Raven's POV
NAGING mas mahirap ang training ko sa hapon kay sir Blast. Pinapasubok niya sa akin ang kontrolin siya. Hindi ko akalain na mahirap pala pagtao na ang kailangan kontrolin dahil may sarili itong isip at alam nito kung paano i-reject ang kung ano man ayaw.
Ilan beses kong sinubukan na kontrolin si sir Blast pero hindi ko kaagad yun magawa hanggang sa nakaramdam na ako ng pananakit ng ulo ko.
"That's it for now." Saad sa akin ni sir Blast. "I can already feel your control but your ability is not that strong yet. I can still reject your manipulation. While you are on your vacant time, try to control a human pero hindi pwedeng malaman nila. It should be a secret. Pero hindi mo sila pwedeng saktan."
Napanguso naman ako. "Wala naman akong dahilan para saktan sila sir." Sagot ko rito.
"Mas mabuti na ang nag-iingat. Try to control them, like making them do simple things. Simulan mo sa pinakasimple." Usal nito sa akin
"Okay po sir." Sagot ko na lang rito.
Lumabas na ako sa training room at umalis na ako sa school building. Tanaw ko naman ang cafeteria na katabi lang ng training building at may mga estudyante doon na papasok at palabas.
Nakatungong naglalakad lamang ako hanggang sa may narinig akong nagsasalita.
"Doc, what's wrong with him? He's not eating and he's burning with fever." Dinig kong nag-aalalang tanong ni Josh.
Nagtaas ako ng tingin at nakita ko si Josh at isang doctor na magkausap sa isang sulok na malayo sa mga estudyante.
"He was drenched with the rain Mr. Peterson. He caught an infection and almost a hypothermia." Sagot naman ng doctor na kilala ko sa mukha pero nakalimutan ko lang kung ano ang pangalan niya.
"But doc, kahit kailan ay hindi pa nagkakasakit si Vander. Kahit buong araw pa siyang magpaulan ay imposibleng magkasakit siya." Biglang sumikdo naman ang dibdib ko ng narinig ko ang pangalan ni Vander.
May sakit siya?
"I could not answer your question Mr. Peterson. Kahit ako din ay hindi ko maipaliwanag. Seems like his immune system is down and I could not understand the reason why it's down. His immunity is too low right now." Paliwanag naman ng Doctor kay Josh.
Para naman akong tinakasan ng kaluluwa at nagpatuloy ako sa paglalakad ng wala sa sarili. Hindi ko magawang tumayo doon at pakinggan ang kanilang pag-uusap.
Hindi ko na alam kung paano akong nakarating ng dorm. Nakaligo na ako at lahat pero hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga narinig ko kanina.
May sakit siya. Kitang kita ko kung paanong naulanan siya kagabi. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit.
Hindi rin siya kumakain kaya mas lalo akong kinakain ng konsensya ko. Alam ko na kasalanan ko at walang ibang sisisihin dito kundi ang sarili ko. Pero hindi ko naman din inaasahan na hahantong sa ganito.
Malakas ang tingin ko kay Vander at hindi siya yung tipong mahina. Gaano ba siya nagtagal sa labas at nagpa-ulan?
Kaya sa sobrang pag-aalala at konsenyang nararamdaman ko ay hindi na ako nagdalawang isip na lumabas ng dorm at sugurin ang mansyon ni Vander. Para akong tanga. Tinataboy ko siya palayo pero heto ako ngayon at pupuntahan siya.
Hindi ko na nga alam kung paanong ang bilis kong nakarating sa mansyon ni Vander. Hindi na ako kumatok at basta na lang akong pumasok dahil hindi naman nakalock ang main door.
Walang akong taong naabutan sa sala o kahit si Josh. Agad na nanlakbay ang mga mata ko patungo sa pintuan na pinanggalingan ko dati na ang alam ko ay kuwarto ni Vander.
Tahimik akong umakyat sa hagdanan at agad akong lumapit sa pintuan at binuksan yun.
Katahimikan. Yun ang bumungad sa akin bago ako pumasok. Agad na isinarado ko ang pinto at napatingin ako sa kama ni Vander at agad ko na nakita siya doon na nakapikit at mukha lang ang nakalitaw dahil balot ito sa kumot.
Tahimik akong lumapit rito at tumunghay mula sa gilid ng kama. Hinaplos ng awa ang aking dibdib ng makita ko kung gaano kaputla si Vander at nangangalumata ito. Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa kanyang noo at dinama ko ang kanyang temperatura. Mainit talaga ito at higit pa sa normal kaya pumanhik ako sa banyo ni Vander na nasa loob ng kanyang kuwarto.
May nakita naman akong batya doon kaya nagsalin na ako ng malamig na tubig at kumuha na din ako ng isang panyo mula sa closet ni Vander at bumalik ako sa kanyang kama.
Sinubukan kong punasan ang katawan ni Vander kaya ibinaba ko ang kumot na bumabalot sa kanya.
Unang kong nakita ay ang kanyang hubad na katawan. Naitutok ko doon ang aking tingin. Ngayon ko lang ito makikita ng ganito kalapit at kalinaw. Hindi ko alam pero biglang nailang ako dahil sa ganda ng katawan nito. Parang may mga pandesal ito sa tiyan na nakahanay at hindi lang isa o dalawa, kundi walo.
Pero tinampal ko naman ang sarili ko at kinuha ko na ang bimpo at binasa ko na yun ng malamig na tubig. Sinimulan ko na punasan ang mukha ni Vander. Tulog na tulog ito at hindi man lang naramdaman ang ginagawa ko. Kunsabagay ganoon talaga pagnilalagnat.
Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at naglagay na rin ang ako ng cool pack sa ulo nito. Napatitig ako sa mukha ni Vander. Kahit may sakit ito ay sobrang ganda pa rin ng mukha nito. Wala man lang pagkakataon na pumangit ito.
Pinainom ko rin ng gamot si Vander dahil may nakalagay naman sa bedside table at parang nagdeliryo pa ito dahil hindi nito alam na ako ang nagpapa-inom. Kahit ibinangon ko ito ay nakapikit pa rin ito at kalahating tulog.
Hinayaan ko na lang din dahil ang importante ay nakainom ito ng gamot. At dahil sa pagbabantay ko kay Vander ay hindi ko na rin maiwasan na makaramdam ng antok. Kaya wala sa sariling naihiga ko ang aking sarili sa bakanteng parte ng kama ni Vander dahil sobrang laki naman nito. Iidlip lang ako para may lakas ako mamaya para mas maalagaan si Vander.
•••
"GO away here, Peterson."
"Man, I can't believe you. You only need this girl to recover."
"Shut up Peterson, she'll be awake because of your annoying voice."
Nakarinig ako ng tawa pero hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa komportableng nararamdaman ko ngayon. Ang sarap ng pagkakatulog ko.
"Okay, I'll go now. Don't forget to use protection."
"Fuck you!"
Hindi ko alam kong panaginip lang ito. Siguro ay panaginip lang, dahil imposible na totoo ito. Ramdam ko na may nakayakap sa akin na isang mainit na bagay na tila ayaw akong pakawalan. Pero imbes na matakot ako ay nakaramdam ako ng saya.
Masarap sa pakiramdam ito at mas masarap pa siya kesa sa kumot na bumabalot sa akin.
Dahil sa sobrang antok ay naigupo ulit sa ako sa pagtulog hanggang sa nagising na lamang ako at ang unang nakita ko ay dibdib. Nagulat ako dahil bakit malapit na malapit yun sa mukha ko. Kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Vander na mahimbing na natutulog.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siya. Hindi na siya maputla at mukhang normal na ulit siya. Dinama ko ang kanyang noo at hindi na mainit si Vander. Parang wala na itong lagnat.
Ang bilis naman gumaling? Pero baka epektibo lang talaga ang gamot na ipinainom ko kay Vander kaya gumaling ito kaagad.
Akmang babangon na sana ako ng naramdaman ko at biglang paghigpit ng pagkakayapos ni Vander sa akin. Napatingin uli ako sa mukha ni Vander pero tulog pa rin ito.
Sinubukan ko na tanggalin ang kamay niya mula sa bewang ko pero para naman yun bakal na hindi ko matanggal. Dahan dahan na pinilit kong makawala pero ayaw pa rin.
Biglang gumalaw na lamang ito at mas lalo pang isiniksik ang sarili nito sa akin! Ang mukha nito ay biglang napunta na sa aking dibdib! Biglang namula ako dahil sa posisyon namin. Wala akong maisip na kung ano sa ngayon pero naiilang ako ng sobra sa posisyon namin!
Kaya mas lalo na akong nagpursige na makawala kay Vander ng bigla na lamang itong nagsalita.
"Don't go..." mahinang saad nito sa akin. Hindi ito nag-angat ng tingin kaya hindi ko alam kung gising ba ito o nananaginip. "Please don't go..." ulit nito na nagkumbinse sa akin na talagang gising na si Vander.
Nakaramdam naman ako ng kaluwagawan dahil na maayos siya. "A-alis na ako..." saad ko rito para pakawalan na niya ako.
"No." Matigas na sagot nito. Mas lalo lang niyang idinikit ang sarili niya sa akin.
Ramdam na ramdam ko na ang mukha niya sa dibdib ko kaya napapaisip ako kung tama ba itong ginagawa niya. Hindi ko naman ramdam na nababastos ako o kung ano.
"Vander, maayos ka na at masaya ako na okay ka na, kaya aalis na ako—"
"Ganyan ka ba talaga? After making me fall so hard, you will left me heavily wounded?" May hinanakit na tanong nito sa akin.
Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi.
"Teka, nahulog ka? Pero wala ka naman sugat?!" Gulat na saad ko rito. Paanong nahulog siya at sinabing may mga sugat siya? Wala naman akong nakita.
"You made me fall so hard in love with you... but you did not catch me. You let me hit the ground so hard and I am heavily wounded. Now, you're making me fall harder again and again you have no plans on catching me. You're so cruel, Raven....very cruel." Ramdam ko ang hinanakit mula sa kanya.
Ngayon ko lang naintindihan ang kanyang mga sinabi. Sinisisi ba niya ako? Pero tama naman ang ginawa ko dahil mas masasaktan lang siya sa huli.
"V-vander, mas mainam na ngayon pa lang ay masaktan ka na, dahil ayokong pagdating ng panahon ay mas masaktan ka pa ng dahil sa akin." Sagot ko rito. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Nagtatalo ang puso at isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya.
"Is there anything that hurts more than a love that you can't have?" Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya. Parang piniga ang puso ko ng maramdaman ko na suminghot si Vander.
He's crying.
Sabi nila, ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak pero para sa akin ay hindi kailanman nakakabawas sa pagkakalalaki ang umiyak. Ibig lang sabihin nun, ay nagpapakatotoo sila.
"V-vander I'm sorry if I cause you this so much pain. Pero—"
"Please, take me... Let me love you Raven... para sa huli ay wala akong pagsisihan. I rather to have a sad ending but I have you, than beautiful ending but I don't have you." Putol nito sa akin. "Please, give me a chance... please Raven."
Parang dinudurog ang puso ko sa kanyang pagsusumamo. Bakit ba pakiramdam ko ay ang hina ko pagdating kay Vander. I am slowly breaking and changing. Ang dating matayog na paninindigan ko ay unti-unti ng natitibag ng dahil sa kanya.
Hindi ko inakala na darating ang araw na malalagay ako sa isang sitwasyon na kung saan ay mahahati ako sa alam ko kung ano ang tama at mali pero parang hinihila ako ng mali palapit at inilalayo ako sa tama.
Bakit ang mundo ay puno ng ganitong uri ng pakiramdam? Bakit hindi na lang lahat ay masaya? Napatitig ako kay Vander na ngayon ay unti-unti ng tumitingala sa akin. Namumula ang mga mata nito bakas ng pag-iyak nito.
"I promise you, I will not be an obstacle to your path and your dream. I will support you all the way. I will not be the kind to stop you from pursuing your dream. If you have problems, share the burden with me. If you cry, I will make you happy to pay those tears back. If you are alone, let me accompany you in your path so you won't be lonely. And if you fall, I will catch you with both of my arms wide open." Saad niya sa akin na bakas sa mga mata nito ang katotohanan ng bawat salitang iyon.
Kumalabog ng malakas ang puso ko at parang nahihipnotismo ako sa kanyang mga mata. Para akong hinihigop kaya wala sa sarili akong napasagot.
"O-okay." Tanging naisagot ko habang nakatitig ako sa kanyang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro