Raven 🔸 33
Raven's POV
NAMAMANGHA na nakatingin ako sa mga nagtatayugan na mga gusali na nadadaanan namin. Lahat sila ay kulay puti at mga makikintab na salamin na parang ilang libong bintana ang nandoon.
Lahat ng paligid ay puti at napakalinis tingnan dahil wala ni isang basura ang nakakalat. May mga iilan din na halaman akong nakikita. May mga sasakyan din doon na dumadaan, ang iba ang naglalakad patungo kung saan.
May mga nakaputi din na damit na mukhang nagmamasid sa paligid. Hindi ko alam kung ano sila pero pakiramdam ko ay hindi ako dapat lumapit sa kanila.
"Liking what you see?" Tanong ni Vander sa akin at mahina ang pagpapatakbo nito dahil may sinusundan din kaming puting sasakyan.
"Ang ganda dito." Sagot ko sa kanya na halos dumikit na ang mukha ko sa salamin.
Kahit nakakatakot ang lugar na ito para sa akin ay hindi ko maiwasan ang humanga. Kung normal na tao lamang ako ay pipiliin ko na tumira dito.
"This is the center where politicians and government gathers. Mostly the normal humans are residing as well." Paliwanag naman sa akin ni Vander.
"Kahit sino naman siguro ay gustong tumira rito." Komento ko dahil baliw lamang ang hindi magugustohan ang lugar.
"You're right. It's peaceful here. They won't create some activity that would trigger the peace inside metropolis." Anito. "I'll just pull over. We'll walk from here."
Naramdaman ko na gumilid ang sasakyan ni Vander at nagparke ito. Agad na bumukas ang pintuan ni Vander pero hindi ako tuminag sa kinauupuan ko dahil pinapakalma ko pa ang sarili ko. Pakiramdam ko ay parang tinatambol na ang puso ko sa kaba.
Hindi ko na namalayan si Vander at natagpuan ko na lang ito na nakadungaw sa akin at bukas na rin ang pintuan sa aking gilid.
"Huh?" Yun ang unang lumabas sa aking bibig ng mapansin ko siya.
"Are you still nervous?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.
Tumango naman ako. Hindi ko kailangan magsinungaling dahil kahit umiling ako ay alam ko na mahahalata pa rin nito na hindi ako okay.
"P-pwede ba tayong u-umuwi na lang?" Naitanong ko sa kanya. Alam ko na nakakabanas ang tanong na iyon dahil nandito na kami tapos aatras pa.
Ngumiti naman si Vander. "Be calm. They won't suspect you. Just think, this is the fortress with a new environment."
Napangiwi nama ako. Kahit anong gawin imahenasyon ko ay hindi ko pa rin iyon magagawa. Alam na alam ko na hindi ito fortress. Maliban na lang kung panaginip lang ito.
"Imposible yan sinasabi mo Vander. Hindi ko kayang gawin iyon." Sagot ko rito.
Parang sinabi lang din kasi nito na isipin ko lang na nasa ibang planeta kami na hindi ko talaga magawa, maliban lang kung talagang aktibo ang imahenasyon ko.
Pero kung ipagpapatuloy ko ito ay masasayang lang ang oportunidad na makalabas ng fortress at makita ang lugar na kailanman ay hindi ko mapupuntahan kung nagtatago ako. Ito ang lugar kung saan nakatira ang karamihan ng mga normal na tao.
"Trust yourself and enjoy everything that surrounds you. We only live once and we might enjoy every second of it." Tugon nito sa akin.
Napalunok ako pero hindi ko na sinagot ang tugon niya. Bumaba na ako sa sasakyan kahit nanlalamig ang aking nga kamay. Agad naman na hinawakan ni Vander ang kamay ko at napatingin siya doon dahil sigurado akong napansin niya ang panlalamig nun.
Pero hindi siya nagkomento. Isinarado niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at nagsimula na kaming maglakad sa di masyadong mataong lugar. Kadalasan na nakikita ko ay mga may edad at kami lang 'ata dito ang mga bata pa.
May mga napapatingin sa amin at kinakabahan ako dahil dun pero mas nangingibabaw ang mga paghanga sa kanilang mga mata tuwing nakikita kami, o mas tamang sabihin tuwing nakikita nila si Vander.
May nakita pa ako na natapilok at biglang nahiya ang babae at yumuyukong naglakad ito ng mabilis palayo sa amin.
Napatingin din ako kay Vander. Hindi na nakakapagtataka kung umani man siya ng ganoon klaseng tingin dahil kahit sa fortress ay wala din naman pinagkaiba.
Pero parang balewala lang din naman kay Vander ang mga atensyon na nakukuha niya. Parang wala lang itong nakikita at tumingin naman ito sa akin ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya.
Ngumiti kaagad ito sa akin. "What's wrong?" Malambing na tanong nito sa akin habang naglalakad kami.
Umiling ako. "W-wala naman."
Parang nahihiya ako kung sasabihin ko sa kanya ang mga napansin ko. Kaya tumingin na lang ako ng derecho at pilit na binabalewala ang mga tingin ng bawat taong nakakasalubong namin.
"Ang gwapo niya beshy. Kaso may syota na 'ata."
"Oo beshy. Imposibleng kapatid niya yan."
"Oo hindi kamukha eh."
"Nakakaingit yung girl."
"Sana makahanap din ako ng kagaya niya."
Napapakunot noo ako dahil sa mga naririnig kong usapan sa may gilid. Hindi ko alam kung sino ang pinag-uusapan nila. Kaya napatingin ako sa kanila.
Agad naman silang nagbawi ng tingin na tila napaso sa tingin na iginawad ko. Nakakapagtataka ang mga ikinikilos ng dalawang babae. Hindi ko sila maintindihan.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila. Pero biglang huminto naman kaming dalawa ni Vander sa isang bahay? Pero hindi siya bahay. Kulay krema ito at puro salamin ang dingding at may nakikita akong mga tao sa loob na nakaupo sa upuan at may lamesa at kumakain sila.
"Let's eat." Usal nito sa akin.
"Huh?" Maang na tugon ko sa kanya. Pwede ba kaming kumain sa hindi naman bahay namin? Hindi din ito mukhang cafeteria. Basta nadadaanan lang namin ito. "Okay lang ba? Baka magalit ang may-ari."
Umiling naman si Vander at halatang pinipigilan nitong matawa.
"They'll won't get mad. This is called restaurant where people like us travelers eat and we just have to pay them." Sagot nito sa akin at pagkatapos nun ay hinila na niya ako papasok doon sa tinawag niyang restaurant.
Alam ko kung ano ang restaurant pero hindi ganito ang inasahan ko. Masyado itong magarbo at malayong malayo ito sa itsura ng cafeteria.
Agad na sumalubong sa aking pang-amoy ang nakakatakam na amoy na hindi ko mapangalanan. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero parang nanunubig ang bagang ko at parang gumalaw ang mga bituka ko.
"Good noon ma'am and sir, this way." Salubong sa amin ng isang babaeng naka-uniporme ng kulay puti at ayos na ayos ang pagkakatali ng buhok nito na tila unat na unat.
Hindi umimik si Vander kaya nakigaya lang din ako. Baka ganito talaga dapat, hindi pinapansin ang taong hindi kilala. Pero sumunod naman kami rito hanggang sa huminto ang babae at inilahad sa amin ang isang lamesa na may dalawang upuan na magkaharap.
Kulay ginto ang Lenin na nakabalot dito at isang upuan na kulay krema na tila kay lambot at pareho silang magkaharap.
Agad na humila si Vander ng upuan at pinaupo niya ako. Parang nakaramdam naman ako ng hiya lalo na at napapansin ko ang pagtingin ng mga kumakain doon sa bandang gawi namin.
Pumanhik naman si Vander sa harap ko at umupo ito. Agad na may ibinigay sa amin ang babae na parang isang catalog na tinawag niyang menu. Ginaya ko lang si Vander dahil hindi ko alam kung para saan iyon.
Nagsimula akong magbasa doon pero wala naman akong maintindihan sa binabasa ko. Parehong mahihirap bigkasin at oyster lang ang naintindihan ko doon. Palagay ko ay listahan ito ng mga pagkain.
Napansin naman ni Vander na tila asiwa ako dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko sa menu. Bakit ba ito ibinigay sa akin?
"Give us your house best." Turan ni Vander. "Same with her."
Napatingin naman ako kay Vander dahil doon. House best daw? Ano yun?
"How about drinks sir?" Tanong ulit nito habang nagsusulat ito sa isang maliit na papel.
"We'll have champagne." Sagot ni Vander.
Naglista ulit ang babae. "Dessert sir?"
"Leche flan." Mabilis na sagot ko. Gusto kong kumain nun dahil gumawa si mama dati ng leche flan at nakita ko din ito sa menu.
Ngumiti naman sa akin ang babae. "Leche flan ma'am. How about you sir?"
"Same with her." Sagot naman ni Vander at halatang may multong ngiti ito sa kanyang mga labi.
"I'll just repeat the order sir, it's our house best, champagne and leche flan for dessert. The food will be served after 30 minutes, sir and ma'am. Have a nice stay." Usal nito at umalis na ito sa aming harapan.
Inilibot ko naman ang tingin ko. Malayo kami mula sa salamin na kung saan ay nakikita ang mga taong dumadaan sa labas.
"I'm not sure if you like here...but I want to show you the best spots here in metropolis." Anito.
"Maganda...pero hindi lang ako sanay." Sagot ko rito. Totoo naman yun, hindi talaga ako sanay.
"The place is quite extravagant but they serve the best food here."
"Talaga?"
Tumango naman ito. "Their food is awesome."
"Pumupunta ka ba rito dati?" Tanong ko naman sa kanya. Paanong nakakapunta siya rito kung nasa fortress lang naman siya?
"If I am out for some retrieval operation, I don't miss going here to eat their food." Sagot nito sa akin habang nakatingin ito ng derecho na tila may naalala. "—nope, there was one time that I missed going here, that was few months ago."
Palagi pala siyang pumupunta dito. Kaya ba ngiting ngiti yung babae sa kanya dahil kilala na siya rito? Ano nga tawag doon? Suki?
"Mukhang masarap nga dahil binabalikan mo." Komento ko naman dahil kahit ako ay hindi naman ako kakain kung hindi masarap.
"If you like one thing, you'll do whatever it takes to have it again." Matalinghagang tugon nito sa akin. "I have this obsession of doing whatever it takes just to have the things that I like."
"Hindi ba abnormalidad iyon? Yung pagiging obsessed?" Nagtatakang tanong ko rito. Dahil sa nabasa ko sa libro. Ang pagiging obsessed ay hindi iyon normal. Abnormalidad iyon sa pag-iisip dahil sa pagiging obsessed, nakakagawa ka ng mga bagay na hindi naman dapat.
A/N: Wag magalit kung gusto niyo ang mga obsessed. Based on research po yan. It's a mental disorder.
"If it's too much, it's already bad. But I cannot disagree. It is really a sort of mental illness." Sagot niya sa akin. Kaya napatitig ako kay Vander. Sa itsura niyang yan, abnormal pa la siya? Parang nahulaan naman niya ang iniisip ko. "You're thinking too much."
"Sorry, hindi ko lang mapigilan. Hindi mo ba naisip na lumapit sa isang doctor ng mga baliw?" Tanong ko sa kanya.
A/N: kung hindi inosente si Raven, dapat ganito HAVE YOU EVER CONSULTED WITH A PSYCHIATRIST?
Biglang natawa naman si Vander sa sinabi ko. Nagtaka tuloy ako dahil wala naman nakakatawa sa sinabi ko.
"You're turning me into a crazy person. I am mentally capable—you're the first person who told me that." Natatawang saad nito sa akin.
Napapangiwi naman ako dahil pakiramdam ko ay kung ibang tao ito ay baka nasapak na ako. Siguro ay dapat pag-isipan ko na rin ang dapat kung sabihin sa kanya dahil baka dumating ang araw na hindi na siya matatawa at mababatukan na niya ako.
Kung anu-ano pa ang pinag-usapan namin habang naghihintay kami sa pagkain na inorder ni Vander. Lagpas trienta minuto bago dumating ang pagkain bitbit ng tatlong waiter.
Agad na inayos nila ang mesa namin at inilagay nila ang mga pagkain na ngayon ko lang din nakita.
"This is Beef Stroganoff our best seller. Enjoy your meal sir and ma'am." Nakangiting saad naman ng babae sa amin bago ito umalis.
Napatingin ako sa plato. Meron pasta na pormang spiral at mga topings na beef at white sauce. Para siyang carbonara na kakaiba lang ang pasta at sahog.
Walang kanin? Napatingin ako kay Vander na ngayon naman ay nakatingin sa akin.
Hindi na ako nagtanong kung wala bang kanin dahil wala nga akong makitang kanin, kaya malamang wala talaga.
Kiming napatingin ako sa gilid ng plato at nakita ko doon ang iba't-ibang klase ng kutsara tinidor at may kutsilyo. Medyo naguluhan ako kung alin ang pipiliin ko kaya kinuha ko na lang ang kung alin ako komportable.
Kutsara at tinidor.
Nagsimula na akong magsandok ng pasta at tinikman iyon. Medyo wierdo ang lasa para sa akin dahil na rin siguro hindi ako sanay kaya ganito ang reaksyon ko.
Kagaya din ito ng hamon de bola na una kung natikman ay hindi ko talaga nagustohan. Pero kalaunan ay gusto ko na rin siya.
"How was it?" Tanong ni Vander sa akin at hindi pa ito nagsisimulang kumain.
Napakurap kurap naman ako rito. Naglalaban ang kalooban ko kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling ako. Pero nakakahiya dahil dinala niya ako rito tapos sasabihin ko lang na hindi ko gusto ang pagkain.
Napalunok ako sa kinain ko at muntikan na akong napangiwi.
Tumango na lang ako. "M-masarap." At pakiramdam ko ay parang pinagsakluban na ako ng langit at lupa sabay inom ng tubig na halos maubos ko ang laman ng baso.
Note: Next Chapter Update. 200 votes and comments.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro