Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 35

Raven's POV

NAKAUPO na kami ni Vander sa loob ng dragon boat. May mga nakaupo din sa unahan namin at likuran. Sabik akong maranasan ito dahil hindi ko alam kung ano ang pakiramdam.

"I don't know if you will like this ride. I prefer you riding the ferris wheel." Turan sa akin ni Vander at bakas sa mukha nito ang pag-aalala at disgusto sa mukha nito.

Ayaw kasi nito kanina na sumakay ako sa dragon boat pero ako yung nagpumilit dahil nakita ko kung paano nagsisisigaw sa tuwa ang mga nakasakay dito kaya gusto ko rin subukan.

Umiling naman ako. "Kahit hindi ko pa magustohan, at least nasubukan ko." Tugon ko naman rito.

Hindi mo naman kasi malalaman kung gusto mo ang isang bagay kung hindi mo susubukan hindi ba? Kung uunahan ka ng takot, paano mo malalaman kung yun pala ang makakapagpapasaya sayo?

Hindi umimik si Vander at halatang sumuko na sa mga sinabi ko. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng sinasakyan namin. Para itong duyan na mahina pa ang galaw.

Nagugustohan ko na agad at dahan dahan na lumalaki ang agwat sa bawat swing ng barko. Hanggang sa nakaramdam na ako ng hindi kaaya-ayang pakiramdam.

Parang maiiwan na ang mga bituka ko o kaluluwa ko at nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ko na mapigilan ang tumili. Naging mahigpit ang kapit ko sa bakal na nasa aming harapan. Tuwing bubulusok kami ay siyang pagtititili ko.

Pinagsisisihan ko na kung bakit napili ko itong sakyan. Dapat nakinig na lang ako kay Vander. Siya naman sa tabi ko ay walang imik pero naramdaman ko ang mahigpit na pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko.

Sumabay pa ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Nakasubsob na ang mukha niya sa leeg ko! Hindi ko alam kung natatakot siya o hinimatay na ba. Pero mas lalong nagwawala ang kaluluwa ko dahil sa dragon boat na ito.

Piping dasal ko na sana ay huminto na ang dragon boat dahil ano man sandali ay babaliktad na 'ata ang sikmura ko. Kaya napakurap naman ako ng biglang tumigil nga iyon.

"Huh?" Yun ang lumabas sa bibig ko ng makita ko na nagulat din ang mga nakasakay dahil biglang pagtigil ng dragon boat. Nakita ko rin ang pagtataka ng mga nagmaniobra sa dragon boat. Pero dahil tumigil na ay walang magawa ang lahat kundi ang bumaba.

"Nakakabitin naman."

"Ni wala pang five minutes tumigil na."

"Ano ba yan, hindi lang naman nasulit yung bayad natin."

Dinig kong reklamo ng mga bumababa. Hindi na ano nagkomento dahil gusto ko rin na tumigil ang dragon boat.

Napatingin naman ako ngayon kay Vander na nakasubsob pa rin ang mukha niya sa aking leeg.

"V-vander tapos na." Untag ko rito dahil pakiramdam ko ay nawalan na ito ng malay.

"I know, baby." Sagot naman nito sa akin at naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya. "I am just stopping myself from destroying this place. I hate it when it makes you scared." At inilayo na niya ang mukha mula sa leeg ko.

Nagpipigil siya? Kaya ba mahigpit ang pagkakayapos niya sa akin noon nagsimula na akong nagtititili?

"I-I'm sorry." Naisambit ko yun dahil kasalanan ko kung bakit siya nagtitimpi.

Umiling naman si Vander. "I should be the one saying that, baby. I shouldn't brought you in this place. I hate it everytime I see you scared of something."

Pagkakataon ko naman ang umiling. "Hindi mo kasalanan. Kagustohan ko ang sumakay dito. Tsaka, paano pala kung nagustohan ko ito pero hindi ko sinubukan? May paniniwala kasi ako na paano mo malalaman na yun ang makakapagpapasaya sayo kung hindi mo susubukan?"

"But—"

"No buts. Masaya ako at dinala mo ako rito. Hindi matutumbasan ng takot ko ang kasiyahan na makita ang mga bagong bagay sa paningin ko at ikaw lamang ang nakagawa nun." Putol ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsalita naman sa may gilid namin.

"Ah ma'am at sir, sasakay pa ba kayo ulit? Nasira kasi yung dragon boat at kailangan ayusin. Pasensya na po talaga sa abala." Hinging paumanhin sa amin ng isang lalaking mas matanda pa sa amin at may kapayatan ito.

"Okay lang po. Bababa na kami." Naisagot ko iyon at tumayo na ako.

Sumunod naman si Vander sa akin at bumaba na kami mula sa dragon boat. Medyo nanginginig pa ang mga tuhod ko at piping iniukit ko sa aking isipan na hindi na ako sasakay ulit sa dragon boat.

Pero si Vander ay tila hindi man lang naapektuhan dahil maayos pa rin itong naglalakad at sinuportahan pa ako nito. Mukhang hindi nga lang talaga niya nagustohan ang nangyari sa dragon boat dahil sa kakatili ko.

"Hhmm... saan tayo susunod?" Sabik na tanong ko sa kanya. Ayokong masira pa lalo ang timpla niya.

"We're going home." Sagot nito sa akin at kitang kita ko ang kaseryosohan sa mukha niya.

"Pero...." hindi ko maipagpatuloy ang sinabi ko dahil hindi man lang nagbago ang reaksyon ni Vander. Pinagsisisihan na ba niya kung bakit niya ako dinala rito? Malamang pero nakakalungkot dahil gusto ko pang magliwaliw.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Vander. "I'm sorry...let's go there." Usal nito sa akin at tsaka hinila naman ako nito sa kung saan.

Nagpatianod lamang ako hanggang sa huminto kami sa harap ng isang parang tindahan at may mga laruan doon na mga nakahilera. Maliliit ang mga iyon na mga mukhang pusa.

"Magandang hapon ginoo at binibini, gusto niyo bang subukan ang larong savage streak?" Tanong ng lalaking may edad sa amin.

Napakurap naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng larong iyon.

"We will." Sagot naman ni Vander kaya mabilis akong napatingin dito.

"Iisa lamang ang regulasyon ng laro, hindi ka pwedeng magmintis ng tira sa dalampong tira. Dapat magkasunod iyon para mapanalunan niyo ang premyo." Paliwanag nito at itinuro nito ang cabinet na gawa sa salamin at sa loob nun ay mga malalaking teddy bear.

Tira? Bakit may titirahin ba? Nagtataka akong nakatingin sa tindero. Wala akong kaideya-ideya sa mga pinagsasabi niya.

"Okay." Maikling sagot naman ni Vander at may kinuha na ito at muntikan na akong napaatras ng may rekognasyon sa aking isipan ang bagay na hawak ngayon ni Vander. Tumingin siya sa akin bago nagsalita. "Try it."

Mabilis na napailing ako. Ayokong humawak ng bagay na kumitil ng buhay ng aking ina. Hindi ko maaatim yun.

"A-ayoko n-niyan." Nabubulol na saad ko rito.

"Wag kang mag-aalala binibini, isa lamang laruan yan at hindi totoo." Sambit naman ng tindero.

Napalunok naman ako. Kahit hindi iyon totoo ay nakaramdam pa rin ako ng takot. Alam ko na lingid sa kaalaman ni Vander ang takot ko sa mga ganyang bagay. Wala pa akong pinagsabihan sa mga nangyari sa akin at sa trahedya na sa mismong harap ko nangyari.

Ayoko naman biguin ang mukha ni Vander. Kung laruan lamang ito, ibig sabihin ay hindi ako makakapaminsala. Kaya kahit nanlalamig ang mga kamay ko ay tinanggap ko iyon at ramdam ko kaagad ang gaan ng bagay na iyon.

Pero hindi ko alam kung paano gamitin iyon at kung ano ba dapat ang gawin ko. Agad naman pumwesto si Vander sa likuran ko at hinawakan niya ang kamay ko. Pinatayo niya ako ng maayos at tsaka ipinuwesto niya ang dalawang kamay ko. Nakita ko na inasinta niya iyon sa isang laruan na nakahanay. Naramdaman ko ang pagkalabit ni Vander at may lumabas naman na maliit na bagay at tumama iyon sa laruan na inasinta niya at nahulog yun.

"One down. 19 to go." Usal ni Vander sa tenga ko.

Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa binitawan niyang salita. Para akong robot na sumusunod lang sa galaw ni Vander. Sunod sunod ang naging tira niya at halos paubos na din ang mga laruan na nakahilera.

Napatingin na rin ako sa tindero at namamangha na ito sa galing ni Vander. Kung siya namamangha, ako naman ay naiilang dahil pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito. Si Vander na nasa likuran ko na nakayakap na sa akin habang ang kanang kamay nito ay nakahawak sa gatilyo at walang tigil ang pagtira nito hanggang sa naubos ang mga laruan.

"30 streak!" Hiyaw ng tindero.

Nailapag ko naman ang baril at si Vander naman ay hindi na umalis sa likuran ko. Ipinulupot niya ang kanyang dalawang kamay sa bewang ko at bumulong ito sa akin.

"Was it good?" Bulong nito sa akin.

Napakunot noo ako rito. Mahigit pa sa good kung tutuusin ang ginawa niya. Spectacular ang tamang termino para sa kanya.

"Very..." pero yun ang naging tugon ko.

"Mamili na kayo ng premyo niyo. May nakahilerang malalaking stuffed toys, mamili lang kayo ng isa." Saad ng tindero at itinuro nito ang isang salaming cabinet at nakalagay doon ang malalaking teddy bear na iba-iba ang kulay. May puti, kayumangi, rosas, at asul. Pero mas na-enganyo ako sa puting stuffed toy na iyon. Isa iyong malaking teddy bear na may malaking laso sa leeg nito na kulay pula.

"What do you want to pick, baby?" Tanong naman sa akin ni Vander.

"Yung puti." Agad na sagot ko. Ayoko sa kayumangi o sa rosas at asul. Pareho din naman silang magaganda pero mas gusto ko ang puti.

"The white one, we want it." Sagot ni Vander sa tindero.

Agad naman na tumalima ito at kinuha ang dambuhalang teddy bear at ibinigay ito sa amin. Agad ko itong niyapos pero nahihirapan ako dahil natatabunan ako ng teddy bear.

Pero agad naman iyong naalis ng kunin sa akin iyon ni Vander. "I'll carry it." Usal nito dahil napansin nito na nahirapan ako sa pagkarga ng stuffed toy. Hindi man siya kabigatan pero hindi rin siya madaling kargahin.

Mukhang balewala lang kay Vander ang pagkarga ng teddy bear. Inisang kamay lang niya ito pero parang nagmukhang maliit ang teddy bear sa kanya dahil matangkad si Vander. Hinawakan naman niya ang kamay ko. Napansin ko na papalubog na rin ang araw dahil namumula na ang kalangitan.

"Let's ride the last one." Hila nito sa akin patungo sa ferris wheel.

Napansin ko kaagad ang medyo mahabang pila. Kadalasan na nakikita ko ay mga magkapares na babae at lalaki na kagaya namin. Unti-unti naman kaming umaabante dahil nakakasakay na sa ferris wheel ang mga nauna sa amin.

"Hindi ba siya nakakatakot?" Tanong ko naman kay Vander.

Ngumiti naman ito at umiling. "You will love it."

Tumingala ako sa ferris wheel. Hindi naman siya mukhang nakakatakot dahil mabagal ang pag-ikot nito. Kaya kahit ako ay sumang-ayon kay Vander kahit hindi ako nakasakay dito buong buhay ko.

Hindi nagtagal at kami na ang nasa harap. Naghahalo na ang kulay kahel at pulang kalangitan. Huminto sa aming harapan ang bakanteng sakayan at agad kaming pumasok doon ni Vander. Kulay pula iyon at kadalasan ay salamin ang dingding kaya kitang kita ko ang paligid.

Nagsimula ng umandar ulit ang ferris wheel at unti-unti kaming umangat. Tanaw na tanaw ko ang papaliit na metropolis hanggang sa nakarating kami sa tuktok at tanaw ko na ang buong metropolis.

"Woah!" Naisambit ko yun dahil sa mangha.

Kitang kita ko ang kalahati ng araw na ngayon ay parang nilalamon na ng karagatan. Ang mga nagtatayugang mga instraktura at mga maliliit na kabahayan at kahit kagubatan. Pakiramdam ko ay natatanaw ko ang buong mundo pero napanguso naman ako ng pababa na ulit kami.

Narinig ko naman na tumawa si Vander kaya sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Walang nakakatawa." Naasar na saad ko rito. Gusto ko pa kasing matanaw ang buong metropolis at sigurado ako na kahit labas ng metropolis ay natatanaw ko.

"I can't help it. You look so adorable when you are gapping." Nangingiting tugon nito sa akin at katabi nito ang teddy bear na napanalunan namin kanina.

Paanong naging kaaya-aya ang pagmumukha ko habang nakanganga? May problema ba ang kanyang mga mata?

Hindi ko na ito sinagot. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng ferris wheel hanggang nasa ilalim na naman kami at patungo sa itaas. Nakangusong nakatingin lang ako sa papaliit na naman na mga gusali at pataas ng pataas ang mga tanawin hanggang sa narating namin ang tuktok at biglang tumigil iyon.

Naisip ko na baka may sumakay o kaya ay bumaba. Tahimik na tinanaw ko ang dagat na ngayon ay halos katiting na lang ang nakikita sa araw. Madilim na din at kukonti na lang ang liwanag na natitira.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Vander at lumapit sa mismong harapan ko kaya napatingala ako sa kanya habang nakaupo at napahawak ako sa arm rest.

Nakatungo siya sa akin at hindi ko mapangalanan ang emosyon na ngayon ay bumabadha sa kanyang mga mata.

"I am glad that I met you. Even we are living in a world who's not fair to us, I am still glad. Meeting you is a chance and falling in love with you is destiny. I love you, Raven." At bigla na lang niyang tinawid ang distansya na namin at yumuko siya at naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang mga labi sa akin na ikinanlaki ng aking mga mata dahil sa gulat!

Kasabay noon ay ang pagbalot ng dilim at ang pagsabog ng malukulay na ilaw sa kalangitan.

Note: Next Chapter Update. 200 votes and comments.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro