawanan tuloy kami. Si Kiko kasi ang pinakamataba sa room. Kabilang sya sa barkada namin at sya lang naman ang palaging trip asarin sa barkada.

 

“Kami na magtutuhog!” Napalingon ako kung saan galing ang boses na yon. Hindi naman ako pwedeng magkamali dahil kilang-kilala ko ang boses na yon. Nakita ko si Anne, Yvonne at Brenda na nagtutuhog ng barbecue sa may table dun. Tawa sya ng tawa habang nagtutuhog. Yung para bang tawa na wala syang dinadala na problema. Ang saya nya lang titigan.

“Guys! Picture!” Lahat kami ay pumuwesto at ngumiti. Ang gwapo ko talaga.

“Sila nagpipicture, tayo nagtutuhog. Asan hustisya?!” rinig kong sabi ni Anne. Natawa pa nga ako don.

Ngumiti ako, “Tara tara! Dito tayo sa mga nagtutuhog!” Sigaw ko sa kanila.

Pumunta kami don at … tumabi ako sa pwesto kung asan sya at … ngumiti. Sa wakas, may picture na din kami na magkatabi ni Anne!

“Ba’t ganto ang pagkakatuhog…” Sambit ko habang nakatingin sa mga barbecues na iniihaw.

“Kayo kaya magtuhog!” FINALLY! Napansin nya din ako!

Napangiti tuloy ako. Ang ganda lang ni Anne. Sa wakas, napansin na nya din ako.

The whole party, nakapako ang tingin ko sa kanya. Gusto ko palagi ko syang nakikita. Nagselos pa nga ako kay Mico dahil sya ang kasa-kasama ni Anne pati ng barkada nya. Sa kanya din nakapasan si Anne. Ang sakit lang. Ang saya-saya ni Anne habang kasama si Mico. Crush nya kaya yon?!

 

Malapit ng mag-gabi. Umahon na kami sa pool. Naligo at nagpalit na ng damit. Nag-exchange gift na rin kami. Hinihiling ko nga sana na si Anne ang nakabunot sa kin. Para may remembrance ako sa kanya. Pero hindi eh, lalaki ang nakabunot sa kin. Sana magkaron kami ng picture ni Anne.

“Michael!” Tawag sa kin ni Elliah, ang isa sa mga kaibigan ni Anne. Narinig ko ang pag-aaway ni Anne at ni Elliah sa malayo. H-Hindi kaya’t magpapa-picture si A-Anne sa kin?

“Ano ba, Elliah! Bahala ka nga!”

 

Lumapit ako at, “Michael, picture tayo!” Aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot ng hindi si Anne ang magpapapicture sa kin. Sayang. Sayang lang.

Nakita ko sya na naglakad papalayo. Ang layo nya talaga. Sya yata ang babaeng hindi ko kayang abutin. Gusto ko syang habulin pero natatakot ako. Sanay ako na ako ang hinahabol.

Tinitigan ko si Anne sa malayo habang nakangiting kausap si Mico. I want to be the reason of her smile again. Damn, Anne. I miss you. I really miss you.

---

 

Hindi ako makatulog ng gabing yon. I want to text her. Halos ilang araw ko na din namang pinagiisipan kong itetext ko ba sya o hindi. But this morning, December 19, sigurado na ako. Itetext ko na sya.

To: Anne

Anne! Hahaha.

Please textback, Anne. After a minute,

From: Anne

Oh? Hahaha.

Halos nanlaki ang mata ko. S-She texted b-back.

To: Anne

Naisip lang kita bigla. Kaya tinext na kita.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tinatype yon.

From: Anne

Jusko. Kinahaban naman ako sayo. Akala ko naman may itatanong ka. Hahaha.

At doon na muling nagsimula ang lahat. Muli kaming nagkatext at naging palagi na. Naging madalang na rin ang text ko kay Mandy. Naging cold na. Ewan ko ba pero bumalik lahat ng feelings ko kay Anne. Naguluhan lang siguro ako kay Mandy non. First love ko kasi sya. Pero ngayon, sigurado na ko, na si Anne ang gusto ko. Sya ang babaeng gusto kong makasama at alam kong mas masaya ako sa kanya.

Isang gabi, napag-usapan namin ang dati. Ako talaga ang nagpasok ng ganong topic. Buo na ang desisyon ko. Babalikan ko si Anne.

To: Anne

And I’m sorry for leaving you. I’m sorry.

From: Anne

Ayos lang yun. Nangyari na.

To: Anne

Gusto ko sana tayo nalang ulit, Anne. Sayo nalang ulit ako.

Nakipaghiwalay ako kay Mandy para balikan si Anne. Alam kong gago pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga si Anne. Sya na talaga ang pipiliin ko. Mandy is my past, and Anne is my present. Naguluhan lang ako noon kaya iniwan ko si Anne. Now, I’m sure, my heart belongs to her.

Nagkabalikan kami ni Anne. Masaya kami. Masayang-masaya. Mas lalo kaming naging sweet sa isa’t isa. Naging madaldal na din sya di tulad ng dati na nagkakahiyaan pa. Palaging ang dami nyang kwento. Palagi ko na din syang kasama mag-dota. Nag-sm din kaming dalawa kasama si Mark. Standing pa nga kami non sa bus. Hawak-hawak ko pa nga ang kamay nya at sinabing,

“Wag kang bibitaw.” Kasi ako Anne, wala na akong balak bumitaw.

 

Ngumiti lang sya. Ang higpit ng kapit ko sa kamay nya. Pinagpapawisan pa nga yon dahil ang lamig lamig ng kamay nya. Pinaglalaruan ko pa ang mga daliri nya. Mga 8:30pm na nga kami nakauwi. Isasakay ko na sya ng tricycle non at bumulong ako sa kanya,

“I love you…”

 

She didn’t response but,

*kiss*

“Ingat sa pag-uwi.”

 

She kissed me on the cheek. Halos mapatalon ako sa tuwa non. Shet! HINALIKAN AKO NI ANNE!

Dumating ang pasukan at alam na ng lahat ang break up namin ni Mandy at ang balikan namin ni Anne. Ayokong isabay sa pagpasok si Anne dahil ayokong pagusapan sya ng mga tao. Tuwing uwian lang kami nagkakasabay dahil sinasama ko sya sa comshop.

Kasama ko na ulit sya habang naglalaro ako ng dota. Minsan nakaakbay sya sa kin, hinihimas-himas ang buhok ko, at nakayakap minsan. Naging clingy sya ngayon and I like it.

Palagi ko syang inaamoy at sinasabihan sya palagi na ang ganda-ganda nya. Ang tanging nagiging sagot nya lang ay ‘Bolero mo.’ tas tatawa. Yan si Anne. Ayaw nyang maniwala sa mga sinasabi ko.

Sunday ngayon, nasa bahay lang ako at walang magawa.

To: Anne

Tara. Punta ka dito sa bahay. Nood tayo ng Annabelle kasama si Joy.

Si Joy ang kapatid ko. Sobrang close kami.

From: Anne

Sige, papunta na ko.

Nagulat ako sa tinext ni Anne.

To: Anne

Seryoso ka? Di nga?

From: Anne

Papunta na nga talaga ako aba. Hahaha!

Jinojoke ko lang naman sya e. Hindi ko akalain na gagawin nya talaga.

Andito sya sa bahay namin. Nakakahiya nga at hindi pa ko ligo. Nakilala na sya ni Daddy as ka-M.U ko. Pumasok kami sa kwarto at don nanonood. Nakahiga kaming tatlo nila Joy sa kama. Ako sa gitna. Magka-share pa kami sa kumot ni Anne. Hawak-hawak ko din ang kamay nya habang nanonood. Ano ba naman tong sayang nararamdaman ko? Kinikilig yata ako.

Pagkatapos naming manood, pumunta kaming sala at umupo sa sofa. Nagkwentuhan ng kung ano-ano. Nagkwento kao tungkol sa mga hobbies ko nung mga bata. Sya naman din ay nagku-kwento din. Yung para bang hindi kami maubusan ng kwento sa isa’t isa.

Nakasandal sya sa balikat ko. Ang bango-bango talaga ng buhok nya grabeh. “Buti nalang napalipat ako sa <insert section>. Kung hindi, hindi kita makikilala.”

“Sana nga hindi ka na lumipat. Hahaha.” Tumawa sya at umangat ng kaunti at sinabing, “I love you, Michael…” Her words that made my heart flutters. Dmn, I’m really inlove with this girl.

Pero, may mga bagay talaga na hindi mo inaasahang babalik…

From: Mandy

Michael.

Akala ko okay na ko. Masaya na ko kay Anne. Pero, ba’t ganon? Isang text lang ni Mandy para bang bumalik lahat. I texted her back that night. Hindi ko na na-replayan si Anne non. Sa umaga, dinahilan ko na nakatulog ako pero ang totoo magkatext kami ni Mandy. Kahit sa classroom, magkatext kami ni Mandy. Wala lang naman to. Ayos lang kay Anne to. Hindi yun magagalit.

Magkasama kami ni Anne nung hapon. As usual, masaya na naman kaming dalawa. Pero habang nakain kami, nagulat ako sa sinabi nya,

“Michael, nagseselos ako.”

 

Kumunot ang noo ko, “K-Kanino?”

 

“Bakit kayo magkatext ni Mandy?” Para bang tumigil ang tibok ng puso ko. P-Paano nya –

“May tinanong lang.”

 

“Buong mag-hapon may tinanong lang?”

 

“Napatagal lang kasi pa-late late ang reply ko.”

 

She took a heaved sigh, “Ah.”

 

Umakbay ako sa kanya, “Sorry. Di na mauulit.”

Ngumiti sya at yumakap sa kin, “Sorry kung nagseselos. Promise, di na din mauulit.”

 

Hindi ko alam, Anne. Hindi ko maipapangako. Mahal ko pa din yata si Mandy.

 

-

Akala ko maiiwasan ko. Pero hindi eh. Katext ko pa din si Mandy nung gabing yon. Late na nga ako nakapag-reply kay Anne dahil busy ako kay Mandy. Ganon din nung umaga. Pagpasok ko at habang naglelesson, katext ko si Mandy. Alam kong mali pero gulong-gulo na ko ngayon. Nagseselos na si Anne pero ayaw ko pang itigil to.

Uwian na. Akala ko galit sa kin si Anne. Nagulat ako ng lumapit sya sa kin at sinabing, “Michael, sabay tayo uwi?”

 

“Ah. S-Sige. Tapusin ko lang to.” May ginagawa kasi kaming project. Para tuloy napipilitan ang sagot ko kay Anne. Ewan ko ba pero gusto ko syang iwasan. Gulong-gulo na ko. Halos hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Ang saya-saya namin ni Anne ng araw na ‘to. Puro kami kwentuhan at tawanan. Yung para bang walang problema sa min kahit ang totoo, naguguluhan na ko. Hiniram pa nga nya ang phone ko pero buti na lang at dinidilete ko ang texts namin ni Mandy.

Hindi ko naitext ngayong gabi si Anne dahil napagalitan ako. Late na kasi akong nakauwi galing sa pagdodota. Hindi ko rin sya naitext nung umaga. Hindi ko alam kung bakit pero si Mandy naitext ko.

Kinakabahan ako nitong buong araw. Hindi ko alam kung bakit. Parang may mangyayari. Sana mali tong naiisip ko. After ng departmental tests namin, kaagad na kong pumanik sa 2nd floor ng building namin. Iintayin ko pa sina Aaron dahil may tournament kami ngayon.

“Michael!”

 

Napalingon ako kay Joan na pumanik pa dito sa itaas, “Tawag ka ni Anne. May sasabihin yata.” Sasabihin? A-Ano kaya? Sht. Kinakabahan ako!

Sumama ako kay Joan sa pagbaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko at unti-unti ng nanlalamig ang mga kamay ko. Nakita ko si Anne na nakatayo dun sa may pintuan ng classroom namin. Malayo ang tingin at para bang may iniisip.

“Anne…” Tawag dito ni Joan, “Mag-usap na kayo.”

 

“Tungkol san?” Tanong ko pa kay Joan pero hindi ako sinagot nito.

Binaling ko ang atensyon ko kay Anne, “Ano yon, Anne?”

 

 

“Mahal mo pa sya?”

 

Sht. Sht. Sht.

“Hindi.” Sagot ko. Bakit, Anne? Bakit mo kailangang itanong ang bagay na to?

“Yung totoo?”

 

Naglakad ako ng kaunti, tila nag-iisip, “Ewan.”

Nakita ko ang unti-unting pantutubig ng mata ni Anne. Ohgod. What the hell did I do. Sorry, Anne. “Hindi. Hindi ko na sya mahal.” If lying would make her feel okay, I’ll lie.

“Tigil na natin to.” Nagulat ako sa sinabi ni Anne.

“Bakit?” Alam ko naman na ang dahilan. Sht. Ang sakit. Bakit, Anne? Akala ko ba walang bibitaw? Akala ko ba walang mangiiwan?

“Ang sakit sakit na.” Ako din Anne. Nasasaktan ngayon.

 

I felt pain. And for the second time in my life, I was hurt.

“Sorry.” Only words I said. I was speechless.

“Eh itutuloy pa ba to?”

 

“Oo naman.”

 

Damn, Anne. I can’t let you go.

 

-

Maaga akong umuwi ngayon. Wala din kasi ako sa sarili habang naglalaro. Itetext ko palang si Anne ng makatanggap na ako ng text galing sa kanya.

From: Anne

Michael, sorry.

Ayos lang naman ako, Anne. Ako naman ang may kasalanan nito.

To: Anne

Ayos lang yon.

From: Anne

Alam kong naguguluhan ka ngayon.

To: Anne

Sorry. I need time to think.

From: Anne

Eh di no texts muna? Hindi na muna ako sasama sayo?

To: Anne

Siguro. Ewan. Depende naman sayo yon.

From: Anne

Sige.

Ganon nalang kabilis, Anne? 2 weeks palang nung nagkabalikan tayo tas biglang ganto? Ang saya-saya lang natin last week. Andito ka pa sa min. Bakit biglang naging ganto…

Hindi na ko tinetext ni Anne. Hindi ko na rin sya tinetext. Kami pa ba? Mag-MU pa din kaya kami? Siguro naman kami pa. Hindi naman ako bumitaw e.

Ang alam ng iba, wala na ulit kami ni Anne. Wala na ba talaga? Naiiyak ako. Gusto kong umiyak pero ayokong makitang mahina ako. Saka, lalaki ako. Kaming mga lalaki, pinapakita sa lahat na okay sila kahit nasasaktan na kami.

Palagi pa rin kaming magkatext ni Mandy. Nakikita pa nga siguro kami ni Anne. Ba’t ganon? Hindi ko mapigilan ang hindi itext si Mandy? Mahal ko pa nga ba sya? Mahal ko pa nga ba ang first love ko?

“Anne! Yung papers daw pakidala sa alumni building!”

Napaangat ang ulo ko sa pagtawag ni Yuna kay Anne. Nakita ko si Anne na pawis-pawisan at kakapasok lang ng room. “Ano?! Pagod na ko, Yuna. Pagod na pagod na.” Sambit nya. Napatingin sa kin sina Brenda, Elliah, at Yvonne. Alam naming double meaning ang lahat ng yon.

-

Uwian na at kasabay ko sina Aaron, Matt at Kiko. Maglalaro kami syempre.

“Ayaw mo?”

Nakita ko si Anne at John na magkasabay sa paglalakad at pabalik siguro sa classroom.

“Pre, takpan natin mata ni Michael! Masakit daw!” Tinakpan pa nina Aaron ang mga mata ko habang nagtatawanan sila.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. I have her. Sya na yung pinili ko di ba? Pero bakit pa ko naguguluhan? Why I let her go? Paano kung hindi na sya bumalik? Sya si Anne. Pag bumitaw na, sinisigurado nyang hindi na mahalaga. P-Paano yon? P-Paano ako? Mahal ko sya. Mahal na mahal. Kailangan ko lang naman ng oras para makapag-isip.

I’ll never leave.

I want to ask her to please stay.

 

Hindi ko kaya pag nawala sya.

Pero napaglaruan yata ako ng tadhana ngayon,

I hurt her.

 

She let go.

 

She left me.

 

And now I’m here, struggling and wanting her back.

But, I can’t.

Hirap na hirap na kong magpanggap na parang ayos lang ang mga nangyayari dahil sa loob-loob ko, ang sakit sakit. Sobrang sakit.

Bakit ngayon ko lang na-realize ang lahat kung kailan wala na sya sa kin?

 

 

- - - - - - - - - - - - -

[A/N: Fiction lang tong side ni Michael. Hindi ko naman kasi talaga alam ang side nya. Pero totoong nangyari to. Nagkabalikan po sila pero naguluhan na naman si Michael kaya naging malabo ulit. 

May next update pa. POV ulit po ni Anne.] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro