CHAPTER TWENTY-FOUR
"TIRED?" tanong ni Niel sa kanya na halos pabulong na rin. Ngumiti siya at sinandig ang ulo sa dibdib nito pagkatapos umiling. "This has been the most spontaneous day of my life."
Inahon niya ang ulo mula sa pagkakasandig sa dibdib nito saka sinalubong ang mga tingin ni Niel.
"Hindi sumagi sa isip mo na magpakasal noon agad-agad?" Umiling si Niel. "So. . . am I the first woman you asked to marry you?"
"Yes," Marie giggled.
"Pero tiyak ko na marami magtatampo sa atin. Look, only few were invited and only them knew about this."
As much as Marie wanted everyone to be invited, they still chose to have a fewer guest in the end. The ceremony of their wedding held in an exclusive hotel owned by Marie's family in front of a man-made beach inspired by the white sand beach of Boracay.
Kahit nasa Manila sila, naka-experience pa rin sila ng beach wedding na gustong-gusto ni Marie na tema noon pa. Dumalo sa kasal nila ang buo niyang pamilya at pati na iyong kay Niel kasama ang mga kabanda nito.
Walang media na invited at pinakiusapan nila ang mga guest na huwag muna mag-post online tungkol sa naging kasal nila. Marie and Niel wanted to savour the moment first as a newlyweds. Kaya nga marami na ang nagsabi sa kanila mula pa kanina na sobrang intimate ng kanilang kasal.
"Bawi na lang tayo sa kanila sa susunod," ani Niel sa kanya.
"May susunod na kasal?" Tumango ang binata bilang tugon sa kanyang tanong na naging dahilan para kunwari niya itong hampasin sa dibdib.
"Of course there should be a wedding where everyone is invited. Maybe next year? Basta pakakasalan pa kita ulit, Marie." Napansin niya na luminga-linga ito na para bang sinisilip kung abala ba sa ibang bagay ang mga guest nila. "Where is Kreya?"
"With her father and Chloe."
"Great. So. . . shall we leave them now?"
Si Marie naman ang lumingon sa kanilang paligid. Nakita niya na lahat ay abala sa kani-kanilang kausap habang nainom. Some were dancing just like them at the center. Nakita niya si Jethro at Nora na magkasayaw na kapwa kumindat sa kanya nang tumama ang tingin niya sa mga ito.
"I guess they won't mind it anymore," tugon niya saka mabilis silang umalis sa gitna at magkahawak kamay na lumakad palabas.
"Dra. Dominguez!" sigaw na agad na nagpalingon sa kanya. Natigil sila sa paglakad ng makita na humahangos palapit sa kanila iyong hotel manager.
"It's Dra. Flores now," she said with a sweet smile on her face. Ngumiti ang hotel manager saka inabot sa kanila iyong regalo na parehong nakapangalan sa kanila ni Niel. "Thank you for this! We appreciate everything you did today especially the act you did to drive the media away."
"It's part of our job to give fulfill your dream intimate wedding. Congratulations again and best wishes."
"I'll put a good review online," singit ni Niel na kinaliwanag naman ng mata ng manager na kausap nila. "We'll go ahead now. Thanks again!"
Nagkatinginan sila ni Marie at nagpatuloy na uli sa paglakad palabas ng hotel hanggang makarating na sila sa parking lot.
"Wait. . ." Pigil ni Marie kay Niel. "Saan tayo uuwi? Sa bahay ko o sa bahay mo?" Tila napaisip ang binata sandali. Dalawa ang bahay na meron sila at hanggang ngayon 'di pa rin sila nakakapag-desisyon kung alin nga ba sa dalawa ang bahay na kanilang titirahan.
"Your place for tonight," he answered.
Ngumiti siya saka sumakay na sa shotgun seat. Inalalayan siya ni Niel na makapasok at inabangan na maka-ayos bago umikot sa driver's seat.
"Your seatbelt," paalala nito sa kanya at in-start na ang makina ng sasakyan.
"Already fasten," she answered.
Habang hinihintay na uminit iyon ay kapwa sila nagtingin sa online. May mangilan-ngilan na nagpost ng tungkol sa kasal nila na matatawag ng late post. Sinunod kasi ng mga bisita nila ang kanilang paki-usap para makapag-enjoy sila. Marami ang nagulat pero mas marami ang bumati sa kanila.
"Let's go now?" Tumango lang siya bilang tugon sa tanong ni Niel. "We will be all over the news tomorrow for sure," ani Niel sa kanya.
"Hindi naman siguro tayo ang sentro."
"I hope so," tugon nito.
Doon niya ginagap ang kamay ng asawa at hindi na binitawan pa iyon hanggang sa makauwi silang dalawa.
Today, the journey as husband and wife will start for them. It's going to be the new chapter of their lives which they will going to cherish together forever. . .
~•~•~
ISANG linggo matapos ang kasal, balik sila sa normal nilang mga gawain. Si Niel sa recording at planning para sa mga tour na na-kansela noon habang si Marie naman ay sa ospital.
Pumapasok na siya ulit at sa ospital na pag-a-ari ng pamilya niya ngayon - ang St. Martin Medical Center. Siya ang emergency room doctor ngayon doon dahil minabuti niya na magsimula ulit umpisa.
Gaya dati, ayaw pa rin niya gumamit ng koneksyon na binibigay sa kanya ng lahat. Kabilang doon ang kanyang ina.
"Join us sa dinner mamaya. Kayong tatlo, Marie," sambit ng nanay niya na kasama niya lumakad papasok sa ospital.
"I'll check on Niel later. Siya ang susunod kay Kreya sa school. Wala si Creos ngayon sa bansa."
"Sa bahay na kayo dumiretso mamaya, okay?" Ngumiti siya saka tumango. "I'll see you later sa lunch." Umalis ito at sakto naman na may nakita siyang pinapasok na pasyente sa loob ng emergency room.
"Uy, akala ko hindi ka pa papasok?" It was Jethro and yes, he also followed her there with Nora. Buo pa rin ang squad niya kahit na nasa ibang ospital na sila. Pare-pareho silang naka-toka sa emergency room ngayon.
"One week lang naman ang hiningi ko na bakasyon. Saka marami rin gagawin si Niel sa recording studio ngayon."
"Ang busy ha," anito na may halong panunukso.
"Magtrabaho muna tayo bago magtsismisan," aniya sa kaibigan saka nilapitan na ang pasyente na nangangailangan ng kanyang atensyon.
Pinakinggan niya ang sinabi ng paramedic bago nag-utos sa mga nars na kasama kung ano ang kailangan niya. Gano'n naging simula ng araw niya at kada may matatapos tingnan na pasyente ay agad niya iyon pinasa sa ibang doktor para madaluhan ang iba pa.
Marie was all in her feet until lunch time. Hindi na nga halos namalayan pa ang oras dahil pagiging abala sa emergency room. Iyon talaga ang parte ng ospital na pinaka-abala sa lahat. Palapit na siya sa nurse's station ng makita ang tiyuhin niyang si Dr. Niko Dominguez.
"How was your vacation?" tanong nito sa kanya.
"Good and well spent with my husband, Uncle," tugon niya. "Thank you po sa regalo niyo ni Auntie Jillian."
"You deserved it, Marie and welcome to SMMC by the way. How's your day so far?"
"Busy. So busy," aniya pero siguro na walang halong reklamo sa tono ng kanyang pananalita. "But I missed being inside the ER."
"Continue putting up a good work there, Dra. Flores."
Marie made sure that her new ID, name tag embroidered on her doctor's coat were carrying Niel's surname before starting to work. Kahit hindi naman required ay nagpalit pa rin siya ng apelyido. Sabihin na lang na proud siyang maging Mrs. Flores at alam niyang gano'n din ang kanyang asawa.
"I'll check on my patients' chart now, Doc," paalam niya at tumango naman ang tiyuhin niya kaya naglakad na siya ulit palapit sa nurse's station. "Nag-lunch ka na?" tanong niya kay Jethro.
"Hindi pa. Ililibre mo ba ako?"
"Tara sa canteen pagtapos ko dito. My mom is there waiting for me."
"Pumapasok pa rin pala ang nanay mo dito?"
"As a board member na lang. Hindi na bilang doktora. May private clinic siya sa bahay, doon na siya natanggap ng mga pasyente. Tulong sila ni Daddy."
"Mag-kwento ka naman tungkol sa bakasyon niyo ni Niel." Umiling siya saka ngumiti bago inabot dito ang clipboard na pinirmahan. "Ang daya mo talaga kahit kailan. Anyway, nakita ko si Dra. Saludez kanina."
"Wala na ako balita sa kanya," aniya sa kaibigan. Hindi nagpunta ang ginang sa kasal nila ni Niel kahit nagpadala sila ng imbitasyon sa mga ito. Iyong anak nito lang ang dumalo pero sa reception na at nagbigay lang din ng regalo saka umalis na agad.
"She's here as a patient, not as a doctor." Natigilan siya matapos ang narinig. "You didn't know? Does Niel know?"
Umiling siya. "I'll call him now -" Nang lumingon siya si Niel ang agad niyang nakita. "There's no need. He's here."
"Lunch next time?"
"Yeah, next time." Napagdesisyunan niyang ang nanay na lang niya ang tatawagan para sabihan ito tungkol sa nangyari bago sinalubong si Niel.
~•~•~
"YOU got to be kidding me," aniya sa asawa ng maabutan itong pinanonood iyong same day edit video ng kasal nila. Napadala na kanila ang video at naka-post na rin iyon online. Maraming comments sa ilalim noon na pulos masasaya para sa kanilang dalawa ni Niel. "You watched it without me?"
"I can always press the replay button, my love," tugon nito sa kanya na nagpangiti sa kanya.
Parang walang nangyari kanina na halos sumira sa plano nila na sumabay sa mga magulang niya na mag-dinner. Natuloy ang hapunan at heto nga't kakauwi lamang nila. Naghanda lamang siya ng snack nila sa kusina at sa kanyang paglabas ay nanonood na ito.
"Well, I'm just distracting myself to not to think about Auntie."
"I know that's why I prepared these reinforcements now." Hinain niya sa harapan ng asawa iyong hinanda na pagkain. "Keep the volume low. Nag-a-aral si Kreya sa kwarto niya."
"Right. I forgot about that." Hininaan nga ni Niel ang volume ng TV nila saka nilagay sa likuran ng ulo niya ang isang braso nito. "Next week, I'll be in Belgium for a two-night concert there. Then, London finally and New York again."
"When can we see you again?" tanong niya sa asawa.
"Before Christmas. That's a promise, my love. I'll be with you and Kreya." Pumihit ito paharap sa kanya. "Kreya will be with us this Christmas, right?"
"Yes, she is." Kuntento na talaga si Niel na silang dalawa lang kasama na si Kreya. "What about Auntie? Will she be okay?"
"Iyon ang sabi ng doktor niya at mukhang desidido na rin siya magpa-opera. Mabuti na lang at next week pa ang biyahe ko. At least I can protect you from her."
"Kaya ko naman harapin si Auntie. Saka sinabi ko na yayakapin ko siya pero hindi ko i-to-tolerate ang evil doings niya."
"I know that but that's my duty as your husband. I have to protect you always." Ngumiti siya at hinilig ang ulo sa balikat nito. Suwerte talaga siya sa asawa at lagi na silang gano'n simula ng maikasal. "Just like my vow, I'll be your confidant, your best friend, not only your husband."
Hinalikan nito ang likod ng kamay kung nasaan ang engagement ring pati na wedding band nilang dalawa.
"I love you," she said.
"I love you more. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro