CHAPTER 3
🍬
"Nabalitaan ko na dumating si Kuya Alex. Musta na ba siya pogi pa rin ba siya?" Tanong sa kin ni Daisy.
"Di na iba, nasa lahi namin ang kagandahan."
Napangiwi ito sa sinabi ko at ngumiti lang ako ng malawak. Bigla itong umiling pagkatapos. Nakatambay kami sa isang mini park sa loob ng campus at nagkwekwentuhan may valentines event kasi sa campus. Kaya required na kumuwa lang kami ng mga picture na nasa loob talaga kami ng uni. 5 picture maximum ang required ng mga professors na kailangan namin ipasa tomorrow.
May kinuwa ako sa bag ko na nakabalot at binigay kay daisy.
"Wow dried mangoes, salamat Misca." Ngiti nitong pasasalamat. "Magugustuhan ito ni mama. Alam mo naman yun mahilig sa pasalubong." Linagay na nito ang binigay ko sa bag.
"Kaya nga linagyan ko ng extra kasi kilalang kilala ko si tita." Ngumisi ako dito. "Alam kong manang mana ka dun."
Hinampas ako nito at tumawa ako sa ginawa nito. Kahit kailan pikon talaga ang isang ito, binibiro ko lang naman. Napatingin ako sa mga couples sa paligid. Araw ng puso ngayon pero wala man lang akong love life sa special event na ito.
"Di ka ba naiinggit sa kanila." Nakatingin ako sa mga couples na nagholding hands at sa kung ano pang event na nangyayari sa gitna ng mini park na ito. "Mukhang happy happy sila."
Nagtaka akong tinignan nito. "Kung di lang naman si Piolo Pascual ang mga taong iyan wala akong pakialam."
She waves her hand para malaman nito na wala akong interes sa bakla nitong crush. "Gege goodluck sa pagsinta mong mas sexy sayo."
"Adonis kaya si Piolo Pascual!"
"Talaga ba?" Tumayo na ko. "Bahala ka na nga dyan kung ang story mo lang naman sa akin is yung iiniirog mo na mas malande pa sa ating dalawa."
Nginusuan siya nito. "Hampasin kaya kita nitong bag ko."
Ngumiti ako at hinatak ito sa pagkakaupo nito. "Di ka na mabiro, alam mo namang napakagandang lalake ng iniirog mo." Oo kasi mas maganda pa sa aming dalawa si Piolo Pascual. "Kaya wag ka ng magtampo dyan, wala na magtuturo sa kin ng mga unique recipe pag nagalit ka. So..." Nag-beautiful eyes ako. "Bati na tayo at happy lang."
She have a satisfied smile sa sinabi ko. "Buti naman."
Nagulat ako ng may humiwalay sa amin ni Daisy at linagyan ng posas ang kaibigan niya. At siya rin ay nagulat mukhang biktima ng event sa school ang kaibigan niya. Ayaw pa naman na nadadawit ito sa mga ganitong event.
"Pasensiya na ma'am pero tumapak po kayo sa red spot kaya kailangan kayong hulihin." Nanlaki ang mata ng kaibigan.
Napatingin ako sa pulang bilog na inaapakan nito. Kala ko design lang yun at di ko pinansin.
"What! Magbabayad kaagad ako ng piyensa."
"Kailangan po opposite sex ang magbayad ng piyensa sa paglabas ninyo."
Hinatak na ito ng dalawang gwardiya sibil at sumunod ako dito. Nakakatawa ang itsura nito ng linagay sa human made na selda. In all fairness mukhang realistic. Kinuwa ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato si Daisy.
"Anong ginagawa mo at kinuwanan mo pa ako. Humanap ka ng tutulong sa kin bilis." Makareact naman kasi ito parang aping api. Event lang naman ito sa school.
"Loosen up Daisy. Chill ka lang dyan." May kinuwa akong flier at binigay dito.
May nakalagay kasi doon na ang mag-claim sa kanya ay makaka date niya sa buong araw na ito. May gwardiyang sibil na magbabantay hanggang sa matapos ang specific time na gusto nang nagpiyensa.
"What is this?"
"Ang magpiyensa sayo ay makakadate mo." Tumabi ako sa selda nito at nagpicture para sa ipapasa ko bukas. "Mukhang okay ito ah." Ngumiti ako ng makubuluhan dito. "Una na ko, syempre yaw kitang maistorbo sa magiging ka date mo. Ciao~"
"Misca wag mo ko iwan dito!" Nagflying kiss ako dito.
Naglakad ako palayo ng tumatawa. Minsan kailangan ng kasiyahan ng kaibigan niya, masyadong seryoso ito sa buhay. Di niya ako gayahin relax lang. Napangiti ako sa naisip ko.
Nasaan kaya si Hans for sure nasa isa sa mga event yun.
Habang naglalakad lakad ay nakita kong nasa mga stall ito at nanginginain ng kung anong pagkain na binibenta. Isang shot muna na picture para may 2 out of 5 na kong picture. Lumingon ako kung nasaan ito kanina pero nawala kaya hinanap niya ulit ito. Nakita naman niya ito sa stall ng hotdog stand kaya pumunta ako doon. Bibili ako para it's a coincidence lang na parehas silang nandito.
"Isa nga pong corndog ate. Palagyan po ng mayo and ketchup."
"Misca?"
Lumingon ako dito at kunyaring nagulat. "Hans ikaw pala. Aba mukhang ang dami mo yatang pinamili."
May dala dala kasi ito na kung anong pagkain sa paperbag na mukhang iuuwi nito sa pamilya pagkatapos. Kinuwa nito ang hotdog in a bun na order bago ngumiti ng tipid sa kin.
"Ipapasalubong ko sa mama at kapatid ko."
Inabot ko ang bayad sa nagtitinda na estudyante at kinuwa ang corndog na nakalagay sa carton na lalagyan. Nginuya ko ito at masarap pala ito.
"Kaya pala." Kumain ulit ako ng corndog habang nakikipag-usap dito. "May kasama ka? Mukhang naka disguise ka yata pero nakilala pa rin kita." Tumawa ako ng mahina.
Nakasuot kasi ito ng fake wig na parang anime inspired kasi tirik tirik ito na kulay red.
"Ako lang mag-isa. Gusto ko lang ma enjoy ang event na walang lumalapit sa kin na fan girl."
"Pero fangirl mo ako?"
So ayaw pala nito sa mga katulad ko. Nakakasakit naman ng feelings. Kumagat ulit ako sa corndog dahil sa sama ng loob.
"Pero ako naman ang bumati sayo at siya ka..."
"Siya ka ano?"
Kinuwa ko ang panyo ko at pinunasan ang bibig ko baka kasi madungis na ko. Nakakahiya naman sa harap pa ng crush ko.
"Magkaibigan na tayo di ba?" Ngumiti ito.
Natulala ako sa pagngiti nito sa kin. Did I do something good para biyayaan ako nito ng super duper handsome smile. Para akong hinele ng kalangitan at pinadala sa kin si Hans para pagainin ang puso ko. Binigyan din nito ng saya ang damdamin niya kaya napangiti ako ng malawak.
"Nakakahiya naman pero salamat ha." Tinuro ko ang stand sa may dulo. "Punta tayo dun sa japanese stand baka may takoyaki dun."
Ako na ang nauna doon at pumunta ng stall. Nakita ko si Andrei na nagbebenta doon. Anong ginagawa ng lalaking ito dito.
"Naghihirap ka na ba ngayon, Andrei?"
"Hampasin kaya kita nitong chopstick." Tumingin ito sa likod ko. "Aba kasama mo si kumpareng Hans. Bigatin ka talaga Misca." Pangaalaska nito sa kin.
"Batukan kaya kita dyan. Pabili nga ako ng takoyaki, tonteiyaki at yakisoba. Bigyan mo na din ako ng discount for two ang order ko ha!"
"Ang dami mo namang order."
"Nagrereklamo ka?" Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Di ba customer is always right?"
"Ito naman mamaya reklamo mo pa ako. Dagdagan mo na din ng black gulaman yang order mo pantagal ng bara." Habang piniflip nito ang takuyaki sa pan. "Ano?" Nginiti nito.
"O siya pati dalawang gulaman. Bilisan mo naiinip ako."
"Yan gusto ko sayo Misca. Galante ka eh!"
Linagay nito sa box na dalawa ang order na takoyaki.
"Nakita ko ang kambal mo Misca. Para kayong pinagbiyak, nakakatakot nga."
Ngumiwi ako, sarap talagang sakalin nito. Sabihan ba naman akong nakakatakot sa cute kong ito. Kung di lang to ang nagluluto ng order niya kanina pa niya sinipa ito.
"Bilisan mo na dyan!" Kinain ko ang last bite na corndog at tinapon sa basurahan ang kalat.
"Wag ka na mapikon dyan kay Andrei. Mahilig lang magbiro yan."
Pagalo sa kin ni Hans kaya ngumiti ako. Pasalamat ang Andrei na yan kung hinde lang nakiusap si Hans baka pinatulan na niya ito. Pumapatol ako kahit lalake yan.
"Sige na nga."
"O ito na order mo Misca." Binigay sa kin ni Andrei ang plastic at sago na inabot ko muna kay Hans para maibigay ko yung pambayad. "Salamat sa pagbili buti na lang may galanteng katulad mo na bumibili sa min."
"Tse!"
Umalis na ko sa stall na yun at umupo sa may park na ginaya naman ni Hans. Inabot ko dito ang isang gulaman at yung iba pang inorder ko kanina.
Ngumiti ito sa kin. "Kala ko para sayo lahat ng pagkain na yan."
Napalakas ang paghati ko sa chopstick. Anong akala nito sa kin sugapa sa pagkain. Binili ko yun libre sa kanya. Nangako kasi ako dito na ililibre ko siya dahil tinulungan niya ko kay kuya kahapon. Kaya di ako pinagalitan ng bongga nito.
Pero napanguso pa rin ako dahil dun.
"Hinde ah. Libre ko yan sayo."
Ngumiti ito ng malungkot sa kin, nagtaka ako. Bakit kaya nagiba ang ngiti nito may problema sa panlilibre sa kin nito.
"Pasensiya na dapat ako ang nanlilibre sa iyo. Di naman tama na magpalibre ako, babae ka kaya."
Napangiwi ako sa sinabi nito at binigay dito ang chopstick na tinanggap naman nito. Napaka feminist naman nito, ang babae ngayon is hinde katulad dati. Kaya din naman maging indepedent and all is fair na. Kung kaya manlibre ng lalake, kaya din yun ng babae.
"Libre ko yan dahil tinulungan mo ko kahapon sa kuya ko." Sinubo ko ang isang buong takoyaki. "Kaya wag ka ng manghinayang. Libre mo na lang ako sa susunod kung gusto mo."
"Talaga?" He gives me a hopeful look.
"Oo kahit sa Jollibee mo nga lang ako dalhin masaya na ko noh."
Tumawa ito ng malakas and I smile. I really love it when he laugh this naturally. Wala itong pake kung may lumingon sa direksyon nila dahil sa pagtawa nito ng ubod lakas. And that's what I love about him. Hinde kasi ito nahihiya kahit sino ang kasama niya. He will act as usual and relaxly around someone.
Hinde na siguro mababago ang pagtingin niya sa binata and she will look at him amazingly every time.
"Will you accept it if I invite you in the future?"
"Future?"
"Yes. Gaya sa mga expensive restaurants and hotels. Papayag ka ba?"
Tumawa ako sa inalok nito. Masyadong advance naman ito at siya ka mas magandang dalhin nito dun ay magiging future girlfriend. Nakaramdam ako ng kirot sa naisip pero binalewala ko iyon. A date in a fancy restaurant is everyone's dream.
"Tinatawanan mo ko?" Nakasambakol ang mukha nito.
"N-no." Nauutal kong pagtanggi. "Sige ba as long as wala kang girlfriend in that future papayag ako."
Napakunot ang noo nito. "Kailangan bang girlfriend lang ang dalhin sa mga expensive restaurants?"
"It's exclusive di ba na ang dalhin mo sa fancy restaurants ay ka date mo or girlfriend mo?" It's a privilege and happiness for the girl to be brought on those kind of place. "Pero kung wala kang maidadala dun in the future pwede mo kong hatakin." Hininaan ko ang boses ko. "Pero doon lang sa medyo di mahal ah. Baka di ako makagalaw at makakain ayaw mo naman siguro na may ka date na tumunganga lang sa lugar. "
Tumawa ito ng malakas at nakisabay na din ako tawa dito.
Pagkatapos namin kumain ng mga order which I realize malakas pa lang kumain si Hans katulad niya. Namasyal masyal kami sa mga event at mukhang nakikilala na si Hans ng ibang estudyante. Di naman kasing matatawag na disguise yung suot nito. Nakilala ko nga agad ito nung nakita ko. May biglang lumapit na babae dito at feeling close na umabresete kay Hans.
"Hans pwede bang invite kitang magpakasal doon?" Malandeng sabi ng babae na parang kawangis ni babaeng silka.
Sarap batukan nito, seryoso at balak pa kong gawin nitong photographer dahil binigay sa kin yung camera. Kunan ko daw sila ni Hans habang kinakasal. Binalik ko dito ang camera nito, nunka na kukuhanan ko sila.
"Hoy miss para lang sa kaalaman mo di mo ako photographer at makikiusap ka na nga lang iba pa tono ng boses mo. Di kita boss noh!"
"What did you say!"
"What did I say?" Inosente kong tanong. "I said what I said. If you didn't hear it better luck next time." Inisnob ko ito at tumingin kung sa'n wala ito sa peripheral vision ko.
"How dare you!"
Mukhang sasampalin ako nito ng maagap na hinawakan ni Hans ang pulsuhan nito. He looks at the girl madly. Mukhang di nagustuhan nito ang gagawin sa kin nung babae.
"Sorry miss pero you don't have any right to hurt my girlfriend."
Nagulat ang babae sa sinabi ni Hans, maski ako ay nagulat. Girlfriend? Hinde naman ako nito girlfriend eh. Ano kayang dahilan para sabihin nito iyon?
"Sorry Hans I didn't know..." Sabi ng babae at tumakbo na paalis.
Lumingon sa kin si Hans. "Ayos ka lang?" Tanong nito na may pag-aalala, lumambot ang puso ko dahil dito. "I'm glad you are alright."
Tumawa ako ng mahina. "Di pa ako sumasagot sa tanong mo, inunahan muna ako."
"Ang tagal mo sumagot eh." Napakamot ito sa likod ng ulo. "Sorry at sinabi kong girlfriend kita." Nahihiya nitong sabi.
"Ayos lang dahil dun di ako nasampal. Lagi mo na lang ako liniligtas, salamat."
He smiles again the same way he did awhile ago. A smile that takes my breath away and also makes me dumfounded. Hinawakan nito ang kamay ko dahilan para magkaroon ng kakaibang spark sa aming dalawa. Kahit ito ay nagulat pero ngumiti pa rin ito.
"Let's get married?"
Ano daw? Married? At hinatak ako nito sa isang marriage booth na walang kapalag palag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro