Chapter Fourteen
CHAPTER FOURTEEN
“GOOD morning, my pretty lazy head!”
Niel put the call with Marie into a loud speaker mode. Kasalukuyan kasi siyang naglalakad sa ibabaw ng threadmill na parte ng kanyang morning routine. Naka-dalawang takbo na siya kanina kaya medyo hinihingal pa ngayon nagpapahinga na siya sa pamamagitan ng paglakad.
“Ang aga mo naman gumising,” sambit ni Marie mula sa kabilang linya. “What's your schedule today?”
“I have a song recording session with my bandmates. May meeting rin ako sa producer ng comeback concert namin sa December. Tapos. . .”
“Tapos?”
“Wala na. I think puwede kita sunduin sa ospital tapos mag dinner tayo kasama ni Kreya sa favorite restaurant niya. What do you think? Will it be possible, Doc?”
Marie giggled on the other line. “It's possible pero tatanungin ko muna si Kreya. You know. . . to prepare her.”
“Yeah, you're right. So, text me if the dinner is possible later?” Hindi minamadali ni Niel si Marie sa parte na may kinalaman kay Kreya. Mas importante pa rin ang approval ng anak nito higit sa lahat kahit pa nagsabi na siya sa bata liligawan niya uli ang nanay nito. “Dadaan ako sa ospital bago pumunta sa recording schedule ko.”
“Hindi ka ba mahuhuli sa schedule mo?”
“Sandali lang naman. I'll call you if I'm already outside, hm?”
“Okay. See you then.”
“See you.”
Natapos ang tawag nilang dalawa at dali-dali siya naghanda na para makaalis ng mas maaga. Inayos niya ang mga gamit na nagkalat sa paligid at pati na iyong gym equipment na ginamit kanina. Niel was doing fine now after he took off his blood thinners medication. Naka-graduate din siya sa wakas at unti-unti na bumabalik sa normal ang lahat. Which he planned to achieve since then.
Pagkatapos niya maligo, nagbihis na siya at nag-ayos ng sarili. Hindi niya kinalimutan ang baon na si Marie pa ang naghanda na siyang laman ng kanyang refrigerator. On the go iyon lahat na iniinit na lang niya at minsan na lamang siya kumain sa fast food. Nilagay niya ang lahat sa isang thermal bag at binitbit na iyon palabas ng kanyang bahay.
“Niel!” sigaw na nagpahinto sa kanya sa aktong pagsakay sa sasakyan.
“Ellora.” Kumunot ang noo niya nang makita ito doon. Hindi naman kasi compound nila ito nakatira kaya nakakapagtaka iyon para sa kanya. “What do you want?”
“Papunta ka na ba sa recording studio? Puwedeng sumabay? Nasira kasi ang sasakyan ko at ang hirap maka-book ng Grab.”
“May dadanan pa ako bago pumunta doon.”
“Gym?”
“Nope. Dadaanan ko si Marie sa ospital.”
“Ah. . .” Hindi niya magawa ang iniisip nito. “It's fine with me,” sambit nito sa kanya. Hindi na siya nakatanggi at hinayaan na ito sumakay sa kanyang sasakyan. Nilagay niya muna ang baon sa passenger seat bago umikot sa driver's seat. “Lagi ka na may baon ngayon, ah.”
“Marie prepared that for me.”
“Are you living with her?”
“Not yet.”
“But you have a plan?”
“Of course. Hindi lang naman ito laro lang, Ellora. I'm dating Marie with the intention of marrying her.”
“She has a kid. Magiging instant daddy ka -”
“If you want me to let you remain sitting there, you'll stop questioning my decision. I am serious about Marie and be part of her daughter's life.”
“Okay. I'm sorry. Concern lang naman ako sa 'yo at sa career mo.”
“I don't need your concern, Ellora.” That's how Niel shut Ellora from talking about Marie and Kreya. Tahimik lang sila bumiyahe hanggang sa makarating na sa ospital. Sa parking sila naghintay ni Ellora sa pagdating ni Marie at nang matanaw na niya ito ay bumaba na siya. “Busy?” tanong niya.
“Medyo. Naghintay ka ba. . . kayo pala, I mean. . .”
“Hindi naman magsisimula ang recording na wala ako.”
“Sira ka talaga. So, bakit ka nagpunta dito?”
“I just want to give you this,” aniya dalaga at pinatakan ng magaan na halik ang pisngi nito.
“Kailangan talaga may pa-ganyan ka, no?”
“Siyempre para maging ganado ako sa trabaho.” Hinampas siya nito sa dibdib bago ito humalik sa gilid ng kanyang labi. “I'll be more luckier today because of that.”
“Go now, Niel. Nakakahiya na sa kasama mo,”
“I bet she won't mind us.”
“Hindi ka naman sure. Sige na. Magkita na lang tayo mamaya. Nakausap ko na si Kreya and she agreed with your ideya. But. . .”
“But?”
“Sa bahay na lang daw namin. I mean sa condo pala at magluluto ako.”
“That's more I like,” aniya saka muli itong hinalikan sa pisngi.
“Umalis ka na and be professional, okay?”
“I am professional.” Umiling ito habang nakangiti. “Fine. I'll go now. See you later.” Kumaway siya sa dalaga at inabangan naman nito na makaalis sila bago bumalik sa trabaho nito.
“What an eyesore. . .”
“Edi pumikit ka, Ellora,” aniya sa dalaga kasama sa kotse.
~•~•~
PATAPOS na magluto si Marie nang dumating si Niel sa condo nilang mag-ina. Ibinigay na niya ang code sa binata ngunit pinili pa rin nito na mag-doorbell para pagbuksan niya. Another crazy thing she knew about Niel as their relationship got old day by day.
“How's your day?” tanong niya sa binata habang sinasalin ang niluto niyang chicken in cream and mushroom. Paborito iyon ni Kreya at iyon lang medyo mabilis lutuin dahil nag-OT pa siya sa kanina.
“My day went by the book. Nakapag-record kami at natuloy din ang meeting namin kasama ng mga producer.”
“Si Ellora? Ano role niya sa band niyo?”
“She's in-charge of the make up and wardrobe during our tours. Pero ngayon, bystanders lang siya sa recording studio maghapon.”
“Wala siyang ibang trabaho bukod sa pagiging make up artists niyo at wardrobe coordinator?”
“Hindi ko alam.” Lumapit sa kanya si Niel at masuyo nitong hinawakan ang braso niya saka hinila siya palapit dito. “Si Ellora lang ba ang pag-uusapan natin ngayon?”
“No.” Mabilis niyang sagot dito. “Gigisingin ko na si Kreya. Nakatulog kasi siya pagkagaling sa school kanina.”
“Marie.”
“What?”
“Do not worry about Ellora, okay? What I have with her before was far different from what we have now. I love you and you don't need to answer now immediately. Gaya ng lagi ko sinasabi, take your time, hm?”
Ngumiti siya saka tumango. Iyon naman ang maganda kay Niel. Talagang sinisiguro nito mahal siya nito at hindi nagmamadali sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang dalawa. Idinaan naman nila lahat sa proseso ang lahat at kasama na iyong may kinalaman kay Kreya.
“Krey, wake up. Handa na ang dinner natin. Naghihintay na sa labas si Niel.” Marahan niya niyugyog ang anak upang gisingin ito. “Sweetie, come on. Don't make the food wait.”
“Inaantok pa po ako, Mommy,” sambit ni Kreya. “I already know Niel too.”
“You know him as your idol, not as my -”
“Boyfriend.”
“You knew?”
“He asked my permission to court you before and that's what comes after the courtship, right?” Masyado ngang matured ang kanyang anak at kahit bali-baliktarin niya ang mundo, wala siyang maililihim dito. “I already told I'm fine with whatever you two have. Do I need to call him Papa?”
“We will talk again if we cross that bridge. Pero calling him Niel is fine with me.”
“What about uncle?” Umiling siya. “Fine. I don't want to call him like that either.”
“Wake up now and follow me outside.” Hinalikan niya ang noo nito saka iniwan. Niel was already sitting when she came out and busy checking on his phone. “No cell phone is allowed here.”
“Yes, love. I'm sorry.” Hindi niya maiwasang kiligin dahil iyong endearment na naman na iyon ang tinawag nito sa kanya. “Are you still wearing make up?”
Hinaplos niya ang mukha pagkarinig sa tanong ni Niel saka umiling. Iyon ang una niya ginawa pagkarating kanina dahil sa dami ng trabaho niya sa ospital, pakiramdam niya'y ang haggard na niya tingnan. Hindi naman sa natatakot siya na iyon ang iisipin ni Niel pero simula ng mag-date sila, mas lalo siya naging concious sa kanyang itsura.
“Nakapaghilamos na ako bago ka dumating,”
“You're blushing, my love,”
“Ano ba?!” Saway niya rito pero hindi naman ito nagpa-awat. “Ano ang schedule mo sa weekend?”
“The usual. Recording, meeting, practice and our time together.”
“Puwedeng whole day kita hiramin sa darating na weekend?”
“Why?”
“Naisipan ko lang mag bakasyon tayong dalawa.”
“And you booked the ticket, right?” Dahan-dahan siya tumango. Kanina niya iyon ginawa at ngayon lang sinabi sa binata. “Paano pala kung hindi ko puwede baguhin ang schedule ko?”
“Edi kami na lang ni Kreya ang aalis o 'di kaya isasama ko si Jethro para makahanap na siya ng boyfriend.”
“Whoa, you already have a plan and back up plans.”
“Bilib ka na naman sa akin?”
Hindi nakasagot agad si Niel pero alam niyang may iba itong gustong gawin. Nakakapagpigil lang dahil kasama nila si Kreya na lumabas na sa kwarto nito.
“Hi Niel!” Bati ni Kreya kay Niel pagkatapos ay dumulog na sa hapagkainan.
“Hello Kreya!” Bati naman ni Niel pabalik. “How's school?”
“Good. Maraming assignments na pabaon ang teacher ko.”
“Do you need help?” Tumingin sa kanya si Kreya na para bang nanghihingi ito ng permiso sa kanya. Creos never helped Kreya on her assignments before and it wasn't her comparing them with each other. Sobrang magkaiba si Niel at Creos at kahit sino ay mapapasin iyon. “I'm free tonight and can stay long only if your mom will allow me.”
“Mommy, can he stay? I need help with Math and you hated that subject.” Ngumiwi siya dahil sa pambubuko sa kanya ni Kreya.
“Yes, he can stay. Pero hindi ko hate ang Math. Mas mahal ko lang ang History, Science at English subjects ko.” Paliwanag niya pero wala naman siya nakumbinsi.
“A woman who hated Math but loves Science. Interesting. . .”
That's when Kreya started acting like puking which she tickled as a revenge.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro