Chapter Eighteen
CHAPTER EIGHTEEN
"SO, how's your boy toy now, Marie?" tanong ni Creos sa kanya na hindi lang niya kinainis kung 'di pati na ng kanyang kapatid. Nakaupo lang ang dati niyang kasintahan sa kabila katabi ang abogado nito. Isa lang naman ang dahilan ng pagkikita nila ngayon. And that's all about the separation of their assets since they've been in common law relationship for almost thirteen years.
"I prefer you shut your mouth, keep those nasty comments for my client to yourself and let's get into the business." Inusod ni Santi iyong folder na naglalaman ng mga bagay na mapupunta sa kanyang ex-boyfriend. "All that you can read there are the things you will have."
"What about the car? Bakit wala dito iyong sasakyan ko?" Sunod-sunod na tanong ni Creos na nagpa-ikot sa mga mata ni Marie. Hindi siya makapaniwala na iyon lang importante dito at 'di man lang binasa ang iyong tungkol kay Kreya.
Since Kreya chose to stay with Marie, the court granted her the custody of their child. Kapag nasa legal na edad na ito puwede na ito mamili ulit kung magiging independent na o kung kanino sasama sa kanilang dalawa ni Creos.
"The car is under my name and I already sold it in the market." May karapatan siya doon kaya iyon ang kanyang ginawa. Napunta sa bank account ni Kreya ang napagbentahan niya at nakatabi na iyon para sa pag-aaral nito sa kolehiyo.
"That's all I need! Kaya ako pumayag sa ganitong meeting dahil makukuha ko iyong dapat na sa akin."
"You're still a selfish asshole. Sell those things you have and buy yourself a car." Tumingin siya sa kanyang kapatid at nang tumango ito ay magkasunod na sila tumayo. "Kapag alam mo na paano ibebenta iyang mga napunta sa 'yo, sunod mo naman basahin iyong clause na may kinalaman sa anak natin."
"Let's go, Marie." Pag-aya sa kanya ng kanyang kapatid.
"And Niel is not my boy toy." Pagtatama niya sa sinabi nito kanina patungkol kay Niel.
Magkasabay silang lumabas ni Kuya Santi niya at naglakad palabas sa opisina ng lawyer ni Creos. They did the honor of travelling downtown just to meat Creos personally. Ang punto ay para malaman niya kung may plano ba ito patungkol sa anak nila pero mas mahalaga pala ang sports car nito kaysa sa bata. Mabuti na lang at hindi nila sinama si Kreya ngayon kung 'di lalo lang sumama ang loob ng binata.
"Ako na lang ang kakausap sa kanya sa susunod, Marie. Tingin ko ay hindi pa matatapos ang demands niya."
"Hangga't wala iyong sports car."
"Hangga't wala iyon na hindi naman natin ibibigay sa kanya. I can't believed that asshole and you lived with him that long." Hindi siya kumibo. "It's not what you think I am thinking about you."
"I know, Kuya," ngumiti siya. "May pupuntahan pa ako at magkikita kami ni Niel. Tapos sabay na kami pupunta sa bahay."
"Is he ready to meet us?"
Huminga siya nang malalim. "Just be nice to him Kuya because Niel's a nice guy and he loves us."
Tumawa ang kapatid niya. "Relax, Marie. Hindi naman namin tatakutin ang boyfriend mo."
"Promise?" Nagkibit-balikat lang ito at nagtuloy-tuloy lang sila na maglakad palabas. Kabado na siya ngayon at mali yata ang desisyon niyang ipakilala si Niel muna bago niya makilala ang mga magulang nito.
I hope everything went well, she silently prayed while walking.
~•~•~
HINDI makapaniwala si Niel sa nakikita ngayon. Sa kanyang harapan ay kumpleto band set na pag-aari ng tatay ni Marie. Nasabi nito sa kanya na nagbabanda din ito noon kasama ng mga kapatid nito. Juan Miguel Dominguez was their vocalist and Marie's father was in the drums.
"You have a cool stuff, sir," komento niya sa tatay ng kanyang kasintahan.
Tumawa ito at umiling. "Do not mentioned this to my wife. Here in the our household, she's the boss and she hated when I'm bragging about these."
"These stuffs are worth bragging, sir. Do you think you can play with me?"
Umiling ito. "Kinakalawang na ang drum skills ko. Saka iba na ang uso ngayon. Kreya said you're the pop-rock prince she adored."
"Let's try it, sir. I know nothing will be hurt or at least noone."
"My daughter is right about you."
"Marie's talking about me in front of you, sir?"
"Yes, she is but just recently. And for her to share gists about her dating life is already a great privelege for us her family." Umayos ng tayo sa harap niya si Mr. Dominguez. "You know, Marie hid a lot of things from us and then you came into her life." Tinapik nito ang kanyang balikat. "You changed her and we're happy to know that she's on the right path now."
Hindi alam ni Niel kung approval na ba ang ibig sabihin ni Mr. Dominguez. Kung iyon nga ba ang tawag sa mga sinabi nito sa kanya. Ayaw niya sana isipin pero doon pa rin napunta ang lahat.
"Are we still going to play, Mr. Pop-rock Prince?" tanong ni Mr. Dominguez sa kanya.
Ngumiti siya. "Yes, sir!"
~•~•~
"MARIE, your man is a charmer. I like him. We all are." Iyon ang sambit sa kanya ni Savannah na isa sa mga pinsan niyang inimbita ng kanyang mga magulang.
Ang buong akala niya nga ay sila-sila lang ang magsasama-sama ngayon pero hindi pala. Marie's parents invited her Uncle Migz family and they invited the other so the simple family gathering became a grand reunion of Dominguez's.
Tiningnan niya si Niel na abalang tinutulungan na ang kanyang tatay na i-set up ang band set nito. Matagal na hindi tumutugtog ang tatay niya at tanging si Niel lang ang nakapagpayag dito na ilabas ang mga iyon.
"He's a charmer, anak," sambit naman ng kanyang ina na lumapit sa kanya ng iwan siya ni Savannah. That's the second time someone called Niel a real charmer. First was her cousin and now it's her mother. "You're father likes Niel for bringing out the younger musician out of him."
"I can see that and they're going to play together."
"That will be fun. Your uncle should sing with Niel."
The fan girl spirit in her mother came out suddenly and this wasn't the out come she's thinking while their driving. Kahit si Niel ay kabado rin pero halos lahat kasama na ang mga kapatid niya'y naka-interact nito. Wala pang isang oras ay close na ito agad sa kanila. As close as already talking so casually with each other, dropping the honorifics.
"Yes, it will be fun," sambit niya saka sumunod na sa kanyang ina para panoorin si Niel kasama ng kanyang tatay at uncle.
"Marie, I'm happy to see you happy. He's making you happy and Kreya." Lumapit sa kanya ang kanyang ina saka hinawakan siya sa kamay. "I can see that you love him so much and he's to you too." Ngumiti siya saka yumakap sa kanyang ina. Dati ay 'di siya ganitong ka-open sa pamilya pero nag-iba na ang lahat ngayon.
"Mommy!" sigaw ni Kreya at yumakap ito sa kanya. "Are they going to play?"
"Yes. Papalo will be playing his drum set."
"And Niel will be singing with Lolo Migz?"
"I think so."
Pumunta sa harap niya si Kreya para makita nang maayos sina Niel at tatay niya. Marie's Uncle Migz took the micropone as well as Niel and they started singing, hyping the field where they were right now.
Nakita niyang nakatingin sa kanya si Niel habang nakanta dahilan para mapangiti siya at maki-cheer na rin kasama ni Kreya. Marie took some video so Niel could upload it online only if he wanted to.
Pagkatapos ng set, lumapit sa kanya ang kasintahan na may dalang bote ng alak na iinumin na dapat nito ngunit inagaw niya.
"Ipag-da-drive mo kami ni Kreya pauwi kaya tama na ang pag-inom, okay?" sambit niya sa kasintahan.
"Right! Thank you for reminding me," tugon nito saka hinalikan ang gilid ng kanyang ulo.
"You're a star and I think they like you specially my father." Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kanya si Niel. "You do charmed them. Stop making that face, Niel." Tumawa siya matapos guluhin ang buhok nito. Nahuli ni Niel ang kamay niya at nagawa siya nito hilahin palapit. "You did a great job today and I'm so proud of you."
"Are you ready to meet mine?" tanong nito sa kanya.
Sandali siyang nag-isip kaya naman kiniliti nito siya sa kanyang tagiliran. "Will they like me? I mean, how will I gonna surpass the impression you did here? Saka dadalhin ko si Kreya. Okay lang ba iyon?"
"Yes, it's fine. Bringing Kreya at home will lighten the ambiance a bit. Your daughter is a charmer just like me."
"I hope it will go well just like what happened here."
"It will and you don't need to worry so much because I am there with both of you."
Ngumiti siya nang muli siyang halikan ni Niel sa kanyang noo. Hindi na siya nahihiya ngayon kapag ginagawa iyon ng binata kahit pa maraming nakatingin sa kanila. Nasasanay na nga siya sa totoo lang at wala na problemang maituturing pa maliban sa pamilya ni Niel.
Would they like her for Niel? What if they wouldn't?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro