Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

CHAPTER THREE

KULANG ang salitang masaya para ilarawan ang nararamdaman ni Niel ngayon. May ipinadalang larawan sa kanya ang manager na may fan na nagbigay ng paborito niyang pagkain. He saw pretzels, chocolate drink and gummy bears. May bonus pa na cookies na halatang homemade.

Now, Niel commanded his manager to bring all the gifts he received. Binilinan pa niya ang mga ka-banda na huwag iyon kakainin. Hindi bale nang mabansagan siyang maramot basta ang mahalaga siya mismo ang kakain ng bigay sa kanya.

"How long will you stay here?" tanong ng ka-banda niyang si Kristoff. Ito ang bisita niya ngayon habang iyong dalawa naman ay may solo schedules. "Bakit mo naman kasi binangga ang sasaktan mo sa center island?"

"Sabi ng maganda kong doktora puwedeng isang buwan ako dito. Hindi pa naman naayos ang kontrata natin kaya ayos lang rin na dito muna ako."

"Lalo lang pinalalakas nitong pagkawala mo sa eksena bigla ang sabi-sabi na disbanded na tayo." Inalis ni Niel ang tingin sa cell phone at nilapag iyon sa bedside table. "What happened that night, Othniel?"

Ngumiwi si Niel nang tawagin siya ni Kristoff sa buo niyang pangalan. Only his auntie and mother called him that way.

"It's a long story, and I don't want to taint our friendship, Kristoff."

"I just want to know why Ellora suddenly went outside the country."

"Ask her why. Kuya ka niya, sasagutin noon ang mga tanong mo."

"Hindi nga iyon ang nangyayari,"

"It's not my problem now." Tumingin si Niel sa labas at nakita niyang dumaan si Dra. Dominguez. She's the new sunshine of his life now. Madali nga daw siya maka-move on at pagkatapos ng aksidente niya, walang ibang choice si Niel kung 'di gawin iyon. "Hindi ka pa ba aalis?"

"Bakit? May bisita ka pa bang iba?"

Naiinis na siya na hindi nakuha agad ni Kristoff kung ano ang ibig niyang sabihin. "Gusto ko lang mapag-isa ngayon,"

"Good morning!" Masiglang bati ni Nurse Jet nang makapasok at kasunod nito si Dra. Dominguez. "Narito na po si Doc Marie para kumustahin ka, Mr. Flores."

"Really?" Umasa siya na iyon nga ang pakay ni Dra. Dominguez at mukhang napansin ni Kristoff iyon kaya umiling-iling ito.

"Huwag ka makinig sa kanya. Titingnan ko lang kung may nagbago ba sa vital signs mo bago ka operahan." Seryosong sabi ni Dra. Dominguez at nilapitan na siya para i-examine.

Nasabi na kay Niel na kailangan ma-operahan ang binti niya. Iyon lang ang option na nakita ng orthopedic niya matapos siya sumailalim sa mga test at serye ng x-ray.

"Mukhang tatagal nga ako ng isang buwan dito gaya ng sabi mo, Doc," aniya sa doktora.

"Parang masaya ka pa sa nalaman mo," tugon nito sa kanya.

"Kasi narito ka - ah!"

Ngumiti ito sa kanya matapos ipitin ang daliri niya saka binalingan ang kasamang nurse. "Stable naman lahat sa kanya. Puwede mo na sila tawagan para ma-operahan na siya. Ako na kakausap kay Dra. Saludez para sa mga consent forms." Pagkasabi noon ay tumingin ang dalaga sa kanya. "You have to rest before the operation. Ibig sabihin, walang gadget at pag gala-gala kung saan."

"Malinaw, Doc." Umirap ito sa kanya. "Puwedeng humingi ng pabor?"

"Pabor saan?"

"Ikaw ang gusto ko makita paglabas ko ng OR at mag date tayo paglabas ko dito."

"Puwede ba siyang i-self induce coma ngayon na?" tanong ni Dra. Dominguez na sinagot lamang ng ngiti ng mga kasama nitong nurse. "Malala ka na." Naiiling pa nitong sabi saka umalis na at sinundan naman ito ng mga kasama.

"Ang korny mo Othniel Flores. Nakakakilabot ka!"

"Umalis ka na rin. Kailangan ko daw magpahinga."

"Sige na. Bahala ka na sa buhay mo!"

Binato ni Kristoff sa kanya ang unan bago ito umalis na nasalo naman niya agad. Magkaibigan sila at kung ano 'man ang nangyari sa pagitan nila ng kapatid nito, saka na lamang sasabihin ni Niel iyon.

Saka na lang kapag maayos na ang kanyang kalagayan.

~•~•~

NAABUTAN ni Marie na nagku-kwento-han ang nurse sa reception habang nakasunod ang tingin sa kakalabas lang na bisita ng espesyal niyang pasyente. Talagang sikat sila at kahit sino ay kilala ang mga ito. They're all good looking too. No wonder why the young once were swooning over them. Kasama na roon ang anak niyang si Kreya.

"Ang gwapo talaga ni Kristoff," iyon ang narinig niyang papuri ni Nurse Rheena sa ka-banda ni Niel.

"Parang pareho lang naman kami," sabat naman ni Jethro na kinangiti niya. Marie knew that her friend like his colleague and they're cute together.

"Mas gwapo si Niel kaya lang si Doc ang gusto niya." Napatingin siya kay Candace pagkarinig sa sinabi nito. "Single ka na ulit 'di ba, Doc?"

"Oo pero may anak na ako saka mas matanda ako kaysa sa idol niyo."

Nalipat ang atensyon niya sa cell phone at sandaling iniwan ang tinitingnan na clip board. Kreya texted her. Kanselado ang klase nito at sinundo na ito ng Kuya Sebastian niya. Nagtatanong ito kung puwede ba itong pumunta sa ospital ngayon.

"Age doesn't matter naman, Doc. Saka hindi naman halata sa itsura niyo ang edad. Mas bata ka pa nga po tingnan kaysa sa akin." Papuri ni Nurse Candace sa kanya.

"Tigilan niyo na si Marie. Pagkatapos ng nangyari sa kanya, hindi pa iyan handa pumasok sa relasyon uli." Pagtatanggol ni Jethro sa kanya.

"Sayang naman ang ganda niyo, Doc!" Sabay na salita nina Rheena at Candace. Mga salitang hindi na niya pinansin pa at pinagtuunan ng pansin ang cell phone. Nagreply siya sa anak at tinapos na ang tinitingnan na impormasyon sa clipboard bago nagpaalam sa mga kasama.

"Alis na ako. Tawagan niyo kapag may problema o may kailangan kayo."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jet sa kanya.

"Parating si Kreya. Kanselado ang klase niya at sinundo ng kapatid ko sa school."

"Hihintayin ko kayo sa cafeteria dalawa."

Marie waved her hand on Jet before leaving. She dialled her daughter's phone number immediately upon receiving another text message.

"Mommy, puwede po ba ako magpunta diyan? Uncle and I are on our way now actually," balita sa kanya ni Kreya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Saan na kayo banda?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

"We're almost there, Mommy."

"Nagdesisyon ka na bago ka nagpaalam sa akin. Paano pa ako makakahindi?"

Kreya giggled. "See you in a bit, 'My!"

"Yeah, see you!"

Tinapos nilang mag-ina ang pag-uusap at lumakad na siya papunta sa entrance para abangan ang kanyang anak. . .

~•~•~

MULA sa bintanang tinatambayan, nakita ni Niel si Dra. Dominguez na may sinalubong na lalaki at batang babae na yumakap dito agad. Kitang-kita niya rin na niyakap nito ang lalaking may hawak sa batang babae bago sumakay uli ng sasakyan at umalis na.

Hindi mapaliwanag ni Niel ang nararamdaman dahil nakakapanibago iyon para sa kanya. Maloko siyang lalaki pero iyong pahaging niya kay Dra. Dominguez ay totoo. Tinamaan talaga siya sa doktora at kung love at first sight 'man ang tawag doon iyon nga siguro ang dahilan.

And right now, he's feeling jealous.

"Niel, dala ko na iyong consent form na pinadala - sino'ng tinitingnan mo diyan?" Bungad na tanong ng auntie niya na siyang pumasok sa kinaroroonan na kwarto. "Is there a problem?"

"Yes, auntie. Masakit ang puso ko," pabiro niyang salita saka marahang naupo sa couch.

"Siraulo ka talagang bata ka. Kaya ang nanay mo stress na stress na naman dahil sa 'yo." Hinampas siya nito ng folder na naglalaman ng consent form para gagawin operasyon niya bago tinabihan. "Tinawagan mo na ang tatay mo?"

"Hindi naman pupunta iyon kahit tawagan ko pa," tugon niya.

"Anak ka pa rin noon kahit balik-baliktarin ang mundo. Hindi ba't siya ba ang nagbigay ng pangalan mo."

Natatawang umiling si Niel ng maalala iyong tungkol sa pangalan niya. Othniel came from his father's second name and it means God's lion. Sabi kasi nito siya raw ang susunod sa yapak at mamumuno sa negosyong pag-aari nila. Pero na-iba ang kanyang landas at naging sikat na manganganta siya hanggang sa napasali sa isang banda matapos sumali sa isang contest sa TV.

Nang manalo sa nasabing contest, doon na nag-iba ang lahat sa kanilang mag-ama hanggang sa humiwalay na ito sa kanila ng kanyang ina. Bagay na inasahan naman na ni Niel dahil suportado siya ng ina kaysa sa kanyang ama.

Winaksi niya muna sa isipan ang tungkol sa kanilang mag-ama at may sumaging tanong na para sa kanyang tiyahin. Kung may isang nakakakilala kay Dr. Dominguez dito sa ospital, ang tiyahin niya iyon at wala ng iba pa. Sa tingin ni Niel ay matagal ng doktora sa ospital na kinaroroonan niya Dra. Dominguez.

"Auntie, is Dra. Dominguez still single?" Lakas loob niyang tanong sa tiyahin. All Niel wanted to hear was a positive response to eased away the jealous feelings he had a while ago.

"Si Mariestelle? Ang alam ko kakahiwalay lang niya sa kanyang live-in partner. May anak din siya doon. Hindi ko alam alam kung ilang taon na iyong bata pero nakita ko iyon kanina sa hallway." Napaisip si Niel kung iyon bang live-in partner ng doktor ang lalaking inakap nito kanina. They're too sweet for a separated individuals. "Bakit mo pala natanong?"

Tumingin siya sa tiyahin. "Wala lang naman."

"She's off limits, Niel. Malayo agwat ng edad niyo at magulo ang pinanggalingan niyang relasyon."

"That's why she's interesting."

"Niel. . ."

"Auntie, matanda na ako. Gugustuhin ko kung sino ang magpatibok ng puso ko."

"Baka dahil lang iyan sa gamot na ininom. Magpahinga ka na nga at aasikasuhin ko na itong mga papeles mo." Tumayo ang kanyang tiyahin ngunit bago pa ito umalis ay lumingon pa uli sa kanya. "Ibang babae na lang puwede ba? What happened to Ellora? Her age is closer to yours and she's definitely single."

Nagkibit balikat lang si Niel saka ngumiti. Wala naman nagawa ang tiyahin niya kung 'di umiling bago lumabas ng kanyang kwarto. . .

Mas lalo siyang nagkaka-interes dahil may pumipigil sa kanya na gustuhin ito. Niel have decided to knew her well before jumping into conclusion and judge the lady. Hindi siya gano'ng klase ng lalaki na basta na lang huhusga na walang basehan.

Malayong-malayo iyon sa kanyang karakter. And when Niel likes someone, he'll go over the edge.

He would do it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro