LARONG PAG-IBIG
LARONG PAG-IBIG
—🍂
Habol-habulan, ang larong sinimulan
Larong madaya sapagkat dalawa ang naging taya.
Hahabulin kita habang tumatakbo ka para maabutan siya.
Masakit na ang mga paa ko ngunit patuloy ka parin sa pagtakbo,
Hindi ka man lang lumingon sa likod mo sapagkat ang maabutan siya ang tanging layunin mo.
Nong napagod ka, sabi mo balik sa umpisa. Palitan ang unang laro ng Patintero.
Napangiti na lang ako,
dahil pakiramdam ko dito na ako mananalo, may pag-asa nang ako'y mapansin mo.
Ngunit hindi pala lahat ng akala'y nagkatotoo.
Minsan paasa rin pala ang larong ganito.
Hinarang na nga kita pero linampasan mo lang ako.
Syempre gagalingan mo nandon kasi siya nakatayo sa dulo.
Hindi masama ang umaasa wag lang sumobra, kasi sinasabi ko masakit talaga.
Laro'y nag-iba, ngayon ay Taguan na.
Tago-taguan sa ilalim ng buwan
Wala sa likod, wala sa harapan
Magbilang ng tatlo at magtatago na ako
Isa
Dalawa
Tatlo
Lumipas na ang ilang minuto
Pero walang dumating na ikaw para hanapin ako.
Lumabas ako mula sa pagtatago at natagpuan ko na lang ang sarili na nag-iisa, wala ka na.
Ako'y nagpalinga-linga pero ni anino mo'y diko na nakita pa.
Sana hindi na lang ako nagtago pa
Sana nanatili na lang akong nakatayo sa gilid mo, panigurado di mo parin naman mapapansin ang presinsiya ko
dahil tanging siya lang ang nakikita ng mga mata mo
At sana ngayon dika nawala sa buhay ko.
Pagod akong naglakad pauwi,
Masakit ang aking buong katawan ngunit mas masakit ang sugat na tinamo ng puso kong sawi.
Sa laro ng pag-ibig walang madali,
lalo na kung ang taong minahal mo may ibang iniibig.
Ang pag-ibig ay pakiki-pagsapalaran, di mo alam kung ano ang magiging kahihinatnan.
Pero tandaan mas maganda kong iyong susubukan, wag matakot na sa huli ikaw ay magiging luhaan.
Sa pag-ibig, tamang panahon lang din ang kaylangan.
Minsan ang laro ng pag-ibig ay di makatarungan, ngunit walang pagpipilian lalo na't puso ang kalaban.
Laban lang hanggat wala kang nasasaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro