CHAPTER 3
🎻
"This is my day!" Sigaw ko sa may garden ng school namin.
"Wag ka nga maingay dyan, Hannah."
Saway sa kin ni Olivia ng sumigaw ako. Ganito kasi ako pag excited nagbabawas ng adrenaline rush. Kung hinde baka masobrahan ako mamaya sa stage.
"Hayaan mo na lang siya, Hannah. At least di malungkot ang kaibigan natin, di ba?" Oo nga naman buti pa tong playboy na to naiiintidihan ako.
"Nababaliw naman at siya ka wag kang magpa-cute kay Hannah. Di niya type mga katulad mo."
"That's hurt, Olivia." Sumandal ito sa balikat ng kaibigan at tinulak naman ito ni Olivia ng malakas.
"Lumayo layo ka sakin kung gusto mong ipakulong kita."
Tumawa ito. "Parehas na parehas kayong magkaibigan. Brutal. Sige na mauuna na ko dun sa waiting room. Hintayin ko na lang kayo dun."
Umalis na si Dereck with his black shiny suit and a black bow. Recital day kasi namin, binili ako ni mama ng dress na susuotin. It's a black dress kaya partner din sa suot ni Dereck.
This black sleeveless dress na may diagonal edge sa baba na pinapakita ang kinis ng left legs ko. It's also fitted kaya kurbang kurba din sa katawan ko. And I wear my 2 and a half kong black shiny stilleto na rinegalo naman ni kuya sa kin last birthday ko. Inayusan din ako ni Olivia, naka-ponytail ako na mataas and she put a make-up to me with matching red lipstick. It's a perfect look for a perfect day!
Maganda din ang kaibigan kong ito yung binili niya sa boutique ang suot niya at nakalugay ito. Para naman itong Mexican kung titignan dahil may white flower ito sa buhok nito.
Basta maganda kami ngayon, talbog namin ang beauty ng mga nasa loob.
"Friend, galingan natin ah. Wag tayong papatalo baka mapili tayo para sa scholarship."
"Di ko na kailangan nun, mayaman ako. Susundan na lang kita."
Nakakaloka ito, kung hinde ko lang kaibigan ito. Pinahangaan pa ko ng kayamanan niya. Yayaman din ako pag nakapag-aral ako sa abroad.
"Batukan kaya kita dyan. Pag yumaman ako, who you ka talaga." Tinaasan lang siya na kilay nito.
"Oh, then make my day. Lika na nga pumunta na tayo dun bago pa tayo ma-late." Hinatak na ako nito.
🎻
"Una na ko, tinawag na pangalan ko." Sabi ni Olivia at naglabas na ng waiting room. At yung kaninang tumugtog is bumalik na dito.
Tinignan ko ang screen. After a few minutes umakyat na sa stage ang accompaniment nito at sumunod na ang kaibigan niya. Habang binabanggit ang pangalan nito at ang piece na tutugtugin.
Pumuwesto na ito sa upuan at pinosisyon ang Cello nito. Ba't kaya iyon ang napiling instrument nun ang laki at ang bigat pa. Nag-concentrate na siya dahil gustong gusto niyang panuorin ito.
Nang magsimula ng gamitin nito ang bow niya. Nagulat ako sa pinili nitong piece. It's not the hardest piece pero it's more in the emotional baggage. She moves her hand softly like touching a very sensitive thing. Ganyan din ang feeling ko pag hawak ko ang bow. Habang tinutugtog ni Olivia yung piece gusto ko ng maiyak, pinipigilan ko lang. Masisira kasi yung pinaghirapan niyang make-up sa kin.
Natapos ang kanta at napapalakpak kami dito sa waiting area. Ang galing galing talaga ng kaibigan niya, dyosang-dyosa katulad niya. Pumasok ito ng waiting room at halos lahat kino-congrats ito.
"Congrats, Olivia. Dyosa ka talaga." Tumawa ito ng mahina.
"Baliw ka, mag-handa ka na ikaw na sunod."
"Gusto ko rin yung katulad mo emotional."
"Emotional din naman yung piece mo pero in desperation type. Pwede mong gamitin inspiration ang my loves mong hinde ka na love."
Pinaalala na naman niya sa kin yung lalaking yun. Inis na inis pa rin ako. At from the start di naman talaga ako love nun. Ako lang habol ng habol.
"Use him as an inspiration and I guarantee you. Your music will be perfect." Hinawakan nito ang mukha niya at ngumiti.
"Naku baka masira pa." Tumawa ito.
Tinawag na ang pangalan ko sa speaker kaya lumabas na kami ni Dereck.
"Dereck pag-sinira mo ang recital ko malilintikan ka sa akin."
Warning ko kay Dereck at tumawa ito ng malakas.
"Bakit ko naman sisirain, kailangan ko din yung scholarship. Sabay sabay tayo pupunta dun sa France, di ba?"
"Tama!" Nag-appear kaming dalawa.
Tinawag na rin ang pangalan namin ni Dereck. As pattern lagi nauuna ang accompaniment bago ang performer. Sabay kaming nag-bow sa harapan. Paglingon ko sa audience nakita ko si Francisco kasama ang kapatid ni Dereck.
Nasaktan ako sa nakita ko. Di ko lang pinahalata, tumayo na din ako ng maayos at pinosisyon ang Violin ko sa shoulder at balikat ko. Nag-signal si Dereck at nagsimulang tumipa.
Naramdaman ko yung desperation na sinasabi ni Olivia sa kin kanina. Pinikit ko ang mata ko. Of course, I also get hurt. Tuwing yinayaya ko siya sa recital, never siyang pumunta. Bawat sakit na nararamdaman ko habang gumagalaw yung daliri ko.
Ngayon ko lang naramdaman yung sakit at desperation. Gustong gusto kong mahalin din niya ako, gusto ko rin maging sweet siya sa kin gaya ng ginagawa niya sa kapatid ni Dereck. Pero never nangyari, never niya akong pinakinggan. Kahit kailan kapatid lang ng kaibigan niya ang turing niya sa kin.
Binuhos ko yung nararamdaman ko sa pagtugtog ng Violin ko hanggang sa matapos.
I feel so alone.
Hinaplos ni Dereck ang braso ko, dun lang ako nagising at nakita ang gulat sa mga mata rin nito. May nakikita ba siya sa mata ko, nakikita ba niyang nasasaktan ako. Inalalayan nito ang likod ko at tinungo ito.
Kung di ako inalalayan ni Dereck baka nakatayo pa rin ako sa stage. Narinig ko na nag-iiyakan ang tao sa audience. Di ba ganoon ang gusto ko maramdaman ng mga nanonood sa kin? Yung maramdaman nila yung nararamdaman ko.
Pero bakit? Sa nararamdaman kong sakit namamanhid ako.
Di kami dumiretso sa waiting area at dinala niya ko malapit sa vending machine. Pinaupo niya ako dun sa bench at binigyan ng coke in can.
Tumabi ito sa kin. "Everything's alright, now."
Pag-aalala nitong sabi at lumingon ako sa kanya dun lang tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigil. Pinatong nito ang braso sa kin at inalo-alo ako.
"Di ko alam na ganito ka masasaktan sa kanya. Kalimutan mo na lang siya." Sumandal ako sa balikat ni Dereck at umiyak.
Ayaw ko rin naman ng ganito, ayaw ko rin ng umiiyak. Pero di ko mapigilan, masakit. Grade school pa lang ako crush ko na siya, akala ko it's just a simple crush hanggang sa tumagal, nahuhulog na pala ako.
I do not dream on my own, sa pangarap ko siya ang laging kasama ko. Tuwing nararamdaman ko ang sakit, patuloy na tumutulo ang luha ko.
"Don't you dare come near my friend!" Boses ba ni Olivia yun?
May kinuwa si Dereck sa bulsa nito. It's an earphone and his phone was attached to it. Linagay niya ito sa tenga ko at yinakap ako. Tinatapik tapik nito ang likod ko para aluin ako.
Humagulgol ulit ako at umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod na lang ako.
🎻
"Nandito ka sa bahay ko, friend. Ayos ka na ba?" Tanong ni Olivia sa kin.
Nakatulog pala ako kakaiyak, mamaya nga matawagan si Dereck. Laki ng pasasalamat ko sa kanya kasi nandoon siya sa tabi ko. Hinatak ko si Olivia at yinakap.
"Salamat, my friend." Gumanti din ito ng yakap sa kanya.
"Dito ka na muna mag-overnight, okay. Pinagpaalam na kita kay Tita Haydee."
"Ayos lang ba? Di na ko mahihiya ha." Tumawa ito ng mahina.
"Maaga pa naman, nag-prepare pa lang ng dinner sina mama." Napatingin ako sa cellphone ko.
Mag 5 pa lang, aga naman mag-prepare ng mga to.
"Punta muna ako sa baba ah. Gagawan din kita ng favorite dessert mo." Hinalikan ako sa pisngi nito. "Magpahinga ka muna dito o manuod ng tv."
"Sige na po, bumaba ka na. Ayos lang ako."
"Are you sure?" Kinurot niya ito sa mukha.
"Oo nga. Shoo shoo shoo na at ng makapag-beauty rest ang dyosa." Humiga pa ako ng makita niya.
Tumango ito ng pag-aalinlangan at lumabas ng kwarto nito. Tinignan ko ang phone ko ang daming miscalls at unknown number pa. Binura ko na lang lahat ng miscalls at tumawag kay Dereck. Ilang ring ay sumagot ito.
'Hannah, darling. Ayos ka na ba?'
'Sinong darling mo? Ako? Yuck ka.'
Narinig ko ang malakas na tawa nito sa kabilang line.
'Mukhang ayos ka na nga.'
'Ano resulta ng recital pala?'
Natahimik ito sa kabilang line. Tinatakot naman ako nitong lintik na lalaking ito.
'I'm sad to say that you have the highest score in the recital.'
Nalungkot ako... Highest score? Seryoso?
'Baliw ka talaga, akala ko bagsak ako!'
Tumawa ulit ito ng sobrang lakas na nilayo ko yung phone ko sa tenga. Nakakasira ng eardrums yung tawa nito.
'Na-imagine ko yung mukha mo sa sobrang takot.'
'Pag nakita kita hahampasin talaga kita ng bongga.'
'Dahil nga sa score mo, na move ang schedule ng next recital. Gustong gusto kang kunin nung foreigner na magbibigay ng scholarship, you are a prodigy daw. Iba ka rin naman.'
'Seryoso yan? O nagbibiro ka lang?'
'Kailan ba nagbiro ang katulad kong gwapo?'
'Ano nga ba? Wag mo na ko bitinin at sabihin mo na lahat. Gusto ko rin maghanda noh.'
'Oo nga na move nga, 3 days from now yung next recital.'
Napasinghap ako, seryoso ba yun. Bakit napaaga ng ganun akala ko next week pa.
'Bakit naman umagap ng sobra?'
'Sabi nung sponsor para malaman kung talented yung kukunin nila. It's like a test of talent daw.'
'Kahit naman talented yung tao, mahihirapan pag napaagap ng sobra yung recital day.'
Alam kong talented at dyosa ako pero will power na ang tawag sa sitwasyon na kulang ka na sa oras. And I accept there challenge, I need that scholarship.
'Kanina nga gusto ka makita ng sponsor sabi ko nakatulog ka.' Sayang naman yun naging bato pa.
'Eh bakit di mo ko ginising?'
'Gigisingin kita?'
Oo nga pala, umiyak siya ng umiyak kaya naubos ang energy niya. And for sure mukhang aswang siya nung mga oras na yun.
'Nevermind, pag ka overnight ko kina Olivia. Dyan naman ako tutuloy, ipagpaalam mo ko kay mama. Kailangan natin ma-practice ng bongga yung piece.'
'Of course, ikaw pa ba. Gagamitan ko ng charm si tita.'
'Sige na ibaba ko na to isesend ko yung piece na gagamitin natin.'
'For sure, mahirap na naman yang pipiliin mo.'
'It will be my last piece.'
'What do you mean by that?'
Kasi pag di ako nakapasa sa scholarship ititigil ko na ang pagviviolin. Masyadong mahal ang tuition pag nag college di na kakayanin ni mama. Lalo na't siya lang ang nagtatrabaho para sa amin. Especially ang Education for Music ay sobrang mahal, ayaw ko mahirapan siya.
'Alam mo naman na di kami mayaman, Dereck. Ang maitutulong ko na lang sa mama ko ay pagtigil kung sakali.'
'But your dream is to become a Professional Violinist. Ba't mo isusuko yun kung sakaling di ka makuwa. If money is the problem, I can even help you with it. For sure, si Olivia di rin papayag dyan at tutulungan ka niya.'
'Pero-'
'No buts, if you need to pour all your emotions sa last recital gawin mo. Gaya ng ginawa mo kanina. They love your performance. The judges gave you a perfect score. Kaya kung kailangan mong gamitin yung emotion mo kay Francisco. Do it! This is not only for your future para rin ito kay Tita Haydee.'
'Gusto mong umiyak ulit ako katulad kanina.'
'No! Ang gusto ko is ibuhos mo yung emotion mo na binigay mo kay Francisco sa last recital. Kahit gaano kasakit yun, you achieve a perfect score kanina dahil dun pinuri ka ng sponsor. Pag umiyak ka, me and Olivia will be there. Alalayan ka namin. And trust me Hannah, hinde kita iiwan. You will achieve that dream promise.'
'Thank you, Dereck...'
Di ko alam kung ano ang mangyayari sa recital. But I want to do my best not just for me pero para na din kay mama.
'Pupunta na ko sa inyo ipapaalam na kita ng mas maaga. We need to practice sa oras na makapasok ka sa bahay ko. It will be a spartan training, understand?'
'Understand!'
'Good! Ibaba mo na ang phone at isend mo na sa kin ang music piece para makapag practice agad ako.'
Binaba ko na nga ang phone at bigla naman pumasok si Olivia na nakangiti.
"Kain na tayo."
🍓
"Nabusog ako sa handa ni Tita Margarette at especially dun sa ginawa mong dessert."
"Buti nagustuhan mo. Ano yang ginagawa mo?"
Inaayos ko kasi yung tunog nung Violin para dun sa Beethoven Piece na napili ko. Gusto sana niyang mag Mozart Piece pero naisip niya na gusto niya ma enjoy ang recital. Kaya kumuwa na siya ng mas mahirap.
"Inaadjust ko yung sound ng Violin ko. Gusto mo pakinggan yung piece na tutugtugin ko. Kabisado ko na kasi, madalas ko rin tugtugin sa kwarto ko ito."
"For sure, hard piece na naman yan."
"Pwede na." Hinampas siya nito at tumawa siya.
Kinuwa niya ang phone niya at inistart ang play button sa phone niya. Rinig kaagad ang mabigat na pagbagsak ng piano keys. Nanlaki ang mata ng kaibigan sa pinili niyang gamitin na piyesa.
"You are not serious, right?" I just winked at her.
This is Beethoven's Sonata no.9 or Kreutzer, isa ito sa pinakamahirap na music piece ng classical musician. And also close to her heart bata pa lang siya. From time to time, she plays it little by little hanggang sa makapa niya ang tamang tunog. Then it becomes an ultimate piece of hers, nung na master na niya. Even if her eyes are close, she can play it by the heart.
Tinuloy tuloy niya ang pagtugtog. I saw my friend close her eyes, she was enjoying it. And I know this is the right piece for me. When I finished playing the piece, kinurot ako ni Olivia.
"Paano mo napag-aralan yan ng ganyang kadali."
"Friend naman, alam mo namang dyosa ako." Kinurot ulit siya nito. "Ouch! Sobra ka naman." Napakamot siya sa ulo. "Ano ka ba sabi ko sayo matagal ko ng tinutugtog to."
"Tinutugtog sa bahay?"
"Right!"
Pinanggigilan siyang kurutin nito. Natawa na lang siya, naaasar kasi ito pag nagagalingan. Lalo na yung piece na yun lagi kasi itong nagkakamali dun pag tinutugtog nito iyon sa Cello.
"So yan na nga ang tutugtugin mo?"
"Oo."
This will be my last bet, kailangan ko talaga yung scholarship na yun.
"Sana inisip mo rin yung kalagayan ng accompaniment mo. Baka umiyak yun."
Natawa siya kasi nakareceive siya ng message kanina. Nagrereklamo nga ito, bakit yun daw ang pinili ko. Inaabuso ko daw ang golden heart nito.
Nagpunas ako ng luha. "Nagreklamo nga pinapahirapan ko daw siya."
"Kasi naman talagang mahirap yang piece na yan. Kawawa si Dereck niyan."
"May tiwala ako dun, henyo yun." Pinunasan ko lang yung Violin ko saglit at linagay na sa lalagyan. "Bukas rin pala tutuloy ako kina Dereck. Titignan ko kung paano siya mabaliw."
"Sira-ulo ka, sama mo ako. Gusto ko rin makita." At sabay kaming tumawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro