Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 8

Raven's POV

PUMUKAW sa aking kuryusidad habang nandito ako sa kuwarto nun lalaking nakita ko sa cafeteria at nakabangga ko kanina. Hindi niya ako pinalabas ng kuwarto at pabor naman sa akin yun para hindi agad ako mahanap ng mga hunters.

Nag-iisip ako kung sino ba ang lalaking ito. Professor din ba siya? O scientist? Hindi kasi siya sumali sa event at nandito lang siya sa sinasabi niya na bahay niya raw ito. Kaya baka nga professor siya.

Nakapagbihis na rin ito kaya nawala na yun pagka-asiwa ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit naasiwa ako. Wala naman kahulugan kahit ganun ang itsura niya. O hindi lang talaga ako sanay na makakita ng ganun kaya ganoon ang naramdaman ko.

"You're new here?" Tanong ng lalaki sa akin.

Tumango naman ako. "Noon isang araw lang ako nandito." Sagot ko naman. Hindi ko rin alam kung bakit ingles ng ingles ito. Pero mabuti na rin at nakakaintindi naman ito ng tagalog.

"Where do you came from?"

"Sa Ravenwood." Tinaasan naman ako nito ng kilay at nahalata pa talaga na hindi yun ang tamang sagot. "Sa Austra ako lumaki pero sa Ravenwood ako ipinanganak at tinamaan ng epidemya." Sinabi ko na lang ang totoo sa kanya.

"You know your ability before?" Halatang naghuhukay ito ng impormasyon mula sa akin.

Umiling naman ako. "Simula ng nakaligtas ako sa epidemya ay pinagbawalan ako ng mga magulang ko na gamitin ang abilidad ko na hindi ko naman alam paanong gamitin. Kaya lumaki akong hindi alam at hindi nagagamit ang abilidad na meron ako." Sagot ko rito na pawang katotohanan lamang ang laman. Hindi ko alam kung bakit nagbubukas ako sa kanya.

"I see." Sagot pa nito sa akin. "But are you willing to learn?"

Tumango naman ako. "Kaya nga ako nag-aaral para matuto."

"Would you like me to teach you?"

Agad akong umiling. Hindi pwede yun dahil malalaman niya kung ano ako. Si sir Blast lang dapat ang magturo sa akin. "Si sir Blast na po ang magtuturo sa akin."

"Blast? The scientist guy?"

"O-oo."

"Is he the one who performed the test for your classification?" Tanong nito ulit at umupo ito sa dulo ng kama at humarap ito sa akin habang naka-upo naman ako sa isang single seat sofa.

"O-oo, siya ang gumawa." Sagot ko rito. Sana hindi lang niya mahalata na kinakabahan ako.

"I see... Now I understand." Komento nito. Nagtataka man ako sa kanya pero hindi ko siya tinanong.

"Bakit pala hindi ka sumali sa laro?" Tanong ko rito dahil ang alam ko ay lahat kasali.

"It bores me...joining those stuff." Sagot naman nito na halatang ayaw nga sumali nito. "How old are you?"

"18..." sagot ko rito.

"Too young."

"Hindi na ako bata. Magna-nineteen na ako ngayon december." Saad ko naman rito. Hindi ko alam bakit tinawag niya akong bata. "B-bakit matanda ka na ba?"

"I'm 24... older than you." Sagot naman nito sa akin.

"Totoo? Teacher ka ba rito?" Matanda na para sa akin ang 24.

"Sort off." Sagot nito. "I no longer join classes." Sagot naman nito sa akin. Nakatingin pa rin ito sa akin at hindi ako nilulubayan.

Yung totoo ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa mga titig nito na hindi ko mapangalanan. Pakiramdam ko sa mga titig nito ay naghahatid ito ng parang mga insekto sa sikmura ko. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko ito kaya hindi ko alam kung bakit nararamdaman at kung anong ibig sabibin nito.

"Ah graduate ka na pala." Saad ko rito. Kaya naman pala hindi ito sumasali dahil tapos na pala ito. Pero kung tapos na ito bakit nandito pa rin siya? Tama, hindi ligtas na lumabas sa fortress dahil sa gobyerno.

"Hhmm....." ungol nito na sa totoo lang hindi ko alam bakit ganoon ang sagot niya. "I wonder, do you have a boyfriend?"

Boyfriend? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya. Lalaking kaibigan ba ang tinatanong niya? Tumango naman ako dahil si Bree ay kinokonsidera ko na boyfriend. Isang lalaking kaibigan.

Biglang dumilim naman ang anyo nito ng hindi ko maintidihan kung bakit. Pakiramdam ko ay parang galit ito. Wala naman akong ginawang mali. Sinagot ko lang ang tanong niya.

"How long have you been with your boyfriend?" Tanong pa nito sa akin na parang nagtitimpi ito at madilim pa rin ang anyo nito.

"Nakilala ko lang siya kahapon." Sagot ko rito.

Kumunot naman lalo ang noo nito. "You've just met the guy yesterday and you already have a relationship?" Parang di makapaniwalang tanong nito at napatayo na ito sa upuan.

Naalarma naman ako bigla dahil hindi ko maisip ang dahilan bakit ito nagagalit.

"M-may masama ba doon? Mabait naman siya at nakakatuwa—"

"—Break up with him." Usal nito pero mas tunog utos yun.

Break up? Anong ibig sabihin nun? Babasagin ko si Bree? No way!

"Hindi pwede! Hindi ko gagawin yun. Tsaka gusto ko siya at ayokong bas—"

"Damn it! You can't have him. You are min—"

"—Bro!" Napalingon na lamang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ng lalaki at iniluwa doon ang isa pang lalaki. Nagulat pa ito ng makita ako. "Shit, is this a hallucination? There is a chic inside your room?"

"What do you want?" Iritadong tanong ng lalaki sa bagong dating.

"I came to hangout." Sagot nito at ibinaling naman ang tingin nito sa akin. "Hi, I'm Josh Peterson. I am this guy's best buddy." Pakilala nito sa akin at inilahad naman nito ang kamay.

Tatanggapin ko na sana pero biglang lumapit naman sa akin yung lalaki at hinila ako patayo at itinago ako nito sa likod.

"No touching to my property. What do you want Peterson?" Ramdam ko ang panganib sa boses nito.

"Relax dude. I'm not taking your girl. Okay fine, I'll leave... but, I did not know you really have a great taste. Such a beauty." Dinig kong saad nito at parang umasta naman ang lalaki na susugurin si Josh at narinig ko na ang lagabog ng pinto at tumatakbong paalis ito.

Sa totoo lang wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Bago ang mga yun sa pandinig ko. Pero hindi naman siguro ako yung pinag-uusapan nila di ba? Ang naiintindihan ko ay parang ayaw ng lalaki na nandito si Josh.

Lumayo na ako sa lalaki dahil sobrang nakadikit ako sa likod nito. Pero ang weird lang dahil parang gusto ko yung pakiramdam na nadidikit ako sa kanya. Kahit yung magtatama lang ang mga balat namin ay parang may kung anong dumadaloy sa katawan ko.

"Stay here. Don't come out." Utos nito sa akin na ikinatango ko lamang.

Umupo na lamang ako sa upuan at yung lalaki naman ay lumabas ng kuwarto. Naghintay ako na bumalik yung lalaki pero wala akong narinig na senyales. At hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

•••

NAGISING na lang ako ng makaramdam akong ng haplos sa aking pisnge kaya napakislot ako. Mabigat ang talukap ng aking mga mata at nag-inat muna ako bago ako tuluyan na nagising.

Agad na sumalubong sa aking paningin yung lalaki na nakatitig sa akin.

"Nakatulog ako." Gulat na saad ko dahil hinihintay ko ito kanina pero di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"You slept like a baby, Raven." Sagot naman nito sa akin at ngumiti pa ito.

Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng makita ko sa unang pagkakataon na ngumiti ito. Parang nagslow motion ito sa paningin ko at nag-iba ang paligid. Parang wala na akong ibang naririnig kundi ang tibok lamang ng aking puso.

"Anong oras na?" Biglang naitanong ko. Paano kasi kung nasobrahan ako sa tulog di ba?

"You still have 5 minutes before the three hours hunt game ends." Sagot naman nito ng tumingin to ng relo niya.

Napatayo ako. Lalabas na ba ako? Baka kasi malelate ako sa pagbalik doon sa arena at madisqualified pa ako. Nakatulog pa ako!

"Kailangan ko ng umalis." Saad ko rito.

"Finish your five minutes, they already know you're the winner." Sagot naman nito sa akin.

"Huh?" Nagtakang napatingin ako rito. Paanong ako yung panalo? "Paanong ako?"

"According from the report, everybody except you has already been caught. And no one will dare to enter my territory. So you'll be the winner." Sagot nito sa akin.

Huh? Walang magtatangka na pumasok sa kanyang teritoryo? Pero nakapasok ako di ba? Pero totoo ba talaga na ako ang mananalo? Hindi ako makapaniwala dahil tinulugan ko lang yun at nanalo na ako.

"Hhmm... salamat pala at pinayagan mo ako na magtago rito." Pasalamat ko naman rito dahil kung naging matigas ito at tuluyan na pinalayas ako ay hindi ako mananalo.

"It's fine. You can go back here anytime you want." Saad pa nito.

"Talaga? Anong gagawin ko rito?" Nagtataka naman ako kung bakit nag-alok ito na bumalik ako rito.

"We can eat together, watch movie and stuffs." Sagot naman nito sa akin.

"Ahh... sige itatry ko. Medyo magiging busy kasi ako dahil na rin sa pag-eensayo." Sagot ko rito dahil hindi ako sigurado kung mapapaunlakan ko iyon.

"If you have a free time, you can go here. The doors are open anytime for you."

"Okay." Sagot ko na lang pero nakakaramdam ako ng tuwa dahil doon. "Sige aalis na ako dahil lumagpas na ako ng tatlong oras. Salamat uli sa pagtulong."

"You're welcome...baby... don't forget to break up with your current boyfriend. I'm greedy and I don't share." Saad nito na hindi ko maintidihan kung bakit inungkat na naman niya iyon.

Ayokong basagin si Bree! Magagalit yun sakin! Nalilitong lumabas ako ng mansyon na iyon at parang wala sa sariling naglalakad. Pabalik na ako sa arena at may nakaabang na sa labas. Mga nakakulay lila ito at agad ko silang nakilala.

"Omg! Ikaw ang nanalo!" Tuwang saad ni Haze at agad itong tumakbo at niyakap ako.

"Diyos ko girl! Asan ka ba nagtago? Sa kalangitan ba? Hindi ka namin mahagilap!" Dramang saad naman ni Bree na ngayon ay lumapit sa akin at niyakap din ako.

"Sa isang bahay lang ako nagtago." Sagot ko naman rito at parang gusto ko naman tampalin ang sarili ko ng maalala ko na hindi ko man lang nalaman ang pangalan noon lalaki! Hindi man lang ako nagtanong.

"Saan bahay ba yan at hindi ka namin mahagilap? Hinalughog na namin ang buong Fortress at walang Raven. Akala ko nga bumalik ka na sa kalangitan kasama ang mga diyos at diyosa—"

"Sira ka talaga—magaling magtago si Raven. Hindi nga siya nahagilap ng gobyerno sa loob ng sampong taon eh." Sita naman ni Haze kay Bree.

Natawa naman ako sa mga ito.

"Tara na. Punta ka na sa stage dahil may trophy ka doon." Saad naman ni Haze sa akin.

"O-okay." Sagot ko rito at naglakad kami papasok sa arena.

Biglang naghiyawan ang mga common at halos magtatalon sila habang ang epic at rare naman ay pumapalakpak.

"Raven! Raven! Raven! Raven! Raven! Raven!" Paulit ulit nilang binibigkas ang pangalan ko.

Meron din akong nakita sa stage na picture ko sa monitor. Yung picture ko na nasa I.D. Napalunok naman ako dahil nahiya ako sa atensyon na binibigay ng mga tao doon. Kasama ko sina Bree at Haze at halos itulak na nila ako paakyat sa stage pero ang dalawa ay nagpa-iwan sa baba.

"Congratulations Raven from the commons!" Bati naman sa akin noon lalaki na nagsasalita kanina.

"Salamat po." At nagbow ako rito simbolo ng respeto.

"Let's have a round of applause for our champion!" Tuwang saad ng lalaki at pumalakpak ito at narinig ko naman ang lahat ng nagpapalakpakan at ang common ay hindi lang bastang palakpak ay naghihiyawan pa. "We will have our Headmaster to turn over the award."

Nakita ko naman si Headmaster Luther na nakangiti ngayon sa akin. May kasama ito na dala ang isang gintong medalya at tropeo. Lumapit ito sa akin at nakipagkamay.

"Ikinagagalak ko ang pagkapanalo mo Raven at natutuwa ako na nagsasalita kana." Masayang saad ni Headmaster sa akin.

"Salamat po." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya.

Agad na kinuha ni Headmaster ang gintong medalya ay isinuot sa akin yun at ibinigay sa akin ang gintong tropeo. Nakatatak sa tropeo doon ang Survivor award ng Hunter and Hunted game.

May mga nangyaring flash ng camera at ilang beses akong napapapikit dahil hindi ako sanay sa mga iyon. Laking pasalamat ko na lang ng matapos din iyon.

"Congratulations ulit, Raven." Saad uli ni Headmaster.

Bumaba na ako sa stage pagkatapos nun at sinalubong ako nina Bree at Haze ng may mga ngiti sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro