Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 7

Raven's POV

"Bilisan na natin. Kailangan natin maging maaga doon sa arena." Nagmamadaling kilos at salita ni Haze mula sa labas ng aking kuwarto.

Napatingin ako sa wallclock at nakita mo na ala siete pa ng umaga. Alas otso pa naman ang pagtitipon dahil may paligsahan daw na magaganap. Pero hindi ko na ito inusisa dahil mas nakakaalam naman ito sa kung ano ang dapat gawin.

Nakasuot na ako ng neon yellow green na tank top at yung fatigue pa rin na pants at nakacombat shoes ako. Kailangan ko daw ito para makilala ang klasipikasyon ko sa paligsaan. Kung normal naman na klase ay naka-itim na tank top lang kami lahat.

Lumabas na ako sa kuwarto at komportable naman ako sa suot ko. Medyo parang napakaliwanag lang talaga ng kulay ng damit ko pero okay na rin dahil ito talaga ang suot ng lahat ng common.

"Wow! Maganda sayo tingnan yung kulay." Puna naman nito sa akin pero hindi ko na yun pinansin dahil nasasanay na ako sa kanya araw-araw na parang laging pasabog ang suot ko.

"Tara na." Saad ko rito kaya lumabas na kaming dalawa.

Naghihintay na rin si Bree sa baba dahil gusto niyang makasabay kami. Agad naman na nakita namin siya at nakasuot ito ng kagaya ni Haze na kulay violet. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng violet pero ang iniisip ko ay nasa rare or epic ang dalawa. Hindi ko rin naman ugali ang magtanong.

"Ay ang diyosa, lumiliwanag sa yellow green! Akala ko talaga chararat ang damit ng mga common pero pagdating sayo, parang gusto ko na rin magsuot ng yellow green!" Puna naman ni Bree ngayon na talagang nakatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.

"Maganda din naman sayo, kulay violet." Puna ko rito. Wala akong paboritong kulay dahil lahat ay nagagandahan ako.

"Ang chaka kaya ng uniform ng boys. T-shirt? Gusto ko rin mag tank top para makita ang alindog ko!" Reklamo pa nito na parang pinagkaitan ito ng karapatan.

Napapailing na lamang ako dahil hindi ko alam bakit nagrereklamo si Bree na maganda naman ang kanyang uniporme.

"Tumigil ka na nga vaklah, ang arte mo." Sita naman ni Haze kaya napanguso naman si Bree.

Nagsimula na kaming maglakad at may nakikita na rin akong iilan na mga estudyante na nakasuot ng kulay asul na damit may ilan din na kapareho sa akin at ang iba naman ay kapareho nina Haze.

Patungo kaming lahat sa arena at nakita ko kaagad na nakaupo na sa mga bleachers ang mga estudyante doon. Grupo-grupo din ang pagkakaupo nila, dahil lahat ng kapareho ko o yung commons ay nakaupo sa west wing. Nasa east wing naman ang kulay blue at nasa south wing naman ang kulay violet.

"Gusto ka namin isama sa south wing para makapagchikahan tayo pero hindi pwede. Doon ka sa west wing nadoon lahat ng commons. Pero wag kang mag-alala dahil mababait lahat ang commons." Saad ni Bree sa akin.

"Okay. Thanks." Sagot ko na lang rito.

Agad na naghiwalay na kami ng landas. Dumerecho na ako sa hagdanan papuntang west wing at nakita ko nga na marami kaming mga commons doon. Lahat nakangiti ang mga ito.

Umupo lang ako sa bakanteng upuan doon at natanaw ko naman ang sa kabila ang mga nakakulay blue uniforms. Nakita ko rin ang mga nakaviolet sa south wing.

Maingay ang paligid at sa totoo lang ay wala akong maintindihan sa usapan ng mga katabi ko. Lahat sila ay kanya-kanyang usapan. Hindi na ako nagsalita dahil hindi naman ako mahilig magsalita at hindi ko rin sila kilala. Pakiramdam ko ay matagal na akong nakaupo doon dahil nakaramdam na ako ng pagkabato sa kinauupuan ko. Medyo naaasiwa ako dahil sa dami ng tao. Hindi ako sanay sa ganitong kalaking kumpulan.

"Good morning Eons! Let's hear from the commons!" Biglang sigaw ng isang lalaki na nasa center stage at bigla naman naghiyawan ang mga kasamahan ko. Tilian at halos magtalunan na ang mga kasama ko kaya medyo naging maingat ako dahil baka matamaan ako ng kamay nila. "What a lively response! Let's hear from the rare!"

Halos mawindang naman ang arena dahil sa tilian na nanggaling sa mga nakakulay asul na uniform. Sila pala ang rare at madali na lang hulaan na ang nakakulay violet ay mga epic.

"And now let's hear from the epic!" At nagsigawan naman yung mga nakakulay violet. Magulo at maingay. Yun ang masasabi ko sa naririnig at nakikita ko. "All right since you are all excited, wag na natin patagalin pa. This event is what we called the hunters and the hunted."

"Huh? Ano daw?"

"Hunters and hunted daw eh."

"Ano ba ang mangyayare?"

"Hindi ko alam. First time ito eh."

"Alam ko na nagtataka kayo kung ano ang hunter at hunted event. This will be the first time that every faction, will participate aside from legendary. From common to epic will join this game." Saad nito na ikinasinghap ng mga kasama ko.

"Pero never pa na nasali ang mga common na tulad natin."

"Ano ba ang nangyayari?"

"Okay let me explain. Alam ko na nagtataka ang karamihan sa inyo since lahat ng events ang qualified lang na sumali ay from rare to epic. This event is different. This is for everyone and it will not measure your potential or ability. This is for everyone to have fun. Ang gagawin lang ay may dalawang kategorya. Ang hunters at hunted. Ibig sabihin among you, there will be hunters and being hunted. And the hunters will be the epic and the hunted will be the rare and common." Maring ko naman ang reklamo ng mga rare. "All you have to do is, you the hunted will hide anywhere in the fortress. There is no limit. Classroom, office, your dorm rooms, anywhere. And you hunters, will look for them and find them. You will have three hours to find all of the hunted."

Naintindihan ko ang paliwanag ng lalaki. Para lang pala kaming maglalaro ng tagu-taguan. Ang gagawin lang namin ay magtago kahit saan. Walang limit. Basta sa loob ng Fortress.

"Okay. Now, all epic should remain in the arena for 10 minutes. Within this 10 minutes ay kailangan nakatago na kayong mga hunted. The hunt will start until the countdown ends. The timer starts now!"

Agad akong napatayo at sumabay ako sa agos ng mga common na nagsibabaan na palabas ng arena. Nag-iisip din ako kung saan ako magtatago. Sa clinic kaya? Pero maliit lang yun at hindi ko rin alam kung saan magtatago doon ng hindi agad ako makikita.

Everyone was swarming. Mabilis akong naglakad at hindi ko alam kung saan ako magtatago. Sa headmasters office kaya? Kaya doon ako patungo. Pero agad ko naman nakita na may nauna na sa akin at pumasok sila doon. Napaatras ako at humakbang sa ibang daan. Hindi na pamilyar sa akin ang daan na ito dahil hindi ko pa ito napupuntahan.

Pero nagpatuloy ako sa paglalakad at wala na akong makitang naglalakad na ibang mga hunted hanggang sa narinig ko ang putok na hudyat na tapos na ang countdown kaya nataranta ako bigla at tumakbo na ako ng mabilis at may natanaw naman akong malaking bahay o opisina. Halos liparin ko na ang pintuan at buksan iyon. Mabuti na lang at hindi yun nakalock.

Nakapasok kaagad ako at agad na naisarado ko ang pintuan. Napasandal ako sa pintuan at napahingal. Kinabahan ako doon dahil naabutan ako ng countdown. Paano kung may nakakita sa akin? Pero lahat ng iniisip ko ay naagaw ng mapadako ang mga mata ko sa paligid.

May sala. May hagdanan patungo sa second floor. May malaking chandelier. Magagara ang mga gamit doon. Sa madaling salita ay hindi ito mukhang opisina. Literal na isa itong mansyon.

Kaya napahangang naglakad ako at inilibot ang tingin. Tumingin din ako sa bawat silid doon. May library, may mga instrumento ng pangmusika, kusina at may isang kuwarto doon na mayroon sobrang laking TV. Parang ito yung sinasabi ni mama na sine daw.

Nagtataka ako kung bakit ganito ang istraktura ng opisinang ito. Kompleto lahat. Kaya umakyat ako sa second floor. May mga larawan doon na halatang ipininta. May dalawang silid lang doon pero hindi ko sinubukan na buksan yun. Pero napalingon naman ako ng may naaninag ako sa labas ng mansyon na parang mga tao at nanlaki naman ang mga mata ko kaya biglang napatakbo ako at basta hinawakan ko na lang ang doorknob at pipihitin ko na sana yun para mabuksan pero kusa yun umikot at nahila ako dahil mahigpit ang pagkakakapit ko sa knob at naderecho ako papasok pero...

Boogsh..

Sumalampak ang mukha ko sa isang matigas at mainit na bagay. Agad na napahawak ako doon dahil babagsak ako sa sahig dahil nawalan ako ng balanse pero naramdaman ko naman na may sumalo sa akin at pumalibot yun sa bewang ko.

Agad na naitulak ko bahagya yun at nanlaki na lang ang aking mga mata ng makita ko na tao yung nabangga ko! Agad akong napaatras at kumawala mula rito pero naalala ko naman ang mga tao sa labas kaya para akong tanga na kinalimutan ang lalaki sa harapan ko at tumalikod ako rito at nakahawak ako sa pintuan at sumilip ako sa labas. Wala na akong nakitang mga anino sa labas kaya para akong nabunutan ng tinik.

"Diyos ko buti naman umalis na sila." Naisambit ko na lang at ngayon ay napaharap ako sa lalaki ng di sinasadya. Napakunot noo ako at napatingin ako sa kabuuan nito. Wala itong damit pang-itaas at basa ang hindi naman kahabaan na itim na itim na buhok. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking nakikita.

"What are you doing here?" Parang kulog ang boses nito. Malalim at matalim. Pakiramdam ko ay papanindigan ako ng balahibo dahil sa klase ng tingin nito na ibinibigay sa akin. Parang tumatagos yun sa kaluluwa ko.

"A-ano kasi...may laro... kailangan daw namin na magtago at wala akong choice dahil naabutan na ako ng countdown at ito ang nahanap ko... hindi ko alam na bahay pala ito. Akala ko opisina." Mabahang sagot ko rito at napapalunok ako. Habang nakatitig ako sa kanya ay parang nagiging pamilyar ang lalaki sa akin. Parang nakita ko na ito kaya pilit kong hinalukay sa ala-ala ko kung saan ko ito nakita. Tama, nakita ko ito sa cafeteria kahapon. Siya yun tinitingnan nina Haze at Bree.

"Leave." Saad nito at nakita ko na parang umilaw ang mga mata nito na kulay ginto. Pakiramdam ko ay minalikmata lang din ako.

Umiling ako. "Ayoko. Mahuhuli nila ako. Aalis lang ako pag tapos na ang tatlong oras." Sagot ko rito na ikinagulat nito. Parang di ito makapaniwala sa nangyari.

"You—"

"Sige na please. Ngayon lang po ako makikiusap sa inyo. Hindi ko po kayo kilala, pero kailangan kong magtago at oras na lalabas ako ay mahuhuli nila ako. Kaya please, tatlong oras lang po ako rito at hindi niyo na ako makikita." Napaluhod ako sa harapan nito dahil natatakot ako na baka itapon ako nito palabas. Alam ko at ramdam ko na ayaw niya doon ang presensya ko. Pero kakapalan ko na ang mukha ko.

"No. You can't stay here. You're asking yourself to be killed, woman. You're a common and you're hanging here—"

"P-please....I beg you." Tiningnan ko ang lalaki sa mga mata na halos hilingin ko na sana pumayag siya.

Nagulat naman ito bigla at bigla akong hinawakan nito sa braso at pwersahan na itinayo.

"Why are you wearing a common's clothing?" Halata ang pagpipigil at pagtataka sa magandang mukha nito.

Napalunok ako. Bakit siya nagtatanong? "K-kasi common po ako." Sagot ko rito. Hindi ko alam bakit biglang nagtatanong ito at mas lalong nagtataka ako ng mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito.

"Don't joke with me. You're not a common." Mas lalong kinabahan ako sa sinabi nito. Paanong nahulaan niya? Wala naman akong ginawa para pagdudahan ako!

"H-hindi ako nagsisinungaling. Kagagaling ko lang sa c-classification test kahapon at nalaman ko na isa akong c-common." Sagot ko rito. Hindi ako aamin. Hinding hindi ako aamin dahil buhay ko ang nakasalalay dito. Hindi pwedeng malaman ng kahit na sino ang tunay kong klasipikasyon.

Matiim itong nakatitig sa akin at naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa akin. Para naman akong nakahinga ng maluwag at hindi ko napansin na pigil ko rin pala ang hininga ko kanina dahil sa takot. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa pero hindi naman ito nagkomento.

"Stay here. You can get out after three hours. But expect that this is not the last time that we will be seeing again." Turan naman nito na halos ikinalambot na ng aking tuhod.

"Jusko ano ba itong napasok ko?" Naibulong ko na lang habang nakatitig ako sa lalaking hindi ko kilala na matamam na nakatitig pa rin sa akin hanggang ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro