CHAPTER 6
🍬
"Ang tagal na ninyo ni Hans noh? Di ba siya nasasawa sayo?"
"Gusto mong awayin kita, Daisy?"
"Ito naman di mabiro." Hinampas ako nito ng pabiro sa braso.
Nasa cafeteria kami ng university at kumakain ng lunch namin bago ang next class. May isa pa kasi kaming subject. And 5 months na kami ni Hans and he was so sweet to me. He was the perfect boyfriend for me and I know we love each other. Hindeng hinde ako magsasawang mahalin ito.
"Ayaw ko ng ganyang biro." Dinedma ko ito at kinain ang inorder kong lunch.
"Ito naman sorry na! Para magbago ang mood mo."
Kinalabit ako nito at tinuro ang direksyon ni Hans. Kakaway na sana ang kaibigan niya ng pigilan niya ito. Nakita ko na may kasama itong babae na maputi at sexy gaya ng type ni Hans. And Hans smiles at him sweetly, the same way he looks at me.
"Sino ang babaeng yun?" Takang tanong ni Daisy. "Nambabae ba ang boyfriend mo?"
"No, mahal ako ni Hans alam ko yun."
Pero bakit sa nakikita ko ngayon parang kinakabahan ako. That girl really looks familiar, i check my phone at nakita kong nagmessage si president ng fans club.
| I'm sorry sa nangyari sa relasyon niyo ni Hans. |
Napareply ako dito. | What do u mean with that pres? |
May sinend ito na image at nawasak ang puso ko sa nakita ko. Si Hans hawak ang bewang ng babae kanina while kissing the girl in the lips.
He was cheating on me, umiling ako baka nagkakamali lang ako.
"Misca..." May pag-aalalang tanong ni Daisy sa kin at ngumiti lang ako dito.
"Bakit?"
"Don't smile like that. Alam ko kung peke ang mga ngiti mo, magkababata tayo."
"Sorry I was just confused..."
Tumingin ito ng galit. "You are not confused, you are hurt."
I will face him sa court mamaya at pag nandun ang babaeng yun I will fight with her. Ako ang girlfriend ni Hans at hinde ito. Kaya wag siyang mag-feeling.
"Boyfriend ko si Hans at ipaglalaban ko siya."
Bumuntong hininga ang kaibigan niya. "Seryoso ka dyan? Paano kung talagang sila pala?"
"Hinde ko malalaman yun kung di ako pupunta mamaya sa court."
"Sasamahan kita, okay?" Tumango ako.
I promise him that I will love him as long as I can at kasama dun ang pagtitiwala sa kanya.
🍬
Pumasok kami ng court ni Daisy at lumapit kay president. Malungkot na ngumiti ito sa akin.
"Ba't ka pa pumunta dito, Misca?"
"Bakit president? Girlfriend ako ni Hans at may karapatan ako as long as hinde pa kami break."
Bumuntong hininga ito at tumingin sa direksyo ng may bench nandoon ang babaeng yun. Ang babaeng nasa picture na sinend sa kin ni president. It breaks my heart but I need to be strong. Di ako pinalaki ng magulang at mga kuya ko na maging duwag.
"President..." Tawag ko dito na nakatingin pa rin sa babaeng nasa player bench.
"Yes?"
"Nakasalalay sa mangyayari ngayon ang pagkalas ko o hinde sa fans club."
Napasinghap ito sa sinabi ko, dahil pag napatunayan ko na babae talaga ito ni Hans. I will never forgive him as long as I'm living. Isusumpa ko siya at ang babaeng pinagpalit niya sa kin.
"I understand."
Tumingin ako kay Daisy. "Sasamahan mo ko di ba?" Siya lang ang kailangan kong support ngayon.
"Of course." Matapang nitong sabi.
Bumaba na ko pababa at pumunta na sa may bench ng mga players. Kung saan nakaupo ang babae at humarang ako sa harap nito. I smile bravely at the girl.
"Pwede ba tayo mag-usap ms?"
Ngumisi ito, tumayo at sinampal ako ng malakas. Napatingin ako ng masama dito. Wala siyang karapatan sampalin ako! Kinuwa ko ang buhok nito at sinabunutan ito ng malakas. Napasinghap ito dahilan para magkagulo sa loob ng court.
Kala ba niya di ko siya papatulan sa ginawa niya sa kin. Siya ang nauna so I will give her the pleasure.
"You are crazy!"
"Oo lalo na pagsinampal ako ng walang dahilan!"
Nagsasabunutan kaming dalawa ng paglayuin kaming dalawa ni Hans at nasa side ito ng babaeng ito. At tinignan ako ng matalim ni Hans, he never looks at me like this.
Nakita ko kung paano ayusin ng babaeng yun ang buhok nito. Samantalang ako wala akong pake. I was frustrated and I need clarification in everything!
"You stop that Misca!" Sigaw nito sa kin.
"Stop what! H-"
"Sinabunutan mo si Yesha, just so you know!"
I exasperately breathe out. "Pake ko kung Yesha ang pangalan niyan! Bakit sino ba siya!"
"She is my friend!"
"And I'm your girlfriend para lang malaman mo, Hans!" Naluluha na ko sa galit. "You are even on her side gayong siya ang nauna! Sinampal niya ako na walang dahilan!"
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito ng napatingin sa mukha ko but the next thing he said broke my heart into pieces and makes me much more angrier.
"It's just a slap, Misca! You don't need to grab her hair dahil lang dun!" Mukhang nagulat ito sa sinagot nito pero he ignores it.
Tumingin ito ng may pagaalala sa babae at hinawakan pa nito iyon. Samantalang ako na girlfriend hinde nito nagawang aluin ng ganun. Ano ba ako sa buhay nito!
"Wow how heroic!" I said sarcastically dahilan para mapalingon ito sa sinabi ko. "Salamat sa concern ha! I really appreciate it."
He looks at me with no emotion. "Let's have a cool off, Misca..." I look at his eyes he really said that to me? Cool off is the same as breaking up. "I don't need a desperate and a girlfriend who gets jealous easily." Sinampal ko ito sa sinabi nito.
Doon na tumulo ang luha ko, he has no right to treat me this way! Bakit wala ba akong karapatan magselos? And desperate? I can't believe he said that to me. 5 months ko siyang boyfriend dapat alam niya kung anong klase akong babae. He just hurted me so much.
"Misca..."
Hahawakan sana nito ang kamay ko when I slap his hand. I don't need his pity. Magsama sila ng babae niya! Ito naman ang mas importante kaysa sa kin di ba!
"And I don't need a boyfriend who protects and believe another girl than his girlfriend."
Tumalikod ako dito at pumunta kay president na nasa baba na rin. Ngumiti ako ng malungkot dito, they are my friends also kaya masakit sa kin mag quit. But I want to forget Hans.
"I'm quitting president, maraming salamat sa lahat. But I just can't support him anymore." Yumakap ako dito for the last time bago umalis.
You will never see me again Hans. I curse you and that girl forever!
🍬
"Misca..." Tawag sa kin ni Daisy habang nakaupo kami sa bato sa may park.
"Sorry Daisy kung nakikita mo kong ganito ah." Inaalis ko ang luha sa mata ko. "It's my first time to be in love pero niloko lang ako ni Hans. The picture that president send is the proof." I breathe in. "She was kissing the girl in that image."
"Nasaan?"
Binigay ko dito ang phone ko at napasinghap din ito sa nakita.
"Akala ko mahal niya ako, hinde naman pala. He cheated then breaks up with me. How great!"
Yinakap ako nito. "Sorry wala ako nagawa kanina."
"Just being with me there and also here is fine."
Narinig ko ang pag ring ng phone ko si kambal ang tumatawag. Pinindot ko ang answer button.
'What happen, Misca!' Napaiyak ulit ako ng malakas sa tanong ng kambal ko.
'Misco he breaks up with me because of that girl!' Huminga ako ng malalim. 'Di niya ko mahal!'
'I know... Nang malaman ko ang ginawa nun sayo kay Andrei. I punch him wala siyang karapatan para saktan ka! Ginanti na kita kaya wag ka ng umiyak...'
'Kambal! Nasa'n ka na!'
Inalo alo ni Daisy ang likod ko while I'm crying heavily on her side. She looks sad while looking at me.
'I'm coming nasa mini park ka di ba?'
Alam ni kambal kung san kami madalas tumambay ni Daisy. He really knows me very well.
'Oo'
'Sige papunta na ko sabay na tayong umuwi.'
Binaba na nito ang phone at linagay ko ulit ito sa bulsa ko. Sumandal ako sa balikat ni Daisy.
"Sorry Daisy akala ko malakas ako pero mahina pala ako."
"No Misca. You are strong, yung harapin mo nga lang sila para malaman yung totoo. You are the bravest one. And I love that about you kaya wag ka ng umiyak." Linagay nito ang braso sa likod ko at tinapik ang balikat ko.
May nareceive akong message sa mama ni Hans at iniinvite ako sa dinner. I smile sadly, napakabait pa naman ni Tita Haydee. She was like my 2nd mother pero mukhang di na kami magkikita ulit. Nagreply ako dito for the last time at sinabing break na kami ni Hans before I block her number pati ang kay Hans. Pati sa social media I block them, I just don't want any communication with him.
He just hurted me in the worst way.
Nakita ko ang kambal ko at napatayo ako. Tumakbo ako palapit dito and he hugs me tightly. Umiyak ulit ako sa kambal ko, I'm like a kid who is crying very loudly.
"Daisy pumasok ka na sa klase niyo. Ako na ang bahala sa kambal ko. Maraming salamat at di mo siya iniwan."
"Of course di ko kayang gawin sa kapatid mo yun." She pats my shoulder. "Anong gusto mong sabihin ko kay Hans pag tinanong ako nito tungkol sayo?" Tanong sa kin ni Daisy.
"Just give him a middle finger!"
Tumawa ito ng mahina. "Copy. Sige una na ko Misco, alagaan mo yang si Misca."
Umalis na si Daisy at mukhang papunta na sa klase namin. Bumitaw si kambal sa kin at pinunasan ang luha sa mata ko, he really looks mad.
"Pag nalaman to ng mga kuya natin. They will be very mad." He gently removes my tear by his handkerchief. "Kung ako nga galit na galit sa ginawa ng lalakeng yun. Paano pa sina kuya?" Nagaalala akong tinignan nito. "Lalo na si Kuya Alex, alam mo kung gaano tayo inaalagaan nun."
"Ayaw ko ng mag-aral dito kambal... Ayaw ko na siyang makita..."
Tumango ito. "Gagawan natin ng paraan yan."
Hinatak na ako nito habang umiiyak pa rin ako dahil sa mga nangyari. Because I'm still hurt as hell at hinde ko pa rin nakakalimutan yun.
🍬
I saw a three luggages na nasa baba pagkatapos namin kumain ng dinner. And it was carried down by Kuya Alex. Sina nanay at tatay ay nagulat din sa ginawa nito.
"Nanay at tatay wag niyo na kong pigilan. I will take the twins with me in Manila." Ang mga luggage na pink at blue ay sa amin ni kambal. "Pag-aaralin ko sila and I will never let anyone hurt Misca again. If taking her in Manila is the way, gagawin ko." He looks so mad. "I warn that kid pero ginawa pa rin niya. So he better take the worst consequence of all!"
"Alexander kumalma ka lang." Sabi ni tatay.
But my brother looks like he finally gets to the conclusion. Mukhang desidido na itong dalhin kaming dalawa ng kambal ko. At ang dalawang kuya niya ay mukhang approve din sa desisyon ni Kuya Alex.
"Tatay wag niyo na kong pigilan." Tumingin ito sa kin. "Why not ask my baby sister? Sinabi niya sa kambal niya na ayaw na niyang mag-aral sa university na yun, which is sinabi sa kin ni Misco."
Tumingin sa kin si tatay. "Totoo ba yun anak?"
Napayuko ako at umiyak pinalapit ako ni tatay. Yinakap ako nito ng mahigpit pati na din si nanay.
"Wag ka ng umiyak, sige sumama ka na sa kuya mo. Pero tumawag ka araw araw at bumisita pag summer break. Gusto naming makita pa rin kayong tatlo." Yumakap ito sa kin. "Mamimiss ko kayo ng kambal mo."
Si nanay ay umiiyak habang yakap kaming dalawa ni kambal. "Mag-ingat kayo dun. Wag ka ng magalala Misca pupunta ako sa university niyo bukas at ipapadrop ko ang mga subjects niyo. Para makalipat kayo agad ng bagong university."
"Don't worry nanay at tatay, I already called the university they will transfer. And they accept transferees kaya wala ng problema. Kahit hinde ka na po pumunta nanay, yung university na papasukan nila ang mag-aayos ng lahat. They will start their new class next week."
Tumango ang magulang nila sa sinabi ni Kuya Alex. Alam kong may tiwala sina nanay at tatay kay kuya kaya di na ito kumontra pa. Pero mamimiss ko silang lahat dito.
"Nanay at tatay I'm doing this for Misca. Please understand me..."
"Pero bakit pati si Misco?" Tanong ni nanay.
"Nanay naman para naman mapaghihiwalay mo yang dalawang yan. Baka magulat ka na lang bigla pag wala na dito si Misco kasi sumunod sa min." Tumawa kaming lahat kahit malulungkot kami. "Kaya pati si Misco dadalhin ko na. Bibisita kami every summer break ng kambal I promise you that."
"Sige na umalis na kayo. Alagaan mo ang kambal." Paalala ni tatay.
Tumango si kuya. "I promise I will take good care of them."
"Pag may nangyari sa kambal, alam mo na ang mangyayari sayo Alex." Banta ni Kuya Floyyd.
Tumawa si Kuya Alex "Fine you can punch my beautiful face then."
May binigay naman na paper bag si Kuya Philip sa aming dalawa ni kambal. Pinigilan kami ni kuya na buksan ito.
"Buksan niyo na lang yan pag nasa Maynila na kayo. Balak ko sana iregalo sa inyo yan next month. Pero mukhang advance gift na." Humalik si kuya sa pisngi ko at nagfist bump naman sa kambal ko.
"Di na kami magtatagal nanay at tatay. Aalis na kami." Tumingin si Kuya Alex sa kin at hinalikan ako sa noo. "Everything will be alright now, Misca. Don't worry..."
Dinala na ni Kuya Floyyd at Philip ang luggage namin palabas. Isa isang linagay ni Kuya Alex ang mga luggages sa likod ng compartment. Bago tumakbo si kuya kinausap ko muna si nanay saglit at pinaalalahanan na alagaan ang mga snow globes ko. Tumawa ito at ginulo ang buhok ko. Pinatakbo na nito ang sasakyan.
I will miss my parents and my brother pati na rin si Daisy. At naalala ko si Hans, I cried when I think about him. You just wasted my love for you, gayong sobra kitang mahal. Pinagpalit lang ako sa kamukha ni babaeng silka. Maging masaya ka sana sa taong pinagpalit mo sa kin, magdusa sana kayong dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro