Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 36

Dedicated to @HELLoSpadeXXX

Raven's POV

PARANG nakipagtitinan ako kay medusa sa kanyang mga mata at naging taong bato ako. Naninigas ang katawan ko at tila ayaw sumunod sa utos ko na gumalaw.

Ganoon ang pakiramdam ko habang nakalapat ang labi ni Vander sa labi ko. Hindi ito gumagalaw at nakalapat lang iyon pero ilan segundo na ang lumipas pero hindi pa rin ito lumalayo!

Hindi ako ganoon ka tanga para hindi malaman ang ibig sabihin nito. Napanood ko na ito sa mga palabas na sinasalang nina Haze. A man kisses a woman because he likes her! Pero hindi ko inasahan na mangyayari ito sa pagitan namin ni Vander at sa ganitong pagkakataon pa. Ni sa pangarap ay hindi ito sumapi sa isipan ko kaya hindi ko alam ang gagawin ko!

Isa pang nagpapabagabag sa akin ay ang sinabi niya. I love you. Pakiramdam ko ay nagtitili ang kaluluwa ko ng narinig ko iyon. Mahal niya ako? Akala ko ba gusto niya lang ako? Paanong mahal na niya ako? Ang gulo ng isipan ko dahil bago sa akin ang lahat ng ito.

Naramdaman ko na lumayo na sa akin si Vander at doon ko lang din napansin na higit higit ko pala ang hininga ko.

Walang namutawi sa bibig ko dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko. Pero hindi naman yun tanong na kailangan kong sagutin diba? Naibaling ko ang tingin ko sa may dagat at nakita ko ang mga ilaw na sumasabog at kay ganda nitong tingnan. Alam ko kung ano ang tawag dito. Fire works, dahil nakikita ko ito sa telebisyon tuwing new year.

Ramdam ko ang pag-init ng mga pisnge ko ng pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ang labi sa akin ni Vander. Mariin akong napapikit. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako mamaya dahil sa mga nangyari.

Naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Vander at yumakap ito. Halos mabali na ang leeg ko sa kakaiwas ng tingnan dito.

"I am not sorry for what I did. I've been dying to do that since the day that I met you." Bulong nito sa akin.

Umandar na ulit ang ferris wheel at kasabay nito ang pananahimik ko. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang sasabihin ko. Aakto ba akong normal? Aawayin ko ba siya? Tatanungin kung bakit niya ginawa iyon? Pero tanga naman ako kung gagawin ko yun dahil sinabi na nga niya na hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya dahil gusto niya iyon, tapos tatanungin ko kung bakit niya ginawa? Ano ako, sabaw lang?

Pero mas mabuti na rin siguro kung aakto akong normal na tila walang nangyari. Mas mainam na iyon dahil baka mas lalo lang akong mailang kung uungkatin ko iyon. Tama, yun nga dapat ang gagawin ko.

Sa hinaba haba ng aking pagmumuni-muni ay huminto na ulit ang ferris wheel para kami na ang bumaba. Tapos na pala ang pagsakay namin at oras na para bumaba. Hindi ko man lang napansin dahil masyadong okupado ang isipan ko sa mga nangyari.

Hawak hawak ni Vander ang teddy bear at kamay ko. Hinila niya ako palabas ng amusement park. Naglakad na kami papunta sa pinagparkehan niya kanina ng kanyang sasakyan.

Tila wala naman ako sa aking sarili na pumasok sa sasakyan niya at si Vander pa rin ang nag-ayos ng seatbelt ko. Agad na isinarado niya ang pintuan at umikot ito para pumasok na rin at magdrive.

Pinatakbo na nga niya ang sasakyan pero dumaan muna kami sa isang tindahan na bilihan ng mga nagbabyahe ng pagkain. Nakalagay doon ay drive thru. Bumili si Vander ng burger at fries para sa amin dalawa. Alam ko ang pagkain na ito dahil madalas mag-uwi si papa ng ganitong pasalubong para sa akin noon. Agad naman na pinatakbo ni Vander ang sasakyan pagkatapos.

"I'm really sorry if we can't eat dinner decently. It's getting late and we still have to travel back to the fortress." Usal naman ni Vander sa akin.

"Uh, okay lang." tanging naging tugon ko at kumagat na ako ng burger.

Nakita ko naman na nahihirapan si Vander na kumain dahil nagdadrive ito. Hinaplos naman ako ng awa kaya may naisip ako.

"Ako na." Usal ko rito.

"Huh?" Nagtatakang napasiklap ito sa akin pero agad din naman na ibinalik ang tingin nito sa daan.

"Ako na ang magpapakain sayo. Magdrive ka na lang." ulit ko rito at kinuha ko sa kanyang kamay ang burger.

Isinubo ko iyon sa kanyang bibig at agad naman na kumagat si Vander. Bakas sa mukha na gusto nito ang ginagawa ko dahil nangingiti ito. Kinuha ko rin ang inumin niya at pinasisip siya doon. Ganoon ang ginawa ko hanggang sa maubos nga niya ang kanyang pagkain.

Hindi ako pamilyar sa daan pero alam ko na pauwi na ito sa fortress. Pero biglang hindi naman ako mapakali. Naninindig ang balahibo ko sa batok ko ng hindi ko maintindihan. Napatingin naman ako sa kadiliman. Wag niyong sabihin na may multo rito? Kaya mas lalong hindi ako mapakali.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa sahig dahil baka may makita pa ako sa daan na hindi ko magugustohan.

"Hey, what's wrong." Untag naman sa akin ni Vander.

"W-wala naman... Napagod lang ako." Pagsisinungaling ko rito. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at ramdam ko na pinagpapawisan na ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Napatingin na lang ako sa unahan ng huminto na kami ni Vander. Agad akong napatingin sa paligid at unti-unting naging pamilyar sa akin iyon. Nasa labas na kami ng fortress kaya napabuntong hininga na ako.

Binuksan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan pero hindi ko naman magawang buksan ang seatbelt dahil hindi ko alam kung paano gagawin iyon. Kaya si Vander na ang kumalas sakin mula sa seatbelt at nakalabas ako ng sasakyan.

Agad kaming pumasok sa sekretong daanan at parehong nagpalinga-linga kami at nakitang wala naman tao na naglalakad. Pero ano ba ang aasahan ko? Pasado alas nuebe na ng gabi at kadalasan ay nasa kuwarto na ang lahat ng mga eons.

Mabilis na naglakad kami ni Vander upang iwasan na may makapansin sa amin. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay napahinto kami bigla ng makarinig kami ng malakas na ugong mula sa kalangitan.

Agad kaming napatingala sa kalangitan at nakita ko na may lumilipad at may ilaw ang mga iyon.

"Helicopters." Naisambit iyon ni Vander.

Alam ko kung ano ang helicopter. Isa iyon uri ng sasakyan panhihipawid. Pero ano ang ginagawa ng isang helicopter dito?

Mula sa isa ay biglang dumami ito dahil may nakasunod pala na ibang helicopter na ngayon ay huminto na sa ere at naningkit ang aking mga mata ng tinamaan kami ni Vander ng ilaw.

Kasunod ng ilaw na iyon ay may nagsitalunan mula sa helicopter at bumagsak sila sa lupang kinatatayuan namin. Agad akong naalarma dahil mas lalong nanindig ang aking mga balahibo.

"Fuck! Fiores! Run and hide Raven!" Malakas na naitulak ako ni Vander palayo sa kanya.

Para akong tanga na nagpalipat lipat ang tingin ko kay Vander at sa mga taong nasa lupa na ngayon ay may kakaiba sa kanila. Nag-aapoy ang kanilang mga mata pati ang mga bibig nila ay parang mga salamin at kita sa loob ang mga naghihimok na mga apoy.

"Run now!" Sigaw ulit ni Vander kaya nagising naman ako sa katotohanan at tumakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Nayanig na rin ang fortress dahil sa alarma na ngayon lang tumunog.

Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Hindi ko rin alam kung sino sila pero isa lang ang masasabi ko. Nakakatakot sila. Hindi sila tao. Mas tamang ilarawan sa kanila ang isang halimaw.

Malapit na ako sa dorm ng matanawan ko si Haze na nagmamadaling lumabas. Nakadamit pantulog na ito.

"Haze!" Tawag ko kaagad rito at narinig naman niya ako kaya lumingon ito sa akin.

"Raven!" Tugon nito at agad na lumapit kami sa isa't-isa. "Anong nangyayari? Bakit tumunog ang sirena?"

Napalunok ako. "M-may mga sumugod."

"Shit. Gaano sila karami?"

"Marami sila...at hindi sila ordinaryo. Tinawag sila ni Vander na Fiyores." Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakabigkas ko pero yun ang narinig ko mula kay Vander.

"Fuck! They are like us but modified by those ruthless governments. Kaya nila kinukuha ang mga eons ay hindi para patayin kundi pag-eksperimentohan at gagawin nilang fiores na magiging sunod sunoran sa kanila. Para silang robot na iisang tao lang ang sinusunod nila. Fuck, hindi ko inasahan na ngayon sila aatake. Raven, magtago ka dahil delikado sila. If you see one, run as fast as you can. Wag kang magpapahuli." Mahabang salita niya na bakas na ang pagkabalisa sa mukha nito.

"M-mag-isang kinakalaban ni Vander s-sila..." parang ngayon lang din tumagos sa utak ko na iniwan ko si Vander.

"Vander can take care of them but not all. Maingat si Vander sa paggamit ng kanyang abilidad dahil maaaring maraming madadamay. Kaya magtago ka na. Tutulong kami ni Bree." Saad nito at hindi pa ako nakasagot at iniwan na ako ni Haze at tumakbo ito patungo sa kaguluhan.

Tumakbo na din ako. Hindi ako pwede sa dorm dahil malaki ang posibilidad na aatake doon ang mga fiyores. Mag-isa lamang akong tumatakbo sa lugar na ito. Hindi ko na napansin na narating ko na pala ang arena. Hindi ko maisip kung paanong dito ako napadpad.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Agad na pumasok ako at umakyat ako sa mataas na hagdanan patungo sa pinakamataas na bahagi ng arena. May mga room doon na pwede kong pagtaguan. May ilaw ang arena pero hindi maliwanag. Sapat na para makita ko ang lahat.

Agad na nagtago ako sa isa sa storage roon doon. May bintana doon na kita ang loob ng arena at labas. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang kagulohan. May mga naglalaban laban at mga apoy na kumakalat. Parang may dragon na napadpad sa fortress dahil sa mga fire breathers.

Tahimik na nagdadasal ako na sana ay walang masaktan ni isa sa mga eons. Sana ligtas kaming lahat. Napapapikit ako tuwing naririnig ko ang mga hiwayan dahil sa takot. May mga naghahabulan din doon.

Napakagat na ako sa aking mga kuko dahil sa kaba. Wala man lang akong magawa. Gusto kong gamitin ang kakayahan ko pero natatakot ako na baka magkamali ako. Baka makasakit ako. Hindi ko pa gaanong kontrolado ang kakayahan ko.

May mga pagsabog akong narinig at mga nakakabulag na ilaw. Naaamoy ko na rin ang usok dahil sa mga nasusunog na mga bagay.

Halos mapatalon naman ako sa pinagtataguan ko ng biglang may narinig akong tumatawa sa loob ng arena. Kaya naagaw nito ang atensyon ko. Dahan dahan akong gumalaw para tingnan kung sino ang tumatawa sa loob ng arena.

Sumilip ako sa may bintana at nakita ko doon ang tatlong maiitim na pigura pero nagniningas ang kanilang mga mata at bibig. May isa pa silang kasama na mukhang normal sa paningin ko at ito ang narinig kong tumatawa dahil tumatawa pa rin ito hanggang ngayon.

"Pathetic eons, they thought they can hide forever." Dinig kong saad ng isang baritonong boses. "This is the price they will pay for trying to dethrone my father. Burn them all!"

"Yes, your highness..." magkasabay na sagot ng tatlong maiitim na pigura na may kakaiba sa kanilang mga boses. Parang tunog naghihingalo.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng magsimulang bugahan ng tatlo ng apoy ang buong arena. Kung magpapatuloy ito ay pati ako ay masusunog! Nataranta na ako sa pinagtataguan ko. Hindi na maganda ang nangyayari at lalo lang siyang lumalala!

Mabilis na kumalat ang apoy at patungo na ito sa pinagtataguan ko kaya wala akong ibang magawa kundi gimitin ang abilidad ko. Minanipula ko ang apoy at ginawang tubig ko iyon kaya agad nawala ang mga nagniningas na bagay.

"Oh, someone is here..." narinig kong komento ng lalaking tumatawa kanina. "I can smell your fear from here...." matinis na usal nito na naging dahilan para mas lalo akong pangilabutan. "Come out pussy cat and taste my wrath!"

Para akong nawindang ng biglang naging mabilis ang mga galaw ng tatlong maiitim na pigura at patakbong paakyat ito sa hagdanan sa iba't-ibang bahagi na tila may susugorin.

Naging mahigpit ang pagkakahawak ko sa counter. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Kailangan iligtas ko ang sarili ko mula sa mga Fiyores!

Note: Next Chapter Update. 200 Votes and comments.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro