Raven 🔸 6
Raven's POV
NARATING ko na ang lamesa nina Haze at agad akong napatingin sa kasama nito. Nakatingin sa akin ang lalaki na nakanganga pa habang si Haze naman ay nakatingin doon sa lalaking tinitingnan kanina.
"Vaklah! Diyos ko di mo naman sinabi na diyosa pa la itong roommate mo!" Nagulat pa ako sa pagtili ng lalaki. Parang nawiweirdohan ako sa ikinikilos niya.
"Oo diyosa yan. Nakita mo naman, dineadma lang ang kapogihan ni Vander my loves." Sagot naman ni Haze ngayon at sa akin na ito nakatingin. "Grabe Raven, hindi ako makapaniwala na bastang nilagpasan mo lang si Vander na parang hindi nakikita. Hindi ka ba nagugwapohan sa kanya?"
Napakunot noo naman ako nito. Ano ang ibig nitong sabihin. Bakit nasasali ang pangalan ni Vander? Nandito ba si Vander?
"Naku vaklah. May K naman siya kasi diyosa siya." Sagot naman ng lalaki. "Pero teka, magpapakilala muna ako. Ang pangalan ko pala ay Bryce Walker, but you can call me Bree."
"Gaga ka vaklah, hindi nakakapagsalita si Raven." Sita naman ni Haze rito na ikinanlaki naman ng mata ni Bree.
"Totoo? Sayang beauty mo girl!" Nagtataka naman ako kung paanong sayang ako dahil hindi ako nagsasalita. "Nakakapanghinayang na—"
"Look who's here. Kapag minamalas ka nga naman, hanggang dito, nandito pa rin yan pagmumukha mo." Napalingon na lang ako bigla ng may nagsalita sa gilid namin kaya napatingin ako rito.
Napakunot noo naman ako rito. Siya yung babaeng nanulak sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema niya sa akin.
"Teka Elena, anong pinagsasabi mo diyan? Anong ginawa sayo ni Raven para pagsalitaan mo siya ng ganyan?" Dinig kong saad ni Bree na halata ang inis sa boses nito.
"Dahil hahara-hara siya sa aking dinadaanan kanina. Tanga na nga, boba pa. Sinabi ko na sa kanya na wag siyang magpapakita sa akin pero ang lakas ng loob at pumunta pa ngay—"
"Hindi ko alam kung bakit ka galit kay Raven pero sigurado ako na walang ginawang masama siya sayo Elena. At wala ka rin karapatan na pagsabihan siya na ayaw mo siyang makita o wag magpapakita. Hindi ikaw ang may ari ng Fortress at mas lalong hindi ka naman isang batas para sundin ni Raven." Sita naman ni Haze ngayon na nakakunot noo itong nakatingin sa babaeng tinawag nilang Elena.
Tila nagulat pa ito sa sinabi ni Haze. "At kinakampihan mo pa ang babaeng ito? Siya na nga ang may kasa—"
"—alam natin pareho kung totoo yan sinasabi mo. Kilala ko si Raven at alam ko na mali yan mga bintang mo kaya tumigil ka na Elena. Pinapahiya mo lang ang sarili mo." Bara naman ni Haze rito.
Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng tuwa dahil pinagtatanggol nila ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matukoy kung ano ang ginawa ko para magalit sa akin si Elena.
"God, I can't believe you are siding this bitch—"
"I'm not a bitch." Putol ko rito. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nun. Alam ko na kalapastangan yun sa isang tao kung sasabihan ka nun. Nalaglag naman ang panga ni Haze ngayon at pati si Bree at parang naengkanto na nakatingin sa akin. "Kung ano man ang nagawa ko sayo para ikagalit mo, humihingi ako ng paumanhin." Saad ko rito. Medyo nakaramdam na ako ng inis rito dahil sa huling sinabi nito. Pero pilit kong pinakakalma ang sarili ko.
Hindi nakapagsalita si Elena at dahil wala itong masabi ay nagdabog na umalis ito mula sa aking lamesa. Napayuko na lang ako at nagsimula akong kumain at nakalimutan ko ang dalawang nakangangang nakatingin sa akin.
"Holyshit! Nakakapagsalita ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Haze sa akin.
"Teka vaklah. Sabi mo pipi siya bakit nagsasalita?" Naguguluhan na rin na tanong ni Bree kay Haze.
"Naku, explain it to me Raven. Paanong nakakapagsalita ka ngayon?" Tanong nito at parang inaakusahan ako nito.
Napanguso naman ako. "Di ko naman sinabi na hindi ako nakakapagsalita." Pagrarason ko pa.
"Siyempre hindi mo sinabi kasi hindi ka nga nagsasalita noong nakaraang araw—diyos ko akala ko pa naman talaga eh pipe ka, pero may golden voice ka naman pala." Di makapaniwalang saad nito ulit.
"Patawad. Hindi ako nagsasalita dati dahil na rin sa nga nangyari sa akin at sa mama ko." Sagot ko rito dahil yun naman ang totoo at natatakot din ako sa lugar na ito.
"May rason naman pala vaklah, sige apology accepted total isa kang diyosa ay papatawarin kita na kapwa diyosa mo rin." Nangingiting saad naman ni Bree.
Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng diyosa pero ipinasawalang bahala ko lang yun. Nginitian ko si Bree at si Haze naman ay iningusan ako nito.
"May utang ka sakin." Biglang saad naman ni Haze sa akin.
Napakunot noo naman ako. May utang ba ako? Paanong nagkaroon ako?
"A-anong utang ko?" Nagtatakang tanong ko rito dahil hindi ko maisip kung ano ang utang ko.
"Kuwento. Kuwentohan mo ako babae dahil ilang araw kang silent treatment sa akin." Sagot nito sa akin at natawa naman ito. "Pero teka, ano ba ang nangyari at parang galit na galit si Elena sayo?"
"Vaklah, alam mo naman na bitchesa ang babaeng yun. Lahat ng magaganda kinakalaban nun kaya hindi na nakakapagtataka kung galit siya kay Raven." Saad naman ni Bree at ipinilantik pa nito ang mga daliri nito.
"Alam mo vaklah, tama ka diyan. Masyado kasing insecure ang babaeng yun. Siya na ang maganda pero pag may mas maganda sa kanya ay nagagalit siya. Ano yun? Exclusive lang na siya ang maganda?" Di makapaniwalang komento naman ni Haze at tsaka tumingin sa akin. "Wag mo na lang pansinin ang babaeng yun. Alam ko na hindi ka sanay sa away dahil halata naman na inosente ka kaya kami na ang bahala rumesbak doon."
"Tama si Vaklah, Raven. Kung aawayin ka nun ng wala kami, deadmahin mo na lang at kung nandyan kami ay kami ang bahalang kakalbo sa bruhildang yun." Pahabol naman ni Bree.
Napangiti naman ako dahil sa kanilang dalawa. "Salamat."
"Naku vaklah, hihimatayin ako rito. Ngiti pa lang ang ganda ganda na! Parang nafefeel ko na tuloy si Elena bakit galit siya." Natawa ako rito dahil alam ko na umaarte lang ito.
"Hoy vaklah, ano bumibigay ka na? Si Raven lang pala makakapagtuwid sayo."
"Gaga! Babae ako vaklah! Nakaka-appreciate talaga ako ng magagandang bagay." Sagot naman ni Bree at mas lalong umaktong parang babae ito sa harap namin.
Hindi na ako magsalita pa at nagpatuloy na ako sa pagkain. Masarap naman ang ulam kahit hindi ko alam kung ano ito. Pero okay lang yun sa akin dahil wala naman sigurong nakakalason sa mga pagkain doon.
•••
HINDI pala whole day ang klase o pagsasanay sa Fortress. Kinahapunan after lunch ay free na kami gawin ang gusto namin. Hindi katulad ng normal na klase whole day talaga. Pero aasahan ko na bukas na hindi na magiging ganoon ako dahil after lunch ay magsisimula ang pag-eensayo ko sa ang totoong abilidad.
"Bakit pala walang itinuturo dito kagaya ng GMRC?" Tanong ko kay Haze at kasama din namin si Bree. Masaya siyang kasama dahil napakalakas magbiro nito na hindi naman ako nasasaktan ko kung ano.
"Naituro na yan dati, noong mga bata pa kami. Isang taon din kami na nag-aral sa GMRC lang bago namin gamitin ang kapangyarihan. Pero pagmalaki ka na, hindi na yan itinuturo dahil alam ng council na nasa tamang edad ka na para malaman kung ano ang mali at tama." Sagot naman ni Haze sa akin. Sa totoo lang ay may punto naman ito dahil hindi naman ako napabayaan ng magulang ko sa edukasyon. Hindi man ako nakapag-aral at wala man akong diploma pero sapat na ang kaalaman ko.
"Pero Raven may iba talaga na kahit igugol mo buong buhay sa GMRC ay wala pa rin manners. Kagaya na lang ni Elena Vaughn. Naturingan na anak siya ng ministro at itinago rito pero ang ugali hindi kayang linisin ng holywater. Pero isa lang talaga ang naipagpapasalamat ko na kahit ganoon ang ugali niya ay hindi siya nakakalapit sa crush namin si Vander Cambridge." Bigla naman itong kinilig ng binanggit nito ang pangalan ni Vander. "Ni hindi niya nakakausap dahil si Vander, ibang level yun. Kahit sino rito ay parang walang karapatan na makausap siya. No one is good enough form him."
"Wala naman talaga vaklah. Legendary siya at mababa tayo kumpara sa kanya at ni minsan ay wala pang babae na nakakuha ng atensyon niya." Usal naman ni Haze na tila nanghihinayang ito.
"Baka mapili lang?" Saad ko pa. Alam ko naman na kahit legendary siya, ang puso niya ay pangtao pa rin. Baka mapili lang talaga si Vander.
"Parang isa na rin yun. Sa ganda ni Elena, parang hangin lang yun kay Vander na hindi niya nakikita." Sagot naman ni Haze.
"Omg. Baka bakla si Papa Vander?!" Parang nahindik si Bree sa kanyang naisip dahil halata iyon sa itsura niya.
Nagtataka ako kung ano ba ang bakla? Hindi yan nabanggit sa akin ni mama noon kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng bakla.
"Gaga ka. Imposibleng bakla yun. Kitang kita mo naman ang aurahan." Hindi pagsang-ayon ni Haze.
Ngumuso naman si Bree. "Oo nga girl, hindi ko feels din at wala akong maramdaman sa Gaydar ko."
"A-ano ba ang ibig sabihin ng bakla at gaydar?" Biglang tanong ko sa kanila dahil ang hirap makinig sa usapan na hindi mo maintindihan ang ibig sabihin.
Halatang nagulat ang dalawa sa naging tanong ko at nagkatinginan pa sila at pagkatapos ay bumulanghit ang mga ito ng tawa.
"Hahahahahahahahahahahahahahaha."
"Hahahahahahahahahahahahahahaha."
Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa doon sa sinabi ko. Nakakatawa ba talaga yun?
"Hahahahahahaha shit, hindi ko inasahan ang tanong na yun Raven." Tawa ng tawa si Haze sa akin at napapahawak pa ito sa sikmura nito.
"Hahahahahahaha hindi ko alam na may taong hindi pa pala alam kung ano ako at ang federasyon ko." Tawang tawa din si Bree.
Napapakunot noo ako sa inaakto nila. Talaga bang nakakatawa ang tanong ko? Hindi ko naman sinusubukan na magpatawa.
"Ganito kasi Raven... ang bakla yan yung mga lalaki na ang puso ay babae. Kagaya ko, lalaki lang ang katawan ko pero puso, isipan at kaluluwa ay babae ako." Paliwanag ni Bree sa akin at si Haze naman ay tawa pa rin ng tawa.
"Posible ba yun?" Nagtatakang tanong ko rito.
"Oo naman Raven. Posible yun ako na nga ang ebidensya. Kasi ganito yun. Ang lalaki ang nagkakagusto sa isang babae kaya nga may mag-asawa. Pero kaming nga bakla, sa kapwa kami lalaki nagkakagusto dahil pusong babae kami—pero feeling ko, namali lang talaga ang katawan namin. Feeling ko, babae talaga kami originally pero mali yung katawan namin." Paliwanag nito sa akin.
Naiintindihan ko ang paliwanag niya pero nagtataka pa rin ako kung paano yun nangyari. Lalaki pero puso, isipan at kaluluwa ay babae? Epekto din kaya yan ng Enigma? Pero hindi ko na itinanong yun. Sa palagay ko ay wala naman mali sa pagiging bakla. Mabait si Bree at masayang kasama kaya kahit ano pa siya ay okay siya.
"Pero vaklah! Napapadalas na yung paglitaw ni papa Vander! Ang healthy na tuloy ng mga mata ko. Araw-araw may vitamins!" Parang kiti-kiti ito sa likot habang naglalakad kami. Tinotour nila ako dito sa buong fortress.
"Oo nga no? Dati isang himala na talaga kung makikita ko siya isang beses sa isang taon." Komento naman ni Haze.
"Baka nagbago na siya. Kasi nagpapakaburo siya sa buhay niya. Sayang yung genes niya kung wala siyang magiging jowa at junakis." Saad pa ni Bree na akala mo ay parang may pagkain na nasayang dahil itinapon lang.
Pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng jowa at junakis. Ano ba yun? Pero hindi ako nagtangkang magtanong dahil pakiramdam ko ay pagtatawanan na naman ako ng mga ito.
"Diyos ko, kung naging babae lang akong tunay, magpapabundat talaga ako kay papa Vander hanggang sa sumuko na keps ko!" Turan ni Bree ulit na hindi ko talaga maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Anong magpapabundat? Ngayon ko lang naririnig ang mga salitang yun.
"Tumigil ka nga vaklah. Pinopollute mo ang utak ni Raven. Dapat maging magandang halimbawa tayo." Saad ni Haze pero biglang ngumisi naman ito sa akin. "Dapat harutin natin si Vander my loves para magkajunakis tayo ng gwapo!" Irit nito.
Wala sa sariling napangiti ako kahit wala naman talaga akong naintindihan sa ibig niyang sabihin. Nakikisabay na lang kasi sa tingin ko ay nagkakasayahan sila at nagbibiruan. Kahit wala akong naintindihan nakikisabay na lang ako sa pagtawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro