CHAPTER 4
🍬
"Hans Isidro do you take Misca Eris Canlas as your lawfully wedded wife. For richer and for poorer and better or for worst?"
Tanong ng estudyante na naka pang pari na costume pati yung setting ng kasal kasalan akala mo'y totoo di naman. Tumingin si Hans sa mata ko at ngumiti ng sobrang lawak. Bakit nga ba nahatak ako nito at di man lang ako kumontra.
"I do." Saad nito.
"You, Misca Eris Canlas do you take Hans Isidro as your lawfully wedded husband. For richer and for poorer and better or for worst?"
Napatingin ako sa paligid at nakita ko sa isa sa mga nakaupo na guess ang kambal ko at nakalagay ang braso sa dibdib. Napangiwi ako patay ako nito, mukhang di nito nagustuhan kung ano ang nakikita nito ngayon.
Humigpit ang hawak ni Hans sa kamay ko dahilan para bumalik ang atensyon ko dito. He was looking at me desperately to say yes. Wala rin naman akong lakas para tanggihan ko ito. Ultimate crush ko rin naman ito eh. Yun nga lang nagtataka ako bakit ako hinatak nito sa may student made na kasal kasalan na ito. Sigurado kasi ako na cute ako pero di ako type nito.
Oh well mamaya ko na lang ito tatanungin.
"Yes."
Ngumiti ito sa kin na ginantihan ko ng ngiti. Sinuot nito ang singsing sa kin na aking ginaya. Napatingin ako sa singsing at nagtaka? Di ba fake wedding lang ito, bakit silver na singsing ang nakikita ko ngayon. Tumingin ako ng nagtataka dito pero inosente lang ako tinignan nito.
"I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride." Liningon ko ang estudyante na nag-announce at tinignan ng masama.
Ba't ako magpapahalik sa di ko naman boyfriend. Tumingin ako kay Hans at tinaas nito ang belong suot ko. I give him a warning look pero di nito iyon pinansin at hinawakan nito ang gilid ng pisngi ko ng dalawang kamay. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nito, he will really kiss me. I close my eyes not to see it and I realize his lips touch my forehead. Kaya nagmulat na ako ng mata. He just gave me a naughty smile to prove na naloko ako nito.
Kinuwanan kami ng picture ng isa sa mga photographer while we grasp each others hand together para makita yung singsing. Nagrequest na rin ako sa cellphone ko para ipapasa ko kasama nung mga picture ko kanina.
🍬
"I'm really sorry, Misca."
Hinging paumanhin nito sa stage marriage namin kanina. Kasi nabigla din ako sa ginawa nito pero no hard feelings, cool naman ako at kayang makisabay. Pero for sure balita na sa fansclub yung kasal kasalan namin.
"Bakit mo nga ba ginawa yun Hans." I relaxly asked mukhang nagtaka ito. Wala naman kasi akong kailangan ikagalit basta ma explain nito kung bakit.
"Di ka galit?"
"I'm not basta mapaliwanag mo ng maayos kung bakit."
Tumango ito at huminga ng malalim. "Nakita ko kasi yung kababata ng kapatid ko." So anong relate nun sa stage marriage namin? "May gusto kasi sa kin ang kaibigan ng kapatid ko."
Natahimik ako sa sinabi nito. So ibig sabihin ginamit ako nito para maipakita sa babaeng yun na may mahal na itong iba which ako nga even though it's fake. Napabuntong hininga ako I'm actually hurt, mas mainam pang dahilan na ginamit ako nito para lumayo ang fangirls nito. At least he doesnt treasure it, this girl he was saying is mostly special para gawin pa nito iyon. Pero ano nga ba magagawa niya nangyari na.
Ngumiti ako ng malungkot dito, hinubad ko ang singsing. Nasaktan ako even though wala naman kaming matatawag na relasyon. Eh sa ultimate crush ko to. Linagay ko ang singsing sa kamay nito.
"Okay lang, mukha namang successful eh." Tumayo na ko. "Sige mauuna na ko."
Medyo nasaktan rin ako siguro lilipas din naman to. Matapang naman akong babae at hinde umaatras sa kung ano. Tumalikod na ko at paalis na ng hinawakan nito ang kamay ko para pigilan ako. Nagulat ako ng hinalikan nito ang palad ko na nagbigay ng ibang kilabot sa kin. Napalingon ako dito and I look at him seriously which he also did.
"Don't leave." Sinuot nito ulit ang singsing na tinanggal ko.
"What are you doing, Hans?"
"Bagay sayo ang singsing na binili ko." He gently touch my hands and my fingers. I blush in what he did. "I will buy you more expensive one in the future." Bulong nito na narinig ko at nagpatibok ng puso ko ng tuluyuan.
He just said that he will buy me a much more expensive one than this ring I wear. Bakit? If he said something like this baka yung crush ko ay matuloy sa pagiging love. I was controlling myself kahit ultimate crush ko siya because ng magkacrush ako sa kanya, I decided na I will take my distance. Fan is just a fan kaya magkalayo ang agwat namin sa isa't isa.
"Hans..."
Tumayo at tumingin ito sa kin habang hawak pa rin ang kamay ko. "Nakalimutan kong sabihin sayo..." He pulled me closer and he gently lean our foreheads together. "Pwede bang maging girlfriend kita? Alam kong medyo mabilis and you are shocked pero gusto talaga kita. Hinde lang dahil sa ginamit kita kanina." He breathes slowly. "I really like you Misca, I really do."
"Hans sigurado ka ba dyan? Pag nahulog ako sayo baka hinde mo ko saluhin."
Tumawa ito ng mahina. "Why do you have to fall? Yayakapin kitang mabuti para di ka mahulog. I want you to hold on me tight and not fall out of my sight. So pwede bang maging girlfriend kita?"
Ngumiti ako sa sobrang saya, ba't ako tatanggi he said he likes me. And I have a crush on him already kaya ba't pa ako magpapakipot kung ito na ang umamin.
"Why not! Crush na crush kita ba't naman kita tatanggihan."
Yumakap ito sa kin at tumawa ng malakas ramdam ko ang vibration dahil dun. He sounds so happy, I was happy also.
I will try my best para mainlove ito sa kin.
🍬
"May nabalitaan kami." Putol ni Kuya Floyyd sa tawanan sa mesa.
Lumingon ako sa kambal ko at inisnob ako nito. Mukhang nagtampo ito dahil di ko sinabi ang tungkol kay Hans dito. Eh paano ba naman kakasagot ko lang naman dito kanina. I never hide my secret to my twin sanggang dikit kaya kami nito noh.
Bukod sa kapatid, ito na ang bestfriend ko at tagapagtanggol ko maliit pa lang ako. He was my super duper twin.
"Ano yun kuya?" I send a warning sign to my twin brother. Ngayon pa talaga ako linaglag nito gayong ito ang kailangan niyang moral support.
"Nabalitaan namin sa kambal mo na may pinakasalan ka daw sa marriage booth ng university ninyo. Sino siya?"
Nakita kong ngumiti sina nanay at tatay sa nalaman dahil wala pa naman siyang nagiging boyfriend kahit kailan. Kumbaga parang good news ito sa magulang ko pero mukhang hinde sa mga kapatid ko bukod lang kay Kuya Alex na relax.
Napabuntong hininga ako. "Boyfriend ko kuya."
"At kailan ka pa nagkaboyfriend ng hinde dumadaan dito?"
"Dumaan na siya." Patay malisya kong sagot.
"Kailan?"
"Nung isang araw, siya ka ngayon."
Napasinghap ang nanay niya at tumango ang tatay niya. Mukhang natuwa ito sa narinig. Samantalang ang tatlong kapatid niyang kontra at napatayo sa gulat.
"Talaga Misca? Yung gwapong batang yun?"
"Opo nanay!" Masaya kong sabi.
"Akala ko ba kaklase mo lang yun?"
Tumingin ako kay Kuya Floyyd. "Oo nga."
"Paano mong naging boyfriend?" Di makapaniwalang tanong nito.
"Kakasagot ko lang sa kanya kahapon. Magpapakipot pa ba ako kuya, matagal ko ng crush yun si Hans."
Tumawa si Kuya Alex at umubo ng peke nung tinignan siya ng mga iba pa naming kapatid.
"Kayo naman masyado niyong binabantayan masyado si baby sister. Dapat matuwa tayo at inlove na siya." Wika ng Kuya Alex niya na mukhang suportado sa kanya.
"Ano ka ba Alex, mamaya kung ano gawin sa kapatid natin ng lalakeng yun!" Kontra naman ni Kuya Philip.
"Kaya nga Kuya Alex." Pag sang ayon naman ng kambal niya.
Ano ba naman itong mga to masyadong protective sa kin. Di man lang ako suportahan sa first boyfriend ko, minsan na nga lang ako magkagusto eh. Narinig namin ang pagkatok ni tatay sa lamesa dahilan para tumigil sa pagtatalo ang mga kapatid niyang lalake.
"Tumigil na nga kayong apat." Saway ni tatay at tumingin sa kin. "Dalhin mo dito ang boyfriend mo Misca at ng makilatis namin. Gayong kita mo makareact ang mga kapatid mo."
"At siya ka..." Napalingon ako kay Kuya Alex. "Pag sinaktan niya ang kapatid natin hindeng hinde na niya makikita ito. Kilala niyo ko mga mga kapatid ko." Ngumisi ito.
Mukhang ang tinutukoy nito ay pagpapaaral sa min ng kambal ko sa Maynila. Gusto kasi nito pag aralin kami ng kolehiyo nito sa Maynila na tinanggihan ng mga nakakatandang kapatid namin. Kaya nauwi na lang sa pagbibigay ng sustento si Kuya Alex.
Sa Maynila na kasi nangungupahan ang kapatid niyang yun gawa ng trabaho nito at iba pang trainings. Umuuwi lang ito sa bahay pag day off ito.
"Kuya Alex di ako sasaktan ni Hans."
"Pag sinaktan ka lang naman niya baby sister."
"Alam mo Kuya Alex nakakatakot ka." Sabi ng kambal niya na ikinatawa ng huli.
"Okay na ang lahat dadalhin na ni Misca ang boyfriend niya bukas kaya magsitigil na kayo at kumain na ulit tayo." Sabi ng nanay niya.
Tinuloy na namin ulit ang kwentuhan kanina. Pero paano ko kaya kakausapin si Hans tungkol dito gayong kahapon lang naging kami nito. Bahala na nga bukas kung ano mangyayari.
🍬
"Ano yung nabalitaan namin, Misca!"
Tanong ng president ng fans club ni Hans at napangiti ako ng tipid dito. Sabi ko na nga ba aabot ito sa Hans Divine eh. Lalo na madaming nagkakacrush sa boyfriend niya, isa na nga siya dun.
"President naman..."
"Magsabi ka ng totoo, Misca. Kayo na ba?"
"Ah... President."
"Misca!"
Napalingon ako sa baba ng court sa pagtawag sa kin ni Hans. Napansin ko din ang paglingon ng mga members ng club pati mga players. Pero naagaw na naman ni Hans ang atensyon ko. He smile sweetly while looking at me. Parang nagkaroon kami ng sariling moment at hinde ko namalayan ang paligid ko. Kung di ako kinalabit ni president baka nakatingin pa rin ako sa mata ni Hans.
"So?"
Ngumiti ako ng nahihiya. "Opo eh. Sorry president ha!"
Pinanggigilan ni president ang pisngi ko.
"Sana sinabi mo agad hinde naman kami magagalit sayo. Kita mong suportado ka din namin. Sa lakas ng loob nabighani mo si Hans. Iba ka talaga Misca!" Tinulak nito ang likod ko. "Sige na tinatawag ka na ng boyfriend mo. Nandito lang kami para i-cheer ka."
Na-touch ako sa sinabi ni president di ko akalain na welcome pa rin ako sa fansclub at di ako tinanggal. Kasi yung iba magagalit pa sayo sila hinde, they accepted me. Tumango ako kay president at pumunta na sa pwesto ni Hans.
Pagkalapit ko kay Hans ay hinaplos nito ang mukha ko.
"Ayos ka lang mukhang kinurot ka nung babae sa taas." Tinignan nito ang parteng namumula. "Parang nagkaroon ka ng natural blush dahil sa ginawa nung babaeng yun." He smiles.
"Ganu'n ba? Bagay ba sa kin." Pagpapacute ko dito at tumawa ito ng malakas.
Napalingon ang mga ibang players at members ng fanclub nila dahil sa ginawa nito. Namula ako dahil dun, ako lang ba ang nakakapagpatawa kay Hans ng ganito. Kasi pakiramdam ko napaka espesyal ko walang halong biro.
He tenderly looks at me. "Oo bagay sayo." Natakpan ko ang bibig ko. A habit that I always do pag nahihiya ako. "Napakacute mo ngayon." Kinuwa na nito ang douchbag nito. "Lika na."
Hinatak ako palabas nito ng court. Kumaway ako sa mga ka fanclub ko para magpaalam kasi hatak hatak na ako ni Hans. Inayos nito ang hawak sa kamay ko at pinagsaklob ang bawat daliri. And I smile at this feeling, this feels so good and lift up my mood.
Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong saya.
Habang naglalakad kami ay nagtanong ito. "Kasali ka pa rin ba sa fansclub na yun?"
"Oo bakit?"
Nakita kong namula ito. "You really support me that much and I think I love it."
"And I love supporting you also."
"That's why I really like you. You don't hide the fact na gusto mo ko and you are being honest."
Napatingin ako dito habang nakatutok ang atensyon nito sa paglalakad. I look at our hands that is linked to each other.
I smile widely. "Ako rin I like the fact that you can make me smile this easily. Thank you."
"You know what." He stopped walking and turns to me. I look at him curiously. "Gusto kitang yakapin na ngayon but I don't want anyone to see you blush. Dapat ako lang ang makakita nun. So let's go."
Tumuloy na ulit kami sa paglalakad. I was smiling so big, he is really sweet. It's a right thing na sinagot ko ito kung hinde magsisisi talaga ako ng sobra.
"Misca wala ka na namang klase di ba?"
"Oo bakit?"
"Wala na rin akong klase. Let's meet your parents and also..." Ngumiti ito kahit ang atensyon nito ay nasa daan. "I will introduce you to my mother and my sister tomorrow."
Huminto ako sa paglalakad at napahinto din ito.
"Ayos lang ba sayo na makilala ang pamilya ko? Kung hinde ka pa handa pwede natin ipostpone."
Nagtaka itong tinignan siya. "Ayaw mo ba ako ipakilala sa pamilya mo, Misca?"
Gustong gusto ko itong ipakilala para malaman ng mga kapatid niya na karapat dapat si Hans sa atensyon na binibigay niya. Na hindeng hinde siya nito sasaktan gaya ng sinasabi ng mga kuya niya.
"H-hinde Hans! Gusto ko makilala mo ang pamilya ko." Huminga ako ng malalim. "Baka kasi ma hotseat ka sa bahay. Kilala ko kasi mga kapatid ko."
Ngumiti ito at hinalikan ang pisngi ko. "I will be fine, I will prove myself to them para maging panatag sila sa relasyon natin." He hold my hands tightly. "So stay by my side at suportahan mo ko. That's all I want." Tumango ako bilang sagot.
Di ko siya iiwan at susuportahan ko siya dahil ako ang pinili niya sa dami ng babae. Ako yung espesyal na babae na pinagkatiwalaan niya kaya hindeng hinde ko siya iiwan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro