Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Renz!" impit kong sigaw nang hilahin ako nito papasok sa bahay ni Lola Sireng.

Wala si Lola ngayon dahil namalengke ito sa bayan para sa pang-isahang linggo naming kakainin at ang magaling na si Renz ay laging saktuhan ang dating, na para bang sinasadya niya ito.

"Maaabutan tayo ni Lola. Ano ba, Renz? Doon na lang tayo sa ilog, kung gusto mong mag-usap tayo," mahinang sambit ko habang pinipigilan ito ngunit mas malakas siya kumpara sa akin.

Nang makapasok sa loob ay mabilis nitong sinarado ang pinto ng bahay and before I could move backward, he suddenly crushed his lips on mine without further ado. Natigilan ako. Gulat pa akong napatitig sa nakapikit nitong mga mata na halos ikaduling ko.

Hindi nagtagal nang gumalaw ito. He used his right arm to cup my face down to my neck, gently caressing it. I don't really now what's happening. I wanted to stop him so bad, but my body is now filled with burning desires and I am so fucking turned on real quick!

Damn you, Renz!

"I love you..." paos nitong sambit saka pa ako hinawakan sa likod upang alalayan at huwag tuluyang matumba.

Hindi naman ako takot sa pwedeng mangyari sa amin, I just don't want to disappoint Lola Sireng once na makita niya kami rito. Isa pa, pamamahay niya 'to. Ayoko lang na pag-isipan niya ako ng masama dahil siya na lang ang mayroon ako ngayon, bukod pa kay Renz. Sila na lang ang nasisigurado kong magmamahal sa akin ng lubos at totoo.

"Please..." Stop...

"Just tell me you love me too, Luna, and I can sacrifice everything just for you."

Sacrifice? Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Anong nakain niya at tila lasing at nagkakaganito siya ngayon? Nakaraan lang noong mag-usap kami sa may duyan, doon pa lang ay nakikita ko nang may dinadala itong problema at ngayon ay hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya.

"Luna..." nagsusumamo ang boses nito bago ako muling siniil ng halik.

Mas lalo akong nanginig at tuluyang nawalan ng lakas nang maramdaman ko ang kaliwang kamay niyang humahaplos sa baywang ko, paakyat tungong dibdib ko.

"I lo—love you too, Renz," ungol ko nang bumaba ang kaniyang halik sa leeg ko dahilan para magtaasan ang balahibo ko sa batok.

Hindi rin nagtagal nang bumalik ang labi niya sa akin and with that, I responded to his kisses. Sabik na sabik, mapaghanap ang uri ng halik niya, na para bang ito na ang magiging huli. Sa naisip ay sandali akong natigilan kaya bahagya itong lumayo sa akin, kunot ang noong pinagmamasdan ako. He was looking at me intently, his eyes are actually burning with lust and ultimacy.

"May problema ka ba?"

There, I finally said it. Iyon kasi ang nararamdaman ko sa mga nakalipas na linggo. He's always like this, sobrang clingy na parang ayaw na akong pakawalan. Tipong malingat lang ako saglit ay hahanapin niya kaagad ako. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple, nakatitig lang siya sa akin, tila hirap magsalita at sagutin ang kaninang tanong ko.

"Renz..." sambit ko saka pa hinila ang laylayan ng damit niya.

"I will always love you, Luna, no matter what happen, okay? Always keep that in your mind."

Iyon lamang ang naging sagot niya, hindi na ako hinayaan pang magsalita nang sakupin nito ulit ang labi ko. I bit my lower lip to prevent myself from moaning when he started caressing my belly. Kung may mangyayari man nga ay ito ang magiging una namin ni Renz at sa tatlong taon naming magkarelasyon ay ngayon ko lang maibibigay sa kaniya ng buo ang sarili.

That day, we made love... not knowing he will leave me after he took all of my innocence.

"So fucking corny," mahinang turan ko habang nakatingin sa whole body mirror na naroon sa kwarto.

Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa akin, pagak pang natawa nang maalala ko na naman ang nakaraan namin ng lalaking iyon. Hanggang kailan ba ako hahabulin ng alaalang 'yon?

Six years na ang nakalipas pero bakit ang sakit pa rin? Bakit nalulungkot pa rin ako sa tuwing maiisip kong ginago lang ako ng lalaking minahal ko ng sobra?

"Mamu, saan ka pupunta?" pagtatanong ni Reece na naroon na ngayon sa paanan ko.

Nakahawak ang isang kamay sa suot kong gown, na siyang kulay black at sobrang fitted sa akin kaya kitang-kita ang kurba ng baywang ko hanggang sa balakang at pang-upo ko. Backless iyon kaya ramdam ko mula sa aking likuran ang lamig, may slit design din na umabot ang hiwa hanggang sa kalahati ng hita ko.

I'm wearing a light make up since magma-maskara naman ako mamaya. Allowed din kasi 'yon, ayon na rin kay France. Hindi ko iyon pwedeng hubarin unless nagkasundo kami ng client ko na tanggalin ang mask.

Bahagya akong lumuhod para magkapantay kami ngayon ni Reece. Pasado alas nuebe na ngunit hindi pa ito natutulog dahil na rin hinihintay niya ako, pero sa pagkakataong ito ay hindi ko siya matatabihan.

"Magwo-work lang si Mamu, anak. Kaya rito ka muna, ah? Mamaya ay dadating ulit si Manang Fe para bantayan ka," paliwanag ko habang inaayos ang buhok nito.

"Mamu, mami-miss kita," aniya bago ako niyakap sa leeg.

Napapikit ako nang maramdamang mas naging mahirap pa sa akin itong gagawin ko. Walang kaalam-alam ang anak ko sa trabahong pinasok ko, nagsisinungaling ako sa kaniya at masakit iyon sa parte ko.

"Miss ka rin ni Mamu, behave ka muna , ah? Matulog ka kaagad pagkaalis ko." Hinahagod ko ang likuran nito, hindi na napigilan ang sarili nang muling tumulo ang luha ko.

"Opo, Mamu. I love you, Mamu."

"I love you more, baby ko," nangingiti kong sagot saka pa siya hinalikan sa pisngi.

Siya na lang talaga itong nagpapakilig sa akin. Sa tinuran nito ay sandali ko siyang kinulit at pinanggigilian, ilang sandali pa nang marinig naming tumunog ang door bell kaya wala sa sariling napahiwalay kami.

"Manang Fe!" tili ni Reece at nauna nang kumaripas ng takbo para pagbuksan si Manang.

Sa suot kong five inches black stelittos heels ay nahirapan akong maglakad, isama pa ang gown kong umabot hanggang sahig. Kumikinang iyon at may maliliit na beads banda sa may dibdib kaya agaw pansin din iyon. Hawak ang itim na half mask at sling bag ay dumeretso na ako sa pinto. Nakita kong papasok na si Manang habang hawak sa kamay ang anak ko.

"Manang, kayo na po muna ang bahala ulit kay Reece, ah?" bilin ko rito na agad niyang tinanguan.

"Oo, hija. Walang problema sa 'kin to. Mag-iingat ka."

"Bye, Mamu." Nag-flying kiss pa ito dahilan para matawa ako.

Nang makalabas sa unit ay doon na nawala ang ngiti ko na para bang hanggang doon na lamang ang kasiyahan ko. Blanko ang mukha kong tinungo ang elevator na mabilis ding nakababa. Sa front desk ay naabutan ko ang ilang kalalakihan, namukhaan ko pa ang ilan dito na siyang kasama namin noon ni France sa van. Nang masilayan akong palabas ng elevator ay agad silang pumunta sa likuran ko.

Nakasunod lang ang mga ito sa akin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng Demoirtel at mabilis na sumakay sa itim na van na kanina pa siguro naghihintay. Ang usapan kasi ay alas nuebe kami aalis pero nagbalik-tanaw pa ako kaya medyo natagalan. Kailangan din ay saktong alas dies ay naroon na kami sa Hotel kung saan kami magkikita ni Third.

Nang umusad ang sasakyan ay doon na nagsimulang magrigodon ang puso ko, ang lakas ng kabog nito at para pa akong namingi dahil wala na akong ibang marinig kung 'di ang pagtibok no'n. Mariin akong pumikit, sandaling nag-isip ng mga pwedeng gagawin mamaya. Kung paano ako aaktong ayos lang ang lahat sa akin kahit pa sukang-suka na ako.

Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghinto ng van dahilan para unti-unti akong magmulat. Binuksan ng isang body guard ang pinto at isa-isa na silang nagsilabasan. Inalalayan ako ng ilan sa kanila na siyang tinanggap ko dahil para na akong matutumba sa sobrang nerbyos. Huminga ako nang malalim bago taas-noong pumasok sa loob ng Chad Stone Hotel.

It's now or never, deal is a deal. Dahil sisiguraduhin kong pagkatapos nito, kailangan ay nasa kamay ko na ang five million pesos.

Nang makapasok sa loob ay deretso naming tinungo ang narentahang unit kung saan natitiyak kong naroon na si Third. Lagpas na rin kasi sa nasabing oras kaya sobrang kinakabahan ako. Paano na lang kung sobrang sungit at istrikto nito? Mamaya ay pagbuhatan pa niya ako ng kamay na siyang pinaka-ayaw ko sa lahat dahil subukan lang niya, maghahalo talaga ang balat sa tinalupan.

"Nandito na tayo, Ma'am," anang isang body guard bago kumatok doon sa isang kwartong naroon.

Sa sobrang lutang ay hindi ko na namalayang nakarating na kami sa tamang palapag at kwarto. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at ako na ang nagbukas no'n dahil may spare key naman ako. Nang maisuot ang mask ay dahan-dahan na akong pumasok sa loob at naiwan na silang lahat sa labas.

Madilim dito kaya kinapa-kapa ko pa ang switch ng ilaw na mabilis ko ring nahagilap. Sa pagsindi ng ilaw ay doon tumambad sa paningin ko ang maskuladong likod ng lalaki, nakatanaw ito sa malawak na glass window kung saan kita ang kabuuan ng siyudad.

"Third..." pagtawag ko rito at dahan-dahan naman siyang lumingon sa gawi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro