Siguro nga
Siguro nga hindi ako ang pinaka maganda,mabait,matalino at perpektong babae sa buong mundo..
Marami kong nagagawang pagkakamali na nakakaapekto sa relasyon na to..
Pero sana naman sa kabila ng lahat ng maling mga nagawa ko ay di mo makalimutan lahat ng mga bagay na ginawa ko para sayo
Para mapangiti ka lang bago matapos ang araw mo..Para mapasaya at mapagaan ang loob mo..Para damayan ka sa halos lahat ng problemang dumating sa buhay mo..At para lang iparamdam sayo na mahalaga ka at may pakinabang ka sa mundo na to..Para iparamdam sayo kung gano ka kamahal at kahalaga sa buhay ko..
Sana maalala mo din lahat ng paghihirap ko sa relasyon naten na to..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro