CHAPTER 1
🍬
"Si Hans parating!" Sigaw ko kaya nagtakbuhan ang mga kasama ko sa fans club.
"W-wait, Misca h-hintay naman dyan." Hinihingal na sabi ng bestfriend kong si Daisy.
Hinatak ko kasi ito para maging taga-buhat ng tarpaulin at ilan pang bag ko, dahil ako din maraming dala ngayon.
"Bilisan mo mag-start ng maglaro si Hans!"
"O-oo na, oo na. Lukaret ka talaga!"
Tumawa ako ng mahina. Alam kasi nito ang kagagahan ko sa ultimate crush ko na si Hans Isabel. Sumali pa ko sa fanclub nito na Hans Divine at naging admin pa. Kaya updated ako sa schedule nito.
Tumatakbo kami papasok ng gym, dala dala ang mga gamit namin. Kumaway ako sa presidente namin at naghiyawan din ang mga ka fanclub niya ng makita siya.
"Mukhang nahuli ka yata, Misca."
"Hinde kaya, nakaabot ako." Tumingin ako sa bench kung nasaan sila. "Nandoon na nga siya." Sumigaw ako. "Hans I love you! Galingan mo!" With matching pakaway kaway pa.
May basketball match kasi ngayon si Hans at manunuod ako.
Lumingon ang lalake sa kanya pero ni walang bakas na kahit anong emosyon dito. Bumalik na ito sa pagtatali ng sintas ng sapatos. Napayakap ako sa dala kong tarpaulin. Napakapogi talaga niya, grabe!
"Iba ka rin talaga Misca. Ang lakas ng loob mo kaya ikaw ang pinagkakatiwalaan ko dito sa club eh." Proud na sabi ng presidente nila.
"Hay naku, nababaliw lang yan si Misca. May sira sa ulo yan eh." Inapakan ko ang paa ng kaibigan ko at napasinghap ito.
"Wag niyo ng pansinin yang bestfriend ko. Inggit lang yan sa kin kasi ako may crush siya wala."
Ngumuso ito. "Crush ko kaya si Piolo Pascual."
"Bakla kaya yun duh!" Tumingin ako sa bench kung saan nakaupo si Hans. "Tignan mo si Hans napakapogi lalakeng lalake ang itsura. Kahit nakaupo lang siya sa bench para siyang modelo ng kung anong sportswear." I look at Hans angelically para siyang sugo ng langit para sa mata ko. "And also perfect for me!"
Binato nito ang tarpaulin sa mukha niya parang napikon ito sa sinabi ko. Crush na crush kasi nun yung baklang artistang yun. Tsismis kasi yun nung mga kapitbahay nila pati rin sa showbiz. Eh dakilang tsismosa ako.
"Ano ba Daisy!"
"Tse! Don't talk to me, talk to my hands." Binuka buka pa nito ang kamay sa mukha ko.
"Isa lang yan ah! Dalawin mo, sabi mo hands." Nag-flip hair ito at lumabas ng gym.
Tumawa ako ng mahina, kahit kailan pikon talaga yun.
"Ayos lang ba yung kaibigan mo?"
Winagayway ko ang kamay ko. "Ayos lang yun, ayun pa." Binigay ko na ang tarpaulin sa mga ito. "Pina-print ko pa yan at may tira pa sa budget natin."
Tinapik ng presidente namin ang balikat ko. "Pati sa budgetting magaling ka din."
"Syempre kailangan, kita mong accountant ang ating idolo sa baba." Kinuwa ko ang pompoms sa paperbag na dala dala ko. "Ayan na lalaban na sila."
Tumayo ako at nagsimula na kaming mag-cheer ng mga ka fans club ko. Itong mga ito rin ay lukaret pagdating kay Hans. Kagaya niya, naging fan lang siya nung lalake ng once tinulungan siya nito. Dala kasi niya ang sandamukal na cooking reference or mainam na sabihin recipe books para sa kunya kunyarian nilang pagbebenta ng linuto nila sa isang main subject nila. Estudyante kasi siya ng HRM at kunyaring magbebenta sila ng gawa nilang products kaya hayun at ang butihing anghel na si Hans ay tinulungan siya nung bumagsak lahat ang dala niyang papel at libro sa sahig.
Walang tumulong sa kanya, ito lang. At simula nga nun ay naging fan girl na siya ng gwapong gwapong binata.
"Go Hans! Go Hans! Go Hans! Go go go Hans! Whooo!" Sigaw ko ng maka shoot ito ng bola.
Tumalon talon ako sa tuwa dahil sa ilan pang pagkashoot nito ng bola. In the end nanalo din sina Hans sa laro.
"Napakagaling talaga ni Hans..." I dreamily said.
"Ganun talaga si Hans yan eh."
Of course di siya magpapakagaga kung hinde ito pogi at magaling. Napangiwi ako ng lumapit yung isa sa mga kaklase ko sa isang subject, na kasali din sa mga basketbolista.
"Aba nanonood ka pala ng laban namin? Di ako nainform na supportive ka sa min."
Pinilantik ko ang kamay ko hawak ang pompoms. "Ew lang Andrei, layuan mo ko baka isipin pa ni Hans boyfriend kita." Kinilabutan ako. "Wag ka na nga lumapit sa kin." Tinaboy ko na to. "Shoo shoo alis!"
Tawa ito ng tawa. "Sabi ko nga ba nababaliw ka na naman Misca. Alis na nga ko baka hampasin mo pa ko ng pompoms na yan." Nginusuan ko ito.
"Kakilala mo Misca?"
"Kaklase ko sa isa sa mga major subjects, president."
"Pati mga kaibigan ni Hans natin, gwapo noh."
Well, gwapo nga naman si Andrei pero di ko siya type. Ang tanging bumihag lang sa puso ko ay si Hans at wala ng iba. Siya lang ang laman ng aking pantasya, kaya ang ibang lalake who you sa kin.
"Si Hans lang gwapo sa kin."
Nakita kong palabas na ang mga ito sa gym. Oo nga pala may next class pala ito at kaklase niya ito doon. Napangiti siya ng malawak, gagawin ko ang lahat para makatabi ko to sa accountancy.
🍬
Nginangatgat ko ang nabili kong mentos na binili ko kay manang sa may baba ng university. Lumingon na ko sa harapan para di na ko lamunin ng selos. Yung babaeng kasing puti ng labanos nakipag-agawan sa kin ng pwesto at tinulak ako nito para mapaupo ako sa sahig. Dahilan para maagawan ako nito ng upuan. Madalas pa naman dun umupo si Hans.
"Ano na naman ang nginingitngit mo dyan pati yung candy dinamay mo." Nginuso ko kay Daisy yung babaeng mahilig gumamit ng silka papaya kaya sobrang puti. "Kaya naman pala nauna na naman sayo si Cheska."
Nginata ko ulit yung pangalawang mentos na binuksan ko.
"Ako ang nauna, hinatak niya ko nakaupo na ko dun." Umusog ako pakanan at tinapik ang tabi ko. "Dito ka na umupo, harangan mo ko sa babaeng silka na yan bago ko pa siya masabunutan." Tumawa ito. "Ano tinatawa tawa mo dyan?" Angil ko dito.
"Inggit ka lang dahil maputi si Cheska, ikaw kasi..."
"Ano! Ano! Tuloy mo yang sinasabi mo kung gusto mong maging ikaw ang replacement ng babaeng silkang yan." Dinedma ko ito at binuksan ko ang pangatlong mentos ko at nginata sa sobrang sama ng loob.
Di kasi ako kutis porselana, tamang kulay lang. Di maputi, di rin maitim at aaminin ko din di rin pang beauty queen ang height ko pero hamak naman na mas matalino ako sa babaeng silka na yan. Wala ng ibang gawin kundi magsuot ng pulang glossy red lipstick at ungusan si Hans.
Naaalibadbaran talaga ako sa babaeng silka na yan. Pag ako nainis papatulan ko na talaga yan.
"Ay sus sige na po. Tumigil ka na dyan Misca Eris Canlas sa pagnguso at pagngata ng candy na yan baka dumating na prof natin."
"Kailangan special mention pa whole name ko?" Naiinis kong sabi. Tumingin ito sa harap at ngumiti. "Yung Hans mo ayun na o tignan mo na lang para gumanda mood mo."
Mabilis kong liningon ang direksyon na tinuturo ni Daisy at nangalumbaba ako. Siya talaga ang nakakapagpabago ng mood kong sawi. Huminto ito at lumingon lingon. Di ba siya dun uupo sa tabi ni babaeng silka? Nagulat ako ng lumiko ito sa kanang side. Bali pwesto na lang namin dito sa likod ang available spot. Pigil ang hininga ko ng umupo ito sa tabi ko.
Oh my God! Umupo si Hans sa tabi ko, nakatunganga akong nakatingin dito. For sure mukha akong ewan ngayon. Di lang talaga ako makapaniwala at katabi ko ito. Napangisi ako at lumingon kay babaeng silka, tinaasan ko ito ng kilay at tinignan ako ng masama nito bago ako dinedma.
Sorry ka na lang babaeng silka ako ang nagwagi.
"Ano ka ba Misca, nababaliw ka na naman." Saway sa kin ni Daisy.
"Sabunutan ko pa yang babaeng silka na yan. If I know di kasing puti ng balat nun ang nagdidilim nung pagkatao. Kaya wag ka na nga dyan, baka ikaw patulan ko dyan. Hmmp!"
"Di ka na talaga nahiya. Ayan na si sir o."
Binuksan ko na ang libro ko kung saan kami huminto na part. Ang professor namin ay pinagpatuloy ang discussion regarding Debit and Credit. I was also trying to balance gaya ng pagka-explain ng prof sa harapan. Napapangiti ako dahil I'm so smart nababalance ko kasi lahat. Ako na talaga, henyo talaga ako.
Sinisiko ako ni Daisy. Ano na naman ang problema nito, istorbo naman.
"Ms. Canlas can you stand up?"
Napalingon ako sa professor namin na nasa harapan at mabilis akong tumayo.
"Yes,sir?"
"Because you have a world on your own there. May you come in front and balance this?" Tinuro nito ang amount sa board hawak ang pentel nito.
Dumaan ako sa harap ni Daisy at doon naglakad papunta sa professor namin. Narinig kong humagikgik pa yung babaeng silka, baka siya ang mapahiya at hinde ako.
Binigay sa kin ng professor ang pentel nito and I balance the amount fast. When the professor saw my answer, he looks satisfied.
"You are really smart Ms. Canlas, no wonder. But why are you smiling up there and not listening to me."
"Sir! You are mistaken, I was listening to you. I can even explain to you all of our discussion today." Ngumiti ako dito. "Just to explain my side, I was smiling there because I'm so proud of myself. I was doing great in your lesson sir." Tumingin ako sa pwesto ni babaeng silka at ngumisi. "Why am I the one you called sir? There is someone there doing her make-ups in the middle of the class."
Kala ba niya di ako gaganti sa ginawa niya sa kin. Mangarap siya, bahala kang lusutan ang professor natin. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase namin. Napatingin ang prof namin kay babaeng silka at mukhang di nagustuhan nito ang nakita. Goodluck sayo.
Pinabalik na ko ng professor sa upuan ko. Kita ko pa kung paano ako tignan ng masama nito, tinaasan ko lang ito ng kilay. Di ako nasisindak sa kanya, kaya wag siya.
"You're so evil, Misca." bulong nito ng makaupo na ko.
Ngumiti ako dito at bumulong din. "Then I'm the cutest evil on earth."
Nakita ko kung paanong pagalitan ang babaeng silka na yun dahil di nito masagutan ang bagong bigay na sample ng prof namin. Yan puro lande kasi, buti nga sayo. At pag sinugod ako nyan sa labas, lintik lang ang walang ganti. Makikipagsabunutan talaga ako sa babaeng silka na yan.
Pinagtaasan ko to ng kilay nung nakatingin ito sa kin ng masama. Di ko uurungan ang kamalditahan nito. Parehas kami na nag-aaral sa university na ito kaya wala siyang karapatan na sindakin ako.
"Pero nasisiraan ka na talaga, Misca. Mamaya sugurin ka ni Chesca after class, di ba may pupuntahan ka pa?" Nagkwekwentuhan kami ng pabulong baka mahuli kami ni prof.
Tumutulong kasi ako sa barbershop ng mga kuya ko. Tagalinis ng mga pinaggupitan at taga refill ng kung ano sa shop ng mga to. Bukod sa allowance ko na binibigay ng mga kuya, pati sweldo. Ako kasi ang bunso sa limang magkakapatid at only girl din, kaya alagang alaga din. At sanay din sa mga suntukan at sabunutan, gawa ng bata pa lang ako parang lalake na turing sa kin ng mga kapatid ko.
Imagine nakikipagwrestling at suntukan ako sa mga kapatid ko. Paanong di ako magiging palaban.
"Subukan ng babaeng silka na yan na saktan ako. Magiging amazona ako ng wala sa oras."
"Kaya balasubas ka eh, pati sa loob ng uni dinala mo. Pag nalaman ng kuya mo na nakipag-away ka. Malalagot ka."
"Dyan ka nagkakamali Daisy, magiging proud pa sa kin ang mga yun dahil I can protect myself. Sila kaya nagsabi na kailangan kong protektahan ang sarili ko dahil hinde sa lahat ng oras kaya nilang gawin yun. Kaya subukan talaga ng babaeng silkang yan. Kating kati pa naman ako makaganti dyan."
Napailing na lang si Daisy at nagconcentrate na sa lesson. Ako naman ay lumingon sa side ni Hans. Napansin nito na nakatingin ako dito.
"Yes?" Tanong nito sa kin.
"W-wala ang pogi mo kasi talaga." Nahihiya kong sabi at bumalik na sa pagsusulat. Pero huminto ako at lumingon ulit dito. "Hans?"
Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa kin. "Bakit?"
"May girlfriend ka na?" Pwedeng mag-apply? Baka sakaling pumasa ako dito. Pero sa kin na lang yun.
"Wala bakit?"
"Kung magkakaroon ka ng girlfriend wag sa babaeng silka na yun ha! Sayang ang kagwapuhan mo kung babagsak ka lang sa katulad nun."
Ngumiti ito sa kin. "Ms. Canlas..."
"Misca, that's my name." Syempre napakaformal naman kung through last name niya ko tatawagin. "Concern lang naman ako sayo. Well, kung type mo nga si babaeng silka." Napangiwi ako sa na imagine, dahil ayaw kong makatuluyan ni Hans yung babaeng puro make-up na lang inatupag. "Wag na nga lang."
Binalik ko na ang atensyon ko sa board. Kinuwa ko yung mentos ko at ngumata na lang. Nakakabanas kasi yung imagination ko, magwawala talaga ako pag nagkatuluyan si Hans at si babaeng silka.
"Masarap ba yang kinakain mo?"
Napalingon ako dito. "Ito ba? Oo." Binigyan ko ito ng tatlong piraso. Para I love you hehe.
Kinain nito ang mentos na binigay ko dito at mukhang nagenjoy nga ito sa pagkain nito. First time ba nitong makakain ng mentos?
"Masarap pala ito."
"First time mo makatikim ng mentos?"
Nahihiya itong ngumiti, gwapo talaga. "Oo, iniiwasan kasi ng mama ko na pakainin kami ng mga candy."
"Kaya pala, ayan natikman mo na ang sikat na mentos. Mabibili mo yan dun sa baba, piso isa. Abot kaya ng budget. Sabihin mo lang kay manang ang pangalan ko at makakalibre ka dun ng ilang piraso." Sabay kindat.
Nag endorse pa ko ng candy iba nga din naman. Tumawa ito ng mahina, pati pagtawa nito nakakainlove, nakakaloka.
"Well noted. Sige try ko bumili mamaya sa manang na sinasabi mo."
Napangiti ako, well dahil lang naman sa taglay kong charm ay mukhang nadala ito. Okay lang naman sa kin yun at achievement yun, napakain ko si Hans ng mentos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro