Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Realize (Anne's POV) Part 2

Realize (Anne's POV) Part 2

 

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Anne's POV

 

"Kamusta na kayo ni Michael?" I just shrugged on Elliah's question. Anong isasagot ko? Wala na ulit kami? Na 2 weeks lang tinagal namin?

"Balita ko sila na ulit ni Mandy ah." Pait akong ngumiti. Malamang babalik sya don. Ayun naman talaga mahal nya eh. Pampalipas oras nya lang ako. Tama naman ako di ba? Kahit nga yata sinong mga babae ang maghabol sa kanya, kay Mandy pa din sya. Wow, iba talaga pag first love.

"Balita ko din." Sagot ko dito. Binalik kong muli ang atensyon ko sa pag-aayos ng mga books at notebooks ko sa locker ko.

This week, wala akong ibang ginawa kundi ang magpanggap na masaya sa harap ng mga taong nakapaligid sa kin. But inside, fvck, I'm dying. Gusto ko nalang maglaho ng parang bula. I want to walk away and leave everything behind. Pero ang sakit lang kasi hindi ko kaya. Ang sakit sakit na. Napapagod na ko magpanggap na masaya.

"Michael at Mandy na ulit ah?" Tanong sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Michael, "Bakit mo binitawan kaagad, Anne?" I stunned for a moment.

Humarap ako kay Jun, "Pag nabibigatan ka na, bitawan mo na."

 

"Kung mahal mo, ipaglalaban mo."

 

Ngumiti ako, "Paano ko ipaglalaban ang isang taong naguguluhan sa nararamdaman nya? Paano kung ipaglaban ang isang taong hindi maka-let go sa past nya? Tao din ako, Jun. Nakakaramdam ng pagod. Hindi ako pinanganak ng nanay ko para lang iwanan tapos babalikan. Binitawan ko sya kasi alam kong mas mapapasaya sya ni Mandy. Wala naman akong laban sa first love. Magkakilala na sila mahigit ilang taon na. Samantalang kami, ngayong taon lang nagkakilala. I understand Michael's choice. Masaya ako para sa kanila ni Mandy."

 

Hinawakan ni Jun ang balikat ko, "Ikaw ang unang bumitaw, Anne. Tandaan mo. Ikaw ang nang-iwan kay Michael sa ere. Time and space lang kailangan nya. Bakit ka bumitaw kaagad? You left him no choice. Sana hindi ka magsisi sa ginawa mo."

 

I smiled, "Hindi ko pagsisihan 'to."

 

--

 

Lumipas ang mga araw at wala akong ginawa kundi ang magpanggap pa din na okay ako. Alam nyo yung ang hirap ngumiti at kunwaring walang nakikita? Kitang-kita ko ang magkasamang si Mandy at Michael. Sabay pumasok, laging magkatext, at sabay umuwi.

Sinurprise pa nga ni Michael si Mandy nung birthday nya at nung Valentines. Ang sweet lang. Sobra. Para nga kaming nanonood ng movie. Bagay na bagay sila. Sila siguro ang para sa isa't isa. Extra lang ako sa kanila. Isa akong dakilang singit lang sa love story nila.

"Anne, okay ka lang?" Umupo sa tabi ko si Brenda at hinimas pa ang likod ko.

Tumawa ako, "Ayos lang ako. Bakit naman hindi? Hahaha." Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Pinili ko 'to, di ba? Ako na mismo yung bumitaw. I let him go for him to find his own happiness. Pero ba't ang sakit?

 

"Kung kailangan mo ng makakausap, andito lang ako."

 

Niyakap ako ni Brenda. Ayos lang ako. Magiging ayos din ako. Hindi sa ngayon. Pero alam kong magiging maayos ang lahat.

Nilibang ko ang sarili ko sa kung ano-ano. Naging busy ako sa kung anong bagay. Gala dito, gala doon. Text dyan, text dito. Basa ng libro at kung ano-ano pa. At alam ko sa sarili ko na, nakaka-move on na ko. Wala ng pake sa kin si Michael. Ang bilis nyang makalimot ano? Parang wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin. Sya move na move on na. Ang saya-saya nya kay Mandy. Samantalang ako, masaya nga pero alam kong may kulang pa din.

Naka-block na sa phone ko si Michael. Hindi na ko makakatanggap ng texts or calls galing sa kanya. Bitter ba kamo? No. Ayoko lang na mareplayan sya pag nag-appear name nya sa lock screen ko. Magkakatext na naman kami. Tas maguguluhan sya tas iiwan nya ulit si Mandy tas babalik sya sa kin. Ayoko ng ganon. Pabalik-balik sya na parang aso.

Masaya na ko na makita syang masaya. Alam kong darating din yung para sa kin. Alam ko ding wala akong pagsisisihan sa pagbitaw na ginawa ko. Alam kong bibitaw rin naman si Michael. Naunahan ko lang.

I want to stay. I really want to.

Pero, paano kung kapit kita pero inaantay mo nalang ang bumitaw ako?

I want you to choose me, Michael. But, you didn't.

Michael, minahal mo ba talaga ako? O isa pampalipas oras lang?

Bakit sa wattpad stories nananalo ang present sa past?

Akala ko may laban ako dahil ako na yung present mo. Pero, ba't ganon? Kahit anong gawin ko, sya pa din. Si Mandy pa din. Ano bang meron sya na wala ako?

Kahit kailan hindi ako nagkulang. Sobra-sobra ang binigay ko. Sana lahat yun na-appreciate mo.

Yung memories nating dalawa? Hayaan mo. Konti nalang. Makakalimutan ko din to.

**

Graduation Day

 

"Anne, picture tayo!" Sabi sa akin ng isa kong ka-classmate. Ngumiti naman ako sa camera. Ang ganda-ganda ko. Iba na talaga pag alam mong move on ka na.

"Picture lang! Ang KJ!"

"Ayoko!"

"Michael ang KJ mo!"

"Baka daw makita ni Mandy!"

 

Napalingon ako sa kumpulang barkada ni Michael na tinutulak si Michael sa may direksyon ko. Ngumiti ako sa kanila. "Problema nyo? Hahaha." Tumawa pa ko.

"Pa-picture daw si Michael –"

 

"Anne!"

 

Napalingon naman ako sa gawing kanan ko at nakita si, "Ian?"

 

"Anne, tawag ka ni Papa. Papa-picture daw si Mama sa ting dalawa." Sya si Ian Zotomayor. Isa sya sa mga naging crush ko. Taekwondo player, matalino, matangkad, mabango at pogi sya. At close na close ang pamilya naming dalawa.

"Sure sure." Nakangiti kong sagot dito.

"Una na ko." Sabi ko kina Michael at sa barkada nya.

I walked away from him. Then, my tears start to fell.

Akala ko okay na ko. Sht.

I don't want to have a picture with him. Baka gawing wallpaper ko pa sa laptop, ipad, at phone ko. Unti-unti naman na kong nakakalimot na eh. Nahihirapan lang ako dahil halos araw-araw ko syang nakikita. Buti nalang at summer vacation na. May 2 buwan para makalimot. Sya sa UP papasok. Pasado kasi sya. Michael yan e. Ako hindi ko pa alam kung san ako magka-college. Gusto ko din sanang mag-Manila. Para naman maiba ang atmosphere. New place, new friends, and new classmates. I want to meet new people and also met someone.

 

Masaya na si Michael.

Mahirap tanggapin na ang lalaking minahal mo ng lubos, masaya sa piling ng first love nya.

I turned my back and looked at him from a mile, "Goodbye, Michael."

------

Adamson University (1st year college) NOVEMBER

"Anne!" Napahinto ako sa pagaayos ko ng mga gamit sa locker ko. Nakita ko si Brenda at Elliah na natakbo papalit sa kin. Yes, parehas kami ng napasukang University. Napahiwalay sina Yvonne at Hannah dahil nakapasa sila sa UST.

"Ano?" Tanong ko habang patuloy na inaayos ang mga gamit ko. Medyo nagmamadali din ako dahil ang dami ko pang gagawing projects. Bakit kasi pinagsabay-sabay pa ng mga Prof. ngayon ang mga projects?!

"Magkikita-kita daw ang buong <insert section> bukas sa may ****"

Napakunot ang noo ko, "Oh, pupunta kayo?"

 

Hinampas ako ni Elliah sa braso, "Oo naman. Pupunta tayo ano!"

 

"Ummm, busy ako. Pwede bang kayo nalang?" Pero ang totoo, ayoko lang syang makita. Ayokong-ayoko. Hindi na nga ako masyadong active sa mga social sites dahil ayokong malaman kung anong nangyayari sa kanya. Alam nyo yung ilang buwan na ang nakalipas pero sariwa pa din sa isipan ko yung mga alaala naming dalawa? Sya naka-move on na, ako hirap na hirap pa dito.

Umiling si Brenda at Elliah ng sabay, "No. Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo, Anne."

 

Oh sht.

 

--

KINABUKASAN

"Anne ang ganda mo!"

"Iba talaga pag nag-Adamson!"

"Iba talaga kamo pag naka-move on na! Hahaha!"

 

"Oo nalang." Natatawa kong saad sa sinabi ni Kiko, "Ang tagal naman. Gutom na ko. Yuna, mauna na tayo kumain." Sabi ko sa kanila. Madami pa talaga kasi akong gagawin. Tambak ang mga projects, assignments at lessons na dapat pag-aralan. Pero ang totoo talaga nyan, ayokong maabutan si Michael. Ewan ko ba pero feeling ko kinakabahan ako.

Ang galing nga e. Kumpleto kaming magkakaibigan nong High School. Habang nagkukwentuhan kami, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

From: Ian <3

Baby, ingat ka dyan ha? Text mo ko kung susunduin kita. I love you.

Sya si Ian Zotomayor. Do you still remember him? Schoolmates kami nong high school at sobrang close ang pamilya naming dalawa. Dahil sa sobrang close ng pamilya namin, iisang University lang ang pinasukan namin. Mechanical Engineering ang course nya at ako naman ay BS Biology.

Bakit baby ang tawag nya sa kin? Kasi, may kami. Kakasagot ko lang sa kanya noong November 14. Bali, magiisang-linggo palang kami. Ang tagal nya din kasi akong niligawan. Sobra pa nga ang pagpapakipot ko dahil ayoko na talagang pumasok ng relationship. Nadala na ko sa nangyari sa min ni Michael. Hindi kasi ako ang first love ni Ian. Paano kong bumalik ang first love nya? Iiwan nya din ako tulad ng ginawa ni Michael? O kaya naman maguguluhan tulad ni Michael? Tas masasaktan na naman ulit ako? Ayoko na. Ayoko ng maulit yung dati.

Binalik ko ang phone ko sa may bulsa ko. For sure naman ay hindi na hawak ni Ian ang phone nya. Nasa training din kasi sya ng gantong oras. Baka makaabala pa ko.

"Michael at Mandy pa din ano?" Natahimik ako bigla ng marinig ang pangalan ng dalawang iyon, "UP si Michael. Letran si Mandy. Sweet nila ano? Dun nag-college si Mandy para malapit pa din kay Michael." Kwento pa ni Angelica. Alam ko namang sila pa dahil nagpo-posts pa din silang picture nilang dalawa sa twitter at instagram.

Napatingin sa kin sina Elliah. Dahilanan naman ng biglang pagtahimik ni Angelica, "Oo nga pala. Nagka-something sa inyo ni Michael noon. Sorry." Malungkot na tugon nito.

Ngumiti ako, "Matagal ng tapos 'yon. Move on na ko ano ba kayo." Natatawa ko pang sabi.

Tumawa naman si Brenda, "Oo nga! Saka may boyfriend na yang si Anne no! Kilala nyo ba kung sino?"

"Sino naman? Kilala ba namin to? Adamson din ba?" Sabay-sabay na tanong ng mga ka-classmate namin noon.

"Si Ian."

 

Naglakihan ang mga mata nila, "Ian?! Si Ian Zotomayor ba to?! Yung taekwondo player noong high school tayo?!" Tumango lang ako ng nakangiti. Sikat nga din pala si Ian noon. Bukod sa pogi ay sobrang bait nya pa. Nice sya sa lahat ng babae. Kaya nga hindi mo malaman kung gusto ka ba nya talaga o nice lang talaga sya sayo. Dati naman yon. Ngayon ay sigurado ako na mahal nya talaga ako. The way he looks at me. Mas malalim ang titig nya kesa sa titig ko na nakita ko sa pagtitig sa kin ni Michael. Kahit nga ang mga magulang ko, pansin na pansin ang titig ni Ian. Yung para bang nakikita na nya ang future nya sa kin. Kaya ma-swerte ako kay Ian. Bago pa lang kami sa relasyong to, alam kong magtatagal kami.

"Michael!"

 

Napatigil kami sa pagkukwentuhan ng marinig ang pangalan na iyon. Narinig ko ang pagtayo ng mga lalaki na sinalubong yata si Michael. Nakadinig din ako ng pag-apir. Ohmygod. I want to see him. But I don't want to turned my head. Pero tila traydor ang ulo ko at napatingin sa direksyon nito.

He's still looked the same. Mas tumangkad at pumuti nga lang. He's still Michael. The guy I loved before. His eyes are still irresistible.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig din ang mga kamay ko. Ngayon nalang ako kinabahan ng ganito. Bakit ganon pa rin ang epekto sa kin ni Michael?

"Susunod si Mandy dito, ayos lang ba? Wala kasi syang kasama sa condo nya." Nabaling ang tingin sa kin ni Brenda. Para akong nabagsakan ng lupa at langit. Ewan ko kung bakit.

"Hello!" Then she came... Mandy. Ang ganda nya talaga. Mas lalo syang gumanda ngayon.

Masaya kaming nag-kwentuhan, nag-tawanan at nagkuhanan ng litrato. Medyo naasar pa nga kami ni Michael pero natigilan din kaagad dahil napansin nila ang pagkairita ni Mandy dahil sa biglaang pagtahimik nito. Muntikan pa nga kaming magkaroon ng picture na magkasama ni Michael. Buti nalang at inawat nina Elliah ang iba pa naming ka-classmate noon.

"Ano, Anne? Awkward ba?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot at pagtatanong ni Mico, "Masakit pa ba o naka-move on ka na?" Natatawa pang tanong nito sa kin.

Tumawa ako, "Malamang naka-move on na. Hahaha."

 

Nagulat ako ng biglang lumapit ng kaunti ang mukha ni Mico sa kin, "Bakit iba yata ang sinasabi ng mga mata mo? Nantutubig sila, Anne. Masakit pa din, di ba? Akala mo okay ka na pero bumalik lahat nong sakit nung nakita mo sya di ba?" Ni ang huminga ay hindi ko magawa dahil sa lapit ng mukha sa kin ni Mico. Ni-hindi ko din alam kung anong ire-react ko sa sinabi nya.

"Si Michael pa din ang laman nyan." He smirked and pointed his point finger on my chest.

*

"Thank you din. Ingat kayo." Sabi ni Yuna isa-isa sa mga dati naming mga ka-classmate. Yung iba kasi taga-Laguna pa at bumiyahe pa sa Manila para lang dito bonding ng <insert section>.

Yumakap ako kay Yuna, Joan at sa iba pa naming mga ka-classmate. Kahit sa mga lalaki kong ka-classmate, nagkaroon din kami ng yakapan. Pwera lang kay Michael na halos hindi na mahiwalay kay Mandy. Para silang mag-asawa kung makadikit sa isa't isa.

"Anne, si Ian nasa labas." Bulong sa kin ni Elliah, "Mukhang kanina pa nag-aantay." Kaagad ko ng kinuha ang mga gamit ko at nagmadaling magpaalam sa mga natitira pa sa loob at lumabas na. Hindi na nga ako nakapagpaalam kay Michael at Mandy.

"Ian!" Tumakbo ako at niyakap sya ng mahigpit ng makita ko sya. Sya na nga talaga ang mahal ko. Wala na yung kay Michael. "Bakit hindi mo ko tinext na pupunta ka pala dito? Eh di sana hindi ka na nag-antay." Sambit ko habang nakayakap pa din sa kanya.

"Para surprise. Hahaha. Si Brenda ang tinanong ko kung asan kayo. Saka, ayaw kitang umuwi mag-isa." He said, still hugging me. Feels like no one wants to let go.

"Eheeeem." Napabitaw kami ni Ian ng marinig ang pang-aasar ng dati kong ka-classmate. Ian held my hand. Parehas kaming napangiti.

"So, kayo pala." Nakangiting sabi ni Joan.

"Yes, Anne's property here." Natatawang sabi ni Ian dito.

Napangiti nalang ako, pinipigilan ang kilig. Nagkaroon ng ingay at tilian gawa ng mga lalaki. Ang iba ay inaasar si Michael. Ewan ko ba kung matatawa ako o maiinis. Andito kasi si Mandy tas inaasar si Michael sa kin.

Hinigpitan ko ang kapit ko kay Ian. Napatingin ako sa direksyon ni Michael. Nakatingin lang sya sa min at walang emosyon. Magkaholding-hands din sila ni Mandy. Wala akong naramdaman ng kung ano. Masaya pa nga ako para sa kanila dahil ang tagal na nila.

Nagkatitigan ang mata naming dalawa ni Michael. Para bang may gusto syang sabihin. Damn. Ba't hindi ko sya mabasa?

Are there words that are left unsaid back then?

--

Nakatitig lang ako sa kisame nung gabing iyon. Hindi makalimutan ang pangyayari sa bonding kanina. Yung mga titig ni Michael na ayaw kong bigyan ng meaning. Lagi syang nakatitig sa kin. Kita ko iyon. Ayoko mang bigyan ng meaning pero ganun nya ako titigan nung may kami pa noong high school.

Napapikit ako at naalala ang mga masasayang alaala na kasama ko si Michael. Yung kwentuhan namin na parang wala ng katapusan. Yung tawanan namin na sobrang lakas. Yung ngiti namin sa isa't isa na abot hanggang taenga.

Halos buong gabi akong hindi makatulog. Hindi ko na nga nasagot ang mga texts at tawag ni Ian. Sasabihin ko nalang na pagod ako at kaagad na nakautlog pagkauwi ng bahay.

*

Wednesday morning. Nasa funtea ako. Drinking my favorite drink, caramel milktea and eating brownies. May 2 hours kasi akong vacant. Si Ian naman ay may klase pa. May dinner date kami mamayang gabi with our both fam.

"Anne?"

 

I was in deep thought when someone called my name. "M-Michael?" My eyes widened.

Umupo sya sa vacant seat na tapat ng upuan ko, "Uy Anne. Kamusta?" Ang lapad ng mga ngiti nya. Binaba nya ang gamit nya at tinago ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Pa-share ng table huh?" Nakangiti pa ding usap ni Michael sa kin.

Ngumiti ako, "Andyan ka na eh. Alangang paalisin pa kita?" I laughed.

Ngumuso si Michael, "Pwede. Kung may galit ka pa sa kin. Hahaha." He also laughed.

Dumating ang order ni Michael na caramel milktea at cupcakes naman. "So, ano ng balita sa'yo?" Pagbubukas ng usapan nito. I was about to answered when I felt something vibrate on my pocket.

From: Ian <3

Baby, san ka?

To: Ian <3

Funtea baby.

"Hey." Kaagad kong pinatong ang cellphone ko sa may table, "Busy ka ba?"

 

I shook my head, "No. May nag-text lang." Sabi ko sa kanya.

He crossed his arms, "So, musta lovelife?" Medyo seryoso na ang emosyon ng mukha nya. "May boyfriend ka na daw sabi nina Elliah? Totoo?"

I was stunned for a seconds. Sina Elliah talaga. Bakit pa nila kailangang sabihin kay Michael? Eh wala din namang pake tong tao. Saka, ano namang mangyayari kong malaman ni Michael? Bakit pa nila kailangan ibalita yon kay Michael?

Napakamot ako sa batok ko at akmang sasagot na ng biglang may yumakap sa kin patalikod at hinalikan ako sa pisngi, "Baby." Si I-Ian. He's h-here.

Kaagad akong napatayo, "I-Ian, andito ka na pala." Binalik ko ang tingin ko kay Michael na seryoso lang ang titig sa ming dalawa ni Ian.

"Michael, si Ian nga pala. B-Boyfriend ko." Pagpapakilala ko dito.

Hinawakan ni Ian ang kamay ko. "Nice to finally meet you, Michael." Nakangiting sabi dito ni Ian.

 

"Yeah. So, you're Ian." Malamig na tugon ng boses nya.

Napatingin ako sa orasan ko, "We need to go, Michael. Bye." Kaagad kong kinuha ang mga gamit ko at dali-daling naglakad papaalis kasama si Ian.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Si Ian naman ay kwento ng kwento. Tatango at minsan naman ay tatawa nalang ang ginagawa ko. Nakatingin lang ako ng diretso sa may bintana.

Kung hindi kaya ako sumuko kaagad noon sa min ni Michael, kami pa din kaya?

If I didn't walk away that time, kami pa din kaya?

 

If I fight for him back then, kami pa din kaya?

Do I still love him? Or memories haunts me now?

I closed my eyes,

"Walking away that time is the best decision I've ever made. I realize that letting someone go that brings out the pain in you is the opportunity for you to find the right people for you. Thank you, Michael, for making me realize that our paths just crossed but we're not meant for each other."

- - - - - - - - - - - - -

[A/N: Last update POV ni Michael. Thanks for reading! :))]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro