Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 32

Raven's POV

NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa isang magarang sasakyan. Kung paano kami lumabas sa fortress? Yun din ang ikinagulat ko dahil may sekretong daan pala na hindi alam ng karamihan o mas tamang sabihin na iilan lang ang nakakaalam.

Pagkalabas namin ay may nakaparada ng sasakyan doon at agad naman akong pinasakay ni Vander at siya na ang nagmaneho.

Ikalawang beses ko itong nakasakay sa isang sasakyan. Ang una ay yung tangkang pagdukot sa akin na hindi naman napagtagumpayan.

Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa nadadaanan namin na parehong mga puno. Nagpatugtog din ng musika si Vander na ngayon ko lang narinig.

You could have a change of heart if you would only change your mind

Instead of slamming down the phone girl for the hundredth time

I got your number on my wall but I ain't gonna make that call

When divided we stand baby united we fall

Napapakunot noo ako sa naririnig ko na mga lirika sa kanta. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig iparating ng kumakanta. Pero patuloy akong nakinig sa kanta.

Got the time got a chance gonna make it

Got my hands on your heart gonna take it all I know, I can't fight this flame

You could have a change of heart if you would only change your mind

'Cause I'm crazy 'bout you baby time after time
Without you, one night alone

Is like a year without you baby do you have a heart of stone?

Without you

Can't stop the hurt inside when love and hate collide

Napatingin ako kay Vander dahil nabanggit din sa kanta ang tawag niya sa akin. Parang nagsusumamo ang kumakanta na bumalik sa kanya ang tinatawag nitong baby.

I don't wanna fight no more I don't know what we're fighting for

When we treat each other baby like an act of war

I could tell a million lies and it would come as no surprise

When the truth is like a stranger hits you right between the eyes

Parang sumusuko na ang kumakanta sa hindi ko maintindihan kung saan siya sumusuko.

There's a time and a place and a reason and I know

I got a love to believe in all I know got to win this time

Without you, one night alone

Is like a year without you baby do you have a heart of stone?

Without you

Can't stop the hurt inside when love and hate collide

You could have a change of heart

If you would only change your mind

'Cause I'm crazy 'bout you baby

Crazy, crazy

Without you, one night alone

Is like a year without you baby do you have a heart of stone?

Without you, one night alone

Is like a year without you baby if you have a heart at all

Without you, can't stop the hurt inside when love and hate collide

"Wala ka bang nursery rhymes?" Biglang tanong ko rito. Hindi ko kasi maintindihan ang kanta. Maganda ang tugtog pero ang hirap unawain ang mga lirika nila.

Napakunot noo naman si Vander at mabilis na tinapunan ako ng tingin at agad naman na ibinalik nito ang tingin sa daan. "Nursery rhymes? Why?"

"Hindi ko maintindihan ang mga tugtog mo. Mas gusto ko pa yung paborito ko na kanta." Sagot ko rito. Hindi ko kasi nagugustohan ang isang kanta kung hindi ko naman naiintindihan ang lirika.

"What is the title of your favorite song?" Tanong naman nito at may pinindot ito sa dashboard. Para iyon maliit na screen ng laptop.

"Little Einstein." Sagot ko rito. Yun ang paborito ko at yun lang din naman ang laging naririnig ko. Noong lumaki na ako ay hindi ko na naranasan na makinig ng musika dahil wala kami nun at bawal din iyon dahil lumilikha iyon ng ingay at nakakaagaw pansin.

Nakita ko naman na mabilis tumipa ang kanan mga daliri ni Vander at iilan pindot ay binitawan na niya iyon at ilang segundo lang ay tumugtog na ang pamilyar na kanta sa akin at napangiti na ako.

5, 4, 3, 2, 1!

We're going on a trip in our favorite rocket ship
Zooming through the sky, Little Einsteins
Climb aboard, get ready to explore
There's so much to find, Little Einsteins

We're going on a mission, start the countdown 5, 4, 3, 2, 1
Everyone to rocket, rev it up now RRRRRRRRRRRRRRR

We're going on a trip in our favorite rocket ship
Zooming through the sky, Little Einsteins
Climb aboard, get ready to explore
There's so much to find, Little Einsteins

Come on, let's go, Little Einsteins
We need you, Little Einsteins
Yeah!

Napatangu-tango ako pero hindi ko sinabayan ang kanta. Napapatipa ang mga daliri ko sa mga hita ko. Hindi naman ako binigyan ng reaksyon ni Vander pero nakikita ko na nangingiti siya pero wala naman siyang sinasabi.

Alam ko na pambata ang kantang ito pero hindi ko maiwasan na magustohan ito dahil ito ang lagi kong naririnig noon bata pa ako. Simula ng lumaki ako at kahit sa fortress, kung may naririnig man ako na kanta at hindi ko naman nagugustohan dahil mahirap unawain ang mga lirika. Parang laging nasasaktan yung kumakanta.

"I didn't knew that you have such a peculiar taste of music." Komento nito kalaunan.

Peculiar taste? Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun. Masyadong malalim ang salitang ginamit nito.

"Ah...nakasanayan na kasi." Sagot ko na lang kahit ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang naintindihan ko lamang ay tungkol sa kanta ang sinasabi nito.

"You haven't heard any song?" Tanong nito sa akin na ang mata ay nasa daan pa rin.

"Nakarinig naman, pero hindi ko nagustohan. Iba kasi ang mga hilig nina Haze." Sagot ko sa kanya.

"You didn't like the sound?"

Umiling ako. "Hindi ko maunawaan ang kanta. Nakakapagtataka lang kung bakit ganoon ang mga lirika na kinakanta nila."

Narinig ko naman na tumawa si Vander ng mahina. "There are different type of singers. The happy ones they only sing happy songs. There are singer as well, they write or sing based on their experience, like being brokenhearted or experienced pain from their love ones. There are singers as well who sings like they are angry with everything. And there are singers who sings stupid songs at all." Paliwanag nito sa akin. "The music you heard earlier is a man who's begging for his love for forgiveness and trying to win back the woman he loves. It's a message for his love not to give up but to fight for their love even she already give up the fight."

Parang may tumusok sa dibdib ko dahil sa naging paliwanag niya. Kanina ay parang walang kuwenta para sa akin ang kanta. Pero ng ipinaliwanag niya ay parang naintindihan ko na ang mga liriko na naaalala ko sa kanta.

"It's a sad song..." naging komento ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at may iilan bahay na akong nakikita dahil mahigit isang oras na din kaming bumabyahe.

"It's really a sad song. Especially if you are also in the same situation." Turan naman ni Vander.

Naranasan na ba niya ang ganoon na pakiramdam? Hindi ko masabi kung naranasan ko na ba iyon pero ayokong maramdaman ang ganoon na pakiramdam. Kahit sa imagenasyon ay parang nararamdaman ko na rin ang sakit.

"Naranasan mo na ba ang sitwasyon na iyon?" Wala sa sariling naitanong ko iyon kay Vander at huli na para bawiin iyon.

"I had, couple of times." Sagot nito sa akin at tinapunan ako ng tingin at ibinalik kaagad ang tingin nito sa daan.

"Sorry." Hindi ko alam kung para saan iyon. Sorry dahil nagtanong ako at baka maalala nito ang sakit?

"It's fine. Love will not grow ponder without the trials." Sagot nito sa akin.

Hindi na ako umimik hanggang sa may natanawan ako sa di kalayuan. May mga naka-uniporme na fatigue at may mga dalang baril ang mga ito.

Biglang kinabahan ako dahil alam ko na myembro ang mga ito ng gobyerno, base na sa mga dalang sandata nito na kapareho ng sandatang tumapos sa buhay ng aking ina.

"Stay still. Act like an adult and prepare your I.D." Anas naman ni Vander sa akin bago kami nakalapit sa mga taong nakapagpapakaba sa akin.

Nanlamig ang mga kamay ko at bigla iyon pinagpawisan. Pakiramdam ko ay mahuhuli ako at biglang nawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Napalunok ako lalo na at huminto na ang sasakyan at lumapit sa amin ang isang armadong lalaki.

Ibinaba naman ni Vander ang salamin sa may gilid ko at naramdaman ko ang hangin at pabango ng armadong lalaki. Magkahalong natural na amoy nito at amoy agua.

"Magandang umaga sir, pwede ba i-check lang namin ang mga I.D niyo?" Tanong ng lalaki sa amin. Nakita ko sa dibdib nito na may nakaburda na Hurdiss. Hindi ko alam kung pangalan iyon o kung ano.

"Not a problem." Sagot naman ni Vander at tumingin naman si Vander sa akin. "Baby, give him your I.D."

Para naman akong robot na kinuha ko ang I.D sa purse at ibinigay iyon sa lalaki na ngayon ay nakatingin na sa akin. Nakakunot noo ito na tila winawari ako.

Ilan beses akong napalunok dahil pakiramdam ko ay naghihinala siya tungkol sa akin.

"Farrah Wilson?" Tanong pa nito sa akin.

Muntik pa akong mapatanong kung sino iyon pero mabuti na lang din at naalala ko na ako pala iyon.

"Y-yes." Sagot ko rito.

"She's my wife. We're on a date." Pahabol naman ni Vander at ibinigay na rin nito ang I.D sa lalaki at tiningnan naman iyon ng lalaki.

"Edward Wilson?" Tanong nito.

"Yes." Sagot naman ni Vander.

Napatingin naman ako rito. Edward pala ang ginagamit niyang pangalan. Relax na relax lang ang itsura ni Vander habang ako naman ay tila gustong matae na pinipigilan lang.

Ngumiti naman ang lalaki. "Okay, clear. Pwede na kayong pumasok sa metropolis." Sagot nito sa amin at nakita ko na bumukas na ang bakal na barricade na humaharang kanina sa sasakyan namin.

Isinarado naman ni Vander ang bintana at pinatakbo na niya ito papunta sa metropolis na sinasabi ng lalaki.

Para naman akong nabunutan ng tinik dahil nakalagpas kami doon. Akala ko ay mahuhuli na ako pero himalang hindi iyon nangyari.

"The guy had a suspicion." Biglang saad naman ni Vander na ikinalingon ko rito.

"Ano?" Gulat na saad ko. Kung naghihinala pala iyon, bakit kami pinapasok? Bakit hindi kami hinuli? "We should get out of here Vander!" Biglang natarantang saad ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Tama nga si Haze at Bree, hindi talaga magandang ideya ang ginagawa namin!

"Relax, I already hypnotized him. He will forget his suspicion." Sagot naman nito na pilit na akong pinapakalma.

Sumama naman ang tingin ko kay Vander. Pwede naman niyang sabihin iyon kaagad. Hinayaan pa talaga niya ako na matakot ng ganoon bago magsalita.

"Tinakot mo ako." Komento ko pero hindi ko naman ito inaway.

"I'm sorry, I just thought you noticed that I did hypnotized him." Sagot naman nito.

Pero hindi ko napansin iyon. Masyadong tutok ang atensyon ko sa lalaki para mapansin ang ginawa ni Vander.

"Bakit siya naghinala?" Tanong ko naman. Kahit ako ang tatanungin ay hindi ako bata tingnan dahil sa ayos ko. Kaya imposible na sa itsura ko ang pagbabasihan.

"You acted strangely earlier and it triggered his instincts. Just be careful, a man's instinct can be lethal." Babala nito sa akin.

Natahimik naman ako dahil doon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan. Hindi mawawala sa akin ang takot na humarap sa mga taong kumitil ng buhay ni mama. Hindi iyon madaling kalimutan at hindi iyon basta-bastang maiaalis sa akin dahil sa harap ko mismo nangyari iyon.

Iniisip ko pa lang na makakaharap ko ang mga tao ngayon ay parang tatakasan na ako ng aking kaluluwa. Kakayanin ko ba?

"Don't worry, we won't get caught. Once we are inside metropolis, they won't suspect us." Turan naman sa akin ni Vander.

Ang mga salita niya ay medyo nagpakalma sa akin pero hindi iyon maalis ang aking pag-aalala. Napatingin na ako sa labas ng bintana ng magsimula ko ng makita ang mga nagtataasan na mga gusali at kumikinang na mga salamin sa may di kalayuan.

Nahigit ko ang aking hininga ng sumalubong sa aking mga mata ang ganda ng siyudad ng metropolis. Isang siyudad na kailan man ay hindi ko inasahan na ganito kagara.

Note: Next Chapter update. 200 votes and comments.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro