Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven

CHAPTER SEVEN

TAHIMIK na sa buong ospital matapos makalabas ni Niel kahapon. The other doctors, nurses and patients were back to its usual business and routines. Gaya nila si Marie pero hanggang sa mga oras ngayon, hindi pa rin naalis sa kanyang isip ang tanong ni Niel kahapon.

She should be out accompaniying Kreya on the meet and greet schedule but Marie chose to stay in the hospital to do some paperworks while waiting. Ayaw niya makita si Niel dahil wala pa siya isasagot sa tanong nito. She went speechless yesterday and even Marie tried to answer, no nice words could she think to say to Niel.

“Hey, what are you doing here?” tanong na pumukaw sa kanyang pag-iisip. “Dapat kasama mo si Kreya ngayon 'di ba?”

“I don't want to spoil her day. Ayoko naman na maging OA mom lalo't lahat ng kasama niya sa restaurant ay walang nanay na kasama. They just brought themselves there alone with lots of gifts for Niel.”

“How many kids are we talking about?”

“10. Kasama na si Kreya doon at magkaka-edad silang lahat. I hope my daughter will enjoy. May tiwala naman ako sa mga staff na hands on sa mga guest nila at kay Kreya mismo.”

“Buti hindi na nagpilit ang ex mo na sumama ngayon,”

“After what Kreya told him, Creos never talked rudely to me kahit bakas sa mukha niya ang inis.”

“Biruin mo hindi natakot sa mga kapatid mo at pinsan pero kay Kreya nabahag ang buntot niya.”

Gustong matawa ni Marie pero hindi niya inasahan na ipagtatanggol siya ni Kreya kahapon. Doon pa lang alam na niyang sa side niya ito nagmana dahil palaban lahat ng mga Dominguez. May isang salita pa at prinsipyo. Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko pero iyon naman talaga ang totoo. Si Marie lang ang lumayo noon dahil sa rin sa pride na meron si Creos.

“Well, Kreya has my blood and we're a Dominguez after all.” Tumango si Jethro bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. “I'm done here. Babalikan ko na si Kreya sa restaurant. Malapit na rin matapos ang meet and greet nila.”

“Are you ready to face him?” Umiling si Marie. “Girl, give yourself a chance to love again.”

“After what happened to me?”

“Absolutely!”

Hindi alam ni Marie kung tama ba na sundin niya si Jethro ngayon. May pag-a-alinlangan sa puso niya lalo't hindi naman biro ang kanyang pinagdaanan kay Creos. That cheating asshole made Marie lost all her confidence. Minsan natatagpuan niya ang sarili na nagtatanong kung ano ba ang kulang sa kanya at bakit kailangan humanap pa ng pangalawang babaeng mamahalin?

And the big question now is when will Marie can gain back what she lost?

Mukhang wala ng pag-asa, aniya sa isip.

“I'll think about. For now, I will be a good mother to my daughter. I have to go. I'll see you tomorrow,” paalam niya saka lumakad na patungo sa restaurant kung saan niya iniwan pansamantala si Kreya. Marie hoped that her daughter enjoyed the event today and the gifts - Kreya should gave that to Niel. Nag-effort ang anak niya para doon kaya kailangan maibigay nito iyon sa binata.

If not, she'll do something and used her only card. That's the date Niel keep on asking her for so many times.

That's all Marie had and only card on the table right now.

~•~•~

“MARIE!” sigaw na nagpalingon kay Marie at Kreya. She heard her daughter gasps loudly upon seeing Niel wheeling his wheelchair towards their spot after yelling her name. “Thank God naabutan ko kayo.” Humihingal pa nitong sabi sa kanila.

“He knows you Mommy?” Napatingin siya sa kanyang anak at hindi magawang maisip kung ano ang isasagot dito. “Mommy!”

“Yeah. . .” That's all she could answer.

“Looks like it's not the best time to ask you again, Marie.” Tumango siya saka pilit na ngumiti. Akala ni Marie ay hindi siya nakita ni Niel kaya pagkasalubong kay Kreya ay dali-dali silang umalis. But she's all wrong.

“Mommy. . .” Tumingin siya sa kanyang anak. “Why Daddy's here?” tanong ni Kreya sa kanya.

Marie groaned. “Hindi ko rin alam kung bakit siya narito, anak,” tugon niya saka binalingan si Niel. “Maybe next time, I guess?”

“Yeah, next time. . .” Niel replied.

“Is this the cheap band my daughter's telling me the other day?” Bungad na tanong ni Creos.

“Don't call them cheap, Dad. They're the ones who save me when you chose to cheat on my Mom!” sigaw ni Kreya saka tumakbo na paalis.

“Kreya!” sigaw naman nila pareho ni Creos.

“Kasalan mo ito. Hindi mo siya dapat hinayaan na mahumaling sa mga ganito,” paninisi sa kanya ng dating kasintahan.

Marie scoffed. “And you will call yourself a saint then?” Hindi ito nakasalita na inasahan naman na niya. “Next time think before you take action and shame us in front of other people, Creos. This will leave a permanent damage on my daughter's mind!”

Tinalikuran niya ito at hindi na nagawang magpaalam pa kay Niel dahil mas kailangan niya daluhan ang anak. Sabi niya na uunahin niya muna ang kanyang anak bago ang sarili at iyon nga ang ginagawa niya ngayon. When she reached her car, Marie immediately entered the driver's seat and hug Kreya tight who's seating right next to her. Hinayaan niya itong umiyak nang umiyak sa kanyang bisig at nang matapos ay inaya na niya pauwi para makapag-ice cream sila.

Hoping a pint could erased today's bad memory which they brought home. Kaya nabakasan ng pag-aalala ang mukha ng nanay niya nang makita sila. Marie's father - Iñigo, get Kreya and brought her daughter inside. Naiwan siya kasama ang kanyang ina na tinatanong kung ano ang nangyari.

“I'll head upstairs, Mama. May kukuhain lang ako doon.” Paalam niya sa ina.

“I will call on your brothers, anak,” Shien said.

“Okay.” Pilit siyang ngumiti saka tuloy-tuloy na lumakad papasok sa bahay ng mga ito.

Minsan doon sila nauwi ni Kreya. Madalas sa condo na pag-aari naman niya talaga. Iyong bahay na tinitirhan kasama si Creos dati ay binebenta na ng kapatid niya kaya lumipat na silang mag-ina. Their location now was more convenient than before. They're near at Kreya's school and her workplace plus the whole community was nice and child friendly.

Pagpasok niya sa kwarto, agad niya sinara ang pinto at sumadal doon saka dahan-dahan na dumausdos paupo. Pag-iyak na lamang ang tangi niyang magagawa dahil hindi na mababawi iyong eksena na nakita ng mga taong nakapalibot sa kanila kanina. Hindi lang sa anak niya may permanent damage ang lahat kung 'di pati sa kanya.

“God, I hope he's not the one who's calling. . .” Kinapa niya sa bulsa ang cell phone saka suminghot bago binasa ang naka-flash sa screen. It was an unknown number but Marie it's Niel's number. Iyon ang text ng text sa kanya at siyang ginamit noong pinapunta siya nito kahapon. Huminga muna siya ng malalim  bago iyon sinagot. “Niel, c-can we talk some other time? Now is not good time,”

“Did you cry? Are you crying right now?” Bakas naman sa boses niya pero hindi niya nagawang sumagot. “Cry if you must and it's okay. Just don't hang up this call. I'll listen to whatever your rants, Marie. I'm here, hm?”

Doon siya mas lalong napaiyak at wala na siya pakialam kung pangit iyon pakinggan sa kabilang linya.

~•~•~

WEEKS PASS so fast and everything seemed normal to Marie except she's been talked of the people in every corners of this hospital. Imbis tuloy na tumambay siya sa labas heto at nagkukulong siya sa kanyang opisina kahit lunch time naman.

“Hey, Jet puwede mo ba ako ibili ng lunch? Call me back if you can. Thank you!” Iyon ang mensaheng pinadala niya sa kaibigan bago umalis sa harap ng kanyang computer at naupo sa couch. Akto niya aalisin ang sapatos nang may kumatok. “Jet? Do you have my lunch? Come in!”

“Hi! I'm not Jet but I do have your lunch here and a bunch of flowers,” anang tinig na pamilyar sa kanya kaya agad siya nag-angat ng tingin.

“Niel?” taka niyang salita na para bang hindi makapaniwala sa nakikita.

“What? Your motivational advise made me push myself during my therapies and now I'm here, walking.”

Hindi alam kung ano ang sasabihin dito. Hindi niya kasi sukat akalain na makikita ito matapos ang ilang linggo nilang pagtatawagan. Well, it's only who's calling and she's entertaining him. “W-why are you here?”

“Hindi ako kuntento sa tawag lang ngayon na nakakalakad na ako ulit. I came here to see you. And since you're a busy person, I bought you the date I was asking before.” Pinakita nito sa kanya ang bitbit na picnic basket na naglagay ng ngiti sa kanyang labi. “I'll set up this table first,”

“Don't tell me na may kandila ka pa na dala,”

“I forgot to bring that -”

“Niel. . .”

“I'm just kidding.” Tumawa ito. “I need your help here though.”

“Ako na maghahanda niyan,” aniya sa binata pero pinigilan siya nito. Nasanay kasi siya kay Creos noon na kailangan pinagsisilbihan niya ito.

“I can do this. Besides, I'm the one who barge in here, not you.” Muli siyang ngumiti. “That's all you need to do, Marie.”

“What do you mean?”

“I want you to smile for me. It energize me and eases away the little pain on my knee.” Marie rolled her eyes which made Niel laughed a loud. “I'm serious, Marie. I'm so serious about this thing I've hinting since the day we first met.”

“Ang complicated pa, Niel,”

“It's all right. I can wait for you.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro