Raven 🔸 4
Raven's POV
MAIGI kong sinisipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Bakit parang ang ikli ng sando ko? Pero sabi ni Haze ay ito daw ang uniform na kailangan namin suotin. Nakapants din ako ng kagaya kay papa na fatigue pero stretchable ito at fitted mula bewang hanggang talampakan ko. Naka-combat shoes din ako at suot ko na ang I.D ko na kasama din pinadala sa mga gamit ko.
A/N: photo is not mine. For imaginary purposes.
Mukhang maganda naman ang uniform nila. Maganda ito at parang mahihiya ako sa damit dahil maganda talaga ito at dahil sa ganda nito ay bumagay ito sa akin.
Itinali ko na lang ang buhok ko na isang high pony tail at lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko naman si Haze na ngayon ay nakaupo at pareho din kami ng suot. Bagay na bagay din sa kanya ang uniform namin.
Napalingon ito sa akin ng maramdaman nito na lumabas na ako at agad na tumayo ito at nagulat pa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Omg. Bagay na bagay sayo yung uniform natin! Shit, ang ganda ng kurba mo!" Di makapaniwalang saad nito at umikot pa ito sa akin.
Napakunot noo naman ako. Anong kurba ang sinasabi niya? Napaisip ako kung ano ang ibig niyang sabihin pero wala akong maisip. Kaya ngumiti na lang ako rito at hinawakan naman niya ako sa kamay para lumabas na kami.
Magsisimula na daw ang klase at sabi ni Haze ay behind na daw ako dahil tatlong buwan na mula ng nagsimula ang klase.
Habang naglalakad kami ay panay naman ang kwento no Haze tungkol sa Eon Academy at mga estudyante rito.
"Itong Fortress natin ay pagmamay-ari ito ng mga Cambridge. Naalala mo yun si Vander na crush ko? Anak siya ng may-ari nito. Dati itong tourist spot pero pinaclose down ng papa ni Vander at ginawang fortress na malayo sa mata ng gobyerno. Wala din nakakatapak na taga labas dito. Pati gobyerno ay hindi mangangahas na pumunta rito dahil ipinagbabawal ang lugar na ito at isa din punong ministro ang ama ni Vander. Karamihan dito sa mga estudyante ay matagal na ang pananatili rito. Mula noon bata pa. Kagaya ko, 12 years old pa lang ako ay nandito na ako. Nirescue din nila ako kagaya mo. At simula noon ay naging matiwasay na ang buhay namin dito sa fortress. Suportado tayo ng mga mayayaman lalo na at may tinatagong anak sila rito. Karamihan ng mga estudyante dito ay declared na deceased na sa gobyerno."
"Gumawa sila ng paraan para ipeke ang pagkamatay ng karamihan sa amin para hindi na kami habulin ng gobyerno. Mula ng mapunta ako rito ay araw-araw na akong nagsasanay. Pisikal at ang aking abilidad ay ini-ensayo ko dahil darating din ang panahon na lalaban tayo. Yun ang totoong layunin kung bakit nabuo ang fortress. Babaguhin natin ang pananaw ng gobyerno dahil kung patuloy nila tayong papatayin ay wala ng kinabukasan ang mundo. Simula tinamaan tayo ng epedimya ay hindi na rin nagkakaanak ang lahat ng mga may edad sa atin. Tayo na lang ang pag-asa para maparami ang tao pero tinutugis nila tayo."
"May klasipikasyon din tayong may mga abilidad. Mula sa pinakamababa at pinakamataas. Merong apat na klasipikasyon, ito ay ang Common sila yung mga Eons na hindi delikado. Hindi nakakapatay at mababait. Yung mga ugali nila ay talagang sumasalamin din sa abilidad nila. Mga masayahin at tahimik. Kasi yung mga abilidad nila ay halos parang wala. Pero kasama pa rin natin sila rito dahil pinapatay pa rin sila kahit hindi naman sila delikado."
"Ang sumunod naman ay ang mga Rare. Sa kanila nagsisimula ang totoong mga may abilidad gaya ng ilusyon, pagiging invisible, mabilis ang mga galaw o pagtakbo, super strenght. More on physical yung abilidad nila. At ang sumunod naman ay ang mga epic sila yung may kaya na maglabas ng kapangyarihan, gaya ng apoy, kidlat, tubig, lupa, telekinesis at iba pa. Isa sila sa mga delikadong klasipikasyon kaya wag mo silang babanggain dahil mainitin ang mga ulo ng mga epic."
"At ang panghuli ay ang Legendary. Ang lebel na ito ay hindi common or rare. Dahil hanggang ngayon, iisang tao lang ay may hawak ng titulong ito. Yun ay si Vander Cambridge. Sobrang lakas ng kapangyarihan niya at kaya niyang kontrolin ang mga nasa ibabang lebel gamit lang ang isipan niya. Kaya din niyang pumatay ng isang tingin lang kahit anong bagay. Taong may abilidad o wala. Bagay man na buhay o hindi. Ganyan ka delikado ang kanyang kapangyarihan kaya hindi din siya naglalalabas. Paminsan-minsan lang siya nakikita dito dahil umiiwas siya. Lahat tinitingala siya dahil sa kanyang kapangyarihan kaya ikaw, wag kang magkakamaling banggain si Vander dahil maaaring isang iglap lang ay matatapos kaagad ang buhay mo."
Mahabang paliwanag nito sa akin. Maraming impormasyon na ibinigay sa akin si Haze at lahat ng iyon ay nakuha ko. Common, Rare, Epic at Legendary. Naiintindihan ko ang klasipikasyon kaya napapaisip ako kung saan ako sa mga klasipikasyon na yun.
Baka common dahil parang wala naman akong abilidad. Kung meron man, sigurado akong hindi malakas yun.
"Tsaka wag kang mag-alala. Iisa lang naman ang klase natin bawat araw. Yun ay ang palakasin natin ang ating abilidad. At si sir Blast naman ay isang scientist, siya ang nag-gagabay sa atin. Pinag-aaralan din niya ang mga abilidad natin. Tsaka kanya-kanya din ang pag-eensayo natin kaya sigurado ako na ikaw ang pagtutuunan ng pansin ni sir Blast." Saad naman nito.
Sir Blast? Napatanaw na ako sa isang malawak na quadrangle. Para itong arena ng football game na nakikita ko sa TV. Mahilig kasi si papa manood nun kaya alam ko ang bagay na ito. Akala ko classroom ang pupuntahan namin pero hindi pala.
"Good Morning Sir!" Bati naman ng lahat ng estudyante doon. Marami kami doon pero may iba na nakahiwalay at iba ang nagtuturo. Sobrang lawak ng arena na kasyang kasya kaming lahat at sobrang luwag pa.
"Good morning class." Saad nito at tumingin ito sa listahan at nagsimula itong magbasa ng pangalan. "Renault, Haust and Aberdeen, please step forward." Tawag nito.
Narinig ko naman ang pangalan ko. Imbes na gumalaw ay nagtaka ako kung bakit tinawag ang aking pangalan.
"Pumunta ka na sa harap. Tinatawag ka ni sir Blast." Pabulong naman na saad sa akin ni Haze.
Kaya para akong robot na naglakad papunta sa harap at pakiramdam ko ay uminit ang tenga ko dahil sa hiya. Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao sa hindi ko maintindihan na dahilan.
Nakayuko lang ako at itinutok ang tingin ko sa mga carabao grass na nasa paanan ko.
"Kayong tatlo ay iba ang magiging training niyo. Dahil mga baguhan pa kayo. Hindi niyo mahahabol ang mga kaedaran niyo. Doon muna kayo sa bench at pagkatapos ng briefing ko sa kanila ay magsisimula tayo sa inyo." Saad naman ni sir Blast na kahit hindi ako nakatingin ay alam ko na kami ang sinasabihan nito. Kaming tatlo na bago lang sito sa fortress.
"Y-yes sir."
"Yes sir."
Magkasabay kaming tatlo na naglakad papuntang bench at umupo na ako doon. Sumunod naman ang dalawa. Halata sa mga mukha namin na kinakabahan kami. Pareho pa kaming mga walang alam sa mga mangyayari. Iniisip ko kung ano ba ang gagawin namin sa training.
Wala ni isa ang nagsasalita sa amin kaya mas lalo lang akong kinabahan pero pilit ko naman iniisip ang mga sinabi ni Haze na magiging okay din ito. Ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko. Natuon ang tingin ko sa ibang esdyante partikular na kina Haze.
Patuloy sa pagsasalita si sir Blast na hindi ko naman marinig kung ano ang mga sinasabi niya. Mga ilang minuto ang lumipas ay naglakad na si sir Blast patungo sa amin kaya napatayo kaming tatlo kaagad.
"Sumunod kayo sakin." Utos nito kaya para kaming mga robot na agad na sumunod kay sir Blast.
Naglakad kami patungo sa kabilang parte ng arena na walang tao. Malayo ito sa mga nagtetraining. Huminto naman si sir Blast kaya napahinto din kami sa paglalakad.
"Ipapakilala ko ang sarili ko. Ako si professor Micheal Blast. Isang scientist na maggaguide sa inyo para hubugin kayo. Sa ngayon ay kailangan niyo muna magpakilala sa akin at sabihin niyo kung ano ang abilidad niyo." Saad naman nito sa amin.
Napalunok ako. Mapipilitan akong magsalita ngayon, pero bahala na. Siguro ay oras na rin para hindi na ako umakto na parang pipi.
Nauna ng nagpakilala ang nasa kaliwa ko.
"Ako po si Thunder Devin ang abilidad ko po ay kuryente." Pakilala nito.
Napakurap-kurap naman ako rito. Pangalan niya ay thunder at kapangyarihan niya ay kuryente. Talagang magkatugma sila.
"Taga saan ka?"
"North Portia po." Sagot nito.
"Next."
Agad na nagsalita ang nasa tabi ko mula sa kaliwa.
"Adeline Crux po. Plant manipulator po ang abilidad ko at taga West Vanguard po ako." Pakilala naman nito.
"Next." Saad ulit ni sir Blast.
Napalunok ako bago nagsalita.
"A-ako po s-si R-Raven Haust. H-hindi ko pa po alam k-kung ano ang a-abilidad ko. G-galing po ako sa R-ravenwood." Pakilala ko rito. Pakiramdam ko ay hihinatayin na ako sa kaba. Ganito pala kung sobrang kinakabahan dahil nahihirapan akong magsalita. Pakiramdam ko ay ang tigas ng dila ko.
"Hindi mo pa alam?" Tanong nito sa akin na may halong pagtataka.
Umiling ako.
"Sabi mo sa Ravenwood ka, pero ang alam ko patay lahat ang mga bata doon na tinamaan ng epidemya." Nakatutok ito sa akin na tila parang agila na ano mang oras ay dadagitin ako.
"Doon ho ako ipinanganak. Doon din ho ako t-tinamaan ng epidemya. P-pero noong nakaligtas ako, ay itinakas ako ng mga magulang ko." Paliwanag ko naman rito na nauutal pa rin. Hindi mawala-wala ang kaba ko. Parang pakiramdam ko ay ano man oras ay sasabog na ang puso ko.
"Ah ganoon pala." Saad nito sa akin. "Since hindi mo pa alam ang kapangyarihan mo. Itetest kita mamaya sa laboratory para malaman mo kung anong klasipikasyon ka."
"S-sige po." Sagot ko rito na ngayon ay nakayuko na ako.
"Hindi muna tayo magsasanay ngayon dahil mga baguhan pa kayo ay wala pa kayong alam sa sistema dito sa fortress. Kailangan niyo munag malaman kung ano at bakit kayo nandito, ang mga klasipikasyon ng mga Eons at ang kalaban natin. Mahalaga na malaman niyo yan dahil yan ang haligi ng inyong kaalaman para magtagumpay kayo."
Tahimik lang kaming tatlong nakikinig kay Sir Blast at nagsimula na itong nagturo.
"Una. Bakit ba kayo naririto sa Fortress? Alam ko na hindi niyo alam ang tungkol rito at kung hindi pa kayo nadala rito ay wala kayong alam na ang lugar na ito ay nag-eexist. Pero sa kaalaman niyo. Kami na nadito sa Fortress ay naghahanap kami ng mga natitirang mga Eons sa labas. Inililigtas namin kayo mula sa mga kamay ng gobyernong tumutugis para kitilin ang buhay niyo."
"Matagal ng meron nagmamanman sa bawat isa sa inyo. Pero isang aksidente ang nangyari dahil may buhay na nadamay bago pa kayo nailigtas." Saad nito na naalala ko ang mama ko.
Kung meron na nagmamanman sa amin? Bakit hindi nila nagawang iligtas si mama?
"Kung ganoon po, bakit hindi nila nailigtas ang mama ko sir Blast?" Hindi ko mapigilan na magtanong. Punong puno na ng katanungan ang isipan ko dahil sa sinabi niya.
"Dahil ang pangunahing responsibilidad ng mga Cadre ay iligtas kayong mga Eons. Kahit sa sitwasyon natin. Kung may aatake sa atin dalawa, ikaw ang ililigtas ng mga Cadre. Maswerte na kung maiiligtas din nila ako—alam ko na masyadong mahirap tanggapin ang rason na yun pero yun ang layunin ng Cadre. Ang iligtas ang mga Eon na hindi nasasakupan ng Fortress. Pero maiintindihan mo rin balang araw kung ano ang ibig kong sabihin." Paliwanag nito sa akin, pero hindi ko matanggap ang paliwanag niya. Parang sinabi lang nito na walang halaga ang mama ko.
"Pero, kaya naman nilang gawin yun. Para saan pa ang kakayahan nila kung namimili lang sila ng ililigtas." Tumulo na ang aking luha. Hindi ko napigilan na maiyak lalo na sa nalaman ko na kung iniligtas lang nila si mama ay sana hindi ko ito nararamdaman ngayon. Sana buhay pa siya.
"Alam ko ang iyong dinaramdam pero ang mga Cadre ay sumusunod lamang sa batas ng mga Eon. Hindi natin sila masisisi, dahil hindi lang ikaw ang nailigtas nila na nawalan ng nga magulang." Turan nito sa akin at natahimik ako sa sinabi ni sir Blast.
Ibig bang sabihin, dahil sa hindi lang sa akin yun nangyari ay dapat maging okay lang ako? Kahit anong isipin ko ay hindi ako kailan man magiging okay. Kung may abilidad ako na singlakas nila ay hindi ako mamimili ng ililigtas. Pero sinarili ko na lamang yun dahil alam ko na wala akong magagawa kahit anong rason pa ang gagawin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro