Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

🎻

Tinanggal ko ang shades ko at inamoy ang paligid.

"Hello, Philippines!" sigaw ko.

Nagtakip ng mukha si Olivia sa tabi ko. Mukhang nahihiya dahil sa pagsigaw ko.

"Nakakahiya ka talaga kahit kailan. Di ka na nagbago."
Kinurot niya ito sa mukha. "Naku, kung alam ko lang love na love mo ko."

Tinarayan lang siya nito at binaba na yung mga baggages namin.

It's been 8 years na pala, natupad ko na ang aking wonderful dream. Ang maging Professional Violinist at nakasali pa ko sa Orchestra sa France, nag-quit lang ako dahil I want to use my talent here. Naintindihan naman ako ng grupo pati ng nagbigay sa kin ng scholarship. I can come back naman daw kung gusto ko. I was totally welcome there. And nakaipon na din naman ako ng malaki laki pwede ako magtayo ng workshop para sa pagtuturo ng Violin.

Well I have a lot of spare time to think carefully.

Sa totoo lang namiss ko talaga ang pilipinas. Nakita ko si Hannah na hirap na hirap sa pag-slide ng baggage ko. Tatlo kasi hawak nito kasama ang Cello nito.

"Kunin mo nga yang luggage mo, kita mong dala ko yung Cello ko eh."
"Sorry naman."

Lumabas na kami ng airport at hinintay namin yung sundo ni my friend.

"Nasaan na ba yung kotse mo, bisita tayo sa bahay ni kuya dun sa may Rancho Paraiso sa may Batangas."

Madalas ko makausap si mama sa phone sabi niya yung magaling ko daw na kapatid ay nagpa-membership sa isang exclusive ranch for boys only. Yes, boys only, nakakaloka may ganung rancho pala sa pilipinas. Eh, madami namang pera yun dahil nagmamay-ari na ito ng chain of banks sa pilipinas. Bigatin na to kaya kung makagasta ng pera, easy lang.

"Pahinga na lang muna tayo sa bahay namin sa Las Pinas. Ang layo layo ng NAIA sa Batangas. Wala ka bang jetlag or something."

Naawa naman siya sa kaibigan niya dahil mukhang pagod na pagod nga. Kahit buong araw naman natutulog to sa eroplano.

"Sige, tumuloy na muna tayo sa one of your houses dito. Pagkatapos ako na mag-drive sa paraiso ng mga gwapo."
"At paano mo naman nalaman na may gwapo dun."
"I take credits to my mama's skills." Nginitian ko ito.

Pumunta na kasi si mama dun, ang dami daw gwapo dun. Pwede daw ako mamili dun ng magiging future asawa ko para magkaroon na daw siya ng future son in law. Hanggang ngayon kasi di pa ako nagbo-boyfriend. 26 na kasi ako, tapos nakakaumay yung laging bukambibig ni mama nung edad daw nito na 26 buo na daw si Kuya Hans. Binabaan ko na nga ng phone in a good manners naman.

"Bakit mag-aasawa ka na ba?"
"Kung mahahanap ko ang future ko dun. Why not?"

Humagikgik pa ko, excited na ko pumunta dun.

"Sus, kung madaming gwapo dun for sure madaming playboy dun."

Paninira nito sa pangarap niya na makahanap ng future husband.

"Panira ka talaga, my friend."
"Di ko sinisira ang pangarap mo. I'm stating a fact."

May biglang pumarada na van sa harap namin at lumabas ang driver ng sasakyan.

"Ma'am Olivia, ako po to si Jose yung driver."
Tumango ang kaibigan ko. "Good. Pakiayos na lang po ng maleta namin. Salamat Kuya Jose."

Ito gusto niya sa kaibigan niya kahit mayaman. Nag-thank you pa rin eh. Kaya love ko to eh.

Sumunod naman yung driver at linagay nga yung mga gamit nila sa likod. Pagbubuksan pa sana kami ni kuya ng pinto ng van pero si Olivia na ang nagbukas. Napakamot na lang ng ulo si kuya at pumunta na sa may driver seat.

"Tutulog muna ako, Hannah. Antok na antok ako."
"Sige go."

Pumikit na nga ito, ako naman tinawagan ko si mama.

'Hannah!'
'Ma! Nandito na ko!'
'Sa'n?'
'Sa pilipinas ma, kasama ko si Olivia. Tutuloy muna kami sa isa sa mga bahay nito dito sa Metro Manila.'
'My God, makikita ko na ang anak ko!'
'Nag-drama ka na naman ma. Ganito punta ka kina Tita Margarette sa may Las Pinas. Alam niyo naman po siguro iyon.'

Magkumare kasi si mama at si Tita Margarette. Kaya madalas may bonding itong dalawa.

'Good at malapit lang sa tinutuluyan ko ngayon.'

Lagalag na din ito si mama, kagagawan to ni kuya eh. Pag nakita ko yun kukurutin ko yun ng bongga. Yumaman lang pinagbakasyon engrande si mama. Ayos lang naman yun pero naiinis ako dun pag nagyayabang.

'Madami ako pasalubong sa inyo ma pati kay kuya.'
'Kahit nga wala yun, makita lang kita ayos na ko.'

Napangiti ako, kaya love ko to si mama. Pinapauwi na ko nito matagal na. Sabi nito mayaman na daw si kuya kaya kahit humiga higa na lang daw kaming dalawa, okay lang. Natawa ako dun, gusto ko pa rin naman may gawin.

'Sus ma, sige na po hintayin niyo na lang kaming dalawa ni Olivia dun sa bahay ni tita. See you soon, love you po.'
'Love you din anak.' At binaba na nito ang tawag.

Matawagan nga din si Dereck, member din yun ng paraiso ng mga pogi. Dito na nag-stay yun sa pilipinas, iniwan kami ni Olivia dun. Inalok kasi ito ng posisyon sa may PICC of the Philippines, nakalimutan ko kung anong posisyon yun, Director in Chief ba yun. Kaya ayun pa relax relax lang yun.

Hinihintay kong sagutin nito yung tawag ko. Lintik busy yung line, binaba ko na din. Makatulog nga muna.

🎻

"Ang ganda ganda muna anak at ikaw din Olivia. Mukhang nahiyang kayo sa klima ng France."
"Matagal na kaming dyosa ni Olivia ma."

Tumawa ng mahina si Tita Margarette sa sinabi ko. Hinahalungkat ko yung luggage ko na puro pasalubong lang ang laman. Yung ibang damit ko nasa luggage ni Olivia.

"Tita Margarette ito po pasalubong ko sa inyo."

Binigay ko yung beauty set, di ko alam kung ano laman nun. Sabi nung sales lady dun, popular product daw ito at nakakakinis ng face pati ng skin kaya binili ko kahit mahal. Si mama kasi di mahilig sa ganito.

"Salamat, Hannah." Tinignan ni tita yung laman at ngumiti ito. "Mahal ito ah."
"Para sa inyo tita, kahit mahal yan bibilhin ko para gumanda kayo lalo."
"Ikaw talagang bata ka, nambola ka pa."

Tumawa din ako ng mahina, hinalungkat ko pa yung bag ko. Ito pala pasalubong ko kay Tito Fredo. Binigay ko yung massager set, nakita ito ni Olivia.

"Bumili ka din niyan?"
"Ou, regalo ko kay tito. Bakit?"
"Parehas tayo ng pasalubong, Hannah."

Nagulat pa kami parehas, di ko alam na massager set din bibilhin nito. Kasi bawal alak sa baggage yun sana ireregalo ko.

"Ayos lang yan, itong beauty set na lang ibibigay ko sa papa mo at akin na lang yung massager set."

Natawa ako sa sinabi ni Tita Margarette. Hinalungkat ko din yung regalo ko kay mama at binigay ito dito.

"Ma, pasalubong ko."

Alahas yun na diamond, minsan ko lang naman bilhan ng mamahalin si mama. Sulitin ko na para sumaya naman siya. Kahit alam kong masaya na siyang makita ang kagandahan kong taglay. Napahigikgik ako sa naisip ko.

"Baka malula ako pag binuksan ko ito."
"Hihimatayin ka pag nakita mo laman nyan mama." Loko ko dito.
"Baliw ka talaga."

Nandito rin yung iba ko pang pasalubong kay mama. Yung kay kuya hiniwalay ko kasi bibisita naman kami sa kanya sa bahay nito sa paraiso ng mga pogi. Pati yung kay Dereck meron din ako pasalubong. May nakabalot din sa itim na plastic, naalala ko regalo ko sana ito kay Francisco mag-birthday kasi iyon ipapabigay ko na lang kay kuya.

"Ano yang itim na plastic na yan."
Sabi ko na nga ba agaw atensyon yung black na plastic.
"Ito po pasalubong ko kay Kuya Francis."

That name sounds so fresh in her mouth. Di na kasi niya nabanggit ng mahabang panahon ang pangalan nito. Dahil ayaw niya rin maalala yung sakit.

"May pasalubong ka rin pala sa kanya. Akala ko nakalimutan mo na ang bestfriend ng kuya mo."

Napalingon si Olivia sa kin, nginitian ko lang si mama. Ngayon kasi mas magaling na ko mag-cover ng sakit na nararamdaman ko. Iba pa rin pala ang epekto niya sa kin. Kahit yung pangalan lang niya ang naririnig ko.

"Ba't ko naman makakalimutan ma. Halos parang kapatid ko na rin iyon."

Tinabi ko na rin iyon kasama ng mga ipapasalubong ko kina kuya at Dereck.

"Oo nga, minsan kinakamusta pa ko ng batang yun."
"That's good to hear na may communication pa rin kayo ma."
"Magkaibigan pa rin naman sila ng kuya mo."

Mag-bestfriend pa rin pala sila, wala kasing nababanggit si kuya tuwing tumatawag sa kin. Di ko na rin naman pinansin.

"Oh, I see." Inayos niya yung laman ng luggage kasi halos kay mama lahat itong pasalubong. "Ma, sa inyo lahat ito."
Tinignan niya yung laman ng luggage.
"Sa kin lahat ito?"

Puro pasalubong ko lang kay mama lahat ng nakalagay dun. Tumango ako at ngumiti.

"Oo ma." Kinuwa ko yung dalawang paperbag sa luggage. "Akin na lang ito ah, paglalagyan ko nung mga pasalubong ko."

Pinaghiwalay ko yung pasalubong ko kay kuya at kay Dereck. May naamoy siya na mabango sa kusina, ngumiti si tita nung nakita ako na may sinisinghot.

"Ang bango naman ng linuluto mo tita."
"Lasagna yun, favorite ng anak ko."

Si Olivia naghahalungkat din ng luggage. Aba ang dami ding pasalubong ah. May hiniwalay din ito at linagay sa paperbag. For sure pasalubong nito yun kay Dereck. Iba din naman talaga ang dami. Yung isa naman siguro kay kuya. Binigay din nito yung isang buong luggage sa mama nito. Parehas kami natawa, parehas na parehas yung ginawa namin. Kaysa naman sa mapagod pa kami.

🎻

"So bibisita kayo sa kuya mo sa may Rancho Paraiso."

Nginunguya nito ang lasagna sa plato, kasama na rin namin si Tito Fredo sa hapag kainan. Ang sarap nga ng Lasagna ni tita.

"Opo ma, isusurprise ko si kuya."
"Di kaya magalit yun sayo? Dapat tawagan mo muna siya napupunta dun."

Naku pag nagpaalam pa siya sabihin nun di pwede. Mabubulilyaso ang pagpunta ko sa paraisong lupa na yun. Maghahanap nga ako ng pogi di ba.

"Ay naku ma! Pagsinabi ko kay kuya na pupunta ako dun, pipigilan ako nun. Di ba nga boy hunting ang sadya ko dun."

Natawa sina tito at tita sa sinabi ko. Siniko ako ni Olivia sa tabi ko at tinampal ko lang ang legs nito. Relax lang siya kasi makakapasok ako sa lupaing yun. Pag ayaw pumayag nun hihingi ako ng tulong kay Dereck. Basta pakiramdam ko nandun ang future ko. Kaya di ako makakapayag na di makapasok.

"Sana kasing adventurous mo ang dalaga namin. Ang seryoso kasi sa buhay."
Tinampal ko ang dibdib ko. "Don't worry isasama ko si Olivia at ng makahanap din siya ng future husband." Siniko ako ng malakas ni Olivia.

Poise na poise pa rin kahit kumakain ng Lasagna. Kanina pa ko sinisiko nito ah. Tinignan ko si Olivia at tinaasan ako nito ng kilay.

"Ayun na nga po, for sure nandun din ang future ng maganda kong kaibigan na ito. Dun namin mahahanap ang wagas naming-" Inapakan ni Olivia ang paa ko. Ouch, masakit yun ah. "Pag-ibig... Hay naku... Pag-ibig na kaya pareho ang nadarama ito ba ang simula, di na mapipigilan." Pagtula ko sa kanta.
"Kumain ka na nga diyang bata ka. Wala ka pa rin pinagbago nakapunta ka na ng France lahat lahat." sabi ng mama ko na parang punong puno na ng konsumisyon sa akin.

Natapos ang pagkain namin na tawa sila ng tawa dahil yun sa akin, of course. Umakyat na din kami ng kwarto ni my friend. Tabi ulit kami as usual, syempre kambal kami nito. Parehas kaming nahiga sa kama.

🎻

"Seryoso ka ba na pupunta dun sa Rancho Paraiso?"
"Syempre, madami daw pogi eh."
"Gaga ka talaga, gagawin mo sa pogi kung di ka naman mahal."

I just believe na love can be learned as time pass. Pero mas maganda nga kung mahal ko yung taong pakakasalan ko but it's fine kung hinde basta mahal ako. Mamahalin ko na lang siya.

"Pwede ko naman mahalin yung pogi, basta love ako."

Tumahimik ito ng ilang saglit, tapos tumawa ng mahina.

"Guluhin natin si Dereck pagpunta doon."

Napangisi ako, mukhang balak na naman pagtripan si Dereck. Well, sasali ako kakampi ko naman lagi si Olivia, sanggang dikit kami.

"Baka naman ikaw ang mapikon dyan."
"Hinde ah, immune na ko dun." Tumingin ito sa kin. "Oo nga pala... Bakit mo binilhan ng pasalubong si Francisco."

Ba't nga ba? Napangiti ako ng malungkot. Gusto ko kasi malaman kung talagang naka move-on na ko and sad to say meron pa ring kirot. But I can manage, I know I can.

"May gusto lang ako i-check."
Napabuntong hininga ito. "You cut your hair into medium bob, dyed it into the faintest mix of platinum and red and you also perm your hair. I can't believe you have this hairstyle for almost 5 years already. I know kung bakit, dahil din yun sa lalakeng yun, tama."

Olivia is right in everything. I did everything opposite to that guy's like. Gusto kong magrebelde baka siguro kung magagalit ako sa kanya malilimutan ko siya. And it doesn't happen. Sumuko na lang ako as time pass at hinayaan na ang panahon pero meron pa rin siyang epekto sa kin. He has a big space in my heart.

"Bagay naman sa kin yung hairstyle di ba?"

Napatingin ako sa dingding ng kwarto ni Olivia.

"Ano na kaya itsura niya noh?"
"Don't think about it. Pupunta tayo sa Rancho Paraiso para ihanap ka ng lalakeng mamahalin ka di ba? Just forget about him. There's a lot of fishes in the sea."

Natawa ako sa sinabi ni Olivia at yinakap ito.

"Yup, maghahanap nga tayo ng fishes sa paraiso ng mga pogi. Wag mo ko agawan ha."
"Di ko kailangan gawin yun, may gusto na kong lalake."

Oo nga pala, gusto pala nito si Dereck. Di ko alam kung ano problema nitong dalawa. Pero sana magkaayos na sila.

"Oo nga meron ka na palang gusto. Ako na lang hanapan mo ng poging papa." Tumawa ako habang yakap ko siya. "Kailangan maganda at sexy ako pag pumunta dun."
"Di bar ang pupuntahan mo."

Napapangiwi kasi ito pag nagsusuot siya ng mga mini skirt at sleeveless. Pinapagalitan ako ba't pati yung fashion ko is iniba ko daw para sa lalakeng yun.

Ito ang may matinding galit dun eh, hinde ako.

"Sige fine, I will wear something decent and do soft make-ups. Promise ko yan syempre kailangan kong magpa good shot."

Siya ka takot lang niya sa kuya niya. Papagalitan ako nun pag nakitang labas ang kaluluwa ko as he say sa mga sinusuot ko. Halos maghuramintado ngayon nung nasa France dahil sa suot ko. Eh, okay lang naman yung mga fashion style na ganun sa France.

"You promise that okay?"
"Yeah yeah, I promise even though it's not my style."
"Feminine fashion is your style. You just change it. And you change it to something wild."
"Sige na nga matulog na tayo."

Mamaya di pa kami matapos at abutin kami ng madaling araw. Tinulugan ko na siya para matapos na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro