
CHAPTER 8
🍬
"Ma'am Misca totoo ba na nag-break kayo nung gwapong nilalang sa picture frame na nakalagay sa table mo?"
"Iniintriga mo ba ako Patricia?" Pagsusungit ko dito. "Gusto mong bigyan kita ng memo?"
Ngumiti ito. "Ito naman si mam ang seryoso. Ito na po magbabantay na ulit ako ng juice counter."
Bumalik na ito sa may counter at nagbantay doon. Lumapit sa kin si manager which is nagtaas din ng pwesto ko dito sa open restaurant. Waitress din ako dito bago naging supervisor sa beverages and desserts na counter.
"Buti at sinungitan mo ang batang yun ang hilig hilig mang-intriga." Sabi ni Ma'am Grace.
"Sinisindak ko lang ma'm alam mo naman yun hinde titigil kung di pagsasabihan."
Tumingin ito sa mukha ko at nagtaka ako. "Mukhang umiyak ka yata ng bongga. Halata ang pamamaga ng mata mo. Kung gusto mong magpahinga pwede kang mag-leave kahit ngayong araw lang na to. Kinausap din ako ng dalawa mong kapatid na bigyan ka ng leave." Si Kuya Alex at kambal naman ipinagpaalam pa ko. Alam naman nila na kakayanin ko. "Nag-aalala din naman ako sayo dahil empleyado kita. Kailangan mo minsan magpahinga lalo na kung di mo kaya."
Tumango ako dito at tinanggap na ang leave. "Sige po ma'm mag-leave ako ngayon. Maraming salamat..."
"Your welcome." May binigay itong paperbag sa kin. "At dalhin mo na yang pagkain. I requested it to Yuki na ipagluto ka ng Japanese Cuisines, I know how much you love it."
Ngumiti ako ng may pagpapasalamat. Kaya di ko maiwan ang open restaurant kahit may ibang offer sa kin sa ibang bansa. Napakabait kasi ni Ma'am Grace at ni Boss Jasper which is ang may-ari ng open restaurant. They cared about their people so much. Lalo na sa panahon ngayon ang hirap maghanap ng mabait na mga boss.
"Alam na alam niyo talaga favorites ko mam."
Ngumiti ito. "Oo naman inaraw araw mo naman kasi."
Tumawa ako ng mahina. "Kayo naman mam pero salamat dito mukhang mageenjoy ako sa leave ko."
Nagpaalam na ko dito at kinuwa na ang mga gamit ko sa may locker. Tinanggal ko ang name tag at ID ko. Linagay ko na to sa bag ko kasama ng iba kong gamit. Kumatok din ako sa office at nagpaalam sa iba pang mga empleyado at kasamahan ko sa trabaho. Sabi ng mga ito wag na daw ako mag-alala at makakahanap rin daw ako ng forever ko. Tumawa lang ako sa mga sinabi ng mga ito.
Wala ng pag-asang makita ko ang forever ko. Kaya I'm not hoping anymore masaya na ko sa estado ng buhay ko.
Habang naglalakad lakad ako ay nakita kong dumaan ang mga regulars sa open restaurant si Sir Oliver at Sir Anthony, kasama din ng mga ito si Boss Jasper. Huminto ito sa mga harap ko.
"Pinauwi ka na pala ni Grazilda ko, buti naman kung ganu'n. Alam mo naman ayaw kong maghysterical ang kambal mong yun."
Tumawa ako ng mahina. "Oo nga po eh."
"May sakit ka ngayon, Misca?" Tanong ni Sir Anthony
"Broken hearted yang favorite niyong supervisor ng open restaurant."
"Aba anong karapatan ng lalakeng yun saktan ang peborit naming visor? Gusto mo bang pabugbog natin? Madami akong private bodyguards at pwede ko silang utusan."
Tumawa ako sa sinabi ni Sir Oliver may-ari kasi ito ng isang training center para sa mga pumapasok ng police, military at iba pa. He was a professional trainer himself at may mga tauhan nga ito gaya ng sinabi. Pero I know how to ride in his jokes.
"Ano bang pangalan ng lalakeng yun, Misca. Ipapahack ko ang account sa mga tauhan ko at sirain natin ang buhay nun."
Isa pa to si Sir Anthony, may-ari naman ito ng isang IT company kasosyo ng kuya ko pero kung si kuya ay sa local and asian industry namamayagpag si Sir Anthony ay sa US at Europe. Kaya di sila nagkakaconflict dalawa.
"Kayo naman mga sir, wag na po. Ipagpapasadiyos ko na lang po ang kaluluwa nito."
Tumawa ang mga ito sa sinabi ko. "Basta alam mo na pag gusto mong maghigante, nandito kaming dalawa ni Anthony. Lapitan mo lang kami and we are to the rescue."
Ngumiti ako. "Maraming salamat ng marami mga sir. Kaya madaming naiinlove sa inyo eh."
"Ayan ang gusto namin sayo Misca eh. Magaling kang mambola sa mga tiga lupang katulad namin." Sabi ni Sir Anthony at nagtawanan ulit ang mga to. Biglang may kinawayan ito sa likod ko. "Hoy Hansel nandyan ka pala, lika dito. Ipapakilala ka namin sa peborit naming visor."
"Aba ngayon lang napadpad yang si Hans dito." Sabi ni Boss Jasper. "Pre nagutom ka ba at bumili ka pa ng pagkain sa Open restaurant ko?" Tanong ni boss sa Hans ang pangalan.
Di naman siguro ito ang Hans na naiisip niya noh? That will be kind of impossible, right?
Narinig ko ang yabag ng kabayo na palapit sa pwesto namin.
"Galing kasi ako sa meeting di na ko nakakain kaya dumiretso na ko sa Open Restaurant mo para bumili. If you don't mind." Kaboses niya si Hans, no no no!
"Walang problema sa kin pre. Ikaw pa."
"Sino ba yang papakilala niyo sa kin, Anthony?"
"Misca meet our very good friend at member din ng Rancho Paraiso, Hans Isabel." Pagpapakilala ni Sir Anthony.
My God di ako makalingon is this real? Mukhang totoo ngang nandito ito sa dami daming lugar ba't dito pa kami magkikita. Mali, the right question is ba't pa kami pinaglalapit?
"Misca?" Nagtatakang tawag ni Hans sa pangalan ko dahil di pa rin ako tumitingin sa direksyon nito.
"Misca may problema ba? Mukhang namumutla ka kasi?" Tanong ni Sir Oliver.
I clear my throat and my voice become raspy. I turn my head on the other side para di makita ni Hans. "Sorry mga sir, medyo pagod lang ako."
"Is that so?"
Dumaan ang shuttle at pinara ito ni Boss Jasper. Dahilan para pumunta sa left side ang kabayo ni Hans pati rin ang kay boss.
"Sumakay ka na Misca at ng makapagpahinga ka na." Sigaw nito sa kabilang side, kinausap nito ang driver.
Nagmadali akong sumakay sa shuttle at lumingon sa right side para di ako makita nito. Nagpaalam ako kina Sir Anthony at Oliver, i-text ko na lang si Boss Jasper sa pagpapasalamat ko mamaya.
Di ko napigilang di lumingon sa likod. Nakita kong nakatingin si Hans sa direksyon ng shuttle na sinasakyan ko at nanlake ang mata nito. Lumingon agad ako sa harap. Mahabaging langit don't let him recognize me.
"Misca!"
Napapikit ako ng tinawag nito ang pangalan ko. He still recognize me kahit umaandar na ang shuttle. Napakalinaw naman ng mata nito.
"Kuya pakibilisan ang sasakyan, wag niyong hayaan mahabol kayo ng kabayong yun." Pero mukhang mahahabol yung shuttle dahil ang bagal ng takbo.
Napakamot si kuyang driver sa ulo. "Normal speed na po ito ma'm."
I just lean on the chair disappointedly anong laban ng mabagal na shuttle na to sa kabayong tumatakbo. Kinuwa ko ang mentos sa bag ko at ngumuya. Well napakaswerte mo talaga Misca. Nang maghulog ang kalangitan ng kaswertehan wala kang nasalo.
Huminto ang shuttle ng malakas dahilan ng muntik naming pagkasubsob sa harapan buti at nakahawak kaming lahat.
"Sir Hans ba't naman po kayo huminto sa harap ng shuttle. Muntik ko na po kayong mabangga." Sigaw ni kuyang driver.
He really blocks the shuttle, how great!
"Sorry Kuya Isko, I just need to confirm something."
"Ano bang ginagawa mo Hans!" Sigaw ni Boss Jasper.
"Pre pabantay muna kay Dex. Importante lang talaga ito, salamat." Ang tinutukoy nito siguro ay ang kabayo.
Sumakay ito ng shuttle at nakita ako nitong nakaupo sa harapan. Mukhang masayang masaya ito na nakita ako nito, samantalang ako naman ay hinde. Ba't ba kailangan nitong habulin ang shuttle.
"Misca..." He sweetly calls my name. Tumingin ito kay kuyang driver. "Kukunin ko lang yung isa sa mga pasahero mo, Kuya Isko."
Hinatak ako nito patayo at sinama palabas ng shuttle. Nakita kong umandar na ang shuttle at umalis.
"Ba't mo tinangay si Misca?" May pagtatakang tanong ni Boss Jasper.
"I know her..." Tumingin ito sa kin at ngumiti. "Right?"
Kinalas ko nang marahas ang kamay nito, narinig ko ang pagtawa ng mahina ni boss. "Mukha ngang magkakilala kayo, dahil nagawa pa ng pinakamabait na visor ko na alisin ng malakas ang pagkakahawak mo dito eh."
Huminto ang mga kabayo nina Sir Anthony at Sir Oliver sa amin.
"Anong nangyari?" Tanong ni Sir Oliver.
"Wala naman... Lika na kumain muna kayo sa Open Restaurant ko. Payamanin niyo ko."
Hinatak na ni Boss Jasper ang dalawa at bumuntong hininga ako. Nakita kong dinala nito ang kabayo sa harap ko. Nagulat ako ng iangat ako nito sa ere at pinaupo ako sa kabayo.
"Umayos ka ng upo baka malaglag ka."
Mahal ko pa ang buhay ko kaya inayos ko ang pagkaupo ko at sumakay na ito sa likuran niya. Ang galing galing talaga ng araw na ito. Bakit ngayon pa talaga, ka kagaling ko lang sa break up eh. Di ba pwedeng pause muna.
Wala na talaga, kailangan ko din minsan sumuko.
🍬
Dinala ako nito sa isang mini park sa may Rancho Paraiso. Naka pwesto kami sa sementadong cottage at hinain nito ang pagkain na inorder nito. Kinuwa na rin nito ang paperbag ko at hinain ang pagkain ko. Inabot ko ang chopstick at kumain ng tahimik.
Wala akong balak makipag-usap dito. Gusto ko nga lang makauwi at makapagpahinga. I'm still affected sa break up ko kahapon. Then biglang sumulpot naman ito na parang kabute. Ginulo pa nito ang nanahimik kong buhay. Masaya na ko na di makita ito.
"Are you alright?" Walang imik ako at kinain ko ang sushi. Narinig kong bumuntong hininga ito. "Did you hate me that much, Misca?" Tinuloy ko lang ang pagnguya ko. Wala naman akong kailangan sabihin dito at di rin naman kami mag-kaibigan para magfeeling close ito sa akin. "How about your phone?" Oo yung phone na binato niya na walang pakundangan. Binigay ko kay kambal sabi nito kaya pa namang ayusin. Kailangan lang palitan ang mga piyesa. "Pwede bang sumagot ka naman sa mga tanong ko." Padabog kong linapag ang chopstick ko mukhang nagulat ito sa ginawa ko. I grab the cola at binuksan, ininom ko ito. Kinuwa ko ulit ang chopstick at kumain.
Ngumiti ito ng malungkot sa ginawa kong pakikitungo. Anong gusto niya maging masaya ako? Matapos ng mga ginawa niya sa kin noon. Yes, I'm bitter pa rin and I will always be. Especially he is my first love at nagawa niya kong saktan. Ang malala pa ay pagsalitaan ako ng masama. I will not forget how he calls me desperate and a jealous one. Nakatatak na sa utak ko yun at auto recorded na lahat ng mga sinabi niya sa kin. Lalo na ang pagprotekta nito sa babaeng yun dati kahit ako ang mukhang dehado that time. Bukod sa nasampal ay nasabunutan pa ko.
I quietly eat my food without minding him pero ito ay nakatunganga lang at di ginagalaw ang pagkain. He was staring at nothing like he is controlling his inner turmoil. Kung ayaw niya kumain bahala siya. Maya maya ay gumalaw na ito at tumingin sa kin na may hinanakit.
Anong gusto niya makonsensiya ako dahil ganito ang pakikitungo ko dito? Why not blame his own self then.
"Sinabi ko sayo dati Misca na wag ka kaagad magagalit pag nag-away tayo and I will fix all our problems once I calm down. Pero di yun ang nangyari." Huminga ito ng malalim but I hear his desperate breathing like he was hurting. "You leave me at di na nagpakita. And you even concluded na break na tayo." Pumikit ito. "I just want a cool-off not a break up, Misca..."
Pinatong ko ng malakas ang chopstick ko at ininom ang coke in can. Tinignan ko ito ng masama, nakakasira siya ng appetite. Seriously!
"Tapos ka na?" Parang nagrereklamo ito sa nangyari sa relasyon namin. Di ba dapat ako ang magalit dito? "Ako naman ang magsasalita para kasing ako ang may mali sa pinupunto mo."
He was hurting I know, pero mas nasaktan ako sa relasyon namin. Anong gusto niya magpakatanga ako habang pinagsasalitaan niya ko ng masasakit na bagay. Hinde ako martyr!
"Bakit nga ba, nakikipag-usap ka pa sa isang desperate at easily jealous na babaeng katulad ko?" Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mata nito sa sinabi ko. "It's a good thing na hinde ka na hinahabol ng desperate na katulad ko, di ba?" I'm brave but it's hard to see him like this. Minahal ko rin naman ito ng husto dati kaya nga mas pinili kong lumayo. Tumingin ako sa pagkain so I can't look at him in the eyes. "At wala na ring babaeng magseselos sayo tuwing malapit ka sa ibang babae. It's a good thing right? So bakit ka pa nagrereklamo ngayon sa akin?" I laugh bitterly. "And I almost forgot, you will not see a desperate girl begging for your love and asking for your affection while crying endlessly dahil mas pinili mong kampihan ang kaibigan lang kaysa sa girlfriend." I unintentionally shrug my shoulder. "Di ka na mag-iisip pa kung sino pipiliin kasi umalis na yung desperate girl na katulad ko. If you think about it magandang balita yun di ba? I don-"
Marahas nitong tinaas nito ang baba ko dahilan para makita ko ang galit sa mata nito. He was furiously mad sa sinabi ko. Wala namang mali sa sinabi ko dahil totoo naman lahat ng yun.
"Stop saying desperate, Misca! I never look at you like that!"
I remove his hand from my chin and laugh while covering my mouth. "That's funny! But you said it back then in front of my face and also in front of those people." I look at his eyes. "I was humiliated as hell, Hans." Sinabi ko ng nasasaktan. "Sinabi mo sa kin yun while protecting that girl." I clap my hands and straigthen my posture. "Oo nga naman kailangan mo protektahan ang babaeng yun kasi kaibigan mo siya. Friendship matters right?" I said sarcastically while looking at him.
"Misca..."
I look at him innocently kahit nasasaktan na ako sa mga sinasabi ko. He has open a wound that I'm trying to forget.
"Baka makalimutan ko rin kasing sabihin ito." I breathe in. "I love you Hans pero yung pinakita mo sa kin nung araw na yun... It's like a slap on my face gaya ng ginawa ng friend mo." Tumango pa ako. "Yes, you're friend na sinampal ako ng walang ka amor amor at dahilan. So ginantihan ko siya ng sabunot to be fair, actually it's not fair pero at least I get my revenge." I breathe out. "Ayun na nga I just realize na mas importante pala ang friendship kaysa sa girlfriend. Nakita ko pa nga kung gaano ka mag-alala sa kanya kaysa sa kin. Dahil mabait naman ako, ako na ang nag-adjust para sayo kaya lumayo na ko. Baka mapagod ka pa eh. Nakakahiya naman sa inyong dalawang magkaibigan. Yung girlfriend na yung nag-adjust sa kamalditahan nung friend." I look at him seriously. "So I leave because ang cool off gaya din ng break up so why am I the one in fault? Di ba dapat ikaw?" I put my hands in front like stopping him to whatever he said. "Oh I'm sorry wala ka nga palang kasalanan, it's all my fault. Sige na I'm sorry. Pwede na ba yun? Pwede na ba ko umalis? Gusto ko rin naman kasi umiyak dahil kagagaling ko lang sa break up kahapon. If you don't mind, Hans."
Tumayo ako at bago ako umalis lumingon ako dito. He was really hurting I know pero mas nasasaktan ako dahil di man lang siya nakapagsalita sa lahat ng mga sinabi ko.
"Alam mo ba kung ano pa ang mas masakit, Hans?" I asked him without any emotion. "When I receive an image at nakita ko kung paano mo halikan ang sinasabi mong kaibigan mo lang. The friend over girlfriend?" He was clenching his hand. "So I hope you don't mind, wag mo na kong lapitan. Because we already broke up na kasi." I smile before turning around and leave the park.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro