Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

CHAPTER FOUR

IKAW ang gusto ko makita paglabas ko ng OR at mag date tayo paglabas ko dito. . .

Hanggang sa mga oras na ito, nasa isip pa rin ni Marie ang pabor na hiniling ni Niel sa kanya. Akala niya kapag binalewala niya'y mawawala na rin pero nagkamali siya. Napapatanong siya sa kanyang sarili kung saan ba nahugot ng lakas ng loob ang binata para sabihin iyon sa kanya. At ano ba ang nakita nito sa kanya?

After her break up with Creos, hindi na nga masyadong napagtuunan ang sarili dahil nalulong siya sa pagta-trabaho. Isama pa doon ang pag gabay niya kay Kreya na kahit pilitin niya huwag magalit kay Creos ay nanatiling masama ang loob nito sa dati niyang kasintahan.

Ang sabi ni Jethro, kasalanan naman ni Creos kaya sumama ang loob ng anak nila. Pinayuhan din siya ng kaibigan huwag pilitin si Kreya kung ayaw talaga nito na makausap ang ama.

Let time heal all wounds even the deep once, as per her friend.

“Mommy, are you okay?” Tumingin siya sa kanyang anak at saka ngumiti.

“Yes, I am. Ubusin mo na ito at darating na ang Papalo mo para sunduin ka.”

Inilapit niya ang tray ng pagkain sa anak na agad naman nitong pinagtuunan ng pansin. Nalipat ang atensyon niya sa cell phone na pinasukan ng mga mensaheng galing kay Creos. Pangatlong beses na itong nagtext sa kanya at isa lang ang sinasabi nito. Iyon ay gusto nitong makita si Kreya na ayaw naman ng kanilang anak na mangyari. Marie's ex-partner was assuming she's brainwashing the kid to hate him even more.

Huminga siya nang malalim bago binasa ang text message na galing sa kanyang tatay na nasa premises na ng ospital. Sakto lang pala ang dating nito dahil patapos na rin kumain si Kreya. Sinamahan siya nito na gawin ang kanyang trabaho at nakipaglaro din sa kanyang mga pasyente na parang kapatid na nito kung ituring. Another text message came in it's from Creos saying he wanted to see her.

Muli siyang malalim na huminga saka sinuksok na ang cell phone sa bulsa ng suot niyang doctor's coat.

Pagkatapos kumain ng anak niya, hinatid niya ito sa entrance at hinabilin na sa kanyang tatay. Sinabi niya rin dito na kikitain niya nga si Creos na ayaw nitong payagan noong una. Matapos ang mahabang paliwanagan, nakumbinsi niya rin ang ama kaya pagka-alis nito ay dumiretso na siya sa cafeteria kung saan naroon si Creos.

“Sabihin mo na kung ano'ng pakay mo rito. Marami pa ako gagawin kaya hindi puwedeng magtagal.” Mahabang salita niya matapos itong lapitan. Hindi na siya nag-abala na maupo kaya lumingon na lang ito sa kanya.

“Uunahin mo pa ang trabaho kaysa makipag-usap sa akin?” tanong ni Creos sa kanya.

Mabuti at wala gaanong tao sa cafeteria ngayon kaya puwede itong umasta ng gano'n. Pero kung sa ibang mata, hindi puwede dahil nakakahiya pa rin sa iba.

“Hindi na nga tayo, nagrereklamo ka pa rin na inuuna ko ang trabaho.”

“Kaya tayo nagka-ganito dahil diyan sa ugali mo.” Ako pa ang sinisi ng kolokoy na 'to. Nakalimutan niya yata na siya ang dahilan bakit nasira ang relasyon namin, mahaba niyang sambit sa isipan.

“Walang mali sa ugali ko, Creos. Sinasabi mo lang iyan para isisi sa akin ang lahat.”

Narinig niya ang malakas na buntong-hininga ni Creos bago nagsalita.

“Huwag na tayo mag-away para matapos na ito,” umirap siya saka naupo na sa bakanteng upuan sa harap nito. “Ayusin natin ang lahat, Marie.”

Doon siya ulit napatayo at aktong aalis na ngunit napigilan siya nito.

“Wala na tayo pag-uusapan. Doon ka na sa babaeng sinama mo sa Tagaytay.”

“Wala na kami at ngayon ko lang iyon ginawa.” Ilang beses na ba niya narinig ang palusot nito? Kaya nga sila tumagal dahil pulos ang pagbibigay niya sa binata. “Hindi na importante kung ano nagawa ko. Ang mahalaga ay hindi ko na uulitin. Mahal na mahal kita, Marie.”

“Tumigil ka na. Tapos na tayo. Nasasabi mo lang iyan dahil nabawi na ng abogado ko lahat ng assets na binigay ko sa 'yo.”

Iyon lang naman ang dahilan ng pagpunta nito sa kanya. Marie received a message from his brother that they got back Creos' sports car and his condominium unit in BGC. Puwede niya gawin iyon dahil sa kanya naman galing ang lahat at sa kanya nakapangalan.

“Ginawa ko lang iyon kasi wala kang oras sa akin.” Tinalikuran niya ito matapos marinig ang sinabi ng binata. “Marie. . . ah!”

Lumingon siya at nakita niyang nakadapa na sa sahig si Creos habang nasa harap nito si Niel. Binalikan niya dating partner at inilayo si Niel dito.

“Hindi ko siya nakita. I'm sorry brad!” Palusot ni Niel pero alam niyang sinadya iyon ng lalaki. “Hey, Dra. Dominguez!”

“Hindi ba dapat ooperahan ka?”

“Hindi natuloy at ni-reschedule na lang ng mga doktor. Kailangan pa yata na mapa-oo kita.” Just when Marie throught she's done with Creos' craziness, heaven gave her another crazy guy in Niel's persona.

“Kilala mo ba ito, Marie?” Maangas na tanong ni Creos kay Marie.

“Huwag mo siyang sigawan, brad. Naririnig ka naman niya kaya huminahon ka.” Si Niel na ang sumagot para sa kanya.

“Tara na at ihahatid na kita sa kwarto mo,” aniya kay Niel.

“Marie. . .” tawag ni Creos sa kanya. Hindi na natuloy nito ang sasabihin dahil may security na lumapit sa dating kasintahan. “Bakit niyo ba ako pinaalis? Kakilala ko ang babaeng iyon!”

Naiiling niya binalingan si Niel. “Tara na sa kwarto mo para makapahinga ka na.” Humingi siya ng wheelchair sa mga nurse at doon inalalayan na maupo si Niel. “Don't ask what is it.”

“I'm not saying anything, doctor,” tugon nito sa kanya.

“Mas okay na tahimik ka kaysa madaldal.”

“What about my favor? Will you grant it?”

“In your dreams,” aniya sa binata.

“Ang sakit naman noon sa puso, Doc.”

“Truth hurts sometimes,” Marie said which meant also for her.

Naisip niya na baka kaya nag-cheat si Creos ng paulit-ulit ay dahil masyado siyang abala sa trabaho. Baka iyon nga ang dahilan na masakit tanggapin kaya totoong masakit makarinig ng katotohanan. It did really hurts sometimes and all she could do was to escape.

Escape for now, that's the best choice she have.

~•~•~

HINDI alam ni Niel kung bakit niya ginagawa ang pangingialam kanina sa away ni Dra. Dominguez at lalaking siyang totoong nakarelasyon ng dalaga. That fool guy he tripped was the father of the kid from yesterday - the one with pretty set of eyes and sweet smile.

Nakita ni Niel ang anak ni Dra. Dominguez na nakikipaglaro sa ibang pasyente nang maisipan niya gumala matapos mabagot sa sariling kwarto. Niel also saw Dra. Dominguez smiled from ear to ear earlier and it was a nice view.

When he saw her again not a while ago, the lady was about to cry and humiliated in front of many. Ayaw niya nakakakita ng babaeng umiiyak dahil sa lalaki lalo na kung siraulo ito ang kabaro niya.

“Hey, my man! What happened to you?” tanong ni Ricky na kabanda niya saka nakipah-high five dito bago naupo sa couch kung saan nakaupo sina Kristoff at Ivan. “Ano'ng ginagawa mo dito? Simpleng pilay lang iyan.”

“It's not that simple. He needs to rest and I'm giving you both three minutes to talk to him. I'll kick you two out.”

Si Dra. Dominguez iyon na kanina lang ay iniisip niya. She seemed okay now and a little feisty as she was when they first met. Umalis ito para bigyan silang tatlo ng privacy pero alam niyang wala namang importanteng sasabihin ang dalawa niyang kabanda.

“Who was that?” tanong ulit ni Ricky.

“It's his doctor. She's pretty tough, right?” tugon ni Kristoff. “Siya ang bagong prospect nitong si Niel ngayon.”

“Paano si Ellora? Do you know about that Kris?”

“Their problem is theirs alone. Nakausap ko na si Ellora at nasa Australia siya ngayon kasama ni Mama.” Iyon ang pinaka-gusto niya kay Kristoff. Hinihiwalay nito lahat ng mga relasyon na meron ito sa kanya, kay Ellora at maging sa trabaho na meron sila. “Have you asked her out?”

“Yeah, but she rejected me right away.”

“You're fading, my man! Delikado na iyan, ah!” kutsa ni Ricky sa kanya. Tumakbo ang tatlong minuto nila sa pag-aasaran lamang at siya na naman ang naging tampulan ng mga ito

“Okay boys, time's up. Game is over and he needs to rest.” Paalala ni Dra. Dominguez sa kanila na pumasok makalipas ang tatlong minuto. Alam niyang naging maingay sila na naka-istorbo sa ibang pasyente. Mabuti at sinunod siya ng dalawang kaibigan na umalis matapos mang-asar ulit. “Bukas ng umaga matutuloy ang operasyon mo. Kailangan mo na magpahinga para may lakas ka.”

“Aren't you treating me like a baby, Marie?” tanong niya sa dalaga.

“Ganito ako sa lahat ng pasyente ko,”

“The young ones. I get it. We have a huge gap on our age and being friends is not sin.”

“Not until you're my patient and I'm your doctor. We are discourage to form any personal bond from our patient.”

“So, puwede na kapag hindi na ako pasyente sa ospital na 'to?” Hindi kumibo si Dra. Dominguez. “I have to wait for a month then,”

“Rest now and thank you,”

“For what?”

“Basta. Magpahinga ka na nga diyan. Uuwi na ako.”

“See you tomorrow, Doc!”

Umiling lang si Dra. Dominguez nang dahil sa sinabi niya. That's a progress for Niel and he knew they were already starting.

It's a start of something new.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro