Chapter Twenty-Three
CHAPTER TWENTY-THREE
KAHIT PAGOD ay sa ospital pa rin pinili ni Niel na magpababa sa kanyang manager at mga kabanda. Si Marie ang gusto niyang makita ngayon at masiguro na ayos lang ito. Si Kreya lang ang nagsabi sa kanya tungkol sa nangyari kay Creos at ang bata pa lang ang nakaka-uwi. Ito rin ang nagsabi sa kanya na hindi pa nauwi si Marie simula nang isugod ang dati nitong kasintahan sa ospital.
He knew about the ill-fated relationship Marie had with Creos' family. At mag-isa lang ito sa ospital ngayon na walang ibang kakampi. Kaya kahit wala pang halos tulog at pahinga ay sa ospital pa rin siya dumiretso para kay Marie.
“May pasyente bang Creos na naka-confine dito?” tanong ni Niel nang makalapit sa nurse's station. He didn't knew Creos' surname. Dominguez ang gamit ni Kreya kaya wala siyang ideya at 'di rin naman niya tinanong ang kasintahan.
“Niel?” Tawag na siyang nagpalingon sa kanya agad. Boses pa lang ay kilala na niya kaya awtomatiko siyang ngumiti pagkakita kay Marie. Yumukod siya sa nars na nilito lang niya at inistorbo sa ginawa bilang paghingi ng paumanhin. “A-ano'ng ginagawa mo rito?” tanong nito sa kanya.
“I took the earliest flight just to see you,” tugon niya sa tanong ng dalaga.
Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap nang mahigpit. Hindi na nito inalintana kung may nakatingin ba sa kanila na nakumpirma naman niya. Naalis ang sumbrero na suot niya kaya nakilala siya ng ilan sa mga nakatingin. Pero wala sa mga iyon ang nagtangka na kumuha ng larawan nila.
“Lowbat pa ang cell phone ko kaya hindi ko alam na uuwi ka,” anito sa kanya nang bahagyang kumalas sa pagkakayakap nito.
“You haven't changed your clothes?” Nakita niyang tiningnan ng dalaga ang sarili nito bago muling tumingin sa kanya. Niel saw blood stains on the dress she's wearing. “I have extra clean clothes here. Magpapadala na lang ako ng extra pa kay Kris mamaya,” aniya sa dalaga.
“Thank you,” she said. “H-how did you know?”
“Kreya.” Maikli niyang tugon. “Kumusta siya?”
“Tapos na ang surgery pero ino-obserbahan pa siya kaya nasa ICU pa. Nakabantay naman mga magulang niya sa taas kaya narito na ako sa baba.”
“Did they -” Umiling ang dalaga saka ngumiti. “Mabuti naman. Iniisip ko na wala ka kakampi kaya dito na dumiretso ngayon. Cancelled yung apat na tour namin. May hindi pagkakasundo sa kontrata kaya pinilit ko na umuwi na agad.” Lumapit siya rito saka niyakap ito. “Are you done here? Can we go home and be with Kreya? You two had a tough day already.”
“Ikaw din naman. You badly need a sleep, too,” she answered.
“I have my rest here,” aniya sa dalaga saka mas hinigpitan ang yakap dito. “Let's go home now.” Hinawakan nito ang kamay niya at inaya na siya lumakad papunta sa rest room. Nagsabi ito na magpapalit muna ng t-shirt bago sila umuwing dalawa.
Nang makapagpalit si Marie ay sakto din dumating ang nakuha niyang TNVS ride. Sumakay sila doon at nagpahatid na sa bahay nito. Naroon siya Kreya na siyang binalita ni Marie sa kanya at kasama ng bata ang kapatid ng dalaga doon. Magugulat lang ang mga ito kapag nakita siya at iyon lang reaksyon na aasahan ni Niel sa mga ito.
“Babalik ako kapag nakalabas na siya sa ICU. Isasama ko si Kreya. Nag-alala din iyong bata sa tatay niya ng sobra.”
“Ano ba ang nangyari sa kanya?”
“Sabi ng mga pulis, nasa tama si Creos. Iyong truck driver ang inantok at nakatulog kaya hindi nakita na naka-full stop dapat kahit na walang na dumadaan sa lugar na iyon.”
“And you were with him?”
“I ran to help him,” sagot ni Marie sa kanya. “He's saying sorry repeatedly.” Hinawakan niya ang kamay nito saka pinahilig ang ulo sa kanyang balikat.
“You're so brave, my love,” bulong niya sa dalaga saka pinatakan ng magaan na halik ang gilid ng ulo nito.
~•~•~
GISING pa si Creos nang dumating sila ni Kreya at mukhang sila ang hinihintay nitong dumating. Her ex-boyfriend's parents were there with Chloe and based on the reaction on their faces, they didn't like Niel's presence. But who cares about their reaction. Nag-usap naman na sila ni Creos na magiging maayos silang dalawa nasa paligid 'man si Kreya o wala. At fiancé niya si Niel kaya kasama niya ito sa pagdalaw ngayon.
“I heard about the cancelled tour of yours, Niel.” Napatingin siya kay Niel na parang nagulat din sa pag-approach ni Creos dito. “Can you accompany my daughter on her field day?”
“Sure.” Maikling tugon ni Niel na naglagay ng ngiti sa labi niya. “I'll go out. It's my agency,” paalam ni Niel saka inabot sa kanya ang isang cell phone at tablet bago lumabas.
“Dad, are you okay now?” Narinig niya na tanong ni Kreya kay Creos.
“Yes, I am but I have to be in a wheel chair for months, I guess?” Sinabihan niya si Kreya na magdahan-dahan para hindi masagi ang sugat ni Creos. “Ah, Chloe, this is Marie. She's the mother of my daughter.”
“Hi! Masaya ako na makilala ka pero hindi sa ganitong sitwasyon. My father is dealing with the truck driver now.”
“Nasabi nga ng kapatid ko sa akin,” aniya. May dahilan pala kaya bigla nagtino itong si Creos. Chloe's father was a former district attorney. He's practicing privately on their own law firm just like her brothers. “Law community is smaller than a normal people like us think.”
“You're right,” Chloe said. Napatingin sila nang mag-apir sina Creos at Kreya na para bang may usapan ang dalawa na hindi nila alam. “Puwede ba kami lumabas ni Marie? Si Kreya muna ang maiwan sa inyo,” paalam ni Chloe na sinang-ayunan naman ni Creos.
Walang imik ang mga magulang ni Creos pero alam naman ni Marie na pagkalabas nila ay pangangaralan na ng mga ito ang dati niyang kasintahan. Predictable ang mga galaw nila pero wala naman na siya pakialam sa mga ito.
“It's suffocating there. Mabuti na lang at nalalabanan ni Creos ang mga magulang niya,” wika ni Chloe.
“Talaga bang si Creos iyang sinasabi mo?” takang tanong niya. Tumango lamang si Chloe bilang tugon sa tanong niya. “That's cool. Hindi naman sa pinagkukumpara ko at fighter din naman si Niel. Hindi lang talaga ako mapakiniwala.”
“Nasabi niya nga sa akin iyong nangyari sa inyo. May regret siyang nararamdaman at inamin niya rin iyon sa akin.” Tumingin siya kay Chloe. “Hindi ako galit sa 'yo. In fact, I am thankful because you were there. Kung sa ibang lugar siya na-aksidente, baka wala na siya.”
“Alam niyang mas lalo ako magagalit kung pati anak namin ay lalo niyang sasaktan,”
Tumango uli si Chloe. “He's trying his best to be a good father to Kreya. Sabi ko nga sa mga magulang ko, chance lang naman ang kailangan ni Creos. And that's what he got from you. Masaya siya noong i-text niya na maayos na kayong dalawa. And his happiness is also mine.”
“I'm glad Creos found a match in you, Chloe. Hayaan mo lang ang pamilya niya.”
“How about you? Already planning for the wedding?”
“Not yet but soon, I think.”
Ngumiti Chloe at inaya siya na maglakad pa sa garden. Iyong maisara ang libro na meron sila ni Creos ang hinihintay ni Marie na mangyari. At sa wakas ay nangyari na nga iyon. Masaya siya sa kinahinatnan ng lahat kahit noong una ay 'di pa siya mapalagay.
Ngayon sigurado siya na wala na makakapigil sa kanila ni Niel. Handa na siya sa panibagong yugto na kanilang tatahakin dalawa na magkasama. . .
~•~•~
“I HAD fun today, Niel. Thank you for accompanying me today!” Iyon ang narinig niya na sinabi ni Kreya bago nakipag-apir kay Niel. Halata naman na pareho silang nag-enjoy sa ginawa maghapon sa school kahit nababakasan ng pagod ang kanilang mukha. “Hi, mommy! I'll head upstairs to clean and call daddy.”
“Bumaba ka agad para sabayan kami mag-dinner.”
“I will!”
Huminga si Marie ng malalim saka binalingan na si Niel.
“Tired?” Umiling ito. “I cooked your favorite. Na-master ko na at tiyak ko na magugustuhan mo iyon.”
“I want more of this, Marie.”
Kumunot ang kanyang noo. “A-ano'ng ibig mo sabihin?”
“Let's get marry. Ayos lang kahit simple lang ang lahat, Marie. As long as you're there willing to take the journey with me. I cannot wait any longer to say I do to you. It's you that I want to be with for better or worst. And in sickness and health. I want to marry you, Mariestelle Dominguez.”
Bahagya lang siya nagulat sa sinabi ni Niel pero ang makasama ito matapos niya maisara iyong sa kanyang nakaraan ang nais niya mangyari talaga. Marie hated planning which involves consulting other people that would cause added stress to her. Simpleng kasal lang din ang plano niya at nais na mangyari. Ang mahalaga naman si Niel ang pakakasalan niya at hindi ibang lalaki.
“We won't tell anyone?”
“Iyong malapit lang sa atin ang makaka-alam.”
Niel knew how much she valued her family. Napalayo siya sa mga ito noon at ayaw na niya na mangyari iyon uli. “Hindi ako gagawa ng kahit ano para mapalayo ka sa kanila uli. Your family is also mine to keep and respect, Marie. That's how much I love you and I'm planning to be the standard guy for Kreya.”
Niyakap niya ito nang mahigpit para iparamdam dito kung gaano siya kaligaya ngayon.
Having Niel in her life was hard but she managed to bare all the pain even if the hindrance were present everywhere. Hindi sila nagpatinag sa mga naging hadlang sa kanilang pagmamahalan.
Hinding-hindi na. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro