Raven 🔸 31
Raven's POV
BUMADHA ang gulat sa mukha nilang dalawa dahil sa sinabi ko. Alam ko na ito ang magiging reaksyon nilang dalawa dahil kahit sino ay magugulat kung malalaman na lalabas kami.
"You're kidding right? It's impossible Raven!" Hindi natutuwang saad ni Haze sa akin ng makahuma ito mula sa pagkakagulat.
"Oo nga naman bebe girl. Hindi maaari yang sinasabi mo. Delikado sa labas." Sang-ayon naman ni Bree kay Haze. Halata sa mukha nito ang pagtutol.
Naiintindihan ko naman ang mga sinasabi nila at alam ko na tama din sila. Pero malaki din naman ang tiwala ko kay Vander. Alam ko na hindi niya ako basta-bastang pababayaan lang.
Kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa bago nagsalita. "Naiintindihan ko. Si Vander naman ang kasama ko at alam ko na hindi niya kami pababayaan."
Nalukot ang mukha ni Haze dahil sa isinagot ko. "Alam ko na kasama mo si Vander, pero Raven ayokong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan. Going outside is like you're asking to be killed!"
"Hindi naman sa ayaw namin na sumama ka kay Vander pero masyadong dangerous yan trip niyo bebe girl. Pwede naman kayo dito sa loob ng fortress, balak niyo ba yung malathriller na date?" Turan naman ni Bree.
Umiling naman ako. "Hindi naman iyon date. Tsaka mag-iingat naman kami. Sandali lang din kami sa labas."
"Hindi ko alam kung mabuting impluwensiya ba si Vander o hindi. Just thinking that he's going to bring you out makes me want to strangle him. Hindi ko alam kung ano ang trip ni Vander at gusto niyang doon kayo sa delikadong lugar—" putol na saad ni Haze dahil pinutol ko yun.
"Kahit kailan ay hindi ko nakita ang kabuoan sa labas. Lumaki akong palaging nagtatago at malayo sa mata ng mga tao. Alam ko na delikado ang papasukin namin pero sana magtiwala kayo sa amin. Hindi kami mahuhuli." Saad ko na nakatingin kay Haze. Kung may mangyayari man ay hindi ko naman hahayaan na may mangyari sa akin lalo na ngayon at alam ko na kahit papaano gamitin ang abilidad ko.
"Hindi ko alam na matigas pala ang ulo mo, pero ito lang ang maipapayo ko—hindi kita mapapatawad kung hindi ka makakabalik dito ng may gasgas!" Nayayamot na saad sa akin ni Haze.
"Mag-ingat ka bebe girl. Isa kang common at nag-aalala talaga kami sa iyo." Saad naman ni Bree sa akin.
Ngumuso naman ako. "Hindi naman ako sasama kung alam ko na ikakapahamak ko—"
"—but for crying outloud, kapahamakan yan pupuntahan niyo. Kaya wag mong sabihin na hindi niyo ikakapahamak yan. Pero sana hindi nga dahil hinding hindi ko talaga kayo mapapatawad." Angil ni Haze sa akin.
"Oo na, sorry na. Pangako ngayon lang ito. Gusto ko lang talaga makita ang labas. Sana maintindihan niyo." Pakumbabang saad ko sa kanilang dalawa. Hindi ko naman magawang magalit sa kanilang dalawa dahil alam ko na kapakanan ko lang din ang iniisip nila.
"Talagang wala ng second time dahil hindi na kami papayag bebe girl. Hindi circus ang pupuntahan niyo. Parang wild life sa Africa yan pupuntahan niyo na napapaligiran ng mga mababangis na tigre at liyon." Turan naman ni Bree sa akin.
"Naiintindihan ko." Ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Pangako, walang mangyayaring masama sa amin."
"Dapat lang talaga." Angil ulit ni Haze. Mukhang matagal pa bago ito makahuma.
Dahil sa tensyon ay inilabas na ni Bree ang kanyang laptop para manood daw kami ng palabas. Hindi nagsasalita si Haze pero hindi rin naman ito umalis. Alam ko na mahirap sa kanya na tanggapin na aalis ako bukas kasama si Vander. Pero mas nananaig ang kagustuhan ko na pumunta doon. Ang makita ang mundong ginagalawan ng mga ordinaryong tao.
Nanood kami ng palabas na ang titulo ay Divergent. Naging interesante sa akin ang palabas dahil pakiramdam ko ay ako yung bidang babae. Pareho kami ng may itinatago at pareho din na tinutugis ang mga katulad niya. Ang pagkakaiba lang ay sa akin, hindi kasiguraduhan kung papatayin ba ako katulad ng bidang babae sa divergent o hahayaan na mabuhay.
Tatlong serye din ito at talagang mahaba. Pero natapos din naman namin ang panonood ng palabas. Si Haze na tahimik at si Bree na paminsan minsan lang magsalita.
Napapakamot na ako sa batok dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit ganito silang dalawa. Pero pinapangako ko na makakabalik ako ng buhay. Nag-aalala sila ng sobra dahil hindi naman nila alam ang totoong abilidad ko. Pero kung alam nila na legendary ako, magiging kaibigan pa rin ba kaya ang tingin nila sa akin?
Madilim na sa labas kaya pagkatapos namin kumain ay umuwi na si Bree sa kanilang dorm room at kami naman ni Haze ay parehong pumanhik na sa kanya-kanyang kwarto namin. Hinayaan ko na muna si Haze dahil hindi ko basta-bastang maiaalis sa kanya ang kanyang pag-aalala.
Humiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Pero parang naging mailap sa akin ang antok dahil sa magaganap bukas. Laging sumisingit iyon sa utak ko kaya pilit ko naman pinapatigil ang utak ko sa pag-iisip hanggang sa nagtagumpay ako at nakatulog na ako.
•••
KINABUKASAN ay nagising na lang ako dahil sa katok mula sa aking pintuan.
Pupungas pungas akong bumangon bago ko iyon binuksan. Kalahating nakabukas ang aking mga mata ng mabungaran ko si Haze na nakapameywang.
"Kakagising mo lang? Baka nakalimutan mo na lalabas kayo ni Vander ngayon?" Saad nito at hindi kaagad rumehistro iyon sa utak ko.
"H-huh?" Iyon ang lumabas sa aking bibig at napakamot ako sa batok ko bago ko pa naintindihan ang kanyang mga sinabi at biglang nanlaki ang aking mga mata. "Hala!"
Wala sa sariling nabitawan ko ang aking pintuan at basta kinuha ko na ang towel at tumakbo ako patungo sa banyo. Agad na naligo ako ng mabilis. Matagal akong nakatulog kagabi at hindi pa ako nakapagset ng alarm at base rin sa sinag ng araw ay hindi na maaga!
Agad ko naman tinapos ang pagligo ko at ng lumabas ako ay nakita ko si Haze na inihanda ang susuotin ko. Nagulat naman ako rito.
Tumingin naman ito sa akin. "Sabi ni Vander, kailangan hindi ka raw magmukhang 18 years old, at least nasa mga 27 daw." May iniabot naman ito sa akin. "Ito yun fake I.D mo. Base dito, ikaw si Farrah Wilson, 27 years old at isang accountant. Ito ang cover up mo para hindi ka paghinalaan."
Tinanggap ko naman ang maliit na card mula kay Haze. Para itong I.D ng fortress dahil may picture ito pero ang nakatatak naman ay ISS. Lahat ng nakatala doon ay purong kasinungalingan maliban sa mukha ko na hindi ko alam kung kailan kinunan.
"Salamat." Naisaad ko rito dahil alam ko na kahit ayaw niya sa desisyon ko ay tinutulungan pa rin niya ako.
"Aayusan pa kita. Pero hindi naman magiging mahirap ang pagpapanggap mo dahil matangkad ka naman at konting make up lang ay magiging matured na ang itsura mo." Saad nito sa akin. "Umupo ka na sa upuan at aayusan pa kita."
Agad naman akong tumalima at umupo na sa upuan. Agad na pinaandar ni Haze ang blow dyer at pinatuyo niya ang aking buhok. Medyo kinulot niya ito na parang mga alon ng dagat. Nagsimula na rin siyang maglagay ng kolorete sa mukha ko para daw magmukha akong matured. Kinulayan niya rin ako ng pulang kulay sa mga labi dahil magmumukha daw akong bata kung kulay pink ang ilalagay.
Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Malaki ang ipinagbago ng itsura ko. Parang dumoble nga ang edad ko. Nakadipena ang aking mata at may kulay iyon na kulay kayumangi. Pulang pula ang aking mga labi pero manipis lang ang aking kilay. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa kolorete sa mukha ko.
"Magbihis ka na. Ito ang suotin mo." Saad niya at nilingon ko naman ang damit na nakahanda.
Isa itong beige sleeveless top na may deep v-neckline at isang mahabang saya na kulay dark gray. Hanggang sakong ang haba nito at may mahaba din na tabas ito sa kanan.
Kinuha ko na ito at lumabas naman si Haze para makapagbihis na ako. Agad ko itong isinuot. Kita ang bahagi ng tiyan ko pero hindi naman lahat. Kapansin pansin din ang malaking tabas na lumilitaw ang kanan paa at hita ko.
May nakalagay din doon na hikaw na kulay silver at isinuot ko iyon. Isinuot ko na ang isang sapatos na may apat na pulgada ang taas na takong at may mga straps iyon na nakapalibot sa aking paa. Kulay gray din ito.
Lumabas na ako mula sa kwarto at nadatnan ko naman si Haze doon na naghihintay sa akin. Agad na tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Ngumiti ito.
"Success! Hindi sila magdududa na 18 ka pa. Basta wag mong kalimutan ang fake I.D mo." Saad nito sa akin at nakangiti na.
"Salamat Haze." Tanging naisaad ko sa kanya. Pasalamat ko na lang at ngayon ay maayos na siya at mukhang hindi na nagtatampo.
"Wala naman akong magagawa kaya tatanggapin ko na lang." Sagot nito sa akin. May iniabot naman ito sa akin na isang parang maliit na bag na kulay beige din. "Ito yung purse mo. Ilagay mo diyan ang I.D mo."
Purse? Ibang tawag ba iyon sa maliit na bag? Pero hindi na ako nagtanong pa dahil magmumukha na naman akong tanga. Tinanggap ko naman iyon at inilagay ko sa loob yung I.D ko.
"Salamat—"
"Puro ka na lang salamat. Basta, ang importante ay makabalik ka dito ng buhay at buo." Putol naman sa akin ni Haze.
"Oo, makakaasa ka." Sagot ko sa kanya at ngumiti.
Lumapit naman si Haze sa akin at niyakap ako.
"Nasa labas na si Vander, hindi ko pinapasok." Otomatikong lumipad ang mga mata ko sa pintuan na nakasarado. "Wag kang mag-alala, nasa labas din si Vaklah."
Hindi na ako nagkomento pa. Bumitiw na kami sa isa't-isa at naglakad na kami papunta sa pintuan. Nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Bakit ba ninenerbyos ko? Hindi naman ganito ang naramdaman ko kahapon pero ngayon ay tila tatalon na palabas ang puso ko.
Siguro dahil nasasabik lang ako. Kumbinse naman ng utak ko.
Pinihit na ni Haze ang pintuan at pagbukas nun ay tumambad sa aking harapan si Bree na nakatingin naman sa kabila kaya pati ako ay napatingin din sa dereksyon na iyon.
Vander.
Halos mapasinghap ako ng makita ko si Vander na nakatayo. May suot itong salamin sa mata na kulay itim. Isang itim na polo shirt na hapit sa katawan nito at isang kulay krema na pantalon at kulay itim na sapatos ang suot nito. Maayos na medyo magulo ang buhok nito na bumagay din naman sa itsura niya.
Ang gwapo ni Vander na siyang nagpaumid sa aking dila.
Ngumiti ito sa akin ng makita ako at agad itong lumapit sa akin.
"Morning baby." Bati nito sa akin at hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pagtakip ni Bree sa kanyang bibig na tila pinipigilan nitong tumili.
"M-magandang umaga." Naisagot ko rito at iniwas ko ang tingin dahil pakiramdam ko ay hindi na kaya ng puso ko kung tatagal pa ang tingin ko sa kanya dahil ano man oras ay tila sasabog na ito sa lakas ng tibok.
"You look lovely." Komento nito pero mas maganda tingnan si Vander. Paulit ulit sa isipan ko ngayon ang eksena na nakasandal si Vander sa may haligi sa labas ng dorm habang nakatingin sa akin suot ang salamin nito sa mata kaya di ko makita ang kanyang mga mata. Parang tinamaan ako bigla ng kidlat na hindi ko maintindihan.
"T-thank you...tinulungan ako ni Haze na mag-ayos." Sagot ko naman rito.
Wala akong kaalam alam sa pag-aayos. Di kagaya ni Haze na maraming alam.
"Basta, ibalik mo si Raven sa amin ng buo Vander." Dinig kong saad ni Haze ngayon na seryoso ang tono nito.
"Wag mong kalimutan ang sinabi ko Vander." Saad naman ni Bree ngayon na boses pormal at walang bahid ng kabaklaan nito.
"Trust me, harm will not befall on her." Sagot naman ni Vander sa kanilang dalawa hanggang sa naramdaman ko na ang paglapat ng aming mga kamay at napatitig na lang ako doon.
Note: Next chapter update. 200 votes and comments.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro