Raven 🔸 9
Raven's POV
"GOOD job with the game. Pero humahakot ka ng atensyon." Saad ni sir Blast sa akin.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga bakanteng training room. Ngayon magsisimula ang pagtuturo niya sa akin. Nanood din ito kanina sa hunter and hunted game.
"Hindi ko alam na ako ang mananalo sir." Sagot ko naman rito. Hindi ko naman talaga inasahan yun.
"Saan ka ba nagtago at di ka nahanap ng mga Epic?" Nagtatakang tanong pa nito.
"Sa isang bahay po. Nagtago ako doon sa kuwarto at nakalimutan ko dahil sa tagal n-nakatulog ako." Sagot ko rito. Totoo naman yun pero hindi ko lang binanggit ang lalaking tumulong sa akin dahil baka magtanong ito kung sino yun. Hindi ko pa naman natanong yung pangalan.
"Sinuwerte ka sa laro. Tinulugan mo lang, nanalo ka na." Napailing na saad ni sir Blast sa akin. "Sige magsimula na tayo. Ang gagawin mo ngayon ay pagalawin ang isang bagay gamit ang isipan mo."
Napakurap naman ako. "Paano ko po yun gagawin?"
"Titigan mo ang bagay na gusto mong gumalaw, isipin mo kung ano ang gusto mong gawin doon. Palutangin ba o patakbuhin." Sagot naman niyo sa akin.
"Sige po." Sagot ko rito.
"Itong teddy bear na nasa sahig, pagalawin mo ito." Utos sa akin ni sir.
Kaya agad ko na tinitigan ang teddy bear.
Tumayo ka. Tumayo ka. Tumayo ka. Paulit-ulit yun sa aking isipan at nagulat ako ng biglang tumayo ang teddy bear! Pero bumagsak naman ito pabalik dahil nawala ang konsentrasyon ko.
"Tumayo!" Gulat na saad ko pa kay sir Blast.
Ngumiti naman ito. "Good job dahil nakuha mo kaagad ito sa unang subok. Panatilihin mo ang iyong konsentrasyon at isipin mo ang kung ano ang gusto mong ipagawa dito sa teddy bear. I'll give you five minutes to do a performance using the bear." Saad nito.
Napangiti naman ako dahil nagugustuhan ko ang nangyayari. Nakakatuwa kasi hindi na kailangan ng baterya para pagalawin ang teddy bear.
Kaya tumingin ako ulit sa teddy bear at pinatayo ko ito. Agad naman na tumayo ang teddy bear at pinagalaw ko ito na tila nag-eehersisyo. Natutuwa ako dahil madali lang pala gamitin ang kapangyarihan ko. Kaya sa sobrang tuwa ko ay pinaglakad ko na ang teddy bear hanggang sa naging takbo iyon. Hindi pa ako nakontento at pinasayaw ko ang teddy bear. Ngiting-ngiti ako habang sinusundan ko ng tingin ang teddy bear pero hindi ko rin hinayaan na mawala ang konsentrasyon ko.
"Okay that's enough." Pigil naman ni sir blast sa akin kaya pinatigil ko rin yung teddy bear at natumba ito sa kinatatayuan nito. "You're a fast learner. Akala ko buong maghapon kita tutururan sa pagcontrol. Sa ngayon, kaya mo ng komontrol ng bagay na hindi buhay. Araw-araw ay maglelevel up ang bagay na kokontrolin mo. Sa ngayon maaari ka ng umalis dahil tapos na ang training mo sa araw na ito."
"Salamat po sir Blast." Yumukod ako rito bago ako lumabas ng training room.
Ngiting-ngiti akong naglalakad patungo sa dorm namin. Naninibago man ako pero natutuwa ako sa kakayahan ko. Akala ko ba nakakatakot pero hindi naman pala. Hindi ko na napansin ang mga estudyanteng binigyan ako ng di kaaya-ayang tingin. Derecho lang ako sa dorm at hindi na ako kumatok basta pumasok na lang ako.
"Nandito na ang diyosa!" Tili naman ni Bree. "Congrats friend sa pagkapanalo mo! Di ako makaget-over! Yung ibang kasama namin na epic, mga echosera galit dahil hindi ka nila nahuli!" Para itong kiti-kiting nakasalampak sa sahig.
"Oo, Raven nakakatawa yung mga itsura ng kasama namin. Hindi nila matanggap na ikaw ang nanalo." Natatawang saad naman ni Haze sa akin.
"Bakit naman hindi nila matanggap?" Nagtatakang lumapit ako sa kanila at may nakita ako sa center table na laptop. May ganoon si mama at tinuruan din niya akong gumamit ng ganoon.
"Eh kasi, mapride itong mga epic. Karamihan sa epic ay matataas ang tingin sa mga sarili dahil kasunod kami ng legendary. Kaya hayun, hindi nila matanggap na isang common ang nanalo. Mga bitter ang mga higad. Lalo na si Elena na hindi maipinta ang mukha." Tawang tawa na sagot ni Haze sa akin.
Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga yun pero base sa dalawa ay mukhang nakakatawa nga kaya ngumiti na lang ako kahit hindi naman talaga ako natatawa.
"Since ikaw ang nanalo, magcelebrate tayo. May pizza dito tsaka mag movie marathon tayo." Usal naman ni Bree at binuksan na niyo ang isang malaking box na tinawag nitong pizza.
"Teka san ka pala nanggaling?" Tanong sa akin ni Haze.
Agad naman akong sumagot. "May supplementary class ako kay sir Blast para daw makahabol ako." Sagot ko rito. Yun kasi ang sinabi ni sir Blast na pag may nagtanong kung bakit nag-aaral ako sa hapon ay yun daw ang isasagot ko.
"Ah mabuti yan para hindi ka masyadong behind sa amin." Sagot naman ni Haze. "Magbihis ka muna dahil manonood tayo ng movie."
Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras at nagbihis na nga ako para sumabay sa kanila na manood ng palabas. Nakakapanood ako ng palabas sa bahay namin pero puro educational ang napapanood ko. Kagaya ng documentary, history o kaya naman discovery. Pero hindi pa ako nakakapanood ng regular na palabas dahil wala naman binibigay na ganoon si papa para panoorin ko.
Nagsuot na ako ng isang cotton white short at isang kulay pink na t-shirt na may print na angel. Lumabas na rin ako at umupo na ako sa sofa at ang dalawa naman ay parehong nakasalampak sa sahig.
"Sige play mo na." Saad naman ni Haze ngayon.
Nakatitig lang ako sa screen ng laptop nito at binigyan ako ni Haze ng slice ng pizza at tinaggap ko naman yun. Ngayon pa lang ako makakatikim ng pizza. Kumagat kaagad ako at magustuhan ko naman ang lasa.
Unang ipinalabas sa screen ay ang salitang universal studios na pumaikot ito sa buong mundo. At pagkatapos noon ay may nakalagay na Focus Point. Tumugtog ang kakaibang musika na ngayon ko lang narinig. Ipinakita sa screen ang kalangitan at mga ulap. Hindi ko pa maintindihan kung ano ang palabas dahil puro ulap ang ipinapakita sa screen hanggang sa gitna ng mga ulap ay may lumitaw na mga katagang....Fifty Shades of Grey.
Pagkatapos noon ay ipinakita ang isang syudad na puro mga nagtataasang gusali hanggang sa ipinakita na ang isang babae na simple at kakatuwa ang pananamit nito. Ang pangalan niya ay Anastacia.
Naging interesado ako sa palabas dahil ito ang kauna-unahang makakapanood ako ng palabas. Pumasok si Anastacia sa building at may nagguide sa kanya na isang magandang babae na kakaiba din ang suot. Kumpara kay Anastacia ay parang mas maganda tingnan yung suot ng babaeng naggaguide sa kanya.
"Mr. Grey will see you now." Yun ang narinig ko na saad ng babaeng maganda.
Pumasok si Anastacia pero biglang nangudngod ito sa sahig.
"Aaaaaaaaahhhhhhhhh!" Tili ni Haze.
"Jusko papa Christian! Puputok ang matris ko sayo!" Parang kiti-kiting saad ni Bree. "Ang gwapo niya pero mas gwapo pa rin si papa Vander!"
Napatingin ako sa dalawa ngayon na hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon nila dahil wala naman akong maramdaman na kakaiba.
"Jusko yan mga tingin na yan, yan talaga kahinaan ko!" Tili naman ni Haze.
Kaya di ko mapigilan na mapatingin sa screen. Maganda ang lalaki, pero mas maganda pa rin ang mukha nun lalaking tumulong sa akin. Kakaiba ang mga titig nito kay Anastacia na nagiging pamilyar sa akin ang ganoon klaseng titig. Parang ganoon tumingin sa akin yung lalaki na tumulong sa akin.
"B-bakit ganyan siya tumitig kay Anastacia?" Biglang naitanong ko. Gusto kong malaman kung anong klase ang titig na yun.
Agad naman na pinindot ni Bree ang pause button at nilingon ako.
"Ibig sabihin ng mga tingin na yan ay type ka o gusto ka niya. Kasi ang lalaki hindi ka titingnan ng ganyan kung wala siyang gusto sayo. At itong si Christian dito, unang kita pa lang niya kay Anastacia ay nagustuhan na kaagad niya ito, kaya ganun." Paliwanag ni Bree sa akin.
"Type o gusto? Paano malalaman na type o gusto mo ang isang tao?" Tanong ko ulit dahil hindi ko alam kung paano yun.
"Madaling malaman yan Raven. Una, pagnakita mo ang lalaking gusto mo ay parang magrarambol ang mga bituka mo. Pangalawa, parang sasabog ang dibdib mo sa kaba. Pangatlo, wala kang makitang kapintasan sa kanya. Pang-apat, gusto mo ang lahat sa kanya. Panglima, di siya mawala sa isip mo dahil maya't-maya mo siya naiisip. Pang-anim, isipin o makita mo lang siya ay sumasaya na ang buong araw mo. Pangpito, naiinis ka kung may ibang babae na lalapit sa kanya. Pangwalo, gusto mong mapansin ka niya. Pangsiyam, gusto mo siya laging makasama at pangsampo, napapangiti ka na lang ng walang dahilan tuwing naiisip siya." Mahabang paliwanag sa akin ni Haze.
Ganoon na ang mga senyales kung nagkakagusto sa isang tao? Bakit sa mga yun ay tila naramdaman ko sa lalaking iyon? Naalala ko pa na parang may mga insekto sa loob ng tiyan ko noong kaharap ko siya. Kumakabog din ang dibdib ko pero hindi ko alam kung sa takot na iyon o iba.
Hindi ko na sila ginambala at patuloy lang kami sa panonood. Hanggang sa nakita ko na nga na laging nakikipagkita na si Christian kay Anastacia. Pero nagulat na lang ako ng biglang ibinalya ni Christian si Anastacia sa isang maliit na lugar. Itinaas nito ang dalawang kamay ni Anastacia at tsaka nagpang-abot ang mga labi nila.
Alam ko na halik ang tawag doon. Noon ay walang malisya sa akin yun dahil wala naman akong nakitang naghalikan pero ngayon na nakikita ko siya sa palabas ay biglang pinamulahan ako ng mukha. Para naman mga sirena si Bree at Haze dahil nag-iiritan ang dalawa at nagkakahampasan pa.
Hindi ko namalayan na naubos ko na ang isang slice ng pizza. Naiilang na ako sa mga eksena dahil kahit wala akong alam sa mga iyon ay parang nabibigyan na ako mg ideya kaya wala sa oras na napatayo ako.
"Matutulog muna ako. Sumakit ang ulo ko." Paalam ko sa mga ito at hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at pumasok na ako aa kuwarto.
Para naman tinatambol ang puso ko. Ito ang kauna-unahan na nakapanood ako pelikula pero hindi ko naman inasahan na ganoon ka taas ang intensidad ng pinanood namin.
Pilit ko na winawaglit yun sa aking isipan kaya ay humiga na lamang ako at pumikit. Itutulog ko na lang ito sakaling makalimutan ko ang mga napanood ko.
Pero hindi pa lumilipas ang isang minuto ay narinig ko na naman na tumili ang dalawa. Pilit kong iniignora ang kanilang ingay. Pero biglang pumasok naman sa isipan ko yung lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Bakit ko kaya naramdaman sa kanya ang mga ganoon bagay? Ibig ba sabihin ay may gusto na ako sa kanya? Pero hindi naman lahat ng sampong senyales ay naramdaman ko. Kaya hindi yun maaari. Hindi ko siya gusto.
Pero hindi mawaglit sa utak ko ang pagngiti ng lalaking yun na tila gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko. Yung pakiramdam na nag-iba yung paligid.
"Bakit ko naman kasi yun naramdaman?" Parang naging problema na tuloy sa akin ngayon kung bakit ko yun naramdaman sa kanya.
Bakit ba kasi naisipan pa nina Bree na manood ng palabas? Bakit pa ako nagtanong? Kung hindi ako nagtanong, sana ay hindi ako mababagabag ng ganito. Kung sana hindi lumitaw yung kuryusidad ko ay sana tahimik pa ang utak ko ngayon.
Alam ko naman na maraming pang bagay ang hindi ko alam. Alam ko na hindi sapat ang kaalaman ko sa ibang bagay na hindi naman naituro ni mama. Pero mas mabuti pa na walang alam dahil wala kang magiging problema. Hindi tulad nito na hindi matahimik ang utak ko.
Pero imposible talaga na may gusto ako sa kanya. Tama, baka paghanga lang ang nararamdaman ko at hindi yun pagkagusto. Hindi yun maaari at hindi ko yun mapapayagan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro