Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

🍬

"May problema ka sa kin?" Tanong ko sa babaeng silka na hinatak ako sa parke. Daan kasi ito pauwi sa amin.

Mukhang timing at dito talaga ako inabangan nitong babaeng to. May kasama pa tong dalawang galamay na napaka kapal ng make-up. Paguntugin ko kaya itong tatlong bugok na to.

"Wala kang karapatan dumikit kay Hans."
Inismiran ko ito. "Excuse me! Anong sinasabi mo na ako ang dumikit? Just for your info, siya ang tumabi sa akin." Linagay ko ang braso ko sa dibdib ko. "Kaya gumising gising ka dyan at wag kang pahara harang sa dinadaanan ko. Pumapatol ako babaeng silka."
"What! Did you just name me to some kind of cheap product! How dare you!" Sasampalin ako nito pero nahawakan ko ang kamay nito at tinulak ko ito ng malakas.
Pinagpag ko ang kamay ko. "Balak mo pa akong sampalin. Di nga nagawa ng magulang ko yan sa kin." Tinuro ko ang dalawang shuwariwap nito. "Ano balak niyo din sumugod sa kin? Siguraduhin niyong tatama sa kin yang mga kamay ninyo." I point at my feet. "May paa ako at kaya ko kayong sipain dalawa."

Tumakbo ang dalawang shuwariwap para sampalin ako ng may sumigaw sa likod ko.

"Anong ginagawa niyo kay Misca!"

Napahinto ang dalawang shuwariwap at lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Hans ito ah, ba't nandito ito. May kasama rin itong lalake na mukhang galing sa fairytale dahil blue eyes ito. Pero si Hans lang ang nakapagpabighani sa mata niya.

"Hans, she have pushed me. See this." Tinuro nito ang gasgas sa kamay nito dahil sa pagkabagsak. "She is mean."
"Hoy babaeng silka, kung mean ako hinde lang yan inabot mo sa kin. Ikaw ang humarang harang sa daan ko at hinatak ako sa park. Daan ko kaya ito pauwi." Tumingin ako sa relo ko. "Late na tuloy ako." Pinakita ko ang kamao ko dito. "Pag ako pinagalitan sa trabaho ko, maghanda ka bukas di lang yan aabutin mo. At wag mo na rin subukan tangkain na sampalin ako. Mas makakatikim ka pa sa kin ng mas malala." Nginusuan ko ito. "Pasalamat ka good mood ako kung hinde."

Nagkunyari akong susugurin ang mga ito ng tumakbo ang mga ito na nagmamadali. Kung makapaghamon ang tapang, mga duwag naman.

"Ayos ka lang ba, Misca?"
Ngumiti ako ng malawak ng lumapit ito sa kin. "Ikaw pala yan Hans, dito rin ang daan mo?"
"Oo daan din ito papunta sa min."
"Talaga? What a coincidence." Destiny talaga kami. Tumingin ako sa kasama nito. "May kasama ka pala."
"Oo kaibigan ko si Francis." Tumingin ito sa kaibigan. "Francis si Misca, kaklase ko yan sa isa sa mga subjects ko."
I offer my hands na tinanggap naman ng kaibigan nito. "Kasali din ako sa fans club ni Hans. Baka gusto mo sumali."

Tumawa ang kaibigan nito at pabirong sinuntok ito ni Hans sa may braso. Mukhang close na close nga ang dalawa.

"O siya mauuna na ko baka kasi magalit ang mga bossing ko." Paalam ko sa mga ito pero pinigilan ako ni Hans.
"Ihahatid ka na namin kung sa'n ka nagtatrabaho at para mapaliwanag ko kung bakit ka na late."

Nanlaki ang mata ko, talaga gagawin niya talaga iyon. Napakabuti naman nitong nilalang tama lang pala na ito ang inidolo niya. Bukod sa makakasabay niya ito pauwi, makakausap niya ito. Napakaswerte ko.

"Talaga?"
Ngumiti ito. "Oo naman, never naman ako nagbiro. Siya ka pasasalamat na din sa kanina." Tinabingi ko ang ulo ko, salamat saan? "Yung dun sa..." Naghugis ito ng square sa daliri.
"Ah... Yun ba? Maliit na bagay, pero if you insist." Umabresete ako sa braso nito. "Let's go!"

Syempre di ko palalampasin ang grasyang ito. Makapal naman talaga ang mukha ko so bagay na bagay lang sa kin lumambitin sa braso nito.

🍬

"Sino yang kasama mo?" Tanong sa kin ni Kuya Floyyd and panganay sa aming magkakapatid. Nakatingin ito paghawak ko kay Hans. "At di ka na nahiya, talagang umabresete ka pa ng ganyan."

Bumitaw na ko baka mag-drama na naman tong kuya kong ito. At siya ka baka masuntok pa nito si Hans, sayang ang gwapong mukha.

"Kuya wala naman talaga akong hiya matagal na." Nag warning look ito sa kin. "Oo na, kaklase ko sa isa sa mga subject ko. Hans at Francis si Kuya Floyyd ko pala."
"Kuya mo? Ibig sabihin..."
"Nagtatrabaho ako dito, not for free at may bayad."

Nakipag shake hands ang dalawa sa kuya ko at ngumiti na tinanggap naman ng huli.

Tumingin ng matalim ang kuya ko. "Nanliligaw ka ba sa bunso namin?"

Hinampas ko ito sa balikat, di na talaga nahiya to. Lahat na lang ng mga lalakeng kaibigan ko may interview portion dito. Kaya wala ng pumupunta sa bahay namin eh.

"Tumigil ka na nga dyan kuya. Nandito si Hans para ipaliwanag kung bakit ako na late."
Tumingin si Hans kay kuya. "Nakita ko po si Misca na hinirang ng isa sa mga kaklase namin, kaya po siya na late."
"At bakit ka naman hinarang, Misca?"

Napatingin ang mag kaibigan sa kin. Ito naman si kuya ba't kailangan pang itanong kung bakit. Yan tuloy na trap siya at hinde alam kung anong isasagot. Sa harap pa talaga ng crush niya, nakakaloka ka Kuya Floyyd.

"Eh kasi..." Pag-iisip ko ng maisasagot.
"Ano?"
"Teka nga kuya nagiisip ako ng isasagot."
Tumingin ng masama si kuya. "Ano talaga ang ginawa mo Misca?" Tumalim ang boses nito, sign na kailangan kong magsabi ng totoo or else may allowance will be on stake.
"Wala naman ako ginawa kuya. Nagkapikunan kasi kami nung babaeng silka then I pointed her to our prof. Ayun hinarang ako at wag daw ako makikipaglapit sa crush daw nito." Which is si Hans.

Para namang iiwasan ko ang ultimate crush ko para sa babaeng silkang yun. Hinde mangyayari yun manigas siya. Napakakunot noo ito sa sinagot ko. Bakit nagsabi lang naman ako ng totoo.

"Hinarang ka dahil ayaw nito makipaglapit ka sa crush nito?"
"Exactly kuya!" Buti na gets na din nito. Lumingon ako sa magkaibigan at ngumiti. "Maraming salamat sa paghatid at pagsabi sa pogi kong kuya." Tumango si kuya sa papuri ko. "Kung bakit ako na late sa trabaho. Lilibre ko na lang kayo pag may pera na ako."

Syempre kailangan ng palusot at ng magkaroon siya ng moments with Hans. Smart ata ako, this is a chance of a lifetime dapat di palagpasin. Ngumiti si Hans and he pats my head like I'm a kid.

"It's fine. Ayos na ba yung paliwanag ko sa kuya mo? Will you be alright pag umalis na kami?"

Napangiti ako sa pag-aalala nito, I feel so special pag ganito siya. Well it was a first of me, I never feel something like this before.

"Ayos na ko, sige na umuwi ka na Hans baka may gagawin pa kayo ni Francis."
"Sige, goodluck sa trabaho mo."

Tumango ako at nagpaalam na ang dalawa bago lumabas ng barber shop ni kuya. Napahawak ako sa pisngi ko, bukod sa gwapo ito ay nuknukan pa ito ng bait. Wala ba itong kapintasan? Samantalang ako di pinaglihi sa kagandahan at di masyadong nabigyan puro cuteness ang binigay sa kin. Tumawa ako ng mahina sa kayabangan.

Napasinghap ako ng pingutin ako ni kuya sa tenga.

"K-kuya! Ouch masakit!" Binitawan na nito ang tenga ko at ako naman ay hinaplos ko ang tenga ko. "Ba't mo naman ginawa yun kuya!"
"Dahil ba dun sa lalakeng yun kaya ka hinarang at na late ngayon."
"Hinde ah!" Tanggi ko pero tinignan ako ng masama ni kuya. "Fine! Magkatabi kasi kami kanina ni Hans kaya nagselos yung babaeng silka na yun sa kin." Di ko kasalanan na puro siya pa cute kay Hans at naalibadbaran ito dahilan para tumabi sa kin ang crush ko. "And it's not my fault kung bakit di siya tinabihan."
Napabuntong hininga si kuya at binigay sa kin ang mop. "Madami namang lalake dyan ba't kailangan pa sa lalaking yun."
Tinaasan ko ito ng kilay at tinanggap ang mop. "At bakit hinde kuya?"
"Hinde ka type nun." Wala nitong ka gatol gatol na sabi.

Kuya ba talaga niya ito? Hinde na lang siya suportahan.

"Type ako nun."
"Ang mga lalakeng tall, dark and handsome. Ang gusto ay tall, white and beautiful na babae." Tumingin ito sa kin at umiling. "Ikaw short, brown and cute. Kaya di ka type nun."

Sarap ingudngud kay kuya itong mop na hawak ko. Bakit dahil di ba siya model beauty, hinde na magkakagusto sa kanya si Hans? Full of charm kaya ako at di naman din ako pangit. Kaya walang problema sa akin. Napanguso ako at nagmop na lang sa may gilid. Di ko na lang papansinin yung kuya kong alaskador. Masisira lang ang araw ko.

Habang nagmop ako ng sahig may umakbay sa kin. Makakatikim ang sino mang hudas na ito dahil bad mood talaga ako ng bongga. Lumingon ako sa kung sino at napangiti. Yumakap na din ako ng mahigpit sa lalake.

"Kuya Alex ikaw pala yan! Kailan ka pa nakabalik at nasaan ang lechon ko."

Kinurot nito ang mukha ko. Galing kasi ito ng cebu dahil sa trabaho nito na flight attendant. Sabi ko pasalubungan ako ng lechon, pag umuwi ito.

"Syempre di ko makakalimutan ang pasalubong ko sa baby sister ko."

Tinuro nito ang karne na nakalagay sa isang kawayang plato na nakabalot sa foil at nakatali sa dahon ng kung anong halaman. Tumakbo ako papunta dun at binuhat ang lechon. Kahit maliit ako malakas naman ako. Kinuwa sa kin ni Kuya ang lechon at dinala papasok ng bahay. May malaking sliding door na pagitan ang barber shop at bahay namin. Pumunta na si Kuya Alex sa loob at linagay sa lamesa namin ang lechon. Nakita ko rin si Kuya Floyyd na dala dala ang mga luggage nito.

"Musta Alex napatagal yata ang pagtira mo sa eroplano ah." Biro ni Kuya Floyyd
Tumawa ng mahina si Kuya Alex. "Kaya nga eh, marami naman akong pasalubong sa inyo." Binuksan ko na ang nakafoil na lechon at kumuwa ng balat para nguyain. "Baby sister itigil mo nga yan at baka masira pa yang baboy."

Itinuloy ko lang ang pagngata ng balat kasi ang sarap. Tumawa ng mahina ang kuya niya.

"Nandyan na si Kuya Alex?" Tanong ng kambal ko na pababa ng hagdan.

Yes, may kambal ako na kamukhang kamukha ko. Nangyari lang na lalake ito at mas matangkad sa kin. Ba't kasi ako lang nagkulang sa height. Pero close kami ng kambal ko iba nga lang kurso nito kaysa sa kin kaya di kami masyadong nagkikita sa uni.

"Oo may pasalubong siyang lechon, yung request natin." Tumakbo na din ito sa lamesa at kumuwa ng balat kagaya niya. Mukhang nasarapan din ito. "Masarap di ba?"
Tumango ito. "Buti pala ito ang request natin kambal." Tumawa kaming dalawa.
"Tigilan niyo na nga yang lechon." Napailing si Kuya Alex. "Kayo talagang dalawa..."

Kumuwa ako ng pinggan at kustilyo at humati ng malaking tipak sa lechon. Magluluto ako ng lechong paksiw para ulam mamaya. Favorite ko kasi yung lechong paksiw at totoong lechon na matitikman niya yung hinde prinitong baboy na linagyan lang ng paksiw sauce.

"Gagawin mo dyan Baby Misca?" Nakita ko si kuya Philip na may dala dala sa paper bag at nakasandal sa sliding door.
Ang trabaho naman ni kuya ay sa isang cosmetic company at ito ay nagbebenta ng products ng naturang kumpanya.
"Magluluto ako ng lechong paksiw Kuya Philip."
"Talaga kambal?" Humati pa ang kambal niya ng ilang tipak sa lechon at linagay sa plato. "Pagluto mo na kaming lahat para masaya."

Tumawa ang mga kapatid niya sa sinabi ng kambal niya at kinurot niya ito sa tagiliran. Tumawa lang ang kambal niya sa ginawa ko.

"Ano na namang kaguluhan yan?" Nakita ko si nanay na pababa ng hagdan.
"Nanay!" Tumakbo ako dito at yinakap ito. Hinaplos nito ang buhok ko ng masuyo. "Nandyan ka na pala anak. Musta ang trabaho sa cebu?"
"Ayos lang nanay, madami akong pasalubong sa luggage ko. Kayo na lang po ang magbukas."
"Sus ikaw na bata ka nag-abala ka pa at nagdala pa ng lechon." Tumingin ito sa kin at ngumiti ako habang yakap pa rin ang bewang nito. "Mukhang kinain mo na agad ang pasalubong ng kuya mo at pinagtulungan niyo pa ni Misco." Lumapit din si kambal at yinakap si nanay. Ginulo ni nanay ang buhok naming dalawa. "Bitawan niyo na nga akong dalawa."
"Tatay!" Yumakap naman sina kuya kay Tatay nung makababa ng hagdan. Lumapit na din kami ng kambal ko kay tatay at yumakap.
"Ang dalawang bunso ko talaga." Hinalikan kaming dalawa ng kambal ko sa pisngi at humagikgik kami. "Aba may dala pala ang Kuya Alex niyo na lechon. Nasunod na naman ang gusto ninyo." Naglakad ito papunta ng lamesa at kumurot dun sa plato ng balat.
"Tatay kayo din naman gusto niyo yan." Sabi ni Kuya Floyyd. "Wag lang po kayo sumobra ah, baka tumaas ang highblood ninyo."
"Hinde ako sosobra at ipagluluto pa ako ni Misca ko ng Sweet and Sour Fish Fillet na tinuro daw sa kanila sa klase." Ngumiti ako kay tatay. "Alam niyong mas peborit ko ang isda kaysa sa baboy."

Mahilig sa seafood si papa kaysa sa baboy kaya nagka highblood ito is napadalas ang pagkain nito ng sugpo at karne nung pumunta sa probinsya namin. Inaraw araw ayun nadali at nahilo, kaya nagsimula magkaroon ng high blood.

Bumalik na ko sa lamesa at inayos na ang mga ingredients.

"Wag niyo ko iistorbohin sa kusina ah. Ako na magluluto ng lahat ng putahe."
Yumakap sa kin sina kuya. "Galing talaga ng baby sister namin, sige abangan namin ang luto mo ha. Sarapan mo ah."

Umalis na ang mga ito at inaya si tatay sa may sala para manuod. Tinaboy ko na din si nanay at ng mabuksan na nito ang mga dala ni Kuya Alex. Ang natira na lang sa may kusina ay si kambal.

"Ba't andito ka pa, kambal?"
"Syempre di kita iiwan, ako runner mo pag kulang ang mga ingredient sa lamesa mo. Ako ang dakilang tagabili."

Ito kasi ang tumatakbo sa palengke pag may kulang akong sangkap sa pagluluto. Maaasahan talaga ito, kambal talaga niya ito.

Ngumiti ako dito at hinalikan ito sa pisngi. "Salamat kambal love you."
Tumawa ito ng mahina at humalik din sa pisngi ko. "Love you too kambal ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro