Wakas
Nagising na lang ako na sa pagsusulat nawawalan na ng gana
at ang tinta ko'y paubos na...
Sa pag hawak ko sa'king pluma,
dating emosyon sa puso ko di na makapa.
Ngayong ika'y wala na at ang pagmamahal ay unti-unting nabura.
Lahat ay naglaho na at hindi na babalik pa...
ang ikaw at ako,
ang dating tayo,
mga kwentong isinulat ko sayo,
mga letra ay unti-unting lumalabo.
Ito na ang wakas ng kwento at wala nang magiging karugtong pa nito...
Pilitin ma'y di na magbabago pasya ng tadhana'y ito.
🦋
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro