Chapter 8
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na walang nangyari sa amin, sinabi pa niyang makukuha ko ang five million pesos. Nang ganoon kadali? Pagak akong tumawa at saka tumayo na mula sa pagkakaluhod. Isang punas pa ang ginawa ko sa pisngi at inayos ang sarili bago pasuray-suray na naglakad palabas ng unit, ni hindi man lang kami nagtagal sa loob kaya ganoon na lamang ang gulat ng limang body guard na naroon pa rin sa labas ng pinto.
"Ma'am, ano pong nangyari? Lumabas po si Mr. Miller na galit na galit," anang isa sa kanila na hindi ko na pinansin at nilampasan lamang.
Deretso ang naging lakad ko patungong elevator at doon tahimik na pumasok, mabilis namang nakahabol ang mga ito at muli akong pinalibutan. Hindi nagtagal nang tuluyan kaming makababa, pagkapasok sa van ay kaagad din iyong umusad. Mabuti at hindi na sila ulit nagtanong, marahil nakita nilang wala ako sa mood makipag-usap.
Wala na nga akong pakialam kung ano nang itsura ko ngayon, pero natitiyak kong para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ramdam ko ang bigat sa parehong mata at gusto ko na lamang matulog. Ilang oras pa ang lumipas nang sabay-sabay kaming bumaba sa van nang marating namin ang Demoirtel. Pasado alas dose na ng madaling araw kaya mabilis kong tinungo ang elevator paakyat sa unit.
Nang makapasok ay naabutan kong madilim doon at hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil dumeretso na ako sa kama kung saan mahimbing na ang tulog ni Reece, samantalang naroon naman si Manang sa pahabang sofa. Masyado nang mabigat ang talukap ko, pati ang puso kong nag-uumapaw sa hinanakit kaya hindi nagtagal nang makatulog ako, dala-dala ang sakit na dulot ni Renz.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa likot ng katabi ko, umuuga ang kama kaya mabilis akong nagmulat at doon ay nakita ko si Reece na patalon-talon habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
"Morning, Mamu!" malambing niyang sambit nang mapansing gising ako at saka pa lumuhod para gawaran ako ng halik sa pisngi.
"Morning, anak ko..." bulong ko tila nanghihina pa.
"Umalis na si Manang Fe, Mamu, tawag daw siya, e."
Sa sinabi niya ay marahan akong tumango. Hindi na ako nagsalita at tanging pagtitig na lamang sa kaniya ang ginawa ko. Pakiramdam ko nga ay para akong tinakasan ng kaluluwa ko. Mabigat ang katawan pati na ang ulo ko. Matapos kong suklian ng halik si Reece ay sabay pa kaming napalingon nang tumunog ang doorbell sa labas.
"Ako na, Mamu!" Dali-daling bumaba si Reece ng kama at tumakbo.
Dahan-dahan naman akong umahon mula sa pagkakahiga at tumayo na rin. Hindi na nga pala ako nakapagpalit ng damit kagabi kaya ganoon pa rin ang ayos ko. Gulu-gulo ang buhok kaya saglit ko iyong inayos. Kino-kondisyon ko pa ang sarili nang biglang nag-materialize si France sa paningin ko.
Deretso ang naging pasok nito sa sala at inilapag sa center table ang hawak niyang attache case. May tatlong body guard ang nakasunod sa kaniya at naroon sa likuran niya. Nang makita ako ay masaya itong ngumiti kaya wala sa sariling nilapitan ko ito.
"Good morning, Esperanza!" aniya habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Nabanggit sa akin ng mga body guard mo ang nangyari kagabi..."
Huminto ako sa mismong katapat niya at walang imik na pinagmamasdan siya. Nakasuot pa rin ito ng pormal na damit, ang kaniyang polo shirt ay kumikinang dahil sa mga palamuti na nakapalibot doon.
"Sa totoo lang, isa ka sa mga maswerteng babaeng nakilala ko. Biruin mo at hindi ka na nga nagalaw ni Third ay bukas pa sa pusong ibibigay niya ang five million pesos cash sa 'yo."
Sa sinabi niyang iyon ay binuksan nito ang attache case at doon ay tumambad sa paningin ko ang tumpok ng mga daan-daang libo. Halos mamangha ako at kulang na lang ay tumulo ang laway ko kakatitig doon. Ngunit mabilis ding naputol iyon nang ibagsak ni France ang takip no'n at muling isinarado. Nilingon ko siya at kumunot ang noo nang mapansing nakangisi ito sa akin, tila nang-uuyam.
"Pero makukuha mo lang ito once na natapos mo na ang isang taong kontrata mo rito sa Rampage."
"A—ano?" bulalas ko at nang tangkang lalapitan siya ay mabilis na gumalaw ang kaniyang mga body guard.
Napahinto ako saka isa-isa silang tinapunan ng tingin. Akala ba nila sasaktan ko si France? O gagawa ako ng scenario? Pagak akong natawa sa loob-loob ko.
"Yes girl, hindi mo ba nabasa ang kontrata? Nakasaad doon na lahat ng malikom niyong pera ay sasailalim muna sa pangangalaga namin. Makukuha niyo lang sa last day ng kontrata ninyo," mahabang pahayag niya.
Gusto kong magwala, lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko ay halos naging doble yata ngayon dahil sa mga narinig ko mula sa bibig nito.
"Iniiwasan lang naman ni Madame X ang agaran ninyong pag-back out once na nakuha na ang pera."
Napalunok ako nang sumagi sa utak ko ang naisip kagabi. Oo at may balak akong takasan itong lugar na 'to sa oras na makuha ko ang pera, pero ngayong ganito na ay mukhang malabo nang mangyari iyon.
"Wa—wala ba akong kaunting shares? I mean, paano ang panggastos namin?" lakas-loob kong pagtatanong.
"Oh! Hindi ka talaga nagbasa ng kontrata, ano?" Taas ang kilay niyang pinasadahan ako ng tingin.
Binasa ko... pero hindi lang talaga pumasok sa utak ko ang mga nakasulat doon dahil masyado ng pre-occupied ang isip ko para problemahin pa iyon.
"Base sa nakasulat sa kontrata mo, lahat ng gastusin, pagkain at ilang pangangailangan niyo ay sasagutin na ng Rampage Society. Kaya no need to worry about that, kasi hindi naman mababawasan ang pera niyo."
Ilang sandali pa nang matapos siyang magsalita ay bumukas ang pinto kaya nilingon ko iyon, pumasok doon ang dalawang magkasunod na roomboy. May tulak-tulak ang mga itong detachable cloth rack kung saan naroon nakahilera ang iba't-ibang klase ng damit.
Sa pinakababa ay nakapatong naman doon ang ilang pares ng sapatos. May mga nakalagay pang jewelries at iba pang gamit. Halos lumuwa ang dalawang mata ko habang hindi na maalis ang tingin ko roon. Tumikhim si France na siyang nasa harapan ko kaya wala sa sariling binalingan ko ito.
"Ayan ang sagot sa kaninang tanong mo. Kung sa pagkain ay walang problema roon, sa pangangailangan naman ng anak mo ay pwede mong ilista lahat sa isang papel at kami na ang bahala roon."
"Am I allowed to go out? I mean kung sakaling maisipan naming pumasyal?" kunot ang noong sambit ko.
Paano kapag nag-ayang lumabas si Reece? Anong gagamitin kong pera?
"Yes, pwede naman, pero asahan mong may nakasunod sa 'yong mga security personelle. Siya nga rin pala, you can do cash advance just in case na kailangan mo talaga ng pera."
Ibang klase! Hindi ko lubos akalain na mapapasok ako sa ganitong uri ng trabaho at kumpanya. Sa totoo lang ay maganda naman ang mga services at offer nila, siguro pampalubag loob na rin dahil kapalit naman no'n ay ang katawan namin.
"May tanong ka pa ba?" aniya na siyang inilingan ko. "Kung ganoon ay maiiwan ka na namin. Next schedule mo pala ay bukas makalawa or depende kung may mag-request sa 'yong client, okay?"
Sunud-sunod akong tumango at hindi na umimik. Dala ang attache case ay isa-isa na silang lumabas kasama ng mga roomboy kaya naiwan doon ang kaninang dala nila. Nilapitan ko ang isang rack kung saan purong kasuotan ng bata, kinuha ko ang isang pares ng sapatos na sa tingin ko ay tamang-tama para kay Reece, sandali ko pa iyong tinitigan hanggang sa kumunot ang noo ko.
Speaking of Reece. Teka, nasaan na ang anak ko?
Agad akong nagpalingun-lingon at nakitang wala siya sa apat na sulok ng unit kaya mabilis akong kumapiras ng takbo patungong pinto. Kanina ko pa hindi nararamdaman ang presensya niya simula nang dumating sina France. Kung nakalabas nga ito, posibleng nakalayo na siya dahil sa tagal naming nag-usap.
Fuck! Hindi ko kakayanin kung mawala pa ang nag-iisang tao sa buhay ko! Saktong paglabas ko ng unit nang mapahinto ako at nilingon ang nagsasalitang bata sa gilid, naroon siya hindi kalayuan sa akin.
"Minsan kasi ay panakot lang nila ang sungay para walang makalapit sa kanila, kasi ayaw nilang masaktan."
Si Reece... napahinga ako nang malalim nang matantong siya iyon. May kausap itong babae na nakaluhod sa tapat ng anak ko kaya nilapitan ko na sila.
"Reece, bakit nasa labas ka?" nag-aalalang sambit ko saka siya kinarga.
Napatingin ako sa babae na maang lang nakatitig sa amin hanggang sa tuluyan na itong nakatayo at inayos ang sarili.
"Pasensya na sa anak ko, baka na-istorbo ka." mahinang pahayag ko saka pa pilit na ngumiti.
Bago ba siya rito o datihan na? Napatingin ako sa pintong katapat nito, ibig bang sabihin ay isa siya sa magiging kapitbahay ko rito?
"Hindi naman siya nakaka-istorbo, nakakaubos lang ng pasensya."
Aba't, grabe naman kung makapagsalita. Kahit nainis sa sinabi nito ay pinili kong ngumiti na lamang bago muling nagsalita, "Pasensya na, may pagka-makulit talaga ang anak ko. Bago ka rin ba rito?"
Hindi siya umimik. Ang attitude naman nitong babaeng 'to. Porket maganda ay lakas nang mag-inarte.
"Ako nga pala si Esperanza," pagpapakilala ko, sinusubukan ang kaniyang pasenya ngunit tumango lang ito.
Hindi rin nagtagal nang tumalikod siya at walang sabi-sabing pumasok sa katabing unit dahilan para pagak akong matawa. Just wow! Attitude at it's finest, tch.
"Bye, Maleficent!"
Wala sa sariling napangisi ako dahil sa itinawag sa kaniya ng anak ko. Maleficent pala, ah? Bagay sa kaniya, kuhang-kuha ang ugali.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro