Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Sino kaya ang babaeng 'yon? Grabe, ang maldita talaga. Pasalamat siya at hindi ako pinalaking palaaway. Isa pa ay ayoko lang din patulan at wala naman siguro siyang masamang ginawa sa anak ko. Pagkapasok sa loob ng unit ay nagpasya na muna akong maligo, since na sa akin naman na ang access card ay pwede na kaming kumain sa Resto.

Sinabay ko na rin si Reece sa pagligo kaya tumagal kami ng isang oras. Napakakulit pa naman nito at ang hirap paliguan, gustung-gusto nagbababad sa bathtub dahil first time namin maligo sa ganito. Nang matapos kami ay buhat-buhat ko siyang dinala at pinatong sa kama.

"Pili ka ng damit mo riyan, 'nak. Ano sa tingin mo ang maganda?" pagtatanong ko saka pa inilapit sa kaniya ang isang detachable clothe rack.

Halos manlaki naman ang dalawang mata nito nang makita ang makukulay at naggagandahan damit pambata, tiningnan pa ako nito na para bang hindi makapaniwala kaya umupo ako sa tabi niya.

"Heto, gusto mo 'to?" sambit ko saka ipinakita sa kaniya ang nadampot ko.

Kulay pink iyon na dress at hanggang tuhod habang may burdang bulalak sa bandang baywang at laylayan. Sobrang ganda nito sa paningin ko at natitiyak ko ring bagay kay Reece ito.

"Mamu, ang ganda..." namamanghang wika niya at itinakip pa ang dalawang kamay sa bibig.

Dahil sa ginawa nito ay mahina akong natawa. Mabuti at marunong um-appreiciate itong anak ko, kahit sa maliliit na bagay ay tuwang-tuwa na siya. Hindi rin siya mapili pagdating sa pagkain, mas gusto pa nga niyang kumain ng gulay kaysa sa mga karne.

Siguro ay nasanay din siya noong nasa probinsya kami, bihira lang kasi ako no'n magluto ng may karne. Kaya ngayon, sobrang thankful ako at napalaki ko siya ng ganito. Kahit wala ang ama niya ay nagampanan ko naman lahat. Walang labis at walang kulang.

"Suot na natin sa 'yo, 'nak," pahayag ko at madalian naman siyang tumayo saka pa itinaas sa ere ang kaniyang kamay.

Nang maisuot ay pinaresan ko iyon ng kulay puting doll shoes. Tinali ko rin ang buhok niya sa dalawang hati at tuwang-tuwa siya nang humarap ito sa malaking salamin. Makailang beses itong nagpaikot-ikot habang hawak nito ang magkabilaang gilid ng dress niya. Malawak ang pagkakangiti nito dahilan para makita ko ang mapula-pulang giligid niya.

Nangingiti ko siyang pinagmamasdan habang isinusuot ang napili kong damit. Faded ripped jeans iyon na tinernuhan ko ng tribal t'shirt na kulay black na sobrang fitted sa akin. Inayos ko rin ang kulot kong buhok at itinali iyon ng mataas. Hindi na ako masyadong nag-ayos ng mukha dahil kakain lang naman kami sa baba.

Matapos maisuot ang flipflop ay dumeretso na kami ni Reece sa labas. Hawak ko lang ito sa kamay nang pumasok kami sa elevator. Ilang sandali pa nang sabay kaming lumabas mula roon at nagtungo kaagad sa sinasabi nilang Resto na mabilis din naming nakita. Sa kabilang dulo kasi nitong Demoirtel ay may isa pang pinto, kagaya sa kabila na siyang lounge area.

Nang makalapit ay napansin ko ang isang device na naka-install sa gilid ng pinto, kung saan may sign na kailangan i-tap iyong access card na siyang ginawa ko dahilan para bumukas iyong pintuan. Bumungad sa paningin namin ang mala-five star restaurant, sobrang lawak no'n na halos malula kami ni Reece nang makapasok kami. Panay ang libot namin ng tingin sa paligid.

Well-arranged ang mga malalapad na lamesa na siyang napapalibutan ng sofa, may pang-dalawahang tao hanggang sa pang-pamilya. Pati ang mga palamuti ay agaw pansin rin kaya hindi na namin namalayan na nakarating na pala kami sa counter. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdamang nalaglag ang panga ko nang pasadahan ko ng tingin ang iba't-ibang klase ng ulam na nakahilera roon.

Sa paninitig ay mas lalo akong nagutom. Sabay kaming pumili ni Reece ng ulam na mabilis namang nai-serve ng mga staff. Nagulat pa ako nang iyong access card ang ginawang pambayad, matapos i-swipe iyon sa isang terminal ay binigay din sa akin agad ng cashier. Sandali ko pang tinitigan ang hawak na access card, ganoon pala talaga ang silbi nito? Para lang siyang savings account pero paniguradong exclusive lang ito under Rampage Society.

Wala sa sariling napailing ako, nakakamangha sa totoo lang. It feels like heaven... but you're actually living in a secluded place. Kaya hindi maiwasang nakasasama ng loob. Kasi kailangan ganito-ganiyan, kailangan sundin ang rules and regulations. You need to oblige everything they say. Sobrang strict, and in return ay ibibigay nila ang lahat ng pwede nilang i-offer.

"Ang sarap, Mamu!" bulalas ni Reece na nasa harapan ko habang masayang kumakain.

Pasado alas dose na kaya naman ay marami rin ang taong kumakain doon. Karamihan nga lang ay mga babae, na natitiyak kong katulad ko rin na nadali sa matatamis na mga salita at labis ang pangangailangan sa buhay. Sa kakalibot ng tingin ay napansin ko ang isang pinto sa loob nitong Resto.

Ewan ko kung anong mayroon do'n kaya kibit ang balikat kong ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Masyado lang akong maraming napapansin dahil sobrang nakakamangha ang pagkakagawa ng Demoirtel, talagang pinag-isipang mabuti ng nasabing Madame X ang pagpapatayo ng Rampage Society.

Mabilis na lumipas ang oras sa araw na iyon na purong panonood lang ng cartoons ang nagawa namin ni Reece. Ngayon nga ay nakatulog na siya sa tabi ko habang nananatili naman akong gising na nakatitig sa puting kisame. Iniisip ko lang kung sino naman kaya ang magiging next client ko?

Kung sa una siguro ay pinalagpas ako, baka this time ay hindi na kaya natatakot ako para sa sariling kapakanan. Wala sa sariling nangunot ang noo ko nang maalala ko si Renz, lahat ng pinagsasabi nito sa akin kagabi, pati ang kilos at galaw niya na sobrang layo sa nakilala kong Renz noon.

Sabagay... hindi na siya si Renz. Siya na nga pala ngayon si Third.

I was wondering kung anong nangyari sa kaniya for the past six years? Bakit siya nagkaganoon? Sinadya niya bang hindi ako makilala para takasan ako? Like hell, wala naman masyadong nagbago sa akin. Mariin akong napapikit nang kusang kumuyom ang dalawang kamao ko sa namumuong galit.

Sa six years na ba 'yon ay ganoon ang naging buhay niya? Ilang babae na kaya ang nakama nito? Iyon ba ang dahilan kung bakit niya ako iniwan noon sa Cagayan? Balak ako nitong takasan upang mamuhay na wala ako sa paligid niya. Kung ganoon, bakit kailangan pa nitong iparamdam na mahal niya ako? Mapait akong ngumiti, hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Bakit ba siya gano'n? Bakit kung itakwil niya ako ay parang wala kaming pinagsamahan? Noong nakita ko siya, aaminin kong purong galit ang naramdaman ko pero deep inside me, I wanna hug him. I just fucking missed him, pero no'ng itanggi niya akong hindi kilala ay nakakagalit.

"Did we met before? You know me?"

Ang sakit kasi. Nakakadurog ng puso. Iniwan na nga ako noon, kinalimutan pa ako ngayon. As in wow lang talaga, nakakagago siya.

"Fuck! Who the hell are you to treat me like this, huh?"

Naririnig kaya nito ang sarili niya no'ng oras na 'yon? Kung dati ay galit ako sa kaniya dahil iniwan niya ako not knowing na buntis ako, mas lalo pa akong nagalit ngayon. Mas dumoble ang pagkamuhi ko sa kaniya at sa oras lang talaga na mag-krus pa ang landas namin ay ewan ko na lang... bahala na.

Sisiguraduhin ko na wala siyang parte kay Reece, ayokong makilala ito ng anak ko na wala namang kwentang ama. Natitiyak ko rin na hindi na ako no'n kukunin dahil gaya nga ng sabi nito, ayaw na niya akong makita. Tch, siya pa talaga may ganang magsalita ng gano'n? Wow lang, Renz.

Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog kakaisip sa lalaking 'yon, masyado niyang ginugulo ang utak ko. Samantalang alam ko namang wala lang ako sa kaniya. Nagdaan ang ilang araw hanggang sa sumapit ang sabado.

Kumakain kami ni Reece nang biglang tumunog ang doorbell kaya mabilis ko iyong tinungo at binuksan. Tumambad sa paningin ko ang nakangiting si Manang Fe. Ano na naman kaya ang ipinunta niya ngayon? Sa tuwing mapapadpad kasi siya rito ay may kailangan si France sa akin.

"Pasok ho kayo," sambit ko na siyang ginawa niya naman. "May kailangan po ba kayo? I mean si France?"

Nang marating ang sala ay doon niya lang ako nilingon upang sumagot, "Hindi si France ang may kailangan sa 'yo."

Sa sinabi nito ay kumunot ang noo kong tinitigan siya. Kung hindi si France ay sino? Huwag mong sabihing ang gagong Renz na 'yon? Wala sa sariling nangingitngit ako dahil sa galit. Umahon mula sa puso ko ang naipong hinanakit sa kaniya.

"Pinapatawag ka ni Madame X sa kaniyang opisina," dugtong nito na naging dahilan nang paghinga ko ng maluwag.

Shit. Ang advance kong mag-isip. Nakalimutan ko nga palang ayaw na akong makita ng isang 'yon. Bakit ba parang asang-asa pa ako?

Hay nako! Napakamot ako sa batok at nahihiyang tiningnan si Manang Fe saka pekeng ngumiti. Kalaunan ay napawi ang emosyon ko nang may ma-realize.

Teka, tama ba ang narinig ko? Madame X? Nandito siya?

"Huh? Bakit daw po? Anong kailangan niya?" naguguluhan kong tanong.

"Sa opisina na lang daw kayo mag-usap."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Anong kasalanan ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro