Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Realize (Anne's POV) Part 1

Realize (Anne's POV)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ang pogi talaga ni Michael!" Kinikilig na sabi sa akin ng kaibigan kong si Yvonne. Andito kami sa canteen at nabili ng burger. Andito din ang barkada ni Michael na nakain din.

"Oh, anong gagawin namin?" Sarcastic na sabi namin ni Brenda. Inirapan lang kami ni Yvonne at tiningnan muli si Michael na kumakain kasama ang mga kaibigan nya. Ang tagal pa nga namin bago makaalis ng canteen dahil kakatitig ni Yvonne kay Michael! Tsk! Magka-classmate naman kami at seatmate sila. Parang hindi magkikita eh!

"Therefore, as angle decreases, the height decreases too." Sabi ng teacher namin sa Physics. Jusko! Nakakaantok! Wala bang unan at kumot dito sa room para makatulog ako ng maayos?!

"Ah epal. Ang panget mo talaga, Michael. Nakakainis ka." Narinig kong sabi ni Yvonne kay Michael. Napatingin nalang ako sa direksyon nila. Epal, panget, nakakainis, pero gusto mo sya Yvonne?! HAHAHAHAHA! Tong kaibigan ko talaga.

Masaya silang nagkukwentuhan, nagtatawanan at nagtitigan ng buong klase namin sa Physics. Kahit hindi naman makinig yang si Michael, for sure kayang-kaya niyang i-perfect ang lahat ng quiz, prelim, at depart. Nababa lang ang grades nya dahil isa syang dakilang tamad at bibihira lang magpasa ng outputs or projects.

KINABUKASAN

"Kinikilig ako! Magkatext kami ni Michael kagabi!" Kwento sa buong barkada ni Yvonne, "Ang tagal naming magkausap kagabi! Alam mo yung pagkatapos nyang mag-dota, nagp-pm sya sa akin?! Kakilig much di ba?!" Kilig na kilig na sabi sa amin ni Yvonne.

Napailing kami ni Brenda, "Gusto mo ba talaga si Michael?" Sabay naming tanong dito.

"Oo eh." Sambit nito.

"Pero, malandi sya, hindi ba?" Harsh word na kung harsh word. Pero, yun talaga si Michael eh. Malandi sya! Sobra! Iba syang makatitig sa babae. Yung titig na para bang may meaning kahit wala naman. At saka, sa lahat ng babae NICE at CARING sya! Kahit nga may girlfriend sya noong 2nd year pa kami, nalandi pa din sya eh! Eh ngayong 4th year pa kaya?! Matured na ang utak nya at mas lalong lalandi yan dahil break na din sila nung girlfriend nya! Pagdodota lang yata ang kaya nyang seryosohin.

"Malay naman natin, magseryoso na sya hindi ba?" Mahinang sambit ni Yvonne.

Muli nalang kaming napa-iling ni Brenda at ng iba pa naming barkada. Malay nga naman natin. Iba pa namang magmahal ang isang flirt o player. Yun ang sabi ng iba. Masarap magmahal at pag talagang nagmahal, loyal at stick-to-one.

-

Groupings namin ngayon sa Math. Magka-group kami ni Michael. 6 members kami at lahat ng ka-group namin ay close sa kanya pwera lang sa kin. Ayoko sa kanya. Hindi ko din sya gusto para kay Yvonne. Alam kong sasaktan nya lang ang kaibigan ko dahil sure akong sa lahat ng babae ay mabait sya at pa-fall!

"Guys, pengeng number nyo." Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Michael.

"May number na ako sayo ah?"

"Ako din, Michael! Parang hindi tayo magka-classmate nung 3rd year ah!"

"Parang hindi tayo magka-text kagabi ah?!"

Natawa nalang ako sa mga sinabi nila, "Eto, number ko..." Sinabi ko ang number ko sa kanya. Alam ko namang ako nalang ang walang number sa kanya. Paano namin mapaguusapan yung irereport sa Math kung wala kaming number sa isa't isa hindi ba? Saka, leader namin sya.

Umuwi kami nina Brenda at Yvonne ng sabay. Halos marindi na nga ang taenga namin ni Brenda kay Yvonne dahil puro Michael ang bukam-bibig nya. Kinikilig sya dahil ang tagal daw nilang magkatitigan ni Michael.

Pagkauwi ko sa bahay ay akong nagbuklat ng mga notes sa Math. Naiinis lang ako dahil kahit anong gawin ko ay palagi akong bagsak sa Math. Bibihira lang ako makapasa. Alam mo yung feeling na lahat ng grades mo sa card ay line of 90, except lang sa Math mo na ang grade ay 81?! Nakakahiya naman sa grades nila Michael sa Math na 97! WTH di ba?!

Nabaling ang atensyon ko ng umilaw ang katabing phone ko, may nagtext na unknown number. Itatanong ko sana kung sino ito ng muli na naman akong makatanggap ng isang text message.

Si Michael.

From: Michael

Hey, Anne =))

Hindi ko sya nireplayan dahil alam kong magseselos nito si Yvonne. Pero nakakainis lang dahil maya't maya ang text nya! Makipagtext daw ako dahil kailangan daw namin pagusapan ang report sa Math! Nako for sure! Ako ang next target nito!

From: Michael

Pag hindi ka nag-reply, ikaw ang magre-report sa Math.

Oh no.

--

To: Michael

Ano bang gagawin natin?

Kaasar!

--

From: Michael

Secret. Text muna tayo. Hahaha.

Text muna tayo?! Aba malandi talaga.

--

To: Michael

Matutulog na ko.

-SENT-

--

From: Michael

Wag muna, please? Please stay up all night with me.

Nanggagalaiti talaga ako sa inis habang nakatitig ako sa screen. So, ako talaga ang next target nya?! Packing tape sya!

Maganda ako? OYES. Cute?! SYEMPRE! Matalino? HINDI GAANO. Matangkad? HINDI RIN GANON KATANGKAD. Payat? NO. CHUBBY AKO. Nice smile? AY! PANALO AKO DYAN! Photogenic?! AY NAKO! MERON AKO NYAN! Pero wait, t-teka, parang lahat din yata ng meron ako ay pasado sa standards ni Mr. Pa-fall. A-Ako na ba talaga ang n-next target nya?!

To: Michael

Wala kang makalandian no? Wag ako, please lang.

Alam naman nya sigurong may gusto sa kanya ang kaibigan ko ano? Wag naman sana nyang baliwalain ang feelings ng kaibigan ko at hindi yung basta-basta nalang sya manti-trip.

From: Michael

Hahaha. Sorry na. I'm trying to be friends here oh. Bawal ba?

Natahimik ako sa text nya. F-Friends?

Ilang minuto akong nakatitig sa screen. Wala namang masama hindi ba?

To: Michael

Fine. Friends.

At doon na nagsimula ang pagtetext namin. Hindi lang minsan kung hindi naging palagi na.

--

Nagkakausap sa classroom pero bibihira lang. Minsan natabi sya sa akin, nagkakakwentuhan at minsan naman ay nagkakatawanan. Medyo naging close na din kami hindi tulad ng dati na parang hindi magkakilala.

Ayos lang naman kay Yvonne at nagpapatulong pa sya na itanong ko daw kay Michael kung anong ideal girl nito;

›simple

›long hair

›nice smile

›masayang kasama

›masarap titigan

›hindi ganong katalino para matuturuan ko sya

›hindi katangkadan para may girlfriend na ko, may baby pa ko

›medyo chubby para sobrang lambot pag niyakap ko

Finorward ko naman kaagad kay Yvonne ang text ni Michael na yon. Nakakatuwa lang dahil pasok na pasok sa standards ni Michael ang kaibigan ko!

From: Michael

Eh ikaw, Anne? Anong ideal guy mo?

Napa-isip ako. Ano nga bang ideal guy ko?

To: Michael

›may sports (taekwondo/basketball)

›matalino

›matangkad

›hindi ganong kagwapo

›gentleman

›masayang kasama

›mahilig mag-joke

-SENT-

Ilang minuto pa lang ay kaagad ko ng natanggap ang reply ni Michael.

From: Michael

Aw. Wala akong sports. Hindi ko hilig ang ganon eh. =(

HUH? Kinabahan ako ng kaunti sa naging sagot nya. Alam kong may mali. At alam kong may pwedeng mangyari.

To: Michael

Um, antok na ko. Tutulog na ko. Good night.

Humiga ako at pinikit ang aking dalawang mata. Halos magi-isang buwan na kaming magkatext ni Michael. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kin pero... UGH! Ayoko!

From: Michael

Sasabay na ko sayo pagtulog. Hahaha. Good night, Anne. See you tomorrow! I miss you =))

Napaupo ako sa kama ko. Muli kong binasa ang last words na nasa text nya,

I miss you.

At naramdaman ko ang mga paru-paro sa tiyan ko at syang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-Hindi pwede..." Kasabay nito ang pagbulabog sa isipan ko ni Michael buong gabi.

**

Lumipas pa ang isang buwan at magdadalawang-buwan na kaming palaging magka-text ni Michael. Kami na din ang palaging magkatabi, nagkukwentuhan at nagtatawanan.

"Ayos lang, Anne. Tingin ko naman talaga ay ikaw ang gusto ni Michael. May magagawa pa ba ako?" Malungkot ang boses ni Yvonne ng sabihin iyon sa akin.

"Gusto? Baka naman, Yvonne. Wag ka ngang ganyan! Hindi ako gusto nung tao, okay?!" Binalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro. Gusto?! Kailan pa nagkagusto ang isang taong malandi?!

"Anne, kilala ko si Michael. Iba ang titig nya sa'yo."

Tumawa ako, "Pare-parehas lang ang titig nya sa isang babae. Ganun lang talaga yon makatingin. Wag nyo na din kasing bigyan ng meaning ano?"

Nilapitan ako ni Brenda, "No, Anne. Feeling ko din kasi talaga gusto ka ni Michael. Hindi mo ba naririnig ang sinabi ng mga kaibigan nya? Nagagawa pa ni Michael na i-pause yung game nila sa Dota 2 para lang ma-replayan ka!"

I was stunned for a seconds. Hindi ako maka-imik. Hindi ako makagalaw. Sinubukan kong ngumiti sa kanila, "Paano magiging ako eh alam ko naman na si Mandy pa din ang mahal nya?" Si Mandy ang first love nya. First girlfriend at first heartbreak. Iniwan nya si Mandy dahil nasakal daw sya dito at may iab na din syang babaeng nagugustuhan. Yun ang kwento sa akin ni Michael.

"Past is past. Saka, talo ng present ang past, hindi ba?" Nag-apir pa ang mga kaibigan ko.

Pero sa sitwasyon ko, tingin ko hindi.

--

Lumipas pa ang isang buwan at tuluyan na akong nahulog kay Michael. Isang gabi ay nagkaaminan kaming dalawa.

From: Michael

Anne, gusto kita. Gustong-gusto pa nga eh.

Halos hindi ako makapaniwala ng gabing iyon.

To: Michael

Gusto din kita, Michael.

At doon nagsimula ang lahat.

Walang kami pero gusto namin ang isa't isa.

Lumipas pa ang buwan at patuloy lang kami sa set-up na ganon. Palagi ng magkatabi sa upuan, nagkukwentuhan, nagtatawanan, palaging magkatext, minsan ay nakain sa labas at minsan naman ay kasa-kasama nya habang naglalaro ng dota. Kahit masakit sa pwetan ang umupo ng walong oras, ayos lang, basta kasama ko sya.

Minsan ay nagkakaroon ng tampuhan at selosan pero kaagad namang naayos. Ni-hindi na rin sya nalapit sa mga babae di tulad ng dati. Ang sarap lang sa feeling dahil walang kayo pero ang loyal nyo sa isa't isa.

Pero may bagay talaga sa mundo na biglaan nalang mawawala ng hindi mo inaasahan.

Nakita ko ang tweet sa twitter ng ex-girlfriend ni Michael. Masaya sya at tini-tweet pa nya ang text message daw galing sa lalaking minahal nya ng lubos. May 'Iloveyou.' pa sa tweet na 'yon. Tila ba nadurog ang puso at mundo ko. Si Michael lang ang lalaking sineryoso nya.

To: Michael

Michael, mag-usap tayo.

Naiiyak ako habang tinatype iyon.

Pero, isang oras bago ako makatanggap ng text galing sa kanya,

From: Michael

Sorry, nalowbat phone ko. Sige, tungkol san?

Hindi na tulad ng dati na may-smiling face pa ang text nya. Cold na sya.

To: Michael

May problema ba tayo? Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan. May nagawa ba ko?

Nakatitig lang ako sa kisame habang inaantay ang reply mula sa kanya.

From: Michael

Wala kang nagawa. Ako tong may problema.

Napapikit ako. Pinipigil ang pagluho ng mga luha.

To: Michael

Anong problema? Anong nangyayari?

Nanginginig kong sinend ang text message na iyon. Natatakot ako sa pwedeng maging sagot nya. Sila na ba ulit ni Mandy? Ano yon? Basta-basta na lang nya ako iiwan sa ere?!

Nag-vibrate ang phone ko. Dahan-dahan kong binuksan ang phone ko at binuksan ang message,

From: Michael

I still love her. Itigil na natin kung anong meron tayo. Magkaiba tayo. Magkaibang-magkaiba. Sorry, Anne.

At dahan-dahang tumulo ang mga luha ko.

**

"Anong ng nangyari sa inyo ni Michael?"

"Di ko alam." Ayan ang nagiging sagot ko kada may mga taong nagtatanong sa akin kung ano bad aw ang nangyari sa amin ni Michael. Gusto ko nga sanang sabihin na, "Ayon! Binalikan ang ex nya at iniwan ako!" Tangina lang ano?!

Hindi na kami nagtetext at nagiiwasan na. Hindi na rin naguusap ng tulad ng dati. Mahirap pero kailangan kong gawin. Hindi na rin sya natabi sa akin.

Lumipas ang isang buwan. Sariwa pa din ang sakit dito sa puso ko. Paano ba naman ako makakamove-on kung ka-classmate ko naman sya?!

Sabay na silang pumasok ni Mandy palagi. Dati-rati ako ang inaantay nya sa gate. Ngayon iba na. Sakit lang tanggapin.

Close na ulit sila ni Yvonne. Sila na ulit ang palaging magkatext. Sila na ulit ang magkatabi at nagkukulitan. Nagseselos ako. Naiinis ako. Pero wala akong karapatan hindi ba?

Tama nga sila. Malandi syang nilalang. May girlfriend na sya pero nilalandi pa din nya ang kaibigan ko.

"Anne."

Tumabi sa akin si Hans, ang isa sa kabarkada ni Michael. Ngumiti ako, "Hm?"

"Nagkakatext ba ulit kayo ni Michael?"

Napakunot ang noo ko, "Malamang hindi. Bakit?"

Umiling sya, "Wala lang naman. Feeling ko kasi gusto ka pa nya."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahinto ako sa pagrereview ko. "Hans, may girlfriend na yung tao. Kainis! Wag ako oy!" Pabiro kung sabi.

"Pero bakit nakikita namin sya na nakatingin sayo?"

No. No. No. Hindi dapat ako maniwala sa kanila. "Malamang natingin. Magka-classmate kami eh. Napapatingin lang siguro." Depensa ko.

Tumawa si Hans, "Titig, I mean. Ilang segundo. Kaibigan nya kami at alam namin ang meaning ng titig nya."

"So, anong pinaparating mo?"

"Malabo sila ni Mandy. Mahal nya si Mandy pero ikaw ang gusto nya."

"Magkaiba ang mahal sa gusto."

"Yun nga lang. Pero, naguluhan lang yon." Sabi pa nito. Tinitigan ak oni Hans ng diretso sa mata,
"Anne, paano kung bumalik sya sayo?"

Pilit akong ngumiti, "Hindi lahat ng iniiwanan, nababalikan." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, "Masaya na ko. Iniwan nya ko, tinanggap ko. Sabi ng iba, rebound ako, tinanggap ko. Ang masaktan tuwing makikita syang masaya sa dati nyang ex, tinanggap ko. Hindi ako papayag na bumalik sya sa kin kung kailan tanggap ko na ang lahat at kung kailan tanggap ko na impossible ang kami."

Tumayo na ako at dali-daling umalis. Naiyak ako habang naglalakad papalabas ng school. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ayokong umasa sa sinabi ni Hans sa akin. Ayoko ng umasa dahil alam kong matagal na nya akong kinalimutan.

Kasabay ng pag-agos ng luha ko ang syang bilis ko ng paglalakad,

"By, anong isda ang may bra?"

"Sirena. Joke ba yon, by?"

"Oo, by."

"Ang corny ng joke mo. Pero dahil mahal kita, tatawa ako."

At nakita ko si Michael at Mandy na masayang magkasama. Napahinto ako sa paglalakad. Ni-hindi magawa ng paa ko ang humakbang.

Nakita ako ni Michael... naiyak. Napatingin din sa akin si Mandy. Nawala ang ngiti nya. Nagsimula na silang maglakad papalapit sa akin.

"By, bahay mo tayo later, right?"

Sabi ni Mandy. Pinaparinggan ba nya ako? Iniinggit ba nya ako dahil ni-minsan hindi ako nakatungtong ng bahay ni Michael at ni-minsan ay hindi ko nakilala ang magulang nya?

Nilagpasan nila ako. Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Isang buwan na nakalipas. Alam ko sa sarili ko na unti-unti na kong nakakalimot. Pero bakit noong sinabi sa akin ni Hans yon, bumalik lahat ng alaala at tila ba may puwang sa puso ko na naasa na pwede pa nya akong balikan.

Naglakad na din akong palayo. Iiyak ko nalang ito.

May 3 months pa. 3 months bago ang mag-graduation. Titiisin ko nalang. Magch-christmas break naman na din. Makakalimutan ko sya kahit papaano.

Pagdating ko sa bahay. Humiga kaagad ako sa kama ko. Ilang oras akong nakahiga at nag-iisip isip lang. Ni-hindi ko nga magawang tumayo at kumain.

Nag-vibrate ang phone ko sa may katabing table ng kama ko. Walang gana kong kinuha ang phone ko at tiningnan kong sino ang nagtext na yon,

Hey.

From him. It's from Michael.

Dahan-dahan kong binalik ang phone ko sa may table at marahang napapikit.

Hayaan mo na ko, Michael.

Gusto kong makalimot.

Sya na ang mahal mo di ba?

Masaya ka na sa kanya, hindi ba?

Iniwan mo ko para balikan sya, hindi ba?

Sana naman hayaan mo ko na makalimot.

Ngayong unti-unti ko ng nare-realize na tama nga ang sinabi mo,

Magkaiba tayo. Magkaibang-magkaiba.

Masasaktan lang ako pag pinilit ko ang bagay na hindi pwede.

Masaya ako kasi alam kong masaya ka.

Masaya ako para sa inyo ni Mandy.

Masayang-masaya.

- - - - - - - - - - - - -

[A/N: May next update pa. POV naman ni Michael. Matagal na 'to sa draft ko. Ngayon lang ako naglakas loob iupdate dahil based on a true story po ito ng mismong author.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro