Chapter Twelve
CHAPTER TWELVE
ISANG tipikal na restaurant ang pinasok nila na konti lamang ang tao sa loob. When Kreya told the staff that Niel has a reservation there, they immediately guided them towards the private room. Pagpasok doon ni Marie, napadpad agad ang tingin niya sa magandang view sa labas at hindi maiwasan na mamangha.
“Mommy, Niel is at the parking now,” balita sa kanya ng anak na sinagot niya naman tango.
Kabado siya kung tatanungin lalo't hindi naman niya kinausap ang binata simula noong huli sila magkita. Sabi nga ni Marie kanina, bahala na kung magiging awkward ang lahat. Kasama naman nila si Kreya kaya walang pagkakataon na mapag-usapan iyong nangyari.
Sana hindi mabanggit, dasal ni Marie sa isip.
“Niel!” Buti pa ang anak niya excited na makita ang binata samantalang si Marie ay kinakabahan.
“Kreya. . .” Pinanood niyang magbatian ang dalawa na para bang malalim na ang ugat ng pagiging malapit ng mga 'to sa isa't-isa. “You're here too, Marie.”
“Yeah, to treat Kreya because she got the highest score at school.”
“Iyon din ang plano ko at masaya na nandito kayo pareho,” anito sa kanya.
“Same here.” Awkward. . . sigaw niya sa isipan. “Shall we place our order now?”
“Sure.”
The waiter on her side while the other took Kreya and Niel's order. Mas nag-uusap pa ang dalawa kaysa sa kanila at maganda iyon para kay Marie.
Wait a minute. . . aniya sa isipan. It's not what it is, sanlasa pa niya saka nagpatuloy sa pag-order ng pagkain.
Marie chose New York Strip Steak while her companions chosen two different kinds of appetizers and desserts. Magkasundo talaga ang mga ito at wala na masabi pa si Marie kung 'di ang panoorin ang dalawa.
“Mommy, susunduin po ako ni Uncle Seb dito since this is near sa workplace niya. I'll spend the rest of my weekend there.” Napatingin siya sa kanyang matapos marinig ang plano nito.
“What about our bonding? You said the other day that you want binge watch Disney movies, right?”
“We'll do that pa rin but incase you want po na baliktarin ang bahay, I'm not there to inhale the cleaning fumes and dusts.”
Nabaling ang tingin niya kay Niel nang marinig ito na tumawa. Mahina lang iyon pero dahil solo nila ang room, narinig niya pa rin.
“Bakit ang dami mong plano na hindi ko alam?”
“I've written it down since the day you said that you got suspended.”
“Bakasyon ito, not suspension.”
“You're not travelling, Mommy. Do you want to travel? Uncle Wren can book you a ticket now.” Muli siyang tumingin kay Niel na napansin niyang tila napapantastikuhan sa pag-uusap nilang mag-ina. He looked innocent by the way he gazed at them. Kitang-kita niya ang rin kung gaano ito ka-gwapo sa suot nitong simpleng damit. “I am a grown up lady now. I can take care of myself too.”
The last time she did tried to stay away on her grip, Kreya bothered Niel for a day.
“You're still my baby and that will never change,” sambit niya sa anak at hinalikan ang pisngi nito.
Ang bilis ng panahon.
Anak na niya ngayon ang nagsasabi sa kanya na magpahinga, magbakasyon o 'di kaya unahin ang sarili. Hindi matandaan ni Marie kung gano'n ba ang tinuro niya sa anak habang lumalaki ito. She's always busy with work. While Creos was busy with she didn't knew what. Basta lagi itong umaalis at dumating pa sa punto na nakiki-usap siya na huwag ito umalis hanggang sa masagad siya.
“I'll just go to the bathroom!” Umalis si Kreya at naiwan sila ni Niel sa loob ng pribadong kwarto.
“She's too matured for her age,” wika ni Niel na bumasag sa sandaling katahimikan na bumalot sa kanila.
“Na-ba-bother na nga ako. Hindi kaya naka-apekto iyong gulo namin ng tatay niya?” Hindi sumagot si Niel at doon lang niya napagtanto na bakit ba ito ang kanyang tinatanong. “Nevermind that. It was for my inner self.”
“You're talking to yourself?”
“Madalas.” Nahinto ulit sila sa pag-uusap ng dumating ang kanilang order. “Bakit mo pala inaya si Kreya na kumain sa labas ngayon?”
“I'm courting her.” Nabitiwan niya ang kubyertos na hawak matapos marinig ang sinabi ni Niel. “Not literally, Marie. Please chill out, hm?”
“Ano pala ang ibig mo sabihin?”
“I am courting her because I want to try courting you again.”
“Yey, narito na ang order natin!” Malakas na sambit ni Kreya na hindi niya alam kung ilang segundo na lumipas mula nang makabalik.
Hindi na nga niya nasagot ang sinabi ni Niel sa kanya dahil inasikaso na niya si Kreya na nilagyan niya ng table napkin upang hindi madumihan ang suot na damit. Tuloy-tuloy sila kumain at kung ano-ano lamang ang pinag-usapan nila. Kalimitan ng mga iyon ay tungkol sa eskwela ni Kreya.
“How about your classmates, anak? Binu-bully ka pa rin ba nila?” tanong ni Marie sa anak.
“Hindi na. But their moms are still talking about you,” sagot ni Kreya.
“They're busy gossiping than taking care of their children.” Komento naman ni Niel na sinangayunan niya pero wala naman na siya magagawa.
“Just ignore them, anak,” payo niya sa anak. Iyon lang naman ang tama nilang gawin pero ibang usapan na kapag sinaktan na ang kanyang anak. Hangga't hindi pa iyon nangyayari, iignorahin lang muna ang mga iyon. “Ubusin mo iyan para busog ka kapag sinundo ka ni Uncle Seb mo.”
“Auntie Shalee will cook still because Uncle and my cousins loves to eat homecook meals and so do I.”
“Sa bahay ka na lang kaya. Ipagluluto kita ng mga paborito mo,”
“I'm giving you time for yourself, Mommy. Please utilize it, okay?”
“Okay.”
Para itong si Creos kapag nakapagdesisyon na at hindi niya puwedeng kontrahin. Pero mas lamang naman ang naman ni Kreya sa kanya at kasama roon ang ginagawa nito ngayon. Marie remembered doing the same thing as Kreya before when she noticed that her mother was too exhausted.
Hindi 'man niya inasahan ngunit natuwa siya dahil kanyang napagtanto na tama ang pagpapalaki niya sa anak. Taliwas iyon sa mga naririnig niya sa kanyang biyenan hilaw at mga kapatid ni Creos.
They're another people to ignore, she said at the back of her mind.
~•~•~
THE REST of the weekend was a well spent one for Marie. Nagawa niya baliktarin ang bahay niya at linisin iyong 'di nagawa ng maid na pinahiram sa kanya ng kanyang mga magulang. Kreya was with her older brother's family house in Batangas.
Nagulat na lang siya nang malaman kaninang umaga na naroon na ito. Ang buong akala niya'y nasa Manila lang ito pero nagkamali siya at naalala niyang maraming plano si Kreya na 'di niya nalalaman.
Naisipan niya na maligo na at magpa-spa para sa pagtutuloy ng kanyang me time session. Iyon ang gusto ng kanyang anak na gawin niya kaya susundin niya ito. Para rin maalis ang stress sa katawan niya dulot ng pagta-trabaho ng sobra-sobra sa oras.
Matapos makapag-ayos ay dumiretso na siya sa mall na malapit sa bahay niya at tumungo sa spa center na ngayon lang niya ulit madadalaw. Tiyak niyang magugulat ang mga staff doon kapag nakita siya ulit.
Being in a relationship with a guy like Creos changed Marie in many aspects. Ngayon na nga lang niya nagagawa ang mga bagay na gaya ng pagpapagupit, kulay ng buhok at spa. Marie worked hard to make everything stable but it still wasn't enough for the she used to love.
Huminga siya nang malalim at pilit winaksi iyon sa kanyang isipan.
Habang nagpapa-spa, patuloy lamang siya sa pag-scroll sa hawak niyang cell phone at may isang friend request na umagaw sa kanyang atensyon.
Othniel Jaren Flores.
In-add siya ng tuluyan ni Niel na noo'y pa-like-like lamang sa ilang post niya na matagal na panahon na rin naka-upload. Kabilang sa mga iyon ay ang mga milestones picture niya kasama si Kreya. Marie recorded all of that so she could have an album to look back whenever she felt like travelling down memory lane.
Pinindot niya ang accept button at aktong papatayin na iyon ngunit pumasok ang mensahe ni Niel sa kanya.
Othniel Jaren Flores: Thank you sa pag-add, Doc!
Ngumiti siya nang mabasa iyon. Marie rarely used her social media account to flirt with anyone. Sa ibang paraan kasi sila nagkakilala ni Creos at ito lang naging boyfriend niya sa mahabang panahon.
Othniel Jaren Flores: Can I invite you out for a dinner? Just the two of us. Nagpaalam na ako kay Kreya at sabi niya sure.
Kumunot ang noo niya pagkabasa sa sumunod na mensahe ni Niel sa kanya.
Othniel Jaren Flores: Is that a positive or not? I'm clueless and your daughter is way more matured than I am when I was her age.
Hindi niya maiwasang matawa na naka-agaw sa atensyon ng nag-i-spa sa kanyang paa. Kuko lang sa kamay ang pinalinis niya kahapon sa nail salon na pinuntahan nila ni Kreya. At biglaan lang din naman itong spa schedule niya ngayon.
Mariestelle Dominguez, M.D.: It's a yes, Niel. Iyon ang mahirap sa mga Gen Z's.
Othniel Jaren Flores: I'm part of that generations, Doc.
Napabilang si Marie bigla. Oo nga pala at mas matanda siya kaysa kay Niel. But Niel wasn't a boy when he kissed her. Pinaglapat niya ang mga labi pinag-isipan maigi ang alok na date ni Niel sa kanya.
Wala ba siya nilalabag na batas?
Marie was clueless on how to date someone who's younger than her especially if that person was a superstar. Was starting to date again a good idea? Where does reaching mr. Superstar could brought her?
Ang hirap! Sigaw niya sa isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro