Forgive or Forget
Ano nga ba ang mas mahirap gawin pag nasaktan ka?
Magpatawad o Lumimot??
To forgive or to forget??
Alam nyo kase minsan kung di man naten napapansin dyan sa dalawang option na yan tayo naiistuck eh..
Pero para saken parehas mahirap ang dalawang yan..Pero mas mahirap pa din syempre ang lumimot at burahin ang masasakit na nangyare noon..
Kase sa totoo lang madali lang naman talaga saten na sabihing nagpatawad na tayo eh na wala na ang lahat at ibaon na lang sa limot ito pero the moment na bumalik yong ala ala ng sakit..Ang nakaraan and at the moment na mag passed by yan di ba lahat ng galit..Inis..At sakit bumabalik yan?Lahat ng bakit at ano nagcocomeback yan?At sa bandang huli marerealize mo na lang na hindi ka pa pala handa..Magpatawad at magpakumbaba..Kase masakit..Masakit pa din pala..
Pero wag kang mag alala dadating din yong araw na mag kakaamnesia ka..Hindi literal na amnesia ah kundi amnesia wherein burado na sya sa iyong mga ala ala..At don papasok ang tunay na pagpapatawad..The moment na hindi mo na maalala yong pait na iyong naranasan and finally Don mo na din makukuha ang yong kalayaan mula sa isang sakit na nagawa mo ng kalimutan
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro