CHAPTER 5
🎻
"Hannah..."
Narinig kong tawag ni Dereck. Inayos ko lang ang sarili ko bago lumingon. Ngumiti ako kahit nalulungkot ako.
"Sorry, Dereck di ko namalayan nabasa na pala ako ng ulan." Tumingin ako sa palayong pigura ng mag kasintahan. "Nag-paalam na yung ate mo, mauna na daw sila. Ang ganda ganda pala ng ate mo."
Kinuwa nito ang hawak kong paper bag at hinatak papasok. Binaba nito iyon sa lamesa at pinunasan ang ulo ko ng makapal na tuwalya. Binigyan ako nito ng mainit na kape.
"Sinabi ko naman sa iyo, ako ng bahala eh." Hinaplos nito ang mukha ko. "Wag mo na ngang saktan ang sarili mo, Hannah."
Hinatak nito ang ulo ko at yinakap ako. Masuyo nitong hinahaplos ang likod ko. Tuwing nasasaktan, ang dalawang kaibigan ko ang nasa tabi ko at di ako iniiwan.
Oo inaamin ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pero alam ko sa paglipas ng mga araw makakalimutan ko din siya. Magiging masaya ulit ako. Ngingiti ulit ako gaya ng dati pero sa ngayon di ko pa kaya.
Yinakap ko siya pabalik, gusto kong umiyak ulit pero pinigilan ko.
"Salamat."
Kinurot nito ang mukha ko. "Magbihis ka na at mamaya magkasakit ka pa."
Tumango ako at pumunta na sa kwarto namin ni Olivia.
Pagbaba ko ay nakita kong nakikinig si Olivia sa pagtugtog ni Dereck. Mukhang nagpa-practice na ito. Napangiwi ito ng nagkamali ng isang key. Lumapit na ako sa kanila.
May pinindot ako sa piano keys. "I think mas maganda ang tunog nito."
"Kailan ka pa natutong mag-piano?"
"Aba aba minamaliit mo yata ako." Umupo ako sa tabi nito. "Professional Pianist kaya ang tatay ko. Kaya may alam ako kahit konti."
Lumapit din si Olivia at pumunta sa kabilang side. Dun ito umupo.
"Aba, my dear ang sweet mo ngayon ah."
Inakbayan ito ng lalake at kinurot si Dereck ni Olivia sa tagiliran. Napasinghap ito ng malakas.
"Mas maganda manuod pag malapitan."
"Gusto mo lang lumapit sa katawan ko eh." Kinurot ulit ito ni Olivia. "Brutal mo talaga, my dear." Habang hinihilot hilot nito yung kurot ni Olivia.
Tumayo ako at kinuwa yung Violin ko na nakasandal sa sofa.
"Mag-practice na tayo kahit di mo pa kabisado. At least malaman mo na kung gaano ako kagaling."
"Konti na lang naman at mape-perfect ko na yung piano skills. Bukas na tayo mag-practice."
"Ngayon na, konti na lang oras natin eh."
"Pinagyayabangan mo lang ako eh."
"Medyo."
Tumawa ito ng mahina at umiling iling.
"Sige pagbibigyan kita. Wag ka mamangha sa galing ko ah." Sabay kindat.
Tumipa na ito ng piyesa at sinimulan ko na rin sumabay na dito. Mukhang kaya na nga niya ang piyesa, konting polish na nga lang talaga. Nakita ko rin si Olivia na nakatulog na naman ng wala sa oras habang nakaupo. Ganito ito pagkatapos kumain at pag nakikinig ng magandang music. Buti na lang pag recital namin hinde ito nakakatulog.
Tinapos na namin ang piyesa at mukhang nagising na din si Olivia.
"Tinulugan mo lang kami, my dear." Lumingon ito sa kin at ngumiti. "Ano bilib ka na ba sa akin?"
Natawa ako ng mahina. "Oo na, magaling ka nga kaya mayabang ka."
"Di mo na lang ako purihin."
"O siya, ikaw na ang biniyayaan sa lahat."
Binaba ko na ang violin ko at linagay sa bag.
"Ayan. Ganyan dapat."
Bahala na nga siya sa buhay niya, hinatak ko na si Olivia.
"Tutulog na kami."
"Di kayo kakain?"
Oo nga pala maghahapunan na, pero pagod ako. Gusto ko lang matulog ngayon. Inalog alog ko si Olivia.
"Hoy, Olivia ikaw ba kakain?" Tumango ito.
"O ito pala si my friend kayo na ang magsabay. Kainin din ninyo yung nasa paperbag. Luto ni mama yun. Nandoon din yung mga favorites niyo." Sinukbit ko na yung Violin ko. "Tutulog na ko, laki ng eyebags ko o." Turo ko pa sa eyebags ko
Nauna na ko sa kanila. Pagod na pagod ang buong pakiramdam ko.
🎻
"This is my day! Really my day!" Sigaw ko ng malakas.
Halos dalawang araw kaming extensive practice ni Dereck buti perfect na niya yung piece. Talagang magaling ito buti ito kinuwa kong accompaniment. Di naman nakipag agawan si my friend dahil nga ayaw daw nito makasama ang kumag.
"Yan na naman ang linya mo, Hannah." Humikab ito.
Lumingon ako dito. "Ba't antok na antok ka?"
"Maaga kasi yan nag-practice, kasama yung accompaniment kanina." Sabi ni Dereck na nakaupo sa bench.
"Kaya pala."
Tinignan ako ni Hannah, ulo hanggang paa at napailing ito. Tinaasan ko ito ng kilay.
"May problema ka sa kin?"
Tawa tawa lang naman yung isa sa gilid. Tumigil lang nung siniko ni Olivia. Umiling iling pa si Olivia na di ko mawari kung napapangitan ba sa kin.
"Buti pa nung last recital maganda ka. Kasi pinaganda kita, ngayon..." Napabuntong hininga ito. "No no no, this is bad."
May tinawagan ito sa phone at pinapakuwa nito ang paperbag na nasa kwarto daw nito.
"We have 2 hours pa para pagandahin kita. And bawal ka kumontra, okay?"
"Kailan ba ako kumontra?"
Tumayo ito sa bench at hinatak na ako nito papuntang dressing room. Huminto ito saglit sa harap ng room.
"No, bawal kang pumunta dito. Dereck."
"At bakit naman, my dear."
Tinaasan siya ng kilay. "Because I say so."
Nagsurrender ito ng kamay na sumusuko.
"Fine, doon na ko sa waiting area. Hintayin kita dun darling."
Napa-yuck ako at umalis ito ng tawa ng tawa. Dumating na rin mga ilang minuto yung paperbag na inutos ni Olivia. Pagkakuwa ay nagpasalamat siya sa driver at sinarado ang pinto. Binigay niya sa kin ang paperbag.
"Here."
Tinanggap ko yung paperbag. "Ano ito?"
"Something to wear." Tinulak siya nito sa isang harang. "Bilisan mo na at ng maayos ko pa yung buhok at mukha mo."
Hinubad ko na yung dress na sinuot ko kanina at kinuwa yung nasa loob ng paperbag. Pagkakita ko ng dress, nagulat ako. Itong dress na ito yung tinitignan niya sa boutique nung kasama niya si Olivia. Napangiti ako ng malawak. Hinde ganun ka showy at sweet sa pagpapakita ng feelings si Olivia. Pero alam niya ng love na love siya nito at hindeng hinde siya nito pagmumukhaing pangit sa stage.
Sinuot ko na ang dress na binigay niya sa kin. It's well fitted and as expected, napakaganda nito. Tinignan din niya kung may laman pa. May maroon heels na may ribbon din sa loob na kapartner ng dress. Which is sinuot ko na din. Linagay ko na yung damit kong pinaghubaran sa paperbag. Bago ako lumabas.
Tumango ito. "That's better."
Pinaupo siya nito sa upuan at inayos ang buhok niya. It's a simple hairstyle, gaya ng buhok nung nasa Beauty and the Beast at linagyan niya ito ng Maroon ribbon sa pinagbuhulan. And after that light make-up lang daw ang ilalagay niya pero nasa shade of red para daw mailabas daw nito yung kaputian niya. Tapos linagyan din niya ako ng matte na rose lipstick.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napamaang ako, ang ganda ko talaga. Dyosa na ako ng kagandahan.
"You look perfect now, galingan mo you must get that scholarship."
Nakangiti nitong sabi at yinakap ako na aking ginantihan.
"Salamat, my friend. Hulog ka talaga ng langit."
"Yes, I know."
Natawa siya, ayaw naman niyang maging humble ha. Kinuwa na nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng dressing room.
"Buti yung accessories mo bagay dyan sa dress. Kundi matatagalan pa tayo sa paghanap ng accessories."
"Mabuti nga talaga."
"Let's go."
🎻
"My dear, darling, nandito na kayo." Tumango ito. "Perfect look, you have a golden hands talaga my dear."
Hinde ito pinansin ni my friend at nagsalpak ng earphone sa tenga. Habit na ito ng kaibigan, ang makinig ng tutugtugin nito bago sumabak sa gera. Umiling lang si Dereck at lumingon sa kin.
"Are you ready? Tayo ang huling isasalang kaya galingan natin." Kumindat ito. "Maswerte tayo dahil finale tayo, kaya let's do our best."
Tumango siya, sinabak na yung lima na nauna kasama si Olivia. Wala pa ring humpay ang pagka class ng kaibigan kahit sa performance nito ngayon. Mukhang maganda din ang binigay na score dito dahilan para maging top ito sa board. Dumating na ito at ngumiti sa akin.
"Ikaw lang dapat ang makatalo sa kin, Hannah." Hinaplos nito ang mukha niya. "Okay?"
"Baliw, ayaw mo maging top 1 sa scoring?"
Ngumiti ito. "Mayaman naman ako kahit di ko makuwa yung scholarship. Sabi ko nga susundan kita sa France. Di ba?"
"Baliw nga yan, hayaan mo na."
Singit ni Dereck at kinurot ito ni Olivia sa tagiliran mukhang pinanggigilan na naman siya, kawawang nilalang.
Narinig ko ng tinawag ang pangalan ko sa may speaker.
"Una na kami, my friend."
"Galingan mo!"
Umubo ito ng mahina, di kasi ito nagsasalita ng pagsigaw. She chuckles, babaeng babae talaga ang kaibigan niya.
"Gagalingan ko because this is my day!"
Tumawa ito ng mahina at lumabas na kami ng waiting room. Inakbayan ako ni Dereck at ngumiti.
"We will make this performance perfect as ever."
"Of course."
Pumasok na sila ng stage ng tinawag ang pangalan nila. Yumuko sila, pag-angat niya ng tingin. Nakita na naman niya si Francisco, di nito kasama ang girlfriend nito.
Di pa rin matanggal ang bilis ng tibok ng puso niya tuwing makikita ito. He still makes my heart beat like crazy, wala pa ring nagbago. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.
Tumango sa kin si Dereck para masimulan na nito ang pagtipa niya. Pinosisyon ko na din ang aking Violin at bow. Pagbagsak ng keys ni Dereck, nagulat ang mga set of judges. Dereck is the first one to play the rapid intro of the piece, after some few seconds I follow his rhythm.
I use my senses to play the music, this piece is like a part of me. Noong nakilala ko si Francisco, I was starting to play this piece. This very piece na I'm trying my best to make it into perfection. I didn't give up until I completed it and perfected it. That's also the time when I show my whole emotion to him. I said I love you to him a lot of times para makita niya at marinig niya na I'm serious. But I didn't reach his heart I was still a sister to him.
This piece... This is the piece that I practice hard to show you. I hope you can hear, see and feel my music. This is the only way I can show you, how much I love you. This will be the last, I really love you. But I will give up now, I hope you will be happy.
My Frisky...
When I end the song I look at how the audience stands up and applause me for my performance.
I was fabbergasted, I saw him dumbfounded and still looking at my eyes directly. I close my eyes to block this emotion and I gave my thank you with a bow before I leave the stage with Dereck.
Bumalik na ako sa waiting area when I was congratulated by some of our competitors. I saw Olivia at one side who is looking at me sadly. I have a feeling that she knows I pour my whole emotion in this performance. Not only my emotion but my whole heart and soul to it.
Tumakbo siya palapit sa akin at yinakap ako ng mahigpit.
"I look great, right?"
Sunod sunod na pagtango lang ang sinagot ni Olivia.
"Hawakan mo lang akong mabuti, my friend. Parang b-bagsak ako."
Parang wala akong kalakas lakas dahil muntik na kong bumagsak, kung di ako sinalo ni Dereck. Napasinghap rin yung mga nasa waiting area sa akin. Kumuwa ng upuan si Olivia at pinaupo ako dun.
"Ayos ka lang ba, Hannah."
"I will be fine..."
Nagpaalam yung mga nasa waiting area at lumabas naiwan kami dito sa loob.
"You did great, Hannah. Pwede ka na din umiyak."
Napahikbi ako sa sinabi ni Hannah at yinakap ito. Napakasakit it's like I lose a very important part of my life. Yung mga pangarap na kasama ko siya, na magiging masaya kami. Siya lang ang pangarap na di ko kailanman makukuwa.
Gusto kong sabihin na gf lang naman yun kaya maghihiwalay pa rin sila pero he still choose her, it means he become someone close to his heart. Much closer and she have a chance of a lifetime.
Kaya ko ba siyang kalimutan, kaya ko bang mabura siya sa puso't isip ko. Sana nga kaya ko at ng maging masaya ulit ako.
🎻
"Mama, kuya mamimiss ko kayo!"
Nasa airport na kami at hinihintay ko na lang yung pagtawag sa flight no namin. This scholarship program will change my life for good.
"Ba't kasama mo yang playboy na yan."
Tinutukoy nito si Dereck na inosenteng naglalaro lang ng offline games sa phone nito. Tumingin ito kay kuya at ngumiti.
"Brother Hans wag ka naman ganyan sa kin. Aalagaan ko ang kapatid mo with my Olivia dear, here."
Sabay kabig nito sa balakang ni Olivia, siniko ito ng huli.
"Aalagaan po namin si Hannah, Tita Haydee. Don't worry po, pwede niyo ko pagkatiwalaan kung may doubts kayo kay Dereck."
"Napaka-sweet mo talaga Olivia dear."
Tinignan lang nito ng masama ang lalake. Ako naman yumakap kina mama at kuya. Nandito rin yung family ni my friend. Masayang masaya naman ang mga ito, dahil pumayag daw itong mag-aral sa ibang bansa.
Automatic kasi na naging scholar si Dereck dahil kasama niya ako sa performance. May isang judge na binigyan ng libreng scholarship si my friend. Kaya masaya ako na kaming tatlo yung napili, di ako malulungkot.
Lumingon lingon ako, hinahanap ko ba siya? Umiling iling lang ako at ngumiti ako kina mama.
"Anak, wala si-"
Lumingon ako dahil narinig ko yung flight details namin.
"Tinawag na yung flight number namin. Kuya alagaan mo si mama ah. Mawawala lang ako saglit pero babalik din ako."
"Wag ka mag-alala, aalagaan ko si mama."
Tumango ako at yinakap ko sila for the last time. Bago pumasok, lumingon ako for the last time.
Paalam muna bansa kong sinilangan. Babalik din ako pag nakamit ko na ang pangarap ko pangako.
"Hannah!"
Tumalikod na ko, pero parang narinig ko may sumigaw sa pangalan ko. Parang narinig din nina Olivia yun, sila lumingon ako hinde. Kasi naman, walang unique sa pangalan ko.
Parang nagbago yung mukha ni Olivia pero umabreste sa kin ito at tinakpan man kung ano yung titignan ko sa likod. Ganun din si Dereck na umabresete sa kanan ko naman.
"Everything will change."
Meaningful na sabi sa kin ni my friend. Tumango ako at ngumiti.
Yes, everything will change for the better.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro