Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty

CHAPTER TWENTY

MATAMANG inabangan ni Niel na makalabas sa ospital si Marie. A minute ago he called his girlfriend, notifying her that he'll be dropping some homemade breakfast from his mom. Kasama nila bumalik ng Manila ang kanyang ina at ang ginang ang kasama nito sa bahay ngayon.

Maganda ang outcome ng reunion. Halos lahat ng miyembro ng kanyang pamilya ay gusto at tanggap si Marie. Gustong-gusto din ng mga ito ang pagka-bibo at katalinuhan ni Kreya. Pero hindi kasama sa mga iyon ang tiyahin na ilang beses na niya kinausap.

At kanina bago ito umalis, muli niya kinausap ang tiyahin pero gano'n pa rin. Nanatiling ayaw nito kay Marie para sa kanya.

Isang dahilan kaya hindi niya maituloy ang planong pag-po-propose kay Marie.

But Niel relayed his plan to Kreya and that little girl approved the plan he have. Ngayon ay isasama niya ang bata para katulungin sa pagpili ng singsing. Hindi lang naman isang singsing ang bibilhin niya ngayon dahil kailangan meron din si Kreya.

“Hi, handsome!” Tumingin siya sa pinanggalingan ng boses na pumukaw sa kanya. That was Marie and she immediately occupied the shotgun seat. “Ano itong dala mo?”

“Coffee, pancakes, bacon and homemade potato chips.” Nakita niya na inusisa na iyon ni Marie na para bang excited na bata ito sa pasalubong na natanggap. “Ano'ng oras tapos ng shift mo?”

“Before 4pm,” tugon nito saka sinimulan na kainin iyong pagkain na kanyang dala. “Sigurado ka na ayos lang sa 'yo na sunduin si Kreya sa school? Kuya Seb already dropped her there. Baka lang hindi ako makauwi before 4pm at ayoko naman maghintay si Kreya doon ng matagal.”

“Yes, it's fine. Susunduin lang naman 'di ba? I can bring her to the studio after. Wala naman akong ibang lakad ngayon.”

“You don't have meetings with your concert producer and bandmates?”

Umiling si Niel. “Pulido na ang comeback concert namin. But I have meetings to attend to tomorrow. Para naman iyon sa world tour.”

Another reason why Niel wanted to propose. Kapag natapos ang comeback concert nila sa Pilipinas, susunod na agad ang world tour. Hindi alam ni Niel kung magkakaroon pa ulit ng ganitong pagkakataon na magkasama sila ni Marie.

“Which continent are you going to bring your music?”

“Probably South-East Asia then America. Pinag-uusapan pa kung isasama ang London.”

Marie groaned. “Matagal ka pala mawawala,” anito sa kanya.

“You join me there, only if you want.”

“Sira ka may trabaho ako dito. Saka ayoko kaya ma-tag as clingy girlfriend mo,”

“Why? Totoo naman na clingy ka.” Hinampas siya nito sa dibdib. “I still love you even if you're clingy.” Kinuha niya ang kamay nito saka hinalikan ang likod noon pati na mga daliri.

“Kreya will hate us for being like this,”

Tumawa si Niel. “Wala pa naman siya ngayon.” Hindi naman iyong inis talaga. Sometimes Kreya loved to teased them and acted like puking whenever they're sweet to each other. “Mama is asking what shall she cook for dinner later.”

“Bakit? Ano'ng meron na naman?”

“Sa bahay ka na umuwi pagkatapos ng shift mo para makatulog ka ng maayos.”

“Nakakatulog naman ako ng ayos sa condo saka ihahanda ko pa iyong uniform ni Kreya pati pagkain -”

“Consider it done, hmm?”

“Pero kaya ko naman. . .” Marie stopped for a while then she scooped in closer to Niel. “Fine. I let you do it for me.”

Ngumiti si Niel saka pinatakan ng magaan na halik ang kanyang noo.

“May isasama ako na house cleaner mamaya sa condo mo. She will do the cleaning, laundry and ironing the clothes. Sa pagkain, si Mama na ang nagprepare ng lahat nag-enjoy siya sa pagluluto sa bahay kaya maraming sobra.”

“Hindi ba off iyon?”

“What do you mean?” Sandaling hindi kumibo si Marie. Doon pa lang nabasa na niya ang natakbo sa isipan nito. “My loves what she's doing for us three.”

“Are you sure?”

“I am one hundred percent sure.” Sinapo niya ang mukha ni Marie at gano'n din ang ginawa nito sa kanyang kamay at ngumiti. “They need my wonderwoman inside now.”

Marie groaned. Natunog na ang cell phone nito at si Jethro ang natawag. “I'll see you later, love,” anito saka hinalikan siya sa gilid ng kanyang labi

“See you later, love.” Tiningnan niya ito lumakad papasok bitbit ang almusal na dala niya. Saka lang siya umalis nang mawala na si Marie sa kanyang paningin. “I have to get that ring now. . .”

~•~•~

“THIS RING. My mom will like this for sure,” suhestyon ni Kreya at tinuro iyong singsing na simple lang ang disenyo at hugis puso iyong diamond stone sa gitna. “The ring she's wearing now came from Papalo. Sabi niya it's a gift daw when she reached eighteen. That's when I was born too.”

Huminga siya nang malalim. “Hindi ko papalitan iyong singsing na 'yon. I'll just give what your mom deserve to have.” Inakbayan niya si Kreya saka inutusan iyong staff na ilabas ang singsing na suhestyon ng kasama niya. “Did you tell your mom that where are we now?”

“Nope. But I texted her just like what you said earlier.”

Kinutsaba niya ito na sabihing nasa recording studio silang dalawa ngayon. Matapos sunduin ni Niel ang bata sa school, dumiretso sila sa mall dalawa para bumili ng singsing.

“Good girl,” umirap ito dahil hindi naman iyon ang gusto nito marinig. “I'll buy that shoes you want later.”

“Yey!” Masaya nitong sabi. “Doon lang ako,” anito saka umalis at iniwan siya.

“Mag-po-propose ka, sir?” tanong ng jewelry store staff sa kanya. “Magaling pumili ng singsing iyong kasama mo. Tiyak na magugustuhan ito ng girlfriend mo.” Kilala siya ng staff bilang doon sila lagi nabili ng alahas ng kanyang nanay. Karamihan din ng mga nagta-trabaho sa kinaroroonan ay fan ng Playwright.

“Puwede ko ba makita iyong koleksyon niyo ng singsing para sa edad nang kasama ko? She has the same ring size as her mom.” Inilabas niya ang wallet at kinuha doon ang isang itim na card. “I'll get this one and will choose another for that little girl.”

“Tara po doon sa dulo sir,” anang staff na sinundan naman niya agad. Tinawag niya si Kreya. Nang lumapit ito ay sabay silang naupo sa lounge kung saan sila inasikaso ng store manager.

“Bakit dalawang singsing?” tanong ni Kreya sa kanya.

“The other one is for you,” aniya sa bata. “Sabi mo 'di ba huli na iyong white lies natin kanina. And since you're here, I have no chance to hide it.”

“You don't know how pull out a surprise, tsk! Paano mamaya kapag si Mommy na?”

“I got it covered already. My mom will help me,” tugon niya na dahilan nang pagningning ng mga mata ni Kreya. Niel's attention got diverted to his cell phone where a message from Marie came in. “Oh God. . .” aniya.

“Why? What's wrong?”

Mas malalim siyang huminga bago nagsalita. “Let's just get your ring and fetched your mom at work.”

“How about the proposal?” Nasabi niya na kay Kreya ang plano kaya excited ito pero dahil nag-quit si Marie sa trabaho ngayon, mukhang 'di magandang ituloy ang planong meron sila.

“Rain check, Kreya. Let's grab some reinforcement on our way to your condo.”

Napaisip siya tuloy kung ano na naman ba ang ginawa ng tiyahin niya sa dalaga at napa-quit na ito sa trabaho. Niel was aware that Marie didn't have to work. But his girl loved what she's doing and he couldn't just stopped her. Kahit mag-quit ito ay may pupuntahan pa rin na ospital ang dalaga na pag-aari ng pamilya nito.

Muling huminga nang malalim ni Niel saka sunod-sunod na umiling.

~•~•~

MASAYA si Marie nang makalapit sa nurse's station. Isang oras na lang ay matatapos na ang shift niya at excited na siyang umuwi para matulog. Niel told her to sleep at his place. Sinabi din ng kanyang kasintahan na napalinis na nito ang condo nila ni Kreya.

Tuloy-tuloy kasi ang shift niya at hindi pa siya nauwi. Para na nga siyang nakatira sa ospital at 'di pa malaman ang dahilan. But Marie was so sure it's Niel's auntie idea to gave her all the workload.

Miss na miss na nga niya si Kreya na sa video call na lang nakikita nang mga nagdaang araw. Si Niel naman ay binibisita siya. At nitong nakaraan ay ang binata ang naging source niya ng lakas para maitawid ang mahabang shift sa trabaho.

“Dra. Dominguez, take my shift today. Sabi ni Dra. Saludez, ikaw ang kausapin ko. May date kasi ako -”

Pinahinto niya sa pagsasalita si Dra. Javier na kilala ng lahat na malaki ang inggit sa kanya at isang sipsip sa may-ari ng ospital.

“Pauwi na ako at tatlong araw na ako dito sa ospital. May buhay din ako sa labas at wala akong pakialam kung may date ka.” Umarko ang isang kilay niya at umawang naman ang labi ng kausap.

“Pero sabi ni Dra. Saludez na ikaw ang humalili sa shift ko mamaya hanggang bukas.” Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka lumingon kina Jethro at Lorna bago tinalikuran si Dra. Javier. “Is that a yes? Payag ka na humalili sa ako?”

“No, because I quit this job!” sigaw niya at tuloy-tuloy siya na lumakad papunta sa opisina ni Dra. Saludez.

Wala siyang pakialam na kahit maraming pasyente ang lumingon sa kanila kanina. Sobra na ang dinadanas niya at hindi naman gano'n dati. Ang nag-iba lang naman ay dine-date niya si Niel na pamangkin ng doktora.

Whatever her boss issue with what she have with Niel, Dra. Saludez was already crossing the line. Hindi niya hahayaan na apihin siya nito dahil lang sa mababaw na dahilan.

“Dra. Dominguez, don't know how to knock? I have visitors here -”

“I'm quitting my job effective today. Hindi na ako gagawa ng resignation kasi unprofessional naman iyong pag-o-overwork mo sa akin.”

Muli niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib bago nagpatuloy sa pagsasalita.

“Just so you know, hindi ko inakit ang pamangkin mo dahil kailangan ko ng pera. I have plenty of it and I won't give him an obligation to provide for us. I've been working all by myself without asking my family's help. Kayang-kaya ko buhayin ang anak ko na mag-isa.”

Matagal niya na kinikimkim ang mga salitang kusang lumabas sa kanyang bibig ng dire-diretso. Unappropriate 'man ang ginawa niya ngayon at ginawa pa rin dahil sobra na ang pambubully nito sa kanya. Dra. Saludez could sue her and she'll took it as the consequences of her action today.

Isa pang malalim na hinga ang pinakawalan niya bago luminga sa paligid. Doon lamang napansin ni Marie na ang nanay pala ni Niel ang kasama ng among doktora sa loob ng opisina nito. May isa pang babae sa loob na hindi naman niya kilala kung sino at ayaw na rin niya alamin pa.

“Kukunin ko na ang mga gamit ko.” Iyon lang at umalis na siya sa opisina ni Dra. Saludez. Habang papunta sa kanyang opisina, nagpadala siya ng text message kay Niel para ibalitang nag-quit na siya.

To: Niel
I quit my job today. I will call my brother to pick up Kreya at your studio. I some alone time muna. I hope you understand. I love you. . . always.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro