Chapter Sixteen
CHAPTER SIXTEEN
SA AIRPORT na nagkita si Niel at Marie para hindi ma-hassle ang bawat isa sa traffic sa Manila. Grabe na ang traffic kahit wala pang holiday rush at kaya kung minsan ay tinatamad na rin si Niel na lumabas.
Kung hindi lang kailangan, mas gugustuhin niya talaga na pulos online meeting lang ang dadaluhan. It's more convenient and he could stay in with Marie at the comfort of her condominium unit.
"I'm sorry, kanina ka pa ba?" tanong ni Marie sa kanya nang magkita na sila sa loob ng airport.
"Nope. Kararating-rating ko lang din." Inabot niya sa dalaga ang nabiling inumin at kinuha dito ang bag na bitbit. "Nag-announce kanina delayed ng 30mins ang flight natin."
"It's okay. Let's just check-in this baggage and go to our gate."
"Okay na iyang pagkain mo?" tanong niya sa dalaga. "Where did you leave Kreya?"
"Ayos na 'to. Inaantok din ako pati kaya baka maka-idlip ako pag-upo natin." Sinandig nito ang ulo sa kanyang braso saka hinawakan ang kanyang kamay. Sanay na ito na gawin iyon kahit nasa public place sila at marami na rin naman nakaka-alam kung sino si Marie sa buhay niya. "Kreya is with my parents. Pero susunduin din siya ni Kuya Sebastian para sa Batangas mag-stay. Online class kasi sila next week."
"So, puwede natin i-extend itong long weekend vacation natin?"
"You looked tired na nga mag-e-extend ka pa."
"Para mas makapahinga ako kaya gusto ko mag-extend kasama iyong pahinga ko." Hinampas nito ang kanyang braso at pilit na tinatago ang nagba-blush na mukha sa kanya. "You're cute when blushing, love," he whispered.
"Stop." Saway nito sa kanya at muling hinampas ang kanyang braso. "Why are you looked tired by the way?"
Niel heaved a deep sigh before speaking. "Hindi ba nasabi ko na sa 'yo na uuwi si Mama kasama ang tatay ko next week? It's Auntie. Hindi siya mapakali at dami niyang pinaplano na gawin."
"Mabuti at okay ang mga magulang mo kahit hiwalay na sila."
"I don't know how they do that but it's not a clean break up after all. Siguro gusto lang nila na bawat isa ay masaya." Niel's mother chose to support him and got her marriage with his father annulled. Habang ang tatay naman ni Niel, ang pagiging businessman pa rin ang pinipilit na propesyon na gusto nitong tahakin niya. "And having three of them at home is tiring, love. Kaya gusto ko mag-extend ng bakasyon."
Marie chuckled softly. Iyon ang dahilan ng paghiling niya ng ekstensyon. Pero may trabaho ang dalaga at anak na hindi puwede iasa sa mga magulang o sa mga kapatid nito lagi
"Okay lang iyan at least may kasama ka na sa bahay mo. Sabi mo noon na malungkot doon kaya ayaw mo tumira sa malaking bahay na iyon," anito sa kanya.
"It's true." Huminga si Niel nang malalim bago uli nagsalita. "Do you want to make it a happier place to live on?"
Nakita niyang kumunot ang ni Marie. "H-how?"
"Marry me and live with me there. Kasama si Kreya syempre." Bumakas ang gulat sa mukha ni Marie matapos niya bitawan ang mga salitang may halong biro lang dapat. "Aw!" Daing niya nang hampasin siya nito. "I'm just kidding. . ."
"I hate you." Kinalas nito ang pagkaka-akbay niya saka nauna na lumakad sa check-in counter.
What did he done for her to got that upset?
Ano nga ba?
~•~•~
SANAY na ang mga magulang ni Marie na lagi siyang may dinadaluhang out-of-town seminars. Kaya hindi na rin nagtanong pa ang mga ito pero hula naman niya'y nabanggit na ng mga tsismoso niyang kapatid iyong tungkol sa kanila ni Niel. Marie asked Kreya if she mentioned it to her Papalo and her daughter no. Kakampi pa naman niya ang kanyang anak kahit na papano.
Hindi niya naman tinatago si Niel. Imposible niya magawa lalo't sikat na sikat ang kanyang boyfriend. Noong nakaraan lamang ay may picture na nilabas sa news at kahit nakatalikod siya, alam niyang siya iyon. Sila iyong nakuhaan na magkasama sa harap ng isang mall sa Makati.
And after one and a half hours delay in their flight, they both reached Siargao Island. Sa inupahan niyang villa sila tumuloy kung saan binaba nila ang kanilang mga gamit. Maganda iyong lugar, tanaw ang dagat at pumapasok doon iyong malamig na hangin.
"Do you want to grab some food to eat outside or swim?" tanong niya sa binata.
Marami alok na amenities itong sa villa. Bukod sa puwedeng magtampisaw sa dagat, meron din inside pool na iyong tubig ay galing din doon. Parang man-made beach sa loob ng villa ang style na napaka-aesthetic tingnan.
"Swim." Ngumiti siya. Busog pa sila dahil nalipat sa business class ang flight nila kanina, entitled sila sa mga pagkain na bigay ng airline. At nasa tiyan pa iyon ni Marie kaya ang pakiramdam niya'y bloated siya.
"Okay. Magpapalit lang ako," aniya saka tumungo na sa kanilang kwarto.
Inayos niya ang gamit nila saka siya kumuha ng bathing suit na kabibili lamang niya noong isang araw. Pinaghandaan niya itong bakasyon nila dahil ngayon lang siya ulit nakakita ng dagat sa personal. Masyado siya naging busy sa pagiging martir noon kay Creos. Iyong kamartiran na umubos sa kumpyansa niya sa sarili kaya maraming beses siya nag-alangan noong manligaw si Niel.
Pagkalabas niya sa banyo, unang ginawa ni Marie ay sipatin ang sarili niya sa salamin habang suot iyong bathing suit na nabili. And there, she confirmed that Jethro was right. She's still the Mariestelle Dominguez who once became a model but chosen to be an oncology doctor in the end and a mother. Isa sa mga life choices na hinding-hindi niya pinagsisihan na nangyari.
"Love, do you know which bag I put my music player?" Marie rolled her eyes at the back of her head upon hearing Niel outside. Naka-video call sila kagabi habang nag-i-empake ito dahil kailan lamang niya nalaman na makakalimutin ang binata.
Huminga siya nang malalim at lumabas na sa kwarto. "It's in your pocket, love. Ginamit mo iyon kanina habang nasa eroplano tayo."
"Right! Thank you. Buti dumating ka sa -" Napatitig si Marie kay Niel nang huminto ito sa pagsasalita. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya na para bang ngayon lang sila ulit nagkitang dalawa.
"Can you tie this?" tanong niya saka tumalikod dito nang makalapit siya. Sumunod naman ito pero matagal ang bawat nitong kilos. "Ano nga iyong sinasabi mo kanina?"
"Y-you got me off guard," anito sa kanya sa halip na sagutin ang tanong na pinukol niya rito. "Leave warning next time, okay?"
Kumunot ang noo ni Marie matapos marinig ang sinabi na iyon ni Niel sa kanya. At lalo pa lumalim ang gatla sa kanyang noo ng bigla na lang ito lumabas pagkatapos itali ng suot niyang bathing suit.
What happened? tanong niya sa isipan saka sinundan na ito sa labas.
"Niel, bakit mo ako iniwan sa loob?"
Hindi ito huminto sa paglalakad kaya naman minabuti niyang sundan ang binata kahit saan ito magpunta. May mangilan-ngilan na tao sa paligid at karamihan ay nakilala si Niel kaso hindi makalapit para magpa-picture. Hindi gaya kanina sa habang nasa airport sila kanina. Niel entertained some and he made sure that Marie was beside him in every picture they took.
"Niel!" sigaw niya at huminto naman ang binata sa paglalakad. Pinuno ni Marie ng hangin ang kanyang dibdib saka nilapitan ito. "What's your problem? Tingnan mo at namumula na iyang balat mo. Hindi ka kasi nag-sunblock."
"It's fine and that's the main point of this vacation, right?"
"Hindi iyong sunog na sunog na balat naman." Nakalimutan yata nito na doktor siya at parang pakiramdam niya'y walang punto ang pangangatwiran nito ngayon sa kanya. Luminga siya sa paligid at napansin na wala na iyong mga tao na kanina'y tila hindi makapaniwalang si Niel ang dumaan sa kanilang harapan. "Na-appreciate ko ang pag galang ng mga fans mo sa privacy mo dito."
"I asked them to do it," ngumiti siya. Kahit naman sinabihan na ang isang tao sisige pa rin basta may paraan kaysa dahilan. "You caught me off guard by being just like you."
Sinipat niya ang kanyang sarili. "Hindi ba bagay?"
"It's not what I meant, Marie."
"Then, tell me what do you mean?"
"You turned me on. But I don't want you to think that's all I want from you. If you want me to marry you first before that, I'll honor that request of yours. All I want is to make everything right for you this time."
Being in a relationship with a man younger than her was hard. Marami 'man silang pagkakaiba ni Niel, gumagawa pa rin ito ng paraan para kitain siya sa gitna. Gano'n din ang ginagawa niya para dito. Lagi niya pinadadama na sa bawat pagtatapos ng araw ay naroon siya sa tabi nito.
"Take off your shirt," maang itong tumingin sa kanya dahilan upang matawa siya. "Hubarin mo ang t-shirt mo para iyan ang isusuot ko. I'm not into public place sex acts, Niel."
"Marie. . ."
"Akin na iyang shirt mo," sambit niya ulit na may ngiti sa labi. Tumalima naman ito at nang aktong huhubarin na nito ay pinigilan niya ang binata. "Balik na lang tayo sa villa at magpapalit ako." She pulled Niel back to their villa in haste.
~•~•~
MONDAY came and Marie went to work with a smile on her face. Napansin iyon hindi lang marami kung 'di pati ng mga kaibigan niyang nars.
"So, ano'ng ganap sa naging bakasyon niyo ni baby boy mo, Doc?" tanong ni Lorna sa kanya.
"Stop calling him like that. Ang sagwa kaya. . ." Umiling lang pareho ang dalawang nars. "Masaya naman iyong bakasyon pero kailangan namin bumalik kasi may inaayos siyang family reunion nila."
"Invited ka ba doon?" tanong naman ni Jethro na tinugon niya ng kibit-balikat. Ang sabi lang ni Niel sa kanya, gusto siya ipakilala sa mga magulang nito. Pero walang ideya si Marie kung imbitasyon na nga ba iyon matuturing. "Ask him. Tutal sa condo niyo na siya madalas umuwi."
Napalinga siya sa paligid saka hinampas si Jethro sa braso nito. "Napaka-ingay mo talaga. Baka mamaya makarating kay Dra. Saludez iyang tsismis na iyan," aniya sa kaibigan.
Pakiramdam niya'y pinagti-trip-an siya ng doktora dahil nitong mga nakaraan ay laging may mga pahabol na gawain para sa kanya. Mga gawain na hindi na parte ng kanyang trabaho at wala pa doon iyong thesis na inaayos niya.
"Nasa legal na edad naman na iyong pamangkin niya." Komento pa ni Jethro na pinatahimik na lang niya.
"Mauna na ako sa inyo at mag-ra-rounds pa ako maya-maya," aniya saka tinapos na ang pinipirmahan at umalis na agad.
Matama niyang tinalunton ang daan papunta sa oncology ward at sa hallway ay nasalubong niya si Ellora.
"Marie. . ." tawag nito sa kanya.
Huminga siya nang malalim at nilapitan ito. "May maitutulong ba ako sa 'yo?" tanong niya sa dalaga.
"Ellora, hija, nandiyan ka lang pala. Dito ang daan papunta sa gynecology building." Iyon ang malakas na salita ni Dra. Saludez na dahilan ng paglukot ng mukha ni Ellora. "Dra. Dominguez, don't you have a work to do? Ako na bahala kay Ellora at sa dinadala niya na apo ko."
"Apo?" Alam niyang walang anak si Dra. Saludez at kung meron 'man itong apo na ituturing ay kay Niel iyon galing.
"Yes. She's with a child right now. Niel's child." Kumpirma ng doktora na tila bombang sumabog sa kanyang loob. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro