CHAPTER 12
🍬
"I hear from him na may probationary relationship kayo." Paangil na sabi ni Kuya Alex. "What's really happening, Misca? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalakeng yun sayo?"
Mukhang galit na galit nga si kambal at si Kuya Alex sa pagpayag ko sa arrangement namin ni Hans. They are way too protective of me at ayaw ng mga ito na nasasaktan ako.
"Kuya pinaliwanag na niya kung bakit niya nagawa yun."
"At naniwala ka naman? Paano kung lokohin ka ulit ng lalakeng yun?"
"We are in a probationary relationship kuya. Pag linoko niya ko ititigil na namin ang arrangement."
Bumuntong hininga ito. "What if natapos ang probation then naging kayo at dun siya nagloko. Did you think about that Misca?" He frustratingly drink his glass of wine. "Kanina gustong gusto kong sapakin ang lalakeng yun pero nagtimpi lang ako. Hinde pwedeng parehas na mainit ang ulo namin ni Misco kung di walang pipigil sa kambal mo."
"Kuya Alex, wag na kayo magalit kay Misca. Parang di niyo naman siya kilala. Ipagtatanggol ni Misca ang sarili niya pagdehado na talaga siya." Pagtatanggol ni Daisy sa kin.
Umiling ang kuya niya, wala bang tiwala ito sa kin? Matanda na naman ako at kaya kong ipaglaban ang sarili ko kung magkakaroon ng maling ginawa si Hans.
"Daisy kilala ko nga ang kapatid ko kaya nga ako nagagalit. Kasi pag nainlove si Misca she easily forgives." Lumingon ito sa kin. "Dapat nga galit ka sa Clarence na yun but I didn't see it. You are way too understanding Misca. At alam mo ba kung bakit wala akong tiwala kay Hans?"
Tumingin ako kay kuya at umiling. Bakit nga ba wala siyang tiwala kay Hans. Iba rin kasi ang tingin nito dati sa binata, Kuya Alex was too much protective nung ka relasyon ko si Hans kaysa kay Alex.
"I see how he looks at you Misca. In love na in love sayo ang lalakeng yun in a sense that he can even manipulate you. Sa kanya ka lang nagalit ng husto, sa kanya ka lang umiyak ng sobrang tagal na inabot ka pa ng ilang years para magkaroon ng bagong relasyon. For sure hanggang ngayon you still love that guy. Kahit dinedeny mo sa amin yun for so many years, even though may relasyon kayo ni Clarence. I know you love that guy to the core higit pa sa mahabang relasyon ninyo Clarence."
Hinde ako nakaimik sa sinabi ni Kuya Alex because what he said is true. Oo mahal ko si Clarence pero hinde nito nahigitan ang pagmamahal ko kay Hans. Nanghinayang ako sa relasyon naming dalawa, oo naisip ko na I want to have a stable life with him. Pero dahil yun sa matagal na relasyon namin hinde dahil sa sobrang mahal ko siya. Sa pagpapakasal naman hinde lang pagmamahal ang kailangan, you need to find a guy who is compatible on your needs. I feel fine with Clarence kaya tanggap ko kung siya man ang makakasama ko sa pagtanda, mahal ko rin naman siya kahit hinde kasing bigat ng pagmamahal ko kay Hans. Kung di nga nagloko ito baka kami pa rin nito.
"Kuya mahal ko si Clarence."
"Yes, mahal mo siya pero hinde ganun katinde. Hinde kita pinipigilan sa pakikipagrelasyon mo kay Hans, Misca. But I want you to be smart, ayaw kong mahulog ka na naman ng sobra sa kanya. In the end ikaw yung umiiyak. I don't want to see you cry, ikaw lang kaisa isang kapatid naming babae. And we want the best for you."
Si kambal ay yinakap naman ako at naiyak ako. May tiwala sila sa kin ayaw lang talaga nilang masaktan ako ng husto. Because what kuya Alex said was true I was so much in love with Hans na I even look for someone with the same personality as him. And Clarence fit on the description, hinde ko nga lang to minahal gaya ng the same intensity ng kay Hans.
I didn't expect na makikita nila kuya ang damdamin na pilit kong tinatago.
Ngumiti ng malungkot si Kuya Alex. "Don't cry baby sister. Di naman kita pinapagalitan, I just want you to open your eyes and be wiser." He gives a menacing look that makes me shiver badly. "If that guy hurts you again. I will definitely kill him."
"Kuya Alex naman you are way too scary." Sabi ni Daisy.
"I'm serious." He breathes in. "Ituloy na natin ang pagkain."
Tahimik naming itinuloy ang pagnguya. And no one speak any word due to awkward atmosphere.
🍬
"Pasensiya na at ngayon lang kita nayaya sa buong araw."
Nagmamaneho ito palabas ng Rancho Paraiso. Sabi nito ay dadalhin daw ako nito sa isang restaurant. I'm really fine with Jollibee pero mukhang sa ibang restaurant ang direksyon namin.
"Ayos lang naman, Hans. Alam ko namang busy ka rin sa trabaho mo."
He smiles gently while his attention is in the road. "Thank you for the understanding, Misca. Oo nga pala..." His breathe become unstable. "I saw how your brothers look at me badly ng ipaalam kita sa kanila."
"They are just protective of me and... medyo nagkatampuhan lang kami ni kuya at kambal."
"Is that because of the probation?"
Well isa nga yun sa dahilan pero it's more about me falling in love with Hans. Ayaw nilang ako ang nadedehado sa relasyon. Which is true dahil sa huli ako yung umiiyak ng husto.
"Maybe but it's more than that." Tumingin ako sa labas.
The road we are going gets quieter. Madami kaming nakikitang kabahayan it's like a province. And I saw the foggy surrounding out of a cliff or something. Tagaytay ba ito? Ba't parang ang layo naman ng pinuntahan namin para kumain lang?
Maya maya ay huminto kami sa isang restaurant at nag-park ito. Giniya ako papasok nito sa isang restaurant. This place looks comfy even though it looks expensive at the same time. May lumapit sa min na staff.
"Kayo po pala yan Mr. Isabel. We have prepared your table for two and the usual spot you have always requested."
"Thank you."
Sumunod na kami sa staff and they brought us to the top view of the restaurant. This place looks beautiful. Hinatak ni Hans ang silya at umupo ako doon, that gesture is so sweet. Umupo na ito sa harapan niya.
"Do you like this place?"
Napatingin ako dito. Paanong di ko magugustuhan ang lugar na ito. Napakaganda ng view and it feels so great seating here. Lalo na ito ang kasama niya there is nothing wrong about it.
"Of course! Kala ko nga sa Jollibee mo ko dadalhin eh. Namiss ko na din kumain dun." Di na kasi siya madalas dalhin ni kambal dun dahil busy sa company nun yung isang yun.
"I will bring you there sometimes pero let's enjoy our dinner here, okay?"
Tumango ako, maya maya ay dumating na ang mga pagkain. Siguro nagpabook na kanina ito at umorder na rin si Hans ng pagkain bago kami makarating dito. Halos mga pinoy dishes ang mga hinanda sa min bulalo, sinigang, sisig, bangus at may mga manok pa. Medyo marami din, kaya ba naming ubusin ito.
"Ang dami naman nito?"
"Para marami kang pagpilian."
Pero sayang naman kung di mauubos. Kumuwa na ko ng ulam at kumain na ng tahimik. While I'm eating I notice Hans just watching me joyfully. Kaya napatingin ako dito.
"May problema ba?" Tanong ko habang kumakain.
Umiling ito. "Magana ka talaga kumain noh? Napansin ko yun nung tayo pa dati."
Napahinto ako sa pagkain. What he said is true mahilig talaga ako kumain. Ito pa nga ang lagi kong kasama sa pagkain sa labas pag busy si kambal. Nang magkahiwalay kami wala na ko masyadong makasabay kumain si Clarence naman is hinde rin palakain.
"Ikaw rin naman maganang kumain."
Tumawa ito ng mahina. "Yes lagi pa nga tayong magkasamang kumain sa labas. Kahit nga pagkain ng street foods pinapatos pa natin. I just miss those days."
Napangiti ako sa sinabi nito. Nakakamiss nga nung mga college pa kami. We do everything together dun sa 5 months na relasyon namin. Hinde nga kami mapaghiwalay nito. Di ko nga lang inaasahan na mangyayari yung mga kaganapan na yun dahilan para paghiwalayin kami nito.
"Oo nga that's a good old days." Tinuloy ko na ang pagkain ko.
"Naalala mo ba yung sinabi ko sayo na ililibre kita sa expensive restaurant?"
"I remember that, ito na ba yun?"
"Yes. Ang sabi mo I can invite you pag wala pa rin akong girlfriend, if the time comes." He chuckles. "You even said that kung dadalhin kita sa isang restaurant dapat hinde sa masyadong mahal. Does this restaurant suit your taste?"
I laugh softly. "I'm sure this restaurant is expensive."
"A little but not that very expensive."
Kumuwa na rin ito ng pagkain and he eat the same way. Akala ko mag-iiba na ang paraan nito ng pag-kain dahil mayaman na ito. Pero hinde he is still the same old Hans that I know. And I'm glad to know that he doesn't change that much.
The same person I fell in love with.
"Hans..."
"Yes?"
"Salamat sa libre." I smile.
"As long as I can see you this happy. Masaya ako na ilibre kita."
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako nito pauwi sa bahay ni kambal. I saw my twin open the door for us. He looks mad in seeing us together.
"Buti nakauwi ka na, Misca." He said coldly.
"Kambal naman not now okay." Lumingon ako kay Hans. "Salamat sa dinner, I really enjoy it."
Naging tahimik siguro ito dahil sa pagtrato ni kambal dito. Kahit naman ako mawawalan ng gana pag ganito ang turing sa kin.
"Why don't you come inside, Hans." Paanyaya ng kambal ko. "I really want to talk to you personally, regarding to my twin sister. If you don't mind."
"Stop that Misco!"
"Misca don't stop me, okay?" Sabi ni kambal. "Gayong di ka namin pinigilan ni Kuya Alex sa probationary arrangement ninyo."
Napapikit ako sa sinabi nito. Nag-aalala ako kay Hans mamaya kung ano na naman ang sabihin nitong masasakit na bagay. Especially me and Hans break up is really bad. Kaya siguro ganito ako protektahan ng mga ito. Kung nandito pa si Kuya Floyyd at Kuya Philip baka full force na talaga.
Ngumiti sa kin si Hans. "It's fine Misca. Let's talk Misco, if that's what you want." I saw my twin brother smirk, this one is mischievous and an evil incarnate. Baka kung ano gawin nito kay Hans. "Don't worry about me, okay?" He scratch my head.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at nakita kong nasa sala si Daisy, nanonood yata ng kung anong movie. Napalingon ito sa direksyon namin at nagulat.
"Daisy samahan mo ang kambal ko sa taas at wag mong pababain." Utos ni kambal.
"No, Misco!"
Nagulat ako ng yinakap ako ni Hans and press his lips in my right cheek. Like he was saying that everything will be fine. Kumawala ito sa kin at ngumiti, his typical smile. He looks so confident in his posture.
"Goodnight, Misca. Sleep well and dream of me okay?"
Di ko namalayan na hinatak na ako ni Daisy. While I'm staring at Hans figure habang palayo kami ng palayo sa lugar nina kambal. He don't need to prove himself pero lagi pa rin niyang ginagawa.
Why is he always like this...
🍬
"Wag ka na mag-alala sa kambal mo. You know they will never hurt the person you love, kahit gaano pa sila kagalit. Pwera na lang kung sinaktan ka nito ulit or may ginawa sayong masama."
Pangaalo sa kin ni Daisy, nasa connecting bridge kami at nakaupo. Gumawa kami ng well made tent at napagpasyahan na dun matulog parang camping. Tulad nung mga bata pa lang kami, nung wala pa kaming inaalala sa mundo kundi sarili namin.
"Alam ko naman yun, Daisy. Ayun nga lang kasi parang sumusobra na sila. Especially trial pa lang naman ang relasyon namin. Depende pa rin kay Hans kung magiging maayos itong arrangement namin."
"That's the point, Misca. Nakasalalay kay Hans kung magiging kayo. In that sense, kaya mas nag-aalala sayo ang mga kapatid mo."
Tumingin sa langit ang kaibigan ko. The sky has a lot of stars kumpara sa syudad. And it's much brighter, how I miss to relax once in awhile.
"Alam ko naman yun Daisy... Ayun nga lang nag-aalala ako kay Hans."
She smirks. "Kaya naman pala." Makabuluhan nitong sabi. "Ba't ka ba nag-aalala kay Hans. Malaki na yun kaya na nun indahin ang mga bugbog at sapak na makukuwa niya kung sakaling saktan ka niya ulit." Kinurot ko ito at humalakhak ito ng sobrang lakas.
Yumakap ako dito ng mahigpit pagkatapos. And she pats my back like a mother to a child. Lagi nitong ginagawa ito dati pag nalulungkot ako.
"Sa tingin mo ba lolokohin niya ulit ako?"
"Di ba sabi mo hinde ka niya linoko at insecure lang siya kasi masyado kang malapit sa ibang lalake?"
"Hinde naman ako malapit sa ibang lalake nung college tayo eh."
Kinurot ako nito sa mukha. "That's what you think, Misca. Naiintindihan ko yung pagka insecure ni Hans. You are way too approachable nung college pa tayo. Kahit sinong tanungin mo nung college tayo. Halos crush ka ng mga lalakeng kaklase natin. Linalapitan pa nga ako ng iba para makalapit sayo." Is that true parang di ko naman ramdam. "Mukhang di nagrereklamo sayo si Hans. Ayun at napuno ng insecurity ang puso nito. Kaya pinili na lang siguro nitong gumawa ng paraan at malaman kung totoong gusto mo nga siya."
"Ba't di mo naman sinabi sa kin dati yan, Daisy!"
Nagtatampo kong sabi dito. Di ko akalain yung pagiging close ko masyado sa isang lalake ang magdadala dito para gawin nito yung mga bagay bagay. Parang mga kapatid lang ang turing ko nun sa mga kaklase ko. Kahit sina Andrei kaibigan lang ang turing ko dito.
"Eh wala naman kasing malisya sa kin yung pagiging close mo sa kanila. Pero iba yata kay Hans yun, mukhang pinagselosan pa sila." She breathes in relaxly. "Basta wag ka ng mag-alala sa kanya he will be fine. Sabi pa nga niya sayo dream of him daw." Sabay tawa nito ng mahina. "Kaya matulog ka na dyan, gigising ka pa bukas ng maaga di ba?"
Oo nga pala may hide and seek event palang ginawa si Don Claudius. Pinapapasok kami ng maaga ni Ma'am Grace dahil for sure daw maraming customer ang dadating kaagad, kahit di pa nagstart ang event na yun. They are opening the Open Restaurant at 6 in the morning.
Tuwing may mga events talagang maagang magbukas sina mam at boss. Okay kailangan ko na pala talagang matulog. I close my eyes and blocked every concern that I have for today. Bukas ko na lang tatanungin si Hans.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro