Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Raven 🔸 27

Raven's POV

NAPALINGON kaagad ako at nakita ko si Blaire na nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Vander. Halata ang pagtatanong sa mata niya. Pansin ko rin na tila namumula ang mata nito o baka pinaglalaruan lang din ako ng mga mata ko.

Bumuka naman ang bibig ni Vander pero bago pa ito nakapagsalita ay nagsalita na agad ako dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig nito.

"Pinapaalala lang ni Vander na may training ako, kasi nakalimutan ko." Mabilis na sagot ko kay Blaire at pinagdarasal ko na sana ay wag ng magsalita si Vander. Alam ko na mali ang magsinungaling pero alam ko na tama itong ginagawa ko. Pakiramdam ko ay parang nagtataksil kami.

Lumiwanag naman ang mukha ni Blaire. "Ah, tinuturuan ka niya?" Tanong ni Blaire na nagpalipat lipat ulit ang tingin niya sa amin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil sadyang masaya ang kanyang mukha. Hindi katulad kanina na madali lang basahin.

"N—"

"—Yes!" Putol ko naman kay Vander at kita ko na napakunot noo na talaga ito habang nakatingin sa akin.

Ayaw niyang magsinungaling ako? Pero wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo. Dahil naiisip ko rin kung ako ang nasa sitwasyon ni Blaire ay sobrang masasaktan ako. Alam kong mali ito, pero gagawin ko.

"Kaya tara na Vander, dahil ilang araw mo na akong hindi na train, dahil sa busy ka." Saad ko kay Vander at hinawakan ko siya sa kamay at tumingin muna ako kay Blaire. "Pasensya na talaga. Hihiramin ko muna siya, dahil lagot din kami kay sir kung hindi namin susundin ang schedule." Paalam ko rito at si Vander naman ay napapataas na ang kilay na nakatingin sa akin.

Naguluhan naman si Blaire pero tumango pa rin ito. "S-sige...kita na lang tayo mamaya lovey." Sagot naman ni Blaire na nakatingin kay Vander pero hindi naman sumagot si Vander sa kanya.

Hinila ko na si Vander palayo doon. Hindi sa hinila ko siya dahil aagawin ko siya kay Blaire, pero kakausapin ko si Vander. Kailangan kong klaruhin sa kanya ang lahat dahil ayaw ko ng gulo.

Hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nagtatakang tumingin sa amin. Dere-derecho lang kami at hindi naman nagrereklamo si Vander kahit halos tangayin ko na ito kahit imposible naman yun dahil sa laki niya kumpara sa akin pero nagpapatangay pa rin siya.

Pumasok kami sa isa sa mga training room na bakante at isinarado yun. Doon ko pa siya binitawan at napahawak ako sa ulo ko dahil parang biglang sumakit yun dahil sa mga nangyari.

"Why did you lie to her?" Basag ni Vander sa katahimikan dito sa loon ng room.

Pumihit naman ako paharap sa kanya. "Then, why did you not tell her about me?" Di ko alam pero parang panunumbat yun sinabi ko.

Napakunot noo naman si Vander. "I already told her that I am pursuing someone. She doesn't know yet that it was you." Sagot naman ni Vander sa akin.

Pagkakataon ko naman na magtaas ng kilay. "You told her but she doesn't know it's me. Sana hindi mo na lang sinabi kung ganoon." Napailing pa ako. Hindi ko maisip kung ano pa ang halaga ng pagsasabi kung hindi mo naman kayang sabihin kung sino.

"Because I want you to meet, personally. She's too curious and she will have her ways to know you." Sagot naman nito sa akin na tila parang may iniiwasan na mangyari.

Napakunot noo naman ako. Hahanap siya ng paraan para makilala ako? Kaibigan niya si Arianna at malaki na rin ang posibilidad na alam na niya! Bakit hindi ko naisip yun? Bakit hindi man lang sumagi sa isipan ko na kilala na ako ni Blaire? Kaya ba sa laki ng daan noon araw ay nagkabanggaan pa rin kami?

"S-sa palagay ko, kilala na niya ako." Naisaad ko yun.

Kumunot naman ang noo ni Vander. "How?"

"Si Arianna, kaibigan niya si Blaire di ba?" Tanong ko rito.

"They are cousins." Sagot naman ni Vander.

Kumpirmado! Kaya pala galit na galit yun si Arianna dahil hindi lang siya kaibigan kundi pinsan.

"Kinumpronta ako ni Arianna isang araw, kaya nalaman ko ang tungkol kay Blaire. Malaki ang posibilidad na sinabi na niya kay Arianna yun. Pero sigurado ako na sasabihin niya yun o sinabi na nga niya." Saad ko rito at napalakad ako paroon at parito dahil bigla akong kinabahan.

Bumuntong hininga naman si Vander. "That's better if she knows already. We don't need to hide it baby, we don't need to pretend."

Hindi naman ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung paano sasagutin yun. Kasi kahit magaan pakinggan, pero kakaiba pa rin ang nararamdaman ko. Parang may mali at parang may darating na pangit na pangyayari.

"I-I don't know what to say..." tanging naisaad ko.

Ngumiti naman siya sa akin at pakiramdam ko ay parang nasisilaw ako dahil sa ngiti niya.

"I am glad to know your worries. Just don't think about them. I don't care what the people say, all I care is you and us." Saad naman ni Vander sa akin.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Siya yung tipong walang pakialam sa sasabihin ng iba. Gagawin niya ang gusto niya.

"Pero hindi ba magagalit si Blaire?" Tanong ko sa kanya dahil ang alam ko ay siya ang amour niya. Kaya nagtataka ako kung bakit ganito ang nangyayari. Posible ba na kahit amour mo ay hindi mo kayang mahalin?

Umiling naman si Vander. "There is no reason for her to be angry. She's just a friend." Sagot nito sa akin.

"Pero siya ang kapareha mo..." mahina lang ang pagkakasabi nun pero alam ko na dinig na dinig niya iyon.

Kumunot naman ang noo nito. "She's not. She'll never be." Sagot naman nito.

Ako naman ang napakunot noo ngayon. "T-then, who's your amour?" Di ko napigilan itanong yun at parang pinagsisihan ko naman yun ng bigla itong ngumisi.

Lumapit naman ito sa akin at bumulong. "It's for you to find out..."

Halos magtayuan naman ang aking balahibo ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa puno ng aking tenga. Lumayo naman siya pero nakangisi pa rin ito sa akin na tila tuwang tuwa.

Idinaan ko naman sa simangot para maitago ko ang aking nararamdaman. "B-bakit ko naman a-aalamin kung sino? D-diyan ka na nga!" Mabibigat ang aking mga paa na lumabas sa training room pero naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

"Don't worry about her calling me lovey that's what she calls me since I can't remember. I hated it but she's stubborn and I gave up and just let her call me that." Paliwanag naman nito kahit hindi ko naman tinatanong.

"Wala naman akong pakialam kung ano ang tawag niya sayo. Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin nun." Sagot ko naman at ramdam ko na nakasabay na ito sa akin.

"Don't be jealous, it's nothing to me." Dinig ko ang sigla sa boses nito. Ramdam ko na inaasar niya ako.

"Hindi ako nagseselos Vander and never be." Sagot ko rito at hindi ko ito tinignan dahil pakiramdam ko ay mahuhuli nito ang totoo kong nararamdaman.

Oo nagseselos ako pero nunca kong aaminin sa kanya yun.

"Hhmm... if that's what you say. But, it is really okay if you're jealous. That only means that, I am not nothing to you." Saad nito sa akin na hindi ko alam kung nanunudyo o sadyang komento lang niya iyon.

Hindi na ako sumagot dahil para na akong tanga sa kakatanggi sa kanya.

Dumerecho na ako sa dorm namin at talagang inihatid ako ni Vander hanggang sa pintuan. Hindi ko naman kaagad nabuksan ang pintuan kaya pumihit ako para makaharap siya.

"Bumalik ka na. Pagabi na." Saad ko rito at tumingin ako sa kalangitan. Takip silim na at hindi ko man lang napansin iyon kanina.

Napatingin din si Vander sa tiningnan ko pero sandali lamang iyon at ibinalik niya sa akin ang tingin.

"Why everytime I am with you, time flies so fast.." hindi yun tanong pero mas tunog reklamo yun.

Totoo yun. Tila napakabilis ng oras pagkasama ko siya. Pakiramdam ko ilang minuto ko lang siya nakausap pero mahigit isang oras pala kaming magkasama. Hindi ko yun mapaliwanag kung bakit.

"H-hindi ko rin alam kung b-bakit." Sagot ko rito. Wala akong mahanap na sagot sa ganoon. Ni hindi ko alam ang dahilan.

Ngumiti naman si Vander. "Because we forget time when we are together." Sagot naman nito.

Napakunot naman ang noo ko. "Ganoon ba talaga yun?" Panigurado ko pa, kasi hindi naman nagiging mabilis ang oras pagklase namin. Pag klase, ang tagal matapos pero pag si Vander ang kasama ko ay sobrang bilis naman.

"Because we enjoy both companies. We tend to forget time, when you are the only thing that matters to me. Watching you all days feels like only a second to me." Saad nito at lumapit ito sa akin kaya napaatras ako hanggang sa nabangga na ng aking likod ang aming pintuan. Kinabahan ako ng sobra dahil papalapit pa rin siya. Hanggang sa huminto siya at isang dangkal na lang ang distansya niya sa akin. "Ti amo, mio ​​amore." At naramdaman ko ang kanyang mga labi sa aking pisnge.

Hindi ako nakagalaw. Parang may nagsigapangan na bolta-boltaheng kuryente sa aking katawan hanggang sa inilayo na niya ang kanyang mukha at kita ko na nakakagat labi ito na tila pinipigilan ang sarili. Kahit di ko naintindihan ang huli niyang sinabi ay para akong sinabalan.

Bigla akong nahiya! At sa sobrang hiya ko ay biglang umikot na lang ako at binuksan ko ang pintuan at isinarado ko yun ng mabilis! Yung kabog ng dibdib ko ay mas lalong lumala lalo na at lumilitaw sa isipan ko ang mukha ni Vander na nakakagat labi. Mas lalong namula ako na hindi ko maintindihan kung bakit ganoon!

Napahawak ako sa pisnge ko kung saan ako hinalikan ni Vander. Dalawang beses niya akong hinalikan at wala man lang nagbago sa pakiramdam ko. Parang unang halik niya pa rin na naghatid sa akin ng kakaibang damdamin. Parang nakakasira ng bait. Parang—

"Hoy bebe girl! Kanina pa ako nagsasalita rito, hindi mo man lang pinapansin ang beauty ko!" Napalingon naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Bree at nakapameywang pa ito na nakatingin sa akin.

Napakurap ako rito. Yung itsura ko, nakahawak sa pisnge at nakasandal sa pintuan. "Kanina ka pa?" Naitanong ko pa yun sa kanya.

Pinanlakihan naman ako ng mata ni Bree. "Diyos ko, kanina pa ako rito. Kitang kita ko na para kang tanga na humahawak pa diyan sa pisnge mo! Magkwento ka bebe girl!" Angal nito na para bang may malaki akong utang sa kanya.

Napanguso naman ako at umalis na ako sa pagkakasandal ko sa pintuan at ibinaba ko na ang kamay ko pero pakiramdam ko ay nakadikit pa rin doon ang mga labi ni Vander.

"Ano naman ang ikukwento ko?" Tanong ko pa.

Lumabas naman si Haze sa kanyang kuwarto na ngayon ay bihis na ng pambahay lang.

"Siyempre, nakita namin kanina ang mga eksena niyo Raven, doon sa tulay. Kitang kita namin kung paanong hinabol ka ni Vander at iniwan si Blaire. Kitang kita namin kung paanong gumuho ang mundo ni Blaire dahil iniwan siya ni Vander para sundan ka." Turan ni Haze na ikinalaglag ng aking panga.

"Oo nga. Akala ko na nga kanina ay nanonood ako ng teledrama dahil sa mga pangyayari. Kaloka lang dahil umiyak talaga si Blaire na parang hiniwalayan ng jowa! Tapos si papa Vander, lakad takbo ang ginawa masundan ka lang!" Tili ni Bree at halatang kinikilig. "Galit ako sa kanya, pero hindi ko maiwasan na kiligin!"

"Sangayon ako diyan. Galit ako kay Vander pero di ko pa rin maiwasan na kiligin at maging masaya dahil mas pinili ka niyang sundan kesa manatili kay Blaire. Ibig lang sabihin nun, hindi basta-basta ang nararamdaman niya sayo, kung kaya niyang baliwalain ang kanyang amour—"

"—hindi niya amour si Blaire." Putol ko kay Haze dahil iniisip ko pa lang na amour ni Vander si Blaire ay parang nagiging mapakla na ang panlasa ko.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalawa.

"Totoo?!" Magkasabay na tanong ni Haze at ni Bree.

Tumango naman ako. "Sabi ni Vander... Hindi si Blaire ang kanyang amour." Sagot ko rito.

Mabilis na lumapit ang dalawa sa akin.

"OMG, sino ang amour niya?" Tanong kaagad ni Haze.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam... sabi niya it's for me to find out daw." Sagot ko naman sa kanila.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ni Bree. "Diyos ko, baka ako ang amour niya!"

Sumimangot naman si Haze. "Excuse me, hindi ikaw. Ako ang amour ni Vander my loves!" Singhal naman ni Haze kay Bree.

Tinaasan naman ni Bree si Haze ng kilay. "Wag ka rin mangarap dahil alam kong hindi ka niya amour." Ingos naman ni Bree rito.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-uusap tungkol sa amour ni Vander na pareho naman namin na hindi alam. Kung sino man ang amour niya, masuwerte siya malamang.

Note: Next chapter update. 200 votes of character chapter and this chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro