Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

🍬

Nakita ko na madalas mag-usap itong si Ace at Daisy. Kilala kasi na playboy ang kumag na ito dito. Tuwing napapadaan dito iyon tinitignan ko ito ng masama. Napakabaliw talaga nun ni Andrei sa dami daming tao na ipapakilala sa kaibigan ko. Playboy pa talaga!

"Pa-order naman ng cold espresso dyan." Sabi ni Andrei na tinaasan ko lang ito ng kilay. Napakamot ito sa ulo nito. "Bakit ka ba galit sa kin, Misca?"
Inginuso ko yung lugar ni Daisy, tinignan naman nito iyon. "O anong problema mo dun?"

Inayos ko ang order nito dahil inutusan ko ang tauhan ko na i-check ang delivery. Pagkagawa ko ng cold espresso ay linagay ko ito sa may cashier.

"Yung lalake na nga iyon ang problema. Kilalang playboy yan dito tapos rinekomenda mo kay Daisy. I don't understand you Andrei."
Ngumiwi ito. "Di ko rinekomenda yan kay Daisy. Sinabi ko pa nga dyan sa kaibigan mo na wag lumapit kay Prinsipe Ace dahil kilala ko rin ang hilatsa ng pagkatao niyang tropa kong yan."
Bumuntong hininga ako. "Paano ba nagkakilala yang dalawang yan?"
"Nakasalubong namin. Wait lang magbayad lang ako." Pumunta na ito sa counter at kinuwa ang order nito. "Ayun na nga nakasalubong namin yan papunta dun sa Main Garden. Kung di ko naman ipapakilala yung tropa ko napakasama ko naman di ba?"
"Tse umalis alis ka na nga sa harapan ko, Andrei."
Ngumuso ito. "Wag ka na magalit Misca. Mawawalan ako ng friend dito na sasabihan ko ng problema-"

Nagulat ako ng may yumakap na babae sa likuran nito at tinignan ako ng masama ng babae. Tinanggal ni Andrei ang pagkakayakap ng babae sa katawan nito at tumingin dito.

"Apple anong ginagawa mo dito? Di ba nasa UK ka?"
"You want to cancel our engagement at hinde ako papayag." Tumingin ito sa kin. "Dahil ba sa babaeng yan, Andrei?"

Naku naman na involve pa ako dito nanahimik ako. Kinakausap ko lang naman si Andrei dahil sa pagpapakilala nito kay Ace kay Daisy. Ako pa nga ang nagbukas ng isipan ni Andrei para wag manggamit ng tao kung ayaw magpakasal nito. So ito pala yung babae, hinde naman pangit siguro di lang talaga siya gusto ni Andrei.

"No Apple, hinde lang talaga kita gusto kaya ayaw kong ituloy yung kasal. Ikaw rin kasi ang masasaktan." Andrei has a point.
"But I'm in love with you since we are young..." Tumingin ulit ito sa kin. "This is your fault!" Pagturo nito sa kin.

May sumingit sa usapan nina Andrei and I look at him attentively. Nakarating na pala siya.

"Sorry miss but don't blame my girl for your failed engagement." Nakita kong dumating si Hans na may dalang paperbag at hinalikan ako nito sa pisngi nung makalapit. "I miss you, Misca. Sorry at di ako nakapagpakita sa iyo ng isang linggo lumipad kasi ako sa US para sa expansion ng pagpapagawa ko ng bangko."

Sinabi nga nito iyon bago umalis para di ko daw mamiss ito binilhan ako nito ng sandamukal na pagkain. Siya ka di nakakalimutang tumawag nito kahit mag-kaiba ang oras sa US at pilipinas. Nung nagpaliwanag ito nung isang linggo tungkol sa ginawa nito sa kin ay pinagbigyan ko na ito. Ayaw ko rin naman kasing naghihirap ito at nasasaktan, di ko rin maatim. Yun nga lang may expansion nga ito at napostpone ang panliligaw nito sa kin. Kaya pagbalik na lang daw nito ito manliligaw.

Tumingin ito sa relo nito. "And it's 5 minutes na lang breaktime mo na o." Ngumiti ito. "Gusto ko sana ibigay sayo personally ang mga pasalubong ko."
Lumingon ako sa direksyon nung dalawang ininvolve ako sa away nila. "Andrei kausapin mo na yang ex-fiancee mo at ipaliwanag mo kung bakit ayaw mo magpakasal sa kanya. And also I don't like to be involve in your quarrels, lalo na ang maging 3rd party sa relasyon." Tumingin ako sa babaeng Apple ang pangalan. "At Ms. Apple wala kaming relasyon ni Andrei. I'm his friend na sabihan nito ng problema. Kasi ako lang naman ang mature sa mga kaibigan niyan. If you don't mind."

Ngumiti si Hans sa sinabi ko. I'm still a brave fighter at ayaw kong naiinvolve talaga sa mga ganitong bagay. Lumapit ako kay Ma'am Grace at nagpaalam na mag-break. Dinala ko na si Hans sa may balcony at pinaghanda ko rin ito ng cake at inumin.

"Salamat, Misca."
"No problem. Ano bang ibibigay mo sa kin?"

Inabot nito sa akin ang paperbag na nakasarado at binuksan ko ito. It contains a snowball and some dessert made of jelly fruits. May iba pang nasa loob pero ito ang mga napansin niya.

"Salamat dito, Hans." Ngumiti ako.
Ininom nito ang tsaa and he smile widely. "Meron pa akong nakalimutan ibigay."

Madami na tong nasa paperbag ah? May ibibigay pa siya? He took something in his back pocket and show it to me. I gasp seeing it. It's a single rose made of glass, napakaganda nito lalo na sa liwanag. Kinuwa nito ang kamay ko at linagay ang glass rose sa kamay ko.

"I can't gave you a real flower so I hope you accept this."
I look at the glass rose and I smile. "Thank you, Hans. This is really beautiful..." Tinignan ko ito. "Wag mo sabihin na binili mo pa ito sa US?"
He chuckles. "Yes, gusto sana kita bigyan ng bulaklak but you are allergic to it pati sa nuts ganun din, kaya natakot na kong bumili ng chocolates. Nagpatulong pa ko sa kakilala ko kung anong pwede kong bilhin para sa taong may allergy sa nuts at flowers."
"I appreciate all your gifts, salamat. Magandang pandisplay yung mga binigay mo."
"I'm glad you like it. Next time bibigyan kita ng totoong bulaklak."
"Don't worry about that, ayos lang kahit di mo ko masyadong bigyan ng regalo. I didn't need material things." Gusto ko lang naman is mahalin ako so this things are not important to me. Nakakunot ang noo nito sa sinabi ko. "I'm just saying kahit gaano kadaming bagay ang ibigay mo sa kin pansamantalang saya lang ito." Umiwas ako ng tingin dito at binigay ang atensyon sa scenery sa labas and I smile sadly. "You know what... I really want to settle down, akala ko kay Clarence ko na yun makukuwa. Life is really unfair..."
"Mahal mo ba siya?"

Ngumiti ako ng malungkot dito. Hinde naman kami magtatagal ni Clarence kung hinde. 6 years ang relasyon namin kahit may ups and downs naaayos namin yun. I thought he is the one pero hinde pala.

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mata nito. "Sana di ko na ginawa sayo dati iyon... At least di mo siya makikilala at di ka nasasaktan ng ganito dahil sa lalakeng yun."

Kinurot ko ang pisngi nito, nangyari na ang nangyari. At siya ang nagsabi na kalimutan ko na ang nangyari dati that's why I'm trying to do. Mukhang ito pa ang may hang-up sa nakaraang relasyon namin.

"Tama na nga yan, Hans. Nagdadrama ka na naman dyan." Tinanggal ko na ang kamay ko dito.
"Alam kong nanliligaw ako sayo, Misca. But can you say yes to me now, I don't really care kung maging panakip butas ako. Basta makalimutan mo lang ang taong yun, I'm fine with it."
Pinagtaasan ko ito ng kilay. "No, kung sasagutin kita ang gusto ko ay mahal na kita."
"Bakit mahal mo pa rin naman ako. Di nga lang siguro katulad ng dati but I know you love me. Why don't you try going out with me again?"

Nakangalumbaba nitong tanong sa kin. Tama nga naman ito mahal ko ito hinde nga lang siguro kasing deep ng feelings ko kay Clarence but I know merong parte ito sa puso ko. Kaya nga siguro galit ako sa ginawa nito noon at hinde ko to napatawad agad.

"I really like it when you look at me like that but..." Kinurot nito ang ilong ko. "I feel you are not with me everytime you think so deeply." He touch my face. "So... Can you go out with me again?"
I smile at him. "No."
I hear him chuckle in my answer. "You didn't change at all. Pag may nabuo ka ng desisyon you will stick to it until the end." He touch both of my face and bump our foreheads together like he always do nung mag kasintahan pa kami. "Pero minsan it's better not to stick with it and go with the flow. I hope you give me that chance of proving my worth to you. Which is di ko nagawa noon because I'm still not that matured." He breathes in. "Kalimutan mo na ang ex mong hambog and give me a chance already. Please..."
"You are using that to me again..." Sabi kong nagtatampo.
"What?" He said innocently.
"Saying please in that desperate tone... Alam mong mahina ako sa salitang yan." Lalo na pag ito ang nagsasabi nito.
"But I'm serious, Misca."

Pero ayaw ko siyang sagutin gayong kakagaling ko lang sa break-up at hinde pa ako ganun kasigurado sa kanya. Or more na takot akong sumugal at mahulog ng tuluyan. Paano kung ako lang ang mahulog at di na naman ako saluhin nito. Baka matakot na kong makipag-relasyon pag nangyari yun.

Pero I also want to give him a chance and see if he will really do everything for me. Because alam kong nasasaktan din ito pag rinereject ko. It shows in his face.

"Probation..."
Bumitaw ito sa kin and he looks at me weirdly. "Huh?"
"Let's have a probationary relationship for 1 month. At pag naramdaman kong mahal mo ako at mahal kita on that period of time. I will have a real relationship with you."

Lumiwanag ang mata nito sa sinabi ko parang nabuhayan ito ng pag-asa. Why do I feel so happy seeing him like this, my heart feel so full. Just by seeing him this joyful.

"Really? You are not lying about that, Misca?"
"Why do I need to lie, Hans? I'm serious."
He smiles widely. "Meron ka bang mga rules or condition at kung mga anong ayaw mo?"
"Alam mo naman na siguro kung ano yung mga ayaw ko. You have experience it already."
"So I have an upperhand that's good." He chuckles. "Pwede na bang mag-start ngayon ang probationary relationship natin?"

Nagtaka ako dito, why is he so excited pwede naman na bukas magsimula. Pero gusto nito ngayon na may pinagkaiba ba ang bukas at ngayon?

"Ba't gusto mo magsimula na ngayon?"
"Because I feel this day is lucky."

He becomes weird as time pass but he looks cute though.

"Kung gusto mo ngayon na mag-start. Ikaw bahala bawas na agad ng isang araw yun."
I saw him smile to what I said and he stands up. "That's good!"

Napatingin ako sa wrist watch ko, 5 minutes na lang matatapos na ang break ko. Tumayo na ko, kailangan ko na siguro makabalik sa loob. Naramdaman ko ang presensya nito sa harap ko kaya napaangat ang tingin ko dito. Oo inaamin ko maliit talaga ako at nakaupo pa ako, kaya ang tangkad ni Hans sa paningin ko. Yumuko ito at tumingin ito sa mga mata ko.

Napalunok ako, he looks at me with a hypnotizing stare but I still find my voice to speak.

"Ah... Hans kailangan ko ng bumalik sa trabaho."
He holds my face again. "I know... I just need few minutes just to do this." Anong gagawin nito?

Nagulat ako ng bigla ako nitong hinalikan sa labi, without any warning. Nanlake ang mata ko sa ginawa nito. He put his hand to the back of my head to make the kiss much more deeper. I gasp when he touch my neck with his other hand sending shiver through my entire body. He take this chance also to put his tongue in my mouth and torridly kiss me. Making me this high.

I didn't think his kiss will make me this wildly crazy.

He slowly release me, feeling his breathe in my mouth. I was dumbfounded and I'm sure as hell also that my face is so red, right now.

"T-this is cheating..."
He laughs loudly. This is the first time I hear his laugh after so many years. "I know, Misca. I want you to be crazy about me. Gusto kong ako lang ang isipin mo at wala ng iba. This chance you have given me... I will do everything to make you fall in love with me again." He gave me a soft and light kiss. "And make you forget that guy."

He stands up properly and pull me on my chair. I hear him chuckle ng makita nitong wala akong kalakas lakas para tumayo. Buti nahawakan nito ang bewang ko.

"Do you want a few minutes to fix yourself?"

Tumingin ako dito at tumango. He fix my hair with his other hand while holding my waist. Nang maramdaman ko na may lakas na ako, kumawala na ko dito.

"Ayos na ko."
Ngumiti ito at hinaplos haplos ang mukha ko. "Mukha nga." Linagay nito ang bibig nito malapit sa tenga ko. "Don't let anyone see you this red. Ako lang ang may karapatan na makita kang ganito." Bulong nito.

Napahawak ako sa pisngi ko. I'm not acting cute pero mukhang ito ang nakikita ni Hans na ginagawa ko kasi he was chuckling. I glared at him at naglakad na ko papasok sa loob pero bago nangyari yun pinigilan ako nito.

"I find you cute Misca..." Lumapit ito sa kin at hinalikan ang pisngi ko. "I love you and good luck on your work."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro