Chapter Twenty-Two
CHAPTER TWENTY-TWO
ILANG ULIT pinagmasdan ni Marie ang singsing na bigay sa kanya ni Niel. It was a beautiful ring with a bit huge diamond stone at the center. Sigurado siya na pinag-isipang maigi ni Niel ang pagpili noon at hindi naman inasahan ni Marie ang proposal nito.
Up until now it still felt surreal for Marie. Kaya heto siya at pinagmamasdan ang singsing na nakapatong sa lamesa. She's not wearing it. Sinisiguro niya talaga na totoong may engagement ring na siya. Someone finally took the courage to asked her hand for marriage.
And that was not with her today.
Niel was still out of the country. Kagabi lang ay natapos ang two day tour nito at ng banda sa Dubai. Kaninang umaga ang huli nilang pag-uusap at papunta naman ang binata kasama ng banda nito sa Los Angeles. Apat na bansa pa ang kailangan nito puntahan bago sila magkasama uli.
“What are you doing there, Mommy?” tanong na pumukaw sa kanya at agad na nagpalingon.
“Hey, sweetie, you're back!” She sound weird and Kreya noticed that. “Hinatid ka ng dad mo?”
“Yeah, and she's outside. Gusto ka niya raw makausap.” Bahagya siya nagulat sa sinabi ng anak niya. Why Creos wanted to talk to her? Tungkol na naman ba iyon sa sasakyan nito? Kung iyon nga ang dahilan baka mabato na niya ang lalaking iyon. “Why are you not wearing your ring, Mommy?”
“Katatapos ko lang kasi maghugas ng plato. Susuotin ko na nga siya, actually,” tugon niya sa anak.
“Hmm, I thought you changed your mind already.” Humalukipkip siya sa harap ng anak. “I'm glad you didn't. But, must I called Niel dad or papa?”
“Whichever you prefer, anak. Hindi naman kita pipilitin. And Niel told you before he left that he wouldn't asked you either.”
“When will he gonna comeback?”
“After LA tour, hmm, there are four US state they gonna visit.”
“Ang tagal pa pala,” Kreya said. Nagba-bonding naman silang mag-ina madalas ngunit iba talaga kapag kasama nila si Niel. Alam ng binata ang trip nila pareho at madalas nasa labas pa silang tatlo para kumain o 'di kaya ay gumala. “Dad's waiting for you outside. I'll be in my room doing my homework.”
“I'll help you after I talked to your father,”
“All right!”
Huminga nang malalim si Marie at sinuot na ang singsing na bigay sa kanya ni Niel bago lumabas. Sa labas, naabutan niya na nakamansid lang sa mga tanim na halaman ni Niel si Creos. Naging mahilig magtanim si Niel simula ng lumipat si Marie sa pinagawa nitong bahay. Mas malawak kasi na 'di hamak iyon kumpara sa nauna at iyong espasyo kung nasaan ang tanim bakante lang noong una.
“Nagtatanim ka na ngayon?” tanong ni Creos sa kanya.
“It's Niel's,” she answered.
“Dito na ba siya nauwi?”
“Nope. May bahay siya at kasama niya nanay niya doon.” Humalukipkip siya sa harapan nito. “What do you need from me? Kung tungkol iyan sa sasakyan mo pa rin -”
“Kreya told us you're getting married.” Salita ni Creos na pumutol sa pagsasalita ni Marie. “That guy did put a ring on your finger, huh?”
“That guy has a name, Creos. And yes, he did put a ring on my finger.” Nakita niya ang pagguhit ng mapait na ngiti sa labi ni Creos. “Kung iniisip mo na 'di okay sa anak natin ang lahat, you're wrong, Creos.”
“Mukha nga na tanggap na ni Kreya iyong tungkol sa inyo. She just casually broke the news at the dinner table last night,” anito sa kanya. “Are you sure about him? Tanggap ba niya si Kreya?”
“Mabait si Niel at magkasundo sila ni Kreya. Komportable din ako na iwan sa kanya si Kreya dahil I know for a fact that he won't harm our daughter.” Tumingin siya diretso kay Creos. “Iyan ba ang gusto mo na pag-usapan natin? Gusto mo alamin kung sigurado na ba ako sa desisyon ko?”
“Alam ko na wala na ako dapat pakialam pero nang sabihin sa akin ni Kreya ang tungkol sa engagement niyo, napaisip ako bigla. Napatanong ako sa sarili at alam kong huli na ang lahat. I was never been a good guy for you, Marie. Hindi nga rin ako naging mabuting ama kay Kreya.”
Huminga nang malalim si Marie bago nagsalita.
“May oras ka pa para ipakita kay Kreya iyong 'di mo naipakita sa kanya noon. She's growing fast and maturely but I know you'll get her. Habaan mo lang ang pasensya mo sa kanya at pag-unawa.”
“I'll keep that in my mind. By the way, he has a good eye on what kind of ring that will suit you.” Tumango siya saka ngumiti at pinagmasdan ang suot na singsing. “Can we be brilliant in co-parenting?” Ngumiti siya saka muling tumango. “I need to go. Susunduin ko pa si Chloe.”
“A woman for keep?”
“Yes. Kreya met her already and they're terrific together.”
“Good to know that. Drive safe.” Kumaway siya rito at inabangan na maka-alis iyong sasakyan ni Creos.
Hindi niya alam saan nito iyon nakuha at kung paano. Ayaw na ni Marie na magtanong at nakiusap naman ito na maging maayos sila sa bilang co-parent kay Kreya. It wasn't too much for Creos to asked. Maayos naman ito nakiusap kaya bakit hindi niya pagbibigyan. And that was all she wanted before she get married to Niel.
Papasok na dapat si Marie ngunit nahinto siya nang makarinig malakas na banggaan ng dalawang sasakyan. Marie checked it and got horrified instanly when she saw Creos car. Mabilis siyang tumakbo upang tingnan ang binata na nasa loob pa rin ng sasakyan nito. Kinatok niya ang pinto ngunit hindi na ito nagalaw sa loob kaya pilit niya binukas ang pinto sa shotgun seat side.
“Please call a help!” sigaw niya habang pinipilit na ibukas ang pinto. “Creos!” Buong lakas niya na hinila ngunit 'di pa rin sapat para mabukas iyon. Mabuti na lang at may tumulong sa kanya sa pagbukas noon na lalaking may kalakihan ang katawan. “Call a help now,” utos niya uli.
Naupo siya sa loob at tiningnan si Creos. Hindi na niya inalintana ang dugo na bumalot sa kanyang kamay nang hawakan ito.
“M-Marie. . .” Creos faintly said.
“You have to stay with me, hmm? Huwag mo ipipikit iyang mga mata mo.” Marie made him stay still to avoid anymore bone fracture especially on his spine. “I got you, okay? Stay awake, Creos. Parating na ang tulong.”
“I-I'm s-sorry. . .”
“Stop saying that. Not now, Creos!”
Hindi iyon ang kailangan ni Marie na marinig mula dito. Hindi ngayon lalong-lalo na sa sitwasyon na meron ito.
Marie hailed for help again and this time someone answered her hailing. Sinabi niya na doktor siya at agad na nagpakuha ng neck brace para kay Creos. She also borrwed the medics stethoscope to check Creos' lungs. Conscious pa ito at nakakausap din ng mga medic na kasama niya. Meron namang sumisira na sa kabilang pinto at doon ito inilabas pagkatapos lapatan ng paunang lunas.
“Mommy!” sigaw na kanyang narinig ng makalabas sa sasakyan ni Creos. Tumakbo ito palapit sa kanya sa yumakap agad. “Si Daddy. . .”
“He'll be fine, sweetie.” Nasa kamay pa rin niya ang mga dugo ni Creos at medyo nanginginig pa rin ang kanyang mga kamay. “Let's go, anak,” she said and instructed the medic team to bring Creos in the nearest hospital before getting inside the ambulance.
Habang nasa daan, kausap niya ang kanyang Kuya Sebastian at sinabi niya rito ang lahat ng nangyari. Nagsabi ito na pupunta sa ospital para kuhain si Kreya na ngayon ay hawak-hawak na ang kamay ni Creos. Their daughter knew the drill already even if she was about to asked her to do it.
Pagdating nila sa ospital, agad niya inasikaso ang patient information ni Creos habang nasa emergency room ito. Nanatiling nakatabi sa kanya si Kreya at nakamansid lamang sa ama nito na inaasikaso ng mga nars at doktor.
“Will he be okay, Mommy?” tanong ni Kreya sa kanya.
“Don't look at what they're doing, Kreya,” aniya sa anak saka kinabig ang ulo nito papunta sa ibang direksyon. “He will be fine, hmm?”
Hinalikan niya ang ituktok ng ulo ng anak niya saka tinapos na ang pag-fill up sa mga impormasyon ni Creos. Pagkatapos doon ay hinarap niya ang doktor ng dating kasintahan at sinabi nito sa kanya na kailangan sumailalim ng binata sa operasyon. But they waited for Creos patient first before doing it since Marie has no legal connection to him. Anak lamang ang pinaghahatian nilang dalawa ni Creos at wala na hihigit pa roon.
“M-Marie. . .” tawag ni Creos sa kanya. “S-si K-Kreya?”
Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay agad. “Outside. She's with my brother.”
“N-nakita niya ako?”
Tumango siya. “She's brave, Creos and I think they're already in the chapel of this hospital now, praying for you.”
Ngumiti si Creos kahit may sakit na nararamdaman. “M-mana sa 'yo ang b-batang iyon.”
“Natawagan ko na ang mga magulang mo at si Chloe. Papunta na sila dito.”
“N-natatakot ako,”
“Magagaling ang doktor na mag-o-opera sa 'yo, Creos. Wala kang dapat ipag-alala.”
“T-they're not as good as you.” Naramdaman niya paghawak nito pabalik sa kanyang kamay. “Sumama ka sa loob kahit wala ka gawin doon. Y-your prensence will put in ease, Marie. Be there. . . with me, p-please?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro